KKK Serye - Vibal Publishing
Transcription
KKK Serye - Vibal Publishing
KKK Serye UPDATED EDITION IV Gabay sa Pagtuturo agtu at Pagkatuto o Ba Batayy sa UbD EKONOMIKS Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu Bernard R R. Balitao Meriam dR. Cervantes Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Editor-Konsultant Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. KKK SERYE EKONOMIKS: MGA KONSEPTO, APLIKASYON AT ISYU Updated Edition Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD Ikaapat na Taon ISBN 978-971-07-2700-1 Karapatang-ari © 2010 ng Vibal Publishing House, Inc. at nina Bernardo R. Balitao; Meriam dR. Cervantes; at Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathala at ang mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin. Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc. Main Office: 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City Regional Offices: Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales Avenue, Cebu City Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City Bldg. A, Unit 4 Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association of the Philippines; Association of South East Asian Publishers; Graphics Arts Technical Foundation ii Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. PAUNANG SALITA I (essential questions) na pupukaw sa kaisipan ng mag-aaral upang mag-isip siya at matamo ang kakailanganing pag-unawa. Nakalatag din sa bawat planong instruksyunal ang ikalawang antas ng UbD, ang Pagtataya, na magsisilbing patunay at sukatan ng pagkatuto ng mag-aaral. Mayaman ang gabay na ito sa iba’t ibang uri ng tradisyunal na pagtataya. Subalit isang mahalagang aspekto ng gabay na ito ay ang tuon na ipinagkaloob nito sa pagbuo ng iba’t ibang halimbawa ng awtentikong pagtataya na may mga kaakibat na rubric kung saan nakatukoy ang mga criteria at indicatorr ng pagganap. Isang malaking tulong sa mga guro ang awtentikong pagtataya na inihahain ng gabay na ito upang matamo ng mga mag-aaral ang higher order thinking skills (HOTS). Kaugnay sa UbD, nakalatag din sa aspekto ng Pagtataya ang Anim na Antas ng Pag-unawa (Six Facets of Learning) na susukat at magpapakita ng kinakailangang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang ikatlong antas ng UbD o ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin ng manwal na ito ay inorganisa ayon sa isinusulong na hakbang ng pagtuturo ng 2010 Secondary Education Curriculum (2010 SEC) ng Departamento ng Edukasyon. Bawat aralin o magkakaugnay na serye ng aralin ay may gabay sa pagtuturo at pagkatuto. Layunin ng bawat gabay na tuklasin, linangin at palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral at pagkatapos ay ilapat o isalin ang kaalaman at kasanayan sa iba pang konteksto ng kanyang pag-aaral. Bukod sa pagiging naaayon sa UbD, ang isa pang mahalagang katangian ng gabay na ito ay ang paggamit ng mga web linkk bilang tulong sa pagtuturo at upang maging higit na kaaya-aya ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Tinutukoy sa mga Gabay sa Pagtuturo ang mga angkop o kawili-wiling web linkk na bubuksan ng mag-aaral sa Internett upang magkaroon ng dagdag pang kaalaman o ibayong gawain ukol sa paksang pinag-aaralan. Kailangan ninyong gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga web link. Sa huli, hangad ng gabay na ito na tukuyin ang mahahalaga at kinakailangang kaalaman at kasanayan na dapat epektibong maituro ng mga guro at matutuhang pangmatagalan ng mga mag-aaral. Ito ang magiging pundasyon natin sa paghubog ng mga makabayang mag-aaral na Pilipino. Isang makabuluhan at matagumpay na pagtuturo ang hangad namin sa inyo. sang malaking hamon ang magturo ng Araling Panlipunan. Layunin ng ating asignatura na humubog ng mga makabayang mag-aaral na may pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura at lalaking responsableng mamamayan ng ating bansa. Nangangahulugan ito na tayo bilang mga guro ay dapat may sapat na kaalaman, kasanayan at kahandaan sa pagtuturo upang makamit ng ating mga mag-aaral ang kinakailangang pagkatuto. Upang maging patnubay sa inyong isang taong pagtuturo, handog namin sa inyo, mga guro ng Araling Panlipunan, ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD. Ito ay isang napapanahong plano sa pagkatuto o sistema ng pag-aaral na nakaorganisa batay sa disenyong pangkurikulum na Understanding by Design o UbD nina Grant Wiggins at Jay McTighe. Ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD ay dinisenyo upang inyong mahusay na maituro at epektibong matutuhan ng mag-aaral ang serye ng teksbuk na Kamalayan, Kabihasnan at Kaunlaran (KKK). Nakaayon ito sa tatlong antas ng disenyong UbD. Ang tatlong antas na ito ay ang: • Antas 1: Inaasahang Bunga/Resulta ng Pagkatuto • Antas 2: Pagtataya • Antas 3: Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin Ang unang dalawang antas ay matatagpuan sa planong instruksyunal (instructional plan) ng bawat yunit o markahan. Apat ang planong instruksyunal sa gabay na ito na katumbas ng apat na yunit o markahan sa pagtuturo. Samantala, ang ikatlong antas ng UbD o ang Gabay sa Pagtuturo ang patnubay ng guro sa araw-araw niyang pagtuturo upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasahang resulta o bunga ng pagkatuto. Nakatuon ang mga Inaasahang Bunga/Resulta ng Pagkatuto sa mahahalagang kaalaman (konsepto, malalaking ideya, prinsipyo o isyu) at kasanayan na dapat matutuhan ng mag-aaral. Bilang bahagi ng unang antas ng UbD, nakalatag sa bawat planong instruksyunal ng yunit o markahan ang pamantayang pangnilalaman at pagganap (content and performance standards) na dapat matutuhan at maipamalas ng mag-aaral sa pagtatapos ng yunit o markahan. Tinutukoy rin sa unang antas ang kakailanganing pag-unawa (essential understanding) upang matamo ng mag-aaral ang inaasahang resulta o bunga ng pagkatuto. Upang gabayan ang mag-aaral sa kakailanganing pag-unawa, tinutukoy rin ang mahahalagang tanong Ang mga May-akda iii Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. TALAAN NG NILALAMAN YUNIT I MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS …………………………………… 2 YUNIT III Pagsusuri ng Ekonomiya: Makroekonomiks …………………………………… 32 Aralin n 1 Ekonomiks sa Paglipas ng Panahon …………………… 4 Aralin 18 Ang Pambansang Ekonomiya …………………………… 34 Aralin n 2 Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ……………… 6 Aralin 19 Produksyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya ……… 35 Aralin n 3 Ang Katangian at Kahalagahan ng Yamang Tao ng Pilipinas ………………………………………………… Aralin 20 Pagbabago sa Kalagayan ng Ekonomiya ……………… 37 7 Aralin 21 Patakarang Piskal ………………………………………… 38 Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman ………………………… Aralin 22 Ang Patakarang Pananalapi ……………………………… 39 8 Aralin 23 Mga Institusyong Pinansyal: Bangko, Bahay-sanglaan, at Kooperatiba ………………………… 40 Aralin 24 Ang Salapi at ang Bangko Sentral ng Pilipinas ………… 40 Aralin 25 Pandaigdigan at Pambansang Pananalapi……………… 41 Aralin n 4 Aralin n 5 Ang Konsepto ng Kakapusan …………………………… 9 Aralin n 6 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya ……… 10 Aralin n 7 Kagustuhan at Pangangailangan: Tungo sa Matalinong Pagdedesisyon …………………… 11 Aralin n 8 Ang Pagkonsumo at ang Mamimili ……………………… 12 Aralin n 9 Konsepto at mga Salik ng Produksyon ………………… 14 Aralin n 10 Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship sa Ekonomiya at Lipunan ………………………………… 14 Mga Organisasyon ng Negosyo ………………………… 15 Aralin n 11 YUNIT IV Mga Sektor ng Ekonomiya ……………………… 46 Aralin 26 Sektor ng Agrikultura ……………………………………… 48 Aralin 27 Pangisdaan at Paggugubat ……………………………… 50 Aralin 28 Papel ng Sektor ng Industriya sa Kaunlaran …………… 51 Aralin 29 Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya………… 52 Aralin 30 Pampublikong Korporasyon ……………………………… 54 Aralin 31 Sektor ng Paglilingkod …………………………………… 55 YUNIT II Pagsusuri ng Ekonomiya: Maykroekonomiks ………………………………… 20 Aralin 32 Impormal na Sektor ……………………………………… 56 Aralin n 12 Ang Mamimili at ang Demand …………………………… 22 Aralin 33 Kalakalang Panlabas ……………………………………… 57 Aralin n 13 Ang Bahay-kalakal at ang Suplay ……………………… 23 Aralin 34 Mga OFW at ang Kontribusyon Nila sa Ekonomiya …… 58 Aralin n 14 Ang Sistema ng Pamilihan ……………………………… 24 Aralin 35 Aralin n 15 Ang Konsepto ng Elasticity ……………………………… 25 Globalisasyon: Kalakaran, Katangian, at Bahaging Ginagampanan sa Kaunlaran …………………………… 59 Aralin n 16 Iba’t Ibang Istruktura ng Pamilihan ……………………… 26 Mga Samahang Pandaigdig: WTO at APEC …………… 61 Aralin n 17 Pamilihan at Pamahalaan ………………………………… 28 Apendiks …………………………………………………… 64 Aralin 36 iv Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Mga Batayang Kakayahan sa Pagkatuto sa IKAAPAT NA TAON Mga Kakayahan I. Bilang ng Kabanata Pahina sa Aklat 1 3 1 8-11 ng Pilipinas ayon sa kasarian, edad, bilang ng may trabaho/ walang trabaho, edukasyon, relihiyon • naiisa-isa ang pangangailangan ng populasyon sa Pilipinas • nahihinuha ang implikasyon ng iba’t ibang katangian ng balangkas ng populasyon b. Natataya ang uri, dami, kalidad ng lakas-paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at mataas na kalidad ng antas ng produksyon c. Nagkakaroon ng pagnanais na mapaunlad ang sarili bilang paghahanda sa pagiging produktibo 4. Naitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng pinagkukunangyaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use) C. Kakapusan 1. Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang suliraning panlipunan 2. Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon 3. Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas na yaman Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks 1. Napahahalagahan na ang pag-unawa sa mga batayang kaisipan at pamamaraan sa ekonomiks ay may kaugnayan sa pangaraw-araw na pamumuhay ng tao A. Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham 1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan 2. Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan 3. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan B. Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas 1. Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas 2. Nasusuri ang mga datos tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit ng mga ito 3. Natatalakay ang bumubuo sa yamangtao ng Pilipinas a. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa • nasusuri ang katangian ng balangkas ng populasyon 1 3-15 2 18-24 2 19-23 2/3 23-25/ 26-40 4 42-47 5 50-54/ 57-58 5 54-57 5 57-60 v Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. D. Alokasyon 1. Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbabahagi ng mga likas na yaman sa pamilya at lipunan 2. Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan 3. Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino E. Kagustuhan at Pangangailangan 1. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon 2. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa mga teorya ng pangangailangan F. Pagkonsumo 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo 2. Nasusuri ang mga epekto ng paanunsyo sa pagkonsumo 3. Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa matalinong pamimili 4. Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili 5. Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili 6 62-64 6 64-67 6 7 6. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng mga mamimili sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili G. Produksyon 1. Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito 2. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng entrepreneurship sa ekonomiya at sa produksyon 3. Nasusuri ang tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa ekonomiya at produksyon ayon sa pakikisapi at pananagutan sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya 64-67 70-71 8 84-97 9 98-119 10 120-127 11 128-133 12 134 12 135-137 12 138-142 12 140-142 II. Pagsusuri ng Ekonomiya 7 71-75 2. Napahahalagahan ang kaugnayan ng maykroekonomiks at makroekonomiks sa buhay ng bawat isa bilang kasapi ng lipunan 8 78-83 8 89-90 8 89-90 8 84-89 8 90-95 A. Maykroekonomiks 1. Nasusuri ang saklaw ng maykroekonomiks 2. Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya 3. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand 4. Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa demand vi Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 5. Nahihinuha na ang presyo ng bilihin na may epekto sa demand ng mamimili 6. Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya 7. Nasusuri ang mga salik ng produksyon na nakaaapekto sa suplay 8. Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa suplay 9. Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price sa suplay ng kalakal at paglilingkod 10. Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa suplay ng nagbibili 11. Nakapagkukwenta ng elastisidad ng demand at suplay 12. Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod 13. Naipaliliwanag ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan 14. Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan 15. Nakapagmumungkahi ng paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan 16. Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng tao 12 135-138 13 144-147 13 148-150 13 147-150 13 147-151 13 147-151 15 164-171/ 172-177 167-171/ 173-177 15 14 152-154/ 156-163 14 154-156 14 154-156 16 180-185 17. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa isang pampamilihang ekonomiya 18. Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang anyo ng pamilihan B. Makroekonomiks 1. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng makroekonomiks a. Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor sa sumusunod: • implasyon • pamumuhunan • deplasyon • pag-iimpok • empleyo (employment, unemployment, underemployment) 2. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product – Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya a. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto b. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya 17 186-195 17 195-197 18 198-208 19 210-222 vii Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 3. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang produkto (GNP) C. Implasyon 1. Nakikilala ang palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Price Index (CPI) 2. Natutukoy ang dahilan at epekto ng implasyon 3. Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon 4. Nakikilahok ng aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon bilang isang mag-aaral 5. Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon D. Patakarang Piskal 1. Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal 2. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatupad nito 3. Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan 4. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan 5. Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga paggasta ng pamahalaan 19 210-219 20 228-234 20 234-236 20 236-237 20 238-239 20 236-239 21 240-242 21 240-242 21 242-251 21 250-257 21 255 6. Nakapagsasanay sa tamang pagkompyut ng buwis 7. Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis 8. Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya E. Patakarang Pananalapi 1. Nauunawaan ang kahulugan ng patakarang pananalapi (monetary) 2. Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi a. Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya b. Nakikilala ang bumubuo sa sektor ng pananalapi c. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat sektor ng pananalapi • mga bangko • kooperatiba • pawnshop d. Nasusuri ang bahaging/tungkuling ginagampanan ng institusyon ng pananalapi sa ekonomiya e. Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi f. Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi sa buhay ng mga mamamayang Pilipino 21 250-251 21 256-257 21 240-242 22 258-260 22-25 258-300 viii Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 4. Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor ng agrikultura (repormang pansakahan) g. Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi h. Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sistema ng pananalapi i. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa bahaging ginagampanan ng mga pandaigdig na institusyon ng pananalapi tulad ng International Monetary Fund at World Bank sa pananalapi ng bansa B. Industriya at Pangangalakal 1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tungo sa isang masiglang ekonomiya 2. Nakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas 3. Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang korporasyon at pagsasapribado ng korporasyong pampamahalaan 4. Napagtitimbang ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong multinasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang ekonomiya 5. Naimumungkahi ang mabisang paraan sa pagmamay-ari at pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas 6. Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa pagsulong ng ekonomiya 7. Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor ng agrikultura at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan 8. Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng industriya at ng pangangalakal 9. Nasusuri ang mga batas hinggil sa patakarang industriyal ng Pilipinas IV. Mga Sektor sa Ekonomiya 3. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya para sa kapakanang panlahat A. Sektor ng Agrikultura 1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya ng bansa 2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino 3. Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat) 26/27 26/27 26/27 302/ 303305/316318/323 305-310/ 318-322/ 323-324 310-315/ 322-323/ 324-326 26 310-313 28 328-336 28 332-337 30 350-353 30 354 30 355 29 345-346 29 338-340 29 347 29 341-342 ix Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 10. Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng sektor ng industriya at mga kalakal tungo sa matatag na ekonomiya 28 337 C. Sektor ng Paglilingkod 1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod 31 358-364 2. Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod ng bansa 31 362-363 3. Naibabahagi ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod 31 4. Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod 31 363-364 1. Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya 32 366-369 2. Nailalahad ang saloobin ukol sa pamumuhay ng mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya 32 366-374 3. Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang ekonomiya 32 364-365 D. Impormal na Sektor ng Ekonomiya 33 382-385 3. Nasusuri ang kaugnayan ng exchange rate sa kalakalang panlabas ng bansa 33 381-382 4. Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at ekonomiya ng pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi 33 381-382 5. Nasusuri ang mga kabutihan at dikabutihan ng kalakalang panlabas tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya 33 376-382 6. Napahahalagahan ang mga lokal na kalakal at paglilingkod 33/34 376-385/ 396-405 7. Napahahalagahan ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa ng mga padalang pera ng mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa 34 388-394 8. Natitimbang ang epekto ng globalisasyon sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino batay sa mga patakarang: 35 396-405 36 408-416 a. liberalisasyon b. deregulasyon c. 368-369/ 372-373 33 pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan 9. Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig E. Kalakalang Panlabas 1. Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa 2. Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino 376-385 x Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 8. Ang proseso kung saan ang mga sangkap (input) ay pinagsamasama upang makabuo ang produkto (output) a. pagkonsumo c. pangangapital b. pamamahagi d. produksyon* PANG-UNA/PANGHULING PAGSUSULIT Kaalaman sa Katawagan. Piliin ang wastong sagot. Isulat lamang ang titik. 1. Ito ay isang sangay ng agham panlipunan tungkol sa pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang magamit sa pagbuo ng mga bagay at serbisyong makatutugon sa kagustuhan at pangangailangan ng tao. a. alokasyon c. ekonomiks* b. econometrics d. makroekonomiks 9. Pinakapayak at pinakakaraniwang uri ng negosyo a. isahang pagmamay-ari* c. korporasyon b. sosyohan d. kooperatiba 2. Dibisyon ng ekonomiks na sumusuri sa galaw ng bawat negosyo at konsyumer a. makroekonomiks c. econometrics b. maykroekonomiks* d. Araling Panlipunan 3. Ang batayan ng problemang pang-ekonomiya na bunga ng pagkalimitado ng pinagkukunang-yaman a. kahirapan c. kakulangan b. kakapusan* d. kalabisan 4. Binubuo ng mga taong may edad na 15 taon at pataas na may trabaho, walang trabaho, at yaong naghahanap ng trabaho a. umaasang populasyon c. lakas-paggawa* b. underemployed d. minority 5. Sangkap ng produksyon na nagmula sa kalikasan a. yamang tao c. yamang likas* b. yamang kapital d. yamang pisikal 6. Doktrinang nagsasaad na dapat kontrolin ang kapangyarihan ng pamahalaan lalong-lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa ekonomiya a. laissez faire* c. merkantilismo b. komunismo d. sosyalismo 7. Yaong ating pinakakawalan kapag tayo ay pumipili o gumagawa ng isang desisyon a. kabuuang gastos c. opportunity cost* b. bumababang halaga d. variable cost 10. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo a. suplay c. ekilibriyo b. demand* d. disekilibriyo 11. Ang mataas na presyo ng produkto ay ______. a. nakapagpapababa sa dami ng demand* b. nakapagpapataas sa dami ng demand c. walang epekto sa dami ng demand d. wala sa nabanggit 12. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng bahay-kalakal sa iba’t ibang presyo a. suplay* c. ekilibriyo b. demand d. disekilibriyo 13. Ang mababang presyo ng produkto ay ______. a. nakapagpapataas sa dami ng suplay b. nakapagpapababa sa dami ng suplay* c. walang epekto sa dami ng suplay d. wala sa nabanggit 14. Nagpapahiwatig ng pagkakasundo ng mamimili at nagbibili a. kasunduan c. ekilibriyo* b. sabwatan d. disekilibriyo 15. Ang malaking kita ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand patungo sa ______. a. kanan* c. walang pagbabago b. kaliwa d. wala sa nabanggit xi Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 16. Dahilan upang ang kurba ng suplay ay lumipat pakaliwa 21. a. saganang ani Sabwatan ng mga oligopolist sa presyo upang makontrol ang pamilihan b. pagdami ng prodyuser a. kasunduan c. c. b. cartel* d. monopsony baha at bagyo* 22. d. pagliit ng gastos sa produksyon 17. Ang pagtugon ng mga mamimili sa anumang pagbabago sa presyo ng kalakal o paglilingkod a. price elasticity ng demand* 23. b. price elasticity ng suplay c. 18. perfectly price elastic demand c. b. makroekonomiks* d. economic policy b. patakarang piskal* a. perfectly price elastic d. Filipino-first Policy c. 24. price elastic* one-child policy Upang maiwasan ang inflation, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagsasagawa ng contractionary money policy sa pamamagitan ng ______. Kapag hindi nagbago ang dami ng pagkonsumo kahit tumaas o bumababa ang presyo ng kalakal o serbisyo a. pagpapataas ng interest rate* a. unit elastic c. b. price elastic d. pagdaragdag sa gastos publiko c. econometrics Ang pagpapatupad ng pamahalaan ng episyenteng balanseng pag-unlad at katatagan ng ekonomiya kung may mga elementong nagdudulot ng disekilibriyo sa ekonomiya Kapag mas malaki ang bahagdan ng pagbabago sa dami kumpara sa presyo d. price inelastic 20. a. maykroekonomiks a. patakarang pananalapi c. 19. Dibisyon ng ekonomiks na tungkol sa pag-aaral ng buong ekonomiya d. perfectly price inelastic demand b. perfectly price inelastic samahan b. pagpapababa ng interest rate 25. perfectly price elastic pagpapababa ng singil na buwis Uri ng industriya na ang kalakal na nabubuo ay gawang kamay d. perfectly price inelastic* a. maliit at katamtaman Anyo ng pamilihang may lubhang napakaraming prodyuser at konsyumer na hindi kayang kontrolin ang presyo, demand, at suplay ng produkto b. industriya ng asukal c. malaking industriya d. industriyang pantahanan* a. ganap na kompetisyon* b. monopoly 26. Isang paraan kung saan ang mga korporasyon at negosyo ay sumasailalim sa kontrol o pamamahala ng pamahalaan c. a. pagsasapribado c. b. nasyonalisasyon* d. kaloob oligopoly d. di-ganap na kompetisyon prangkisa xii Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 27. 28. 32. Tungkol ito sa paraan o inobasyong makaagham upang mapaunlad ang paraan ng paggawa a. agham c. teknolohiya* b. preserbasyon d. konserbasyon Layunin ng R.A. 8762 o Retail Trade Liberalization Act of 2000 na ______. 33. a. limitahan ang kalakalang tingian sa mga Pilipino lamang b. mahikayat ang mga Pilipino at dayuhang mamumuhunan sa bansa* c. bigyang-proteksyon ang mga lokal na mamumuhunan a. kita c. badyet* b. gastusin d. pag-iimpok Ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa halos buong pamilihan a. inflation* c. deflation b. depreciation d. recession Tungkol sa mga tanong sa bilang 34-35, tingnan ang talahanayan sa ibaba. d. isara ang kalakalan para sa mga Pilipino lamang 29. Tumutukoy sa paglalahad ng kita na gugugulin ng isang tao, pamilya, kompanya, o pamahalaan sa loob ng isang takdang panahon Ahensyang nangunguna sa pagsubaybay sa larangan ng kalakalan at industriya Ani Bawat Ektarya New Zealand Australia Trigo 500 kilo 800 kilo Bigas 600 kilo 400 kilo a. Department of Trade and Industry* b. Department of Foreign Affairs c. Department of Finance d. Department of Labor and Employment 30. Sektor na kulang sa mga legal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pangkabuhayan a. impormal na sektor* 34. b. sektor ng industriya c. a. trigo sektor ng agrikultura b. bigas* d. sektor ng pananalapi 31. Saang produkto dapat magpakadalubhasa ang New Zealand? c. Pangunahing pinagmumulan ng pananalapi ng pamahalaan parehong bigas at trigo d. wala sa nabanggit a. mga kaloob at tulong b. kita mula sa kapital 35. Halaga ng isinasakripisyong bigas bawat ektarya kapag nagpakadalubhasa sa trigo ang Australia c. a. 500 kilo c. b. 600 kilo d. 400 kilo* kita mula sa operasyon at serbisyo d. pagbubuwis* 800 kilo xiii 1 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. YUNIT I MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS Kabuuang bilang ng araw: 57 ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino Nakagagawa ng journal tungkol sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkasira at pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa at ang mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pinagkukunang-yaman sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Paano nakaaapekto ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa sa pagsulong ng pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino? ANTAS 2: PAGTATAYA C. Paglalapat Nakalalahok sa mga gawain o naipahahayag ang paninindigan sa mga isyung pangkapaligiran at iba pang pinagkukunangyaman D. Perspektibo Nabibigyang-katwiran ang episyenteng paggamit ng pinagkukunang-yaman para sa kabutihan ng bansa, lalo na ng susunod na henerasyon E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba 1. Nailalagay ang sarili sa katayuan ng Pangulo ng bansa 2. Naisasabuhay ang nararanasang sakripisyo, pagtitiis, at commitment upang maiangat ang kalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng bansa F. Pagkilala sa Sarili Namumulat sa kakulangan sa pagtupad sa tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran bunga ng maling paniniwala na ito ay responsibilidad lamang ng pamahalaan at hindi ng buong sambayanan Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan: A. Pagpapaliwanag Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino B. Pagpapakahulugan Nabibigyang-puna ang pananagutan ng bawat mamamayan na pangalagaan ang pinagkukunang-yaman ng bansa ☛ Awtentikong Pagtataya 1. Magpagawa ng journal na tumatalakay sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkasira at pagkaubos ng mga pinagkukunangyaman ng bansa at ang mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito. Gamitin ang rubric sa Apendiks bilang batayan sa pagmamarka ng gawaing ito. 2. (Para sa Aralin 1) Maaaring gumamit ng tula, jingle, o rap sa pagtataya ng mga konseptong kanilang natutuhan hinggil sa kung ano ang ekonomiks. 2 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ☛ Tradisyunal na Pagtataya A. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto. Kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang maging wasto ang pangungusap. ___________ 1. Hinango ang “ekonomiks” sa salitang Greek na oikonomia. (Tama) ___________ 2. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagbibigay sa tao ng mga kaalamang nakatutulong sa paggawa ng tamang desisyon. (Tama) ___________ 3. Ang opportunity cost ng pagliban sa klase ay ang halaga ng kaalamang natutuhan sana kung pumasok sa paaralan. (Tama) ___________ 4. Sa mga rehiyon sa Pilipinas, pinakamalawak ang kagubatan sa NCR. (Timog Katagalugan) ___________ 5. Pagmimina ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. (Agrikultura) ___________ 6. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang mapataas ang produksyon ng mga bahaykalakal. (Tama) ___________ 7. Ang yamang mineral ay madaling mapalitan na pinagkukunang-yaman. (hindi-napapalitan) ___________ 8. Namumuhunan ang pamahalaan sa mga gawaing panlipunan para sa kapakanang pambayan. (Tama) ___________ 9. Ang yamang kapital ay limitado lamang sa salaping puhunan ng mga bahay-kalakal. (hindi limitado) ___________ 10. Si Michael Todaro ang nagsabing ang pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya. (Abraham Harold Maslow) B. Kaalaman sa Tiyak na Bagay. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang itinuturing na “Ama ng Ekonomiks” at may akda ng The Wealth of Nations ay si _______________. a. David Ricardo c. Adam Smith* b. Karl Marx d. Thomas Malthus 2. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa kabuuang dimensyon ng ekonomiya ay tinatawag na _______________. a. makroekonomiks* c. econometrics b. maykroekonomiks d. labor economics 3. 4. 5. 6. 7. 8. Para sa bilang 3-5, gamitin ang sumusunod na mga datos. may trabaho — 12,000 walang trabaho — 5,000 wala sa lakas-paggawa — 1,000 Ang kabuuang lakas-paggawa ay _______________. a. 17,000* c. 6,000 b. 18,000 d. 13,000 Ang kabuuang populasyon ay _______________. a. 17,000 c. 6,000 b. 18,000* d. 13,000 Ang antas ng mga walang trabaho ay _______________. a. 29.42% c. 29.43% b. 29.41%* d. 29.44% Ang dami ng produktong malilikha ng kombinasyon ng mga salik ng produksyon ay ipinakikita ng _______________. a. total product b. production function* c. marginal product d. consumption function Kung ang total cost ay 5 45 at ang fixed cost ay 5 20, ang variable cost ay _______________. a. 525* c. 565 b. 530 d. 5520 May masamang epekto sa yamang dagat ang sumusunod maliban sa _______________. a. dynamite fishing c. cyanide b. muro ami d. lambat* 3 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 9. Batay sa sensus ng populasyon sa Pilipinas noong 2007, ang kalalakihan ay 50.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas at 49.6% naman ang kababaihan. Nangangahulugan ito na _______________. a. pantay ang dami ng babae sa lalaki b. mas marami ang babae sa lalaki c. mas marami ang lalaki sa babae* d. bata ang populasyon ng Pilipinas 10. Ang mga taong may trabaho na hindi angkop sa kanilang kasanayan o pinag-aralan ay tinatawag na ______________. a. underemployed* c. employed b. unemployed d. over-employed B. Ayusin ang baytang ng pangangailangan mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli ayon kay Abraham Harold Maslow. Gamitin ang mga titik a-e. (b) _____ 1. Pangkaligtasan (a) _____ 2. Pisyolohikal (e) _____ 3. Pangangailangang maipatupad ang kaganapan ng pagkatao (c) _____ 4. Pangangailangang makisalamuha, makisapi, at magmahal (d) _____ 5. Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba 2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Ano ang ipinakikita ng nabuong collage? b. Batay sa nabuong collage, ano ang inyong konsepto o pagkaunawa kung ano ang ekonomiks? c. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 16-17 ng batayang aklat. Mga sagot: 1. laissez faire 6. Jose Basco y Vargas 2. efficiency 7. Gregorio Sandico y Goson 3. equilibrium 8. descriptive economics 4. utilitarianism 9. sustainability 5. oikonomia 10. human empowerment B. Paglinang 1. Maaaring pangkatin ang klase sa pagsasagawa ng sumusunod: a. Pangkat 1: Gumamit ng events chain para sa pagpapakita ng mga kaganapang nagbunsod sa pagsilang ng ekonomiks. Ang bawat kahon ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan, pangyayari, o tao sa bawat yugto. PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN Aralin 1 Ekonomiks sa Paglipas ng Panahon ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Magpagupit sa mga mag-aaral ng mga larawan o mga headline sa pahayagan o magasin na may kaugnayan sa ekonomiks. Ipadikit ang mga ito sa kartolina upang makabuo ng collage. 4 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. b. Pangkat 2: Gumamit ng matrix o talahanayan upang maipakita ang ugnayan ng ekonomiks sa iba’t ibang disiplina. KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBAʼT IBANG DISIPLINA Disiplina c. Tuon ng Pag-aaral Kaugnayan sa Ekonomiks Pangkat 3: Maaaring gumamit ng Venn diagram sa pagtalakay ng paksang may kaugnayan sa ekonomiks at mga larangan nito. MGA NAITATAG NA LARANGAN SA EKONOMIKS Tradisyunal Di-tradisyunal d. Pangkat 4: Magtanghal ng panayam o talk show para sa paksang, “Ang Ekonomiks sa Pilipinas”. Maaaring gamitin ang mga tanong sa pahina 17 ng batayang aklat para sa panayam. C. Pagpapalalim 1. Gamitin ang sumusunod na mga tanong para sa talakayan. Mga gabay na tanong: a. Paano umunlad ang ekonomiks bilang isang disiplina? b. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks? c. Ipaliwanag ang ugnayan ng ekonomiks sa iba’t ibang disiplina. d. Paano lumawak ang mga larangan ng ekonomiks? e. Bakit sinasabing ang pag-aaral ng ekonomiks sa Pilipinas ay nasa musmos na kalagayan? f. Paano pinagyayaman ng bansa ang pag-aaral ng disiplina ng ekonomiks? 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. D. Paglalapat 1. Magpagupit ng tatlong balita sa isang pahayagan o magasin. Ipapaliwanag kung bakit ang mga usapin ay saklaw ng pagaaral ng ekonomiks. 2. Ipasagot ang interactive drill para sa araling ito na nasa i-learn.vibalpublishing.com. E. Pagpapahalaga 1. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 16 ng batayang aklat. 2. Itanong: Paano makatutulong ang mga kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-araw mong buhay bilang isang mag-aaral? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, kartolina, pahayagan at magasin, Internet 5 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 2 Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Sa pamamagitan ng concept diagnosis, magdikit sa pisara ng larawan ng bundok, puno, dagat, ilog, gubat, bukirin, kompyuter, kotse, ginto, tanso, at gusali. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat ng mga larawan. Maaari itong mapangkat sa ganitong paraan: A bundok bukirin B C puno gubat dagat ilog D kompyuter kotse gusali E ginto tanso 2. Lagyan ng label ang bawat pangkat sa kahon. a. Yamang lupa d. Yamang kapital b. Yamang gubat e. Yamang mineral c. Yamang tubig Ibigay ang mahalagang tanong: Paano nakaaapekto ang dami at kalidad ng pinagkukunang-yaman sa pagsulong ng kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino? B. Paglinang 1. Magpabuo ng matrix na may sumusunod na mga kolum: a. Uri b. Halimbawa c. Pinaggagamitan d. Saan Matatagpuan e. Kasalukuyang Kalagayan f. Wastong Gamit at Pangangalaga Gamitin ang mga datos na nasa batayang aklat para sa pagbuo ng matrix. Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa nabuong matrix. 2. Maaari ding gamitin ang mapang pang-ekonomiya ng Pilipinas upang tukuyin ang lokasyon ng mga pinagkukunangyaman. 3. Gumamit ng graph o talahanayan na nagpapakita ng mga datos at estadistika na may kinalaman sa pinagkukunangyaman ng Pilipinas. a. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong: • Ano ang mga uri ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas? • Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman ng Pilipinas? b. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral batay sa mga datos at estadistika. 3. Ipapanood ang video tungkol sa pinagkukunang-yaman. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para sa video na ito. Magpasulat ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa video. C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong: a. Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinagkukunangyaman ng bansa sa kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng tao? b. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang dami at kalidad ng pinagkukunang-yaman ng bansa? c. Bakit may mga bansang kahit kapos sa likas na yaman ay maunlad pa rin? 2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kani-kanilang kuru-kuro. D. Paglalapat 1. Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang pagpapakahulugan nila sa kasabihang, “Ubos-ubos biyaya pagkatapos ay nakatunganga.” Iugnay sa aralin ang kasabihang ito. 2. Magpagawa ng album na nagpapakita ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman sa bawat rehiyon ng Pilipinas. 6 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. E. Pagpapahalaga Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 24 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mapang pang-ekonomiya ng Pilipinas, mga larawan, oslo paper, typewriting paper, lapis, pangkulay, Internet Aralin 3 Ang Katangian at Kahalagahan ng Yamang Tao ng Pilipinas ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipaskil ang karikatura ng isang malaki at matabang sanggol at isang ina na may hawak na isang bote ng feeding bottle. Lagyan ng label na POPULASYON ang karikatura ng sanggol habang PINAGKUKUNANG-YAMAN naman ang sa ina. 2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Ano ang mensaheng ipinakikita ng karikatura? b. Ganito kaya ang kalagayan sa Pilipinas? B. Paglinang 1. Gamit ang mga talahanayan/estadistika/datos at grap ng mga paksang nasa ibaba, susuriin at ipaliliwanag ng naatasang pangkat ang bawat isa. a. Kabuuang populasyon batay sa edad b. Kabuuang populasyon ng lakas-paggawa batay sa kung ilan ang employed, underemployed, at unemployed c. Kabuuang populasyon ng lakas-paggawa batay sa hanapbuhay o kinabibilangang sektor Maaaring iatas sa apat na pangkat ang pagpapaliwanag at pag-uulat ng mga datos na nabanggit isa o dalawang araw bago ang talakayan. 2. Magsagawa ng isang panel discussion o panayam ang ikalimang pangkat ng mga mag-aaral hinggil sa paksang “Pagpapaunlad sa Kalidad ng Paggawa”. Mga gabay na tanong: a. Ano ang mga kadahilanan ng mabilis na paglaki ng populasyon? b. Paano nakaaapekto ang mabilis na paglaki ng populasyon sa lipunan at ekonomiya? C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong: Paano mapangangalagaan at mapayayaman ang lakaspaggawa? Hayaang magbanggit ng kanilang opinyon ang mga mag-aaral. 2. Itanong din sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong: a. Anong mga programa ang maaaring ipatupad ng pamahalaan bilang pangangalaga sa yamang tao nito? b. Sa panig naman ng populasyon na bumubuo sa lakaspaggawa ng bansa, paano naman nila dapat pangalagaan ang kanilang sarili upang maging kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng bansa? D. Paglalapat 1. Itanong sa klase kung paano nila pinaghahandaan ang hinaharap bilang bagong kasapi ng lakas-paggawa ng bansa. 2. Hayaang magbigay ng sariling pananaw ang mga mag-aaral. 3. Sa huli, itimo sa isipan ng mga mag-aaral na mahalaga ang papel na ginagampanan ng lakas-paggawa sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Anong mga gawain ng pamahalaan ang dapat pahalagahan upang maiangat ang kalagayan sa buhay ng mga manggagawang Pilipino? Ipaliwanag ang sagot. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 40 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, talahanayan, estadistika, datos, grap, karikatura, Internet 7 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 4 Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita ang comic strip na ito sa mga mag-aaral. Hoy Earth! Ano ang nangyari sa ozone layer mo? E, paano kung mas lumaki pa ang butas? Eto, lumalaki na ang butas! Malamang goodbye Earth na! Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: • Ano kaya ang kahihinatnan ng mundo? • Bakit humantong sa ganitong kalagayan ang mundo? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 48 ng batayang aklat. 3. Maaaring ipapanood sa klase ang ilang fi lm clip o documentary film tungkol sa pagkasira ng kalikasan tulad ng, “An Inconvenient Truth” na isinalaysay ni Al Gore at Signos: Banta ng Nagbabagong Klima. Maaaring makita ang mga ito sa Youtube. 4. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga salita: a. landslide b. red tide c. fishkill Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang mga insidente ukol dito. B. Paglinang 1. Ipabasa ang Aralin 4: Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman sa pahina 42-47 ng batayang aklat. 2. Mag-imbita ng isang tagapagsalita na may awtoridad sa nasabing paksa lalo na sa pangangalaga at mga batas ukol sa kalikasan. 3. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan. a. Ano ang layunin ng likas-kayang paggamit? b. Paano nakatutulong ang likas-kayang paggamit at pangangalaga ng yamang likas? c. Ano ang mga epekto sa tao ng patuloy na pagkasira at pagkaubos ng yamang likas? d. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga yamang likas ng bansa? C. Pagpapalalim 1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang isinasaad ng quotation na ito: “The earth does not belong to man, man belongs to the earth, and all things are interconnected like the blood that unites the family. We did not weave the web of life, we are merely a strand in it. Whatever you do to the web, you do it to yourself.” (Halaw mula sa sulat ni Chief Seattles, pinuno ng mga Squamish Indian sa Washington noong 1800) 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. D. Paglalapat 1. Magpagupit ng mga balitang may kaugnayan sa pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman. Ipasa bilang collage. 2. Magpabuo sa mga mag-aaral ng isang panata o commitment na naglalaman ng kanilang adhikain, mithiin, at pangako sa kalikasan. Bigyan ito ng pamagat na “Panata Ko sa Kalikasan.” 3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 49 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 48 ng batayang aklat. 2. Ipasagot: Bilang isang mag-aaral at naninirahan sa daigdig, paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang kalikasan? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, video documentary na “An Inconvenient Truth,” National Geographic “Global Warming,” at “Signos: Banta ng Nagbabagong klima” ng GMA 7, Internet 8 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. c. Aralin 5 Ang Konsepto ng Kakapusan ✏ Mga Gawain at Estratehiya Pangkat 3: Mga kadahilanan ng kakapusan gamit ang graphic organizer KADAHILANAN NG KAKAPUSAN A. Pagtuklas 1. Maghanda ng tsart gamit ang K-W-L chart. K-now W-ant L-earn MAAKSAYANG PAGGAMIT 2. Itanong kung ano ang alam ng mga mag-aaral ukol sa kakapusan. Itala sa kolum ng K-now. Pagkatapos ay itanong kung ano ang gusto nilang malaman ukol sa kakapusan at itala sa ilalim ng W-ant. Sa pagtatapos ng aralin, saka itanong sa mga mag-aaral ang kanilang natutuhan ukol sa kakapusan at itala sa kolum na L-earn. B. Paglinang 1. Maaaring iatas sa apat na pangkat ang pagpapaliwanag at pag-uulat isa o dalawang araw bago ang talakayan. a. Pangkat 1: Mga palatandaan ng kakapusan — Pag-uulat gamit ang puppet show at picture parade b. Pangkat 2: Paghahambing sa kakapusan at kakulangan sa pamamagitan ng Venn diagram Kakapusan Kakulangan WALANG HANGGANG PANGANGAILANGAN NON-RENEWABILITY d. Pangkat 4: Gamitin ang social inquiry sa pag-uulat ng sumusunod na mga temang maiuugnay sa konsepto ng kakapusan. • Ang kakapusan ay nagdudulot ng kaguluhan. • Ang pagkakaroon ng di-pagkakapantay-pantay (inequality) ng tao sa lipunan ay bunga rin ng kakapusan. • Ang tao ay may kakayahang harapin ang hamon ng kakapusan. 2. Maaari ding ibigay ang mga gabay na tanong sa pahina 61 ng batayang aklat at ipasagot sa buong klase bilang malayang talakayan. C. Pagpapalalim 1. Magbigay ng input tungkol sa paradox ng diyamante at tubig at ang kaugnayan nito sa kakapusan. Itanong sa klase ang mahalagang tanong: Bakit mas pinahahalagahan natin ang diyamante kumpara sa tubig samantalang mas mahalaga ang tubig? 2. Itanong din sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong: a. Sa inyong palagay, ano ang mangyayari kung magkakaroon ng kakapusan ng suplay ng tubig? b. Kung papipiliin ka sa pagitan ng diyamante at tubig, ano ang mas pipiliin mo? Bakit? 9 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. D. Paglalapat Aralin 6 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya 1. Ipaayos ang sumusunod na mga gawain ayon sa prayoridad ng bawat mag-aaral sa loob ng 12 oras. Gamitin ang mga titik na A hanggang L. Palagyan din ng takdang oras ang bawat gawain upang hindi lumagpas sa oras. ______ 1. Pagtulog ______ 2. Paglalaro ______ 3. Pag-aaral ______ 4. Paggamit ng kompyuter ______ 5. Pagkain ng almusal ______ 6. Panonood ng TV ______ 7. Pagmemeryenda ______ 8. Pagkain ng tanghalian ______ 9. Pakikipagkwentuhan sa kaibigan ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Maghanda ng tsart at magsagawa ng survey sa klase. Bilangin ang mga mag-aaral na may kaalaman sa mga sistemang pangekonomiya. Maaari ding isulat sa tsart ang mga konseptong kanilang nalalaman ayon sa paksa. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Tradisyunal Market Command Mixed ______ 10. Pagkain ng hapunan ______ 11. Paliligo/paglilinis ng katawan ______ 12. Pamamasyal 2. Ihambing ang ginawang talaan sa mga kamag-aral. Ano ang naging basehan sa paggawa ng prayoridad sa pagpili? 3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 61 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Iproseso: Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong ang diwa ng opportunity cost at kakapusan sa pagbuo ng tamang desisyon? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 60 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, tsart, graphic organizer tulad ng Venn diagram, Internet 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 68 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Pangkatin sa dalawa ang klase upang ipaliwanag at iulat ang paksa. a. Pangkat 1: Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng tree diagram upang ipaliwanag ang kaugnayan ng kakapusan, alokasyon, at sistemang pang-ekonomiya. b. Pangkat 2: Gamitin ang cluster map upang maipaliwanag ang katangian ng iba’t ibang sistemang pangekonomiya 2. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan. a. Ano ang alokasyon? 10 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. b. Ano ang sistemang pang-ekonomiya? Ano ang mga katangian ng mga uri nito? c. Ano ang maaaring mangyari kung walang sistemang pang-ekonomiya o hindi epektibo ang pinaiiral na sistemang pang-ekonomiya? d. Paano nagkakaiba-iba ang paraan ng alokasyon ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya? e. Paano tinutugunan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya ang mga suliraning pangkabuhayan? 3. Maaari ding gamitin ang mga tanong sa pp. 68-69 ng batayang aklat bilang gabay sa talakayan. C. Pagpapalalim 1. Maglunsad ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na mga tanong: a. Bakit iba-iba ang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa iba’t ibang bansa? b. Sa iyong palagay, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang dapat pairalin sa Pilipinas? Bakit? 2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. D. Paglalapat Ipagawa ang Gawain sa pahina 69 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Anong katangian sa bawat sistemang pang-ekonomiya ang inaakala mong mainam at kapuri-puri? Bakit? 2. Ipasagot ang unang tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 68 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, tsart, graphic organizer, Internet Aralin 7 Kagustuhan at Pangangailangan: Tungo sa Matalinong Pagdedesisyon ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Itanong sa mga mag-aaral kung anong mga bagay ang bibilhin nila kung sila ay may 51,000. 2. Itanong ang kadahilanan ng kanilang piniling mga bagay. 3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na matututuhan nila kung ano ang kagustuhan at pangangailangan. 4. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 77 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa apat at ilahad ang aralin sa pamamagitan ng sumusunod: a. Pangkat 1: Picture analysis ng isang pamilyang mahirap at mayaman. Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa pangangailangan at kagustuhan. Itanong: • Ano ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan? • Saang aspekto nagkakatulad at nagkakaiba ang kanilang pangangailangan at kagustuhan? Bakit? • Maaari bang ang pangangailangan ng isang tao ay maging kagustuhan naman ng iba? b. Pangkat 2: Concept map na magpapakita sa mga salik na maaaring makaapekto at makapagpabago sa pangangailangan at kagustuhan c. Pangkat 3: Pag-uulat sa teorya ni Maslow at teorya ni McClelland sa klase d. Pangkat 4: Panel discussion at statistical analysis hinggil sa paksang, “Pangangailangan ng Pamilyang Pilipino”. Magkaroon ng moderator na magtatanong at mangangasiwa sa talakayan. Ang mga panelist naman 11 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ay binubuo ng mga mag-aaral. Mas mainam kung iba-iba ang antas ng mga kalahok. Kailangang malaman ang sumusunod na mga detalye: • Badyet sa isang buwan • Paraan ng paggasta o mga gugulin • Pinakamalaki at pinakamaliit na gugulin 2. Gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan: a. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan? b. Bakit nag-iiba-iba ang pangangailangan at kagustuhan ng tao? c. Ano ang kaibahan ng teorya ni Maslow sa teorya ni McClelland? d. Paano ang spending pattern ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan? C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong para sa paksang ito: Bakit kailangang maging malinaw sa isang tao kung ano ang kanyang kagustuhan at ang kanyang pangangailangan? Hayaang magbahagi ng kanilang opinyon ang mga mag-aaral. 2. Itanong din sa klase ang iba pang mga kaugnay na tanong: a. May kaugnayan ba ang kagustuhan at pangangailangan sa pagpapasya ng isang mamimili? Ipaliwanag. b. Sa inyong palagay, alin ang mas matimbang sa tao, ang kanyang pangangailangan o kanyang kagustuhan? Pangatwiranan. D. Paglalapat 1. Itanong: Sa anong pagkakataon o kaganapan na ang mga pangangailangan ng mga tao ay nagiging kagustuhan? Ipaliwanag. 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 77 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Iproseso: Sakaling ikaw ay nakakariwasa sa buhay, paano mo pahahalagahan ang pangangailangan sa buhay lalo na ng mahihirap? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 76 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga larawan Aralin 8 Ang Pagkonsumo at ang Mamimili ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Itanong sa klase: Bakit may mga restaurant na nagbibigay ng eat all you can, unlimited rice at bottomless drinks? 2. Magbigay ng maikling oryentasyon tungkol sa inaasahan sa pag-aaralang mga paksa. 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 96 ng batayang aklat. Sagot: 1. mamimili 6. badyet 2. kasiyahan 7. demonstration effect 3. satiated 8. purchasing power 4. allowance 9. islogan 5. baratilyo 10. Consumer Act of the Philippines B. Paglinang 1. Pangkatin sa lima ang klase upang ilahad ang aralin sa pamamagitan ng sumusunod: a. Pangkat 1: Magpakita ng mga larawan tungkol sa pagkonsumo. Dapat ipakita sa larawan na nasisiyahan ang tao sa paggamit ng produkto. b. Pangkat 2: Simulation. Magdala ng isang pitsel ng tubig at isang baso. Tumawag ng isang mag-aaral at obserbahan kung ano ang mangyayari kung iinom siya ng 12 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. sunod-sunod na baso ng tubig. Para sa mas malalim na paliwanag, gamitin ang mga datos na nasa Talahanayan 8.1 sa pahina 80 ng batayang aklat. Ipasuri ang graph at ipaliwanag ang isinasaad ng Law of Diminishing Marginal Utility. c. Pangkat 3: Ilalapat ng mga mag-aaral sa graph ang mga datos na nasa Talahanayan 8.2 sa pahina 82 ng batayang aklat. d. Pangkat 4: Magpakita ng skit ukol sa matalinong pamimili at pagkonsumo. Gamitin ang mga karapatan at pananagutan ng mamimili bilang batayan. e. Pangkat 5: Maaaring gumamit ng semantic web sa pagtalakay ng paksang: Ano ang mga epekto ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo? Presyur Asosasyon Bandwagon Effect ANO ANG MGA EPEKTO NG PAG-AANUNSYO SA PAGKONSUMO? Pag-apela sa emosyon Paggamit ng islogan Demonstration Effect C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Bakit mahalagang bilhin ng mamimili ang mga produktong kabilang sa kanyang preferences? b. Bakit mahalaga rin na hindi hihigit sa badyet ng mamimili ang bibilhin niyang produkto? c. Paano maipakikita ng isang mamimili ang katalinuhan sa pamimili? d. Kailan nagiging mabuti ang epekto ng anunsyo sa mamimili? e. Sa paanong paraan mapangangalagaan ang mga karapatan at pananagutan ng mga mamimili? 2. Para sa pagpapalawak ng aralin, ipasaliksik sa mag-aaral ang mga paraan sa pagsubaybay ng sariling paggasta at mga paraan sa matalinong paggasta. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Ipatala sa isang papel ang mga natutuhan nila rito tungkol sa matalinong paggasta. D. Paglalapat 1. Pabigyang-puna o opinyon sa mga mag-aaral ang mga karaniwang nakapaskil sa mga tindahan na “The customer is always right” at “No return no exchange.” 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 97 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga Pagpapatotoo Snob Effect Paulit-ulit 1. Iproseso: Saang pagkakataon mo masasabing ikaw ay naging responsableng mamimili? Ipaliwanag. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 96 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga larawan, talahanayan at graph, Internet 13 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 9 Konsepto at mga Salik ng Produksyon • ✏ Mga Gawain at Estratehiya • A. Pagtuklas 1. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 118 ng batayang aklat. 2. Ipaskil ang dayagram na ito sa pisara. 3. Tanungin ang mga mag-aaral kung anong konsepto ang ipinakikita ng dayagram. B. Paglinang 1. Pangkatin sa tatlo ang klase upang talakayin ang sumusunod na mga paksa: a. Pangkat 1: Magpapakita ng pantomime ng kaganapan o gawain sa isang pabrika. Bigyang-pansin ang mga salik ng produksyon. b. Pangkat 2: Gamitin ang Pigura 9.1 sa pahina 106 ng batayang aklat. Para sa malalim na pagpapaliwanag, gamitin ang mga talahanayan, graph, at formula. c. Pangkat 3: Pagbatayan ang Talahanayan 9.4 sa pahina 115 at Pigura 9.5 sa pahina 116 ng batayang aklat sa pagtalakay sa Production Possibility Frontier. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan: • Ano ang produksyon? • Ano ang mga salik ng produksyon at katangian ng bawat isa? • Ipaliwanag ang iba’t ibang antas ng produksyon. • Bakit mahalagang bigyang-tuon ang Diminishing Marginal Returns? Sa anong antas masasabing mainam ang lebel ng produksyon? Bakit? Kailan masasabing episyente ang paggamit ng mga salik ng produksyon sa PPF? C. Pagpapalalim 1. Muling pangkatin ang mga mag-aaral. Pagawin ng collage ang bawat pangkat. Ang tema ng collage ay “Tamang Konsepto ng Produksyon Tungo sa Paglago ng Ekonomiya.” 2. Ipapaliwanag sa klase ang nabuong collage. 3. Itimo sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbuo ng tamang kombinasyon sa proseso ng produksyon upang makatiyak ng kaaya-ayang resulta. D. Paglalapat Magpasaliksik ng mga planong pangkaunlaran na isinasagawa ng developed economies upang maiangat ang kanilang ekonomiya. Ipalahad sa klase ang mahahalagang nilalaman ng mga plano. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Anong uri ng paghahanda ang dapat na isakatuparan upang lubusang malinang ang lahat ng salik ng produksyon? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 118 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, kartolina, pentel pen, pandikit, gunting, lumang magasin, dayagram, talahanayan, graph, Internet Aralin 10 Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship sa Ekonomiya at Lipunan ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Magpakita ng mga larawan ng mga kilalang entreprenyur sa Pilipinas. Ilang halimbawa ang sumusunod: a. Socorro Ramos — may-ari ng National Bookstore b. Rolando Hortaleza — nagtatag ng Splash Corporation 14 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Vivienne Tan — nagtatag ng dating Thames International School na ngayon ay Entrepreneur School of Asia d. Henry Sy — nagtatag ng Shoemart 2. Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon silang nakikilala sa mga larawang ipinakita. 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 127 ng batayang aklat. b. Bakit mahalaga sa ekonomiya ang entrepreneurship? c. Paano malilinang ang mga katangiang dapat taglayin ng isang entreprenyur? d. Bakit kailangang suportahan ng pamahalaan ang mga entreprenyur? 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. B. Paglinang 1. Magpagawa sa ilang piling mag-aaral ng pagsasatao na tumatalakay sa biograpiya ng ilang kilalang Pilipinong entreprenyur at ang kwento ng kanilang tagumpay. 2. Magpabasa ng artikulo tungkol sa istorya ng mga entreprenyur na nagpamalas ng optimismo at kakayahan sa inobasyon sa pagnenegosyo. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para sa artikulong ito. 3. Mula sa isinagawang gawain ay hahalawin at susuriin ng mga mag-aaral ang kahalagahan at katangiang taglay ng mga Pilipinong entreprenyur. 4. Maaari ding isagawa ang roundtable discussion kung saan may isang moderator at tatlo hanggang limang mag-aaral na magpapalitan ng mga ideya at opinyon ukol sa paksang, “Ang Pamahalaan at ang Entrepreneurship.” Mga gabay na tanong: a. Ano ang entreprenyur? Ano ang entrepreneurship? b. Bakit mahalaga ang entreprenyur at ang entrepreneurship? c. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang entreprenyur? d. Paano nakikinabang ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga entreprenyur? 5. Ipaalam ang isinasaad ng Executive Order No. 470 tungkol sa entrepreneurship. Matatagpuan sa i-learnvibalpublishing.com ang link para dito. D. Paglalapat 1. Palibutin ang mga mag-aaral sa kanilang pamayanan at kapanayamin ang isang matagumpay na entreprenyur. Ipasulat sa harap ng klase ang resulta ng panayam sa pamamagitan ng Powerpoint presentation. 2. Maaari ding ipagawa ang Gawain sa pahina 127 ng batayang aklat. c. C. Pagpapalalim 1. Magkaroon ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na mga tanong: a. Bakit itinuturing na isang innovator at developer ang isang entreprenyur? E. Pagpapahalaga Itanong: Anong mga katangian ng entreprenyur ang taglay mo? Paano mo ginagamit ang mga ito para sa iyong sariling kagalingan? Ipaliwanag ang sagot. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga larawan ng mga Pilipinong entreprenyur, Powerpoint presentation, pahayagan at magasin, Internet Aralin 11 Mga Organisasyon ng Negosyo ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas Ipaskil sa pisara ang collage na nagpapakita ng isang tao sa gitna. Sa paligid ay mga logo ng iba’t ibang kompanya tulad ng Jollibee, Toyota, Nokia, Toshiba, Lamoiyan, Del Monte, San Miguel, SM, Philippine Airlines, Pfizer, Nestle, RFM, at Colgate-Palmolive. Mga gabay na tanong: a. Ano ang ipinakikita ng collage? b. Bakit kaya nagtayo ng iba’t ibang kompanyang ganito sa bansa? c. Ano ang mangyayari kung walang nagbukas ng negosyo? 15 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. B. Paglinang Maglunsad ng isang lecturette gamit ang graphic organizer ukol sa katangian ng bawat uri ng organisasyon sa negosyo. Mga gabay na tanong: • Paano nagkakaiba ang sole proprietorship, partnership, at corporation? • Ano ang mga katangian ng bawat organisasyon ng negosyo? • Magbigay ng halimbawa o pangalan ng negosyong naitatag sa bawat uri. Sole Proprietorship • Pinakaluma at pinakapayak na uri ng negosyo • Ang may-ari ang siya ring bahay-kalakal • Mga organisasyon ng negosyo Partnership Pag-aari ng dalawa o higit pang tao • Karamihan sa kasunduan ay base sa kasulatan na pinirmahan ng mga kasapi • Corporation • May legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga may-ari Ang bahagi ng tubo ay hinahati sa bawat kasapi C. Pagpapalalim 1. Maglunsad ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na mga tanong: a. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng negosyo sa isang ekonomiya? b. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga samahan sa pagnenegosyo sa Pilipinas? c. Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa ekonomiya ang mga samahan sa pagnenegosyo? 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. D. Paglalapat 1. Ipatala sa mga mag-aaral ang limang pinakakilalang negosyo sa kanilang bayan o lungsod. Alamin kung ang mga ito ay sole proprietorship, partnership, o corporation. 2. Magpasaliksik tungkol sa mga proyektong pinagtutuwangan ng pamahalaan at isa o higit pang samahan sa pagnenegosyo. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Ipagpalagay na ikaw ay isang namumuhunan. Anong uri ng negosyo ang nais mong itatag at bakit? Paano ito makatutulong sa kapwa at sa pamayanan? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 132 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, collage, graphic organizer, Internet PANGYUNIT NA PAGSUSULIT A. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin sa kahon ang tamang sagot. ekonomiks lakas-paggawa alokasyon entreprenyur negosyo depreciation kakapusan pagkonsumo dividend board of directors 1. Ang sangay ng agham panlipunan na tungkol sa pagtugon ng tao sa kanyang pangangailangan sa kabila ng kakapusan ay tinatawag na (ekonomiks). 16 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Ang bahagi ng populasyon na may gulang na 15 taon at pataas ay tinatawag na (lakas-paggawa). 3. Kapag bumaba ang halaga o kapakinabangan ng yamang kapital sa paglipas ng panahon, ito ay tinatawag na (depreciation). 4. Ang pagkalimitado ng mga pinagkukunang-yaman na mahirap madagdagan sa madaling panahon ay tinatawag na (kakapusan). 5. Ang mekanismo ng distribusyon ng mga pinagkukunangyaman upang malutas ang kakapusan ay tinatawag na (alokasyon). 6. Ang pagbili o paggamit ng isang kalakal o serbisyo upang magkaroon ng kasiyahan ang gumagamit nito ay tinatawag na (pagkonsumo). 7. Ang taong nag-oorganisa, namamahala, at nagpapatakbo ng bahay-kalakal ay kilala rin bilang (entreprenyur). 8. Ang tubo ng korporasyon na ibinibigay sa mga stockholder o shareholder ay tinatawag na (dividend). 9. Ang anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo ay tinatawag na (negosyo). 10. Ang pamamalakad at pamamahala ng korporasyon ay nakasalalay sa kamay ng mga kasapi ng (board of directors). B. Pagtatambal. Hanapin sa hanay B ang ahensya ng pamahalaan na may tungkuling inilalarawan sa hanay A. Piliin ang titik ng wastong sagot. A (b) 1. Nagpapatupad ng mga _____ batas hinggil sa kalakalan at industriya (g) 2. Namamahala laban sa _____ hindi pagbabayad ng insurance claim (e) 3. Nagbabantay sa mga _____ gumagawa ng pataba at pamatay insekto at peste B a. Bureau of Food and Drugs b. Department of Trade and Industry c. Energy Regulatory Commission d. Environmental Management Bureau (a) _____ 4. Nangangasiwa sa pagsusuri na ligtas ang mga gamot, mga pagkain, at mga kosmetiko (f) _____ 5. Nangangalaga sa bumibili ng bahay at lupa (c) _____ 6. N a m a m a h a l a s a m g a kompanya ng kuryente (j) _____ 7. Nangangasiwa sa mga gawain ng mga propesyunal (d) _____ 8. Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran laban sa polusyon (i) _____ 9. T u m a t a n g g a p n g m g a reklamo laban sa ilegal na gawain ukol sa pagtatrabaho sa ibang bansa (h) 10. Layuning paunlarin ang _____ pamamahala, koordinasyon, at kahusayan sa pagpapatupad sa programang konsyumerismo e. Fertilizer and Pesticide Authority f. Housing and Land Use Regulatory Board g. Insurance Commission h. National Consumer Affairs Council i Philippine Overseas Employment Administration j. Professional Regulatory Commission C. Tukuyin kung anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang binabanggit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang. (tradisyunal) 1. Ang pinaiiral na sistema ay batay sa kultura _____________ at sinaunang paniniwala. (command) _____________ 2. Ang pangunahing desisyong pang-ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan. (market) _____________ 3. Hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa usaping pang-ekonomiya. (mixed) _____________ 4. Makikilala sa sistemang ito ang katangian ng market at command economy. (tradisyunal) 5. Kakikitaan ang sistemang ito ng makalumang _____________ paraan ng pamumuhay. 17 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. (tradisyunal) 6. Ang mga mamamayan ay nabubuhay sa _____________ pamamagitan ng biyaya ng kalikasan. (market) _____________ 7. Ang mga kalahok sa pamilihan ay kumikilos ayon sa kanilang pansariling interes. (command) _____________ 8. Pamahalaan ang pangunahing nagmamay-ari ng karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. (mixed) _____________ 9. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit ang pamahalaan ay maaari ding manghimasok sa mga gawaing pangekonomiya. (market) _____________ 10. Ang buong sistema ay napananatili sa pamamagitan ng pamilihan at presyo. D. Isulat ang K sa patlang kung ang inilalarawan ng bawat bilang ay katangian ng isang korporasyon; P kung partnership; at S kung sole proprietorship. (K) 1. May legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga _____ taong nagpapatakbo ng kompanya (S) 2. Negosyo na pag-aari ng isang tao lamang _____ (K) _____ 3. Maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na magbayad ng buwis (P) 4. Ang pananagutan ng mga kasapi ay nakatuon lamang _____ sa puhunang ipinasok sa negosyo (S) 5. Tanging nangangasiwa sa lahat ng mga pinagkukunang_____ yaman at lahat ng gawain ng negosyo E-1. Hanapin sa hanay B ang mga karampatang batas na ipapataw sa sumusunod na sitwasyon sa hanay A. A (e) 1. Paghuli ng hayop kung _____ closed season (a) 2. Pa g t o t r o s o s a m g a _____ national park B a. R.A. 7586 o National Integrated Protected Areas System Act b. R.A. 8749 o Philippine Clean Air Act (d) 3. Paghihiwalay ng mga _____ basura bilang biodegradable, compostable, o recyclable (b) 4. Pagbubuga ng mga sa_____ sakyan ng maruming usok (c) _____ 5. Pagtatapon ng nakalalasong kemikal mula sa mga minahan c. R.A. 7942 o Philippine Mining Act of 1995 d. R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 e. R.A. 9147 o Wildlife Resource Conservation and Protection Act E-2. Hanapin sa hanay B ang mga epekto ng mga sumusunod na sanhi o pangyayari sa hanay A. B a. naiiwasan ang paglala ng ecological imbalance b. batang populasyon c. hindi matugunan ang pangangailangan d. pagkasira ng mga coral reef e. unemployment at underemployment F. Piliin ang tamang sagot upang mabuo ang pangungusap. A _____ (d) 1. Muro ami _____ (a) 2. Enclosure ng protected area _____ (b) 3. Population explosion _____ (e) 4. Mabilis na paglaki ng populasyon kumpara sa hanapbuhay _____ (c) 5. Pagkasira at pagka ubos ng yamang likas 1. Tinaguriang science of choice at tinuturing na behavioral science ang Ekonomiks. Ipinahihiwatig nito na ang Ekonomiks ay _______________. a. agham ng pagpapasya kung paano makalilikha ng pinakamaraming kapakinabangan sa pamumuhay b. pag-aaral sa pag-uugali ng tao sa pagiging mapili sa paggamit ng limitadong pinagkukunan c. pagsusuri sa kagawian ng tao sa pagbabahagi ng kapos na pinagkukunan sa mga alternatibong paggagamitan* d. agham ng pagpapasya sa kaasalan ng tao kung ano ang bibilhin at/o ibebenta 18 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Matematika ang lengguwahe ng Ekonomiks sa dahilang _______________. a. Sinusukat, tinitimbang, at binibilang ang lahat ng ikinakalakal sa pamilihan b. Ang demand theory at supply theory ay nalalahad sa pangungusap na matematikal c. Gumagamit tayo ng mga equation, tabulation, at graph sa paglalahad ng mga kaganapang pangkabuhayan d. Ang mga pagpapasyang pangkabuhayan ay inuunawa sa pamamagitan ng modelong matematikal* 3. Ang terminolohiyang ceteris paribus ay nangangahulugan na _______________. a. Ang pag-unlad ay kasunod ng recession b. Economics deals with facts, not values c. Bawat bagay ay may kaugnayan d. Other things being equal* 4. Ang implikasyon ng batang populasyon sa pamumuhay ng bansa ay_______________. a. Mabilis ang paglago ng populasyon b. Maraming pag-asa sa kinabukasan c. Malaki ang bahagi ng lakas-paggawa d. Higit ang proporsyon ng umaasa sa inaasahan* 5. Ang mga economic principle theory at model ay naglalayong _______________. a. Maipaliwanag at maunawaan ang mga pang-ekonomiyang kaganapan sa hangaring nakapaglunsad ng mga posibleng polisiya na magwawasto sa anumang suliraning dulot nito b. Matukoy ang mga posibleng kadahilanan ng iba’t-ibang kaganapang pang-ekonomiya c. Malinang ang bawat indibidwal na economic behavior upang makabuo at magkaroon ng panlipunan o society’s economic behavior d. Lahat ay tama* 6. Ang entreprenyur ay indibidwal na _______________. a. Siyang amo at nagtatamo ng lahat ng kita ng negosyo b. May-ari at nag-iisang trabahador ng negosyo c. 7. 8. 9. 10. Nag-oorganisa, nangangasiwa, at pumapasan ng responsibilidad ng negosyo* d. Malayang magbenta ng kahit na ano Ang production possibilities curve ay nagpapahayag ng _______________. a. Gaano kadaming resources ang magamit upang maprodyus ang kalakal b. Mga alternatibong kombinasyon ng dalawang produktong maaaring maprodyus * c. Antas ng unemployment sa ekonomiya ng bansa d. Antas ng implasyon sa ekonomiya ng bansa Ang pangunahing suliranin ng ekonomiks ay _______________. a. Matamo ang pantay na distribusyon ng salapi upang malutas ang kahirapan b. Kakapusan ng productive resources kaugnay ng mga material na kagustuhan* c. Presyo na naglalarawan sa kaugnayan ng kakapusan ng produkto at serbisyo d. Magkaroon ng pantay na sistema ng pagbubuwis Sa ekonomiyang pinag-uutos o ekonomiyang planado, alin sa mga sumusunod ang wasto sa teoretikal na turing? a. Pamahalaan ang nagmamay-ari ng mga produktibong pinagkukunan* b. Pribadong indibidwal ang nagpapasya sa alokasyon ng pinakamahalagang pinagkukunan c. Pinahihintulutan ang pribadong indibidwal na lumahok sa anumang pagkakakitaan d. Isinusulong ang kagalingang panlahat Sa teoretikal na kahulugan, alin sa mga sumusunod ang hindi tama hinggil sa ekonomiyang pampamilihan? a. Estado ang nagmamay-ari ng lahat ng produktibong pinagkukunan* b. Mayroong laya ang pribadong sektor na lumahok sa anumang pagtutubuan c. Kontrolado ng pamahalaan ang mga public utility d. Sa pamilihan pinagpapasiyahan ang ano, para kanino, at paano ng produksyon 19 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. YUNIT II PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAYKROEKONOMIKS Kabuuang bilang ng araw: 48 ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO C. Paglalapat Nakalalahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan at naihahayag ang paninindigan sa mga isyung may kaugnayan sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bahay-kalakal na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang mga desisyong ipinatutupad ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal ay tunay na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan Nakagagawa ng case study na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahaykalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili sa katayuan ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal sa bawat desisyong kanilang binubuo na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan Mahalaga ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahaykalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Paano nakaaapekto ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan? F. Pagkilala sa Sarili Napagtatanto na mahalagang pag-aralan ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan ANTAS 2: PAGTATAYA Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan: A. Pagpapaliwanag Naipaliliwanag ang kahalagahan ng desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan B. Pagpapakahulugan Nabibigyang-puna ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan D. Perspektibo Napagtatanto na may mga desisyong binubuo ang bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap ☛ Awtentikong Pagtataya 1. Paggawa ng case study na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan 2. Atasan ang mag-aaral na gumawa ng repleksyon/journal tungkol sa pinakamabisa o pinakaangkop na uri ng istruktura ng pamilihan na dapat ipatupad sa Pilipinas. Patnubayan ang mag-aaral kung ano ang dapat isaalang-alang upang mapa nanatili ang luntiang kapaligiran sa mga panahong ito ay ipinatutupad at ang mga mamamayan ay ligtas sa anumang panganib at kapahamakan. 20 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ☛ Tradisyunal na Pagtataya A. Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Isulat ang sagot sa sariling papel. 1. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa galaw ng bawat negosyo at bawat konsyumer ay (maykroekonomiks). 2. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo ang (demand). 3. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang ipagbili sa iba’t ibang presyo ang (suplay). 4. Ang puntong nagpapakita na pantay ang dami ng demand at suplay sa napagkasunduang presyo ay (ekilibriyo). 5. Bababa ang presyo ng kalakal o paglilingkod kung may labis na (suplay). 6. Kung mas marami ang demand kaysa suplay, ang presyo ng kalakal o paglilingkod ay (tataas). 7. Ang pamahalaang tanging kumukuha ng serbisyo ng hukbong sandatahan ay halimbawa ng pamilihang (monopsony). 8. Lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagbebenta ang tradisyunal na pakahulugan sa (pamilihan). 9. Kung walang sinuman ang kayang kumontrol sa presyo at dami ng kalakal o serbisyo, ang anyo ng pamilihan ay may (ganap na kompetisyon). 10. Ang kasunduan ng mga oligopolist upang makontrol ang presyo sa pamilihan ay tinatawag na (collusion). B. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ang paglikha ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao ay tinatawag na ________. a. pagkonsumo c. paggasta b. produksyon* d. empleyo 2. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa maliliit na yunit ng ekonomiya ay tinatawag na __________. a. makroekonomiks c. ekonometriks b. maykroekonomiks* d. ekonomiks 3. Ang paglaki ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand __________. a. pakaliwa c. walang pagbabago b. pakanan* d. gitna 4. Kung hindi na uso ang trumpo, ang kurba ng demand dito ay lilipat __________. a. pakaliwa* c. walang pagbabago b. pakanan d. gitna 5. Bunga ng saganang ani, ang kurba ng suplay ay lilipat __________. a. pakaliwa c. walang pagbabago b. pakanan* d. gitna 6. Kung may baha at bagyo, ang kurba ng suplay ay lilipat __________. a. pakaliwa* c. walang pagbabago b. pakanan d. gitna 7. Ang positibong ugnayan ng presyo at dami ng suplay ay maipakikita ng __________. a. pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa suplay b. pagbaba ng presyo at pagtaas ng suplay c. pagtaas ng presyo at pagbaba ng suplay d. pagtaas ng presyo at pagtaas ng suplay* 8. Ang negatibong ugnayan ng presyo at dami ng demand ay maipakikita ng __________. a. pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa demand b. pagbaba ng presyo at pagtaas ng demand c. pagtaas ng presyo at pagbaba ng demand* d. pagtaas ng presyo at pagtaas ng demand 9. Makikita na kuntento ang mamimili at nagbebenta sa napagkasunduang presyo at dami. Ito ay __________. a. ekilibriyo* b. surplus b. disekilibriyo d. shortage 21 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 10. Kapag ang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay mas malaki sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand, ito ay __________. a. perfectly price elastic c. price elastic b. perfectly price ineelastic d. price inelastic* 11. Ang elasticity na unit price elastic ay nagpapahiwatig na __________. a. mas mataas ang bahagdan ng pagbabago sa presyo kumpara sa dami b. mas mataas ang bahagdan ng pagbabago sa dami kumpara sa presyo c. hindi nagbabago ang dami sa pabago-bagong presyo d. magkapareho ang bahagdan ng pagbabago sa presyo at dami* 12. Ang perfectly price inelastic na demand ay nagpapahiwatig na __________. a. walang pagbabago sa dami ng demand kahit nagbabago ang presyo* b. walang pagbabago sa presyo kahit nagbabago ang dami ng demand c. ang coefficient ng pagbabago ay mas mababa sa isa d. ang coefficient ng pagbabago ay higit sa isa 13. Kung maraming alternatibo, ang demand ay masasabing __________. a. perfectly price inelastic c. price inelastic b. price elastic* d. unit price elastic 14. Sa pangmadaliang panahon (short run), ang mga salik ng produksyon ay nakatakda kaya ang suplay ay masasabing __________. a. perfectly price elastic c. price inelastic* b. price elastic d. unit price elastic 15. Ang demand sa insulin ng taong my diabetes ay __________. a. perfectly price elastic c. perfectly price inelastic* b. price elastic d. unit price elastic ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN Aralin 12 Ang Mamimili at ang Demand ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas Itanong sa klase ang sumusunod: 1. Ano ang mga nais mong bilhin kung bibigyan ka ng 5100 baon para sa eskwela? 2. Bakit kailangang pagkasyahin ang halagang 5100? 3. Batay sa mga sagot, halawin ang kahulugan ng demand. B. Paglinang 1. Gamitin ang Talahanayan 12.1 at Pigura 12.1 sa pahina 136 ng batayang aklat upang ipaliwanag ang Batas ng Demand. Itanong: a. Bakit negatibo o di-tuwiran ang ugnayan ng presyo at dami ng demand? b. Ano ang ibig sabihin ng ceteris paribus? c. Kung may iba pang salik na nakaaapekto sa demand bukod sa sariling presyo ng produkto, patuloy lamang ba itong gagalaw sa iisang kurba? Pangatwiranan ang sagot. 2. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng individual demand at market demand. 3. Pangkatin ang klase sa tatlo. Magtalaga ng lider at tagasulat sa bawat pangkat. Magsagawa ng brainstorming upang masuri ang paksa. Iulat sa klase ang ginawang pagsusuri. a. Pangkat 1: Paggalaw ng Demand sa Iisang Kurba b. Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakanan c. Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakaliwa 4. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan: a. Kailan nagaganap ang paggalaw ng demand sa iisang kurba? 22 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. b Ano ang ibig sabihin ng paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan? c. Ano ang pagkakaiba ng paggalaw ng demand sa iisang kurba at ng paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan? 5. Magsagawa ng Panel Discussion at talakayin ang mga salik na nakapagpapabago ng demand. Tingnan ang rubric para sa Panel Discussion sa Apendiks. C. Pagpapalalim Itanong sa klase: a. Sang-ayon ka ba sa ipinaliliwanag ng Batas ng Demand? Bakit? b. Lahat ba ng mamimili ay naaapektuhan ng Batas ng Demand? Patunayan ang sagot. c. Saang pagkakataon magagamit ang Batas ng Demand? D. Paglalapat 1. May kasabihan na “for every rule there is an exemption.” May pagkakataon na taliwas sa isinasaad ng Batas ng Demand. Isang halimbawa nito ang Giffen goods. Magpasaliksik tungkol sa Giffen goods. Alamin kung bakit taliwas sa Batas ng Demand ang Giffen goods. 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 143 ng batayang aklat. 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 143 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Ipasagot: Dapat bang ang sariling kagalingan lamang ang pagtutuunan ng pansin tuwing may bibilhin at gagastusin kang pera? Ipaliwanag. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 142 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga graph at talahanayan, graphing paper, Microsoft Encarta, Internet Aralin 13 Ang Bahay-kalakal at ang Suplay ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Magpakita ng larawan ng isang tindahan. Itanong ang sumusunod: a. Ano ang nagsilbing motibasyon at pagganyak sa mga nagtitinda upang ipagpatuloy nito ang gawaing nabanggit? b. Ano ang mga posibleng dahilan upang itigil ng isang nagtitinda ang pagtitinda? 2. Batay sa sagot, halawin ang kahulugan ng suplay. B. Paglinang 1. Gamitin ang Talahanayan 13.1 at Pigura 13.1 sa pahina 145 ng batayang aklat upang ipaliwanag ang Batas ng Suplay. 2. Itanong ang sumusunod: a. Masasabi bang ikaw ay may suplay kung wala ka namang puhunan? Bakit? b. Kailan, ceteris paribus, positibo o tuwiran ang ugnayan sa presyo at dami ng suplay? 3. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang kaibahan ng individual supply sa market supply. 4. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng panel discussion. Pag-usapan ang sumusunod: a. Pangkat 1: Paggalaw ng Suplay sa Iisang Kurba b. Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakanan c. Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakaliwa 5. Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay sa talakayan. a. Ano ang ipinahihiwatig ng paggalaw ng suplay sa iisang kurba? b. Bakit lumilipat ang kurba ng suplay pakaliwa o pakanan? 6. Maglunsad ng maikling dula-dulaan na magpapakita sa mga salik na nakapagpapabago ng suplay. Bigyan ng marka ang isinagawang dula-dulaan gamit ang rubric na nasa Apendiks. 23 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. C. Pagpapalalim Itanong sa klase: a. Sang-ayon ka ba sa ipinaliliwanag ng Batas ng Suplay? Bakit? b. Lahat ba ng tagasuplay ay naaapektuhan ng Batas ng Suplay? Patunayan ang sagot. c. Saang pagkakataon mo magagamit ang Batas ng Suplay? D. Paglalapat 1. Tanungin ang isang nagtitinda sa inyong pamayanan tungkol sa dami ng ipinagbibili nitong produkto sa pabago-bagong presyo. Ilapat sa grap ang datos na makukuha. Gumawa ng ulat sa klase. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 151 ng batayang aklat. 3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 151 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga Itanong: Ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng isang prodyuser sa panahong may kalamidad at samakatwid ay may mababang suplay? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, larawan ng isang tindahan, mga grap at talahanayan, graphing paper Aralin 14 Ang Sistema ng Pamilihan ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita ang larawan at itanong ang sumusunod: a. Anong konsepto ang ipinakikita sa larawan? b. Batay sa kasagutan, ibigay ang kahulugan ng ekilibriyo. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 161 ng batayang aklat. Sagot. 1. ekilibriyo 3. kakulangan 2. allocative role 4. pamilihan B. Paglinang 1. Gamitin ang Pigura 14.1 hanggang 14.3 sa pp. 153-156 ng batayang aklat upang maipaliwanag ang konsepto ng ekilibriyo sa pamilihan at ang epekto ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan. a. Paano humahantong sa ekilibriyo ang tunggalian ng mga mamimili at bahay-kalakal sa isang pamilihan? b. Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan? c. Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa ekilibriyo sa isang pamilihan? 2. Paghandain ang bawat pangkat ng kani-kanilang ulat tungkol sa sumusunod: a. Pangkat 1: Pagtaas ng Demand at Pagbabago sa Pamilihan b. Pangkat 2: Pagtaas ng Suplay at Pagbabago sa Pamilihan c. Pangkat 3: Pagbaba ng Demand at Pagbabago sa Pamilihan d. Pangkat 4: Pagbaba ng Suplay at Pagbabago sa Pamilihan C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase: a. Bakit sinasabing kuntento ang mga mamimili at nagbibili sa puntong ekilibriyo? b. Ano ang mangyayari kung may disekilibriyo sa pamilihan? c. Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan? 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. 3. Ipapanood ang video na nagpapaliwanag sa konsepto ng ekilibriyo sa pamilihan. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Ipasulat sa isang papel ang buod ng video matapos itong mapanood. 24 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. D. Paglalapat 1. Mag-imbita ng propesor sa kolehiyo na nagtuturo ng ekonomiks. Alamin kung paano makokompyut ang ekilibriyo gamit ang demand function at supply function. 2. Magsaliksik sa ibang aklat at Internet tungkol sa QD = QS. 3. Ipasagot ang aytem bilang 3 ng Talakayan sa pp. 162-163 ng batayang aklat. 4. Ipagawa ang Gawain sa pahina 163 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Ano ang nararapat na gawin ng bawat mamimili at prodyuser kung may disekilibriyo sa pamilihan? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 161 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, larawan, mga graph at talahanayan, Internet Aralin 15 Ang Konsepto ng Elasticity ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Magsagawa ng isang eksperimento sa klase. a. Kumuha ng isang goma at obserbahan ang mangyayari kapag ito ay hinatak. b. Iugnay ang pwersa ng paghatak sa presyo ng bilihin at ang reaksyon ng goma bilang reaksyon ng mamimili at bahay-kalakal sa pagbabago ng presyo. c. Gamiting halimbawa ang pagbabago sa presyo o halaga ng mga produkto o serbisyong tulad ng elektrisidad, transportasyon, gulay, at prutas. Pansinin ang reaksyon ng mga mamimili at bahay-kalakal tuwing magbabago ang presyo ng mga nabanggit na produkto. 2. Magbigay ng maikling oryentasyon tungkol sa inaasahan sa pag-aaralang paksa. B. Paglinang 1. Gamitin ang mga pormula sa pp. 165 at 172 ng batayang aklat upang masukat ang price elasticity ng demand at ng suplay. a. Tumawag ng dalawang mag-aaral at hayaang kompyutin sa pisara ang price elasticity ng demand at ng suplay. b. Iwasto ang ginawang kompyutasyon. 2. Iulat sa klase ang pagsusuri tungkol sa iba’t ibang graph ng price elasticity ng demand at ng suplay. (Maaaring ibigay itong paunang gawain.) Magbigay ng mga halimbawang produkto bawat graph at iugnay ang reaksyon ng mamimili at bahaykalakal sa pagbabago ng presyo. 3. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan. a. Bakit may mga produktong nagkakaroon ng malaking pagbabago sa dami ng demand sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa presyo? b. Bakit naman may mga produktong nagkakaroon ng maliit lamang na pagbabago sa dami ng demand sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo? c. Paano tumutugon ang mga mamimili kung ang isang produkto ay sinasabing may perfectly price elastic na demand? o may perfectly price inelastic na demand? d. Bakit may mga produktong nagkakaroon ng malaking pagbabago sa dami ng suplay sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo? e. Bakit naman may mga produktong nagkakaroon ng maliit lamang na pagbabago sa dami ng suplay sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo? f. Paano tumutugon ang mga bahay-kalakal kung ang isang produkto ay sinasabing may perfectly price elastic na suplay? o may perfectly price inelastic na suplay? 25 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 16 Iba’t Ibang Istruktura ng Pamilihan C. Pagpapalalim ✏ Mga Gawain at Estratehiya Pasagutan ang talahanayan: Digri ng Price Elasticity a. b. c. d. e. f. g. h. i. j. Coefficient Mga Interpretasyon Palatandaan Elastic na demand Inelastic na demand Unit elastic na demand Ganap na elastic na demand Ganap na inelastic na demand Elastic na suplay Inelastic na suplay Unit elastic na suplay Ganap na elastic na suplay Ganap na inelastic na suplay D. Paglalapat 1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang reaksyon ng kanilang mga magulang kapag tumataas ang singil sa kuryente, tubig, at presyo ng LPG. Ipasulat sa isang buong papel ang ulat at ipabahagi ito sa harap ng klase. 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 179 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Ipasagot: Mas malaki ang pakinabang ng mga bahay-kalakal kung ang demand ay price inelastic. Subalit ang malaking pakinabang lamang ba ang dapat bigyang-pansin ng bahaykalakal? Pangatwiranan ang sagot. 2. Ipasagot din ang Pagpapahalaga sa pahina 178 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, goma o garter, mga grap at talahanayan, Internet A. Pagtuklas 1. Magsagawa ng concept diagnosis. Ilista sa pisara o magpaskil ng larawan ng sumusunod: a. MRT b. MERALCO c. iba’t ibang gulay d. iba’t ibang prutas e. sundalo, pulis, bumbero f. Manila Water o Maynilad g. logo ng mga oil company h. iba’t ibang brand ng sabon i. iba’t ibang brand ng shampoo j. iba’t ibang brand ng softdrinks k. iba’t ibang brand ng toothpaste l. logo ng Globe, Smart at Sun Cellular 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat ng mga salita o larawan at lagyan ng label ang bawat pangkat na nabuo. 3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na matututuhan nila ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan. B. Paglinang 1. Ang mga mag-aaral ay maaaring magsagawa ng roundtable discussion at magpalitan ng mga ideya at kuru-kuro tungkol sa kahulugan ng pamilihan. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong para sa talakayan. a. Paano naiiba ang pamilihan sa isang palengke? b. Maaari bang magkaroon ng pamilihan kahit walang palengke? c. Kailan masasabing nagkakaroon ng pamilihan? 26 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Sa pamamagitan ng bubble tree, iulat ang iba’t ibang anyo ng pamilihan. Istruktura ng Pamilihan Ganap ng Kompetisyon Di-ganap na Kompetisyon Monopsony Monopoly Monopolistic Competition Oligopoly 3. Sa pamamagitan ng data retrieval chart, iulat kung paano itinatakda ang suplay, demand, at presyo sa iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Istruktura ng Pamilihan I. Ganap na Kompetisyon II. Di-ganap na Kompetisyon A. Monopoly B. Oligopoly Pagtatakda ng Demand Pagtatakda ng Suplay Hindi maaaring itakda Hindi maaaring itakda Pagtatakda ng Presyo Hindi maaaring itakda Hindi maaaring itakda Maaaring itakda Maaaring itakda Hindi maaaring itakda Maaaring itakda dahil sa collusion at cartel Maaaring itakda C. Monopolistic Competition Hindi maaaring itakda Maaaring itakda dahil sa product differentiation Maaaring itakda D. Monopsony Maaaring itakda Hindi maaaring itakda Maaaring itakda ng mamimili C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase: a. May kaugnayan ba ang istruktura ng pamilihan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan? Ipaliwanag ang sagot. b. Alin sa mga istruktura ng pamilihan ang pinakamainam? 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. 3. Para sa pagpapatibay ng kaalaman, ipapanood ang video na nagpapaliwanag ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Ipasulat sa isang papel ang buod ng video matapos itong mapanood. 4. Bilang pagpapayaman ng aralin, ipa-access ang link mula sa i-learn.vibalpublishing.com tungkol sa halimbawa ng monopolyo. Talakayin ang naidulot ng monopolyong ito sa Pilipinas. D. Paglalapat 1. Ipatala ang 10 produkto at serbisyo na kinokonsumo ng inyong pamilya. Ikategorya kung anong istruktura ito ng pamilihan nabibilang. Iulat ito sa klase. 2. Ipagawa ang Gawain at ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 185 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Halimbawang ikaw ay isang monopolist, sasamantalahin mo ba ang pagkakataong maitaas ang presyo ng iyong produkto o serbisyo? Pangatwiranan ang sagot. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 185 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga larawan, mga talahanayan at graphic organizer, Internet 27 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Paghandain din ng ulat ang ikalawang pangkat gamit ang cluster map. Aralin 17 Pamilihan at Pamahalaan ✏ Mga Gawain at Estratehiya Price Ceiling at Price Floor Sequestration Pamilihan Ipasuri ang karikatura sa itaas. Itanong ang sumusunod: a. Anong pangunahing isyu ang tinatalakay sa karikatura? b. Bakit nabibigo ang pamilihan? c. Paano maitatama ang pagkabigo ng pamilihan? B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Paghandain ng ulat ang unang pangkat gamit ang graphic organizer. Antas ng Panghihimasok ng Pamahalaan sa Ekonomiya Industrial Deregulatory Regime Pagpapatupad ng Batas Paghahatid Pagbuo ng Pampublikong ng Patakarang Paglilingkod Pang-ekonomiya Programang Pangkaunlaran Paglahok ng Pamahalaan sa Industriya Panghihimasok ng Pamahalaan sa Pamilihan Tax Exemption at Subsidy Pagbubuwis 2. Gamitin ang discussion web upang mabigyan ng puna ang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan. Oo Hindi Mas mainam ba kung manghihimasok ang pamahalaan sa pamilihan? Malaki at Aktibistang Pamahalaan Maliit at Non-Activist na Pamahalaan Pagpapanatili ng Kapayapaan Tight Industrial Regulatory Regime li bi bi Ma m im g Na ili A. Pagtuklas Pagpapanatili ng Kompetisyon Pagganap ng Distributive Role Pagganap ng Allocative Role a. Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng buod ng sagot sa ilalim ng Oo at Hindi. b. Suriin ang mga sagot at ibigay ang konklusyon batay sa datos. 3. Ipasagot ang sumusunod na tanong para sa talakayan pagkatapos ng mga ulat. a. Bakit hindi maiiwasan ang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan? b. Dapat bang manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan? Pangatwiranan ang sagot. 28 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. C. Pagpapalalim 1. Ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkabigo ng pamilihan gamit ang talahanayang ito. a. Di-ganap na Kompetisyon b. Externality c. Krisis sa Ekonomiya 2. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang antas ng panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya. Maliit at Non-Activist na Pamahalaan Malaki at Aktibistang Pamahalaan 4. Para sa karagdagang kaalaman sa konsepto ng kalayaang pang-ekonomiya at ang detalye tungkol sa antas ng kalayaang pang-ekonomiya ng Pilipinas, ipa-access ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral ukol dito. D. Paglalapat Kumuha ng balita tungkol sa ginawang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan tulad ng price ceiling at minimum wage. Iulat ito sa klase at maglunsad ng malayang talakayan. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Anong mga tungkulin at pananagutan ang dapat bigyang-halaga ng isang mamamayan bilang tugon sa pagsisikap ng pamahalaan na maitaguyod ang sistema ng pamilihan? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 197 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, karikatura, mga graphic organizer tulad ng cluster map, discussion web, Venn diagram, semantic web, Internet 3. Punan ng datos ang semantic web na ito. Ipasulat sa strand support ang karagdagang paliwanag. • ____________ • ____________ Price Ceiling at Price Floor • ____________ • ____________ Sequestration • ____________ • ____________ Programang Pangkaunlaran • ____________ • ____________ Tight Industrial Regulatory Regime Ano ang mga paraan ng panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan? PANGYUNIT NA PAGSUSULIT Industrial Deregulatory Regime • ____________ • ____________ Paglahok ng Pamahalaan sa Industriya • ____________ • ____________ Tax Exemption at Subsidy • ____________ • ____________ Pagbubuwis • ____________ • ____________ A. Tama o Mali. Isulat sa iyong papel kung Tama o Mali ang sumusunod. 1. Karamihan sa mga makabagong ekonomiya sa daigdig ay umaasa sa sistema ng pamilihan at presyo. (Tama) 2. Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang produkto ang presyo. (Tama) 3. May tuwiran o positibong ugnayan ang presyo ng isang kalakal at ang demand para dito. (Mali) 4. Ang ceteris paribus ay pagpapalagay na ang iba pang variable o mga salik, maliban sa variable na sinusuri, ay hindi nagbabago. (Tama) 5. Ang iskedyul ng suplay ay kurbang nagpapakita sa relasyon ng pagbabago sa presyo at pagbabago sa dami ng suplay. (Mali) 29 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 6. Ipinahihiwatig ng upward sloping na kurba ng suplay na may tuwirang relasyon ang pagbabago ng presyo sa dami ng suplay. (Tama) 7. Kapag mataas ang presyo, mababa ang dami ng demand, ceteris paribus. (Tama) 8. Ang konsepto ng pamilihan sa pag-aaral ng ekonomiks ay limitado lamang sa istruktura ng palengke. (Mali) 9. Monopoly ang anyo ng pamilihan ng bigas at iba pang agrikultural na produkto. (Mali) 10. Maaaring kontrolin ang presyo ng kalakal at paglilingkod sa pamilihang oligopolyo sa pamamagitan ng cartel. (Tama) B. Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang Batas ng Demand ay nagsasaad na: a. ang presyo ay may direktang relasyon sa Qd b. ang Qd ay lumiliit habang ang presyo ay bumababa c. ang Qd ay dumarami habang ang presyo ay bumababa* d. ang Qd ay hindi nagbabago habang tumatas ang presyo 2. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa supply? a. ang supply ay may direktang relasyon sa presyo* b. ang supply ay may direktang relasyon sa demand c. ang supply ay may kasalungat na relasyon sa presyo d. ang supply ay may kasalungat na relasyon sa produksyon 3. Ang paglisan ng mga nurse patungong abroad upang doon magtrabaho ay makapagdudulot sa supply ng nurse sa Pilipinas na: a. tumaas c. magbabago b. bumaba* d. walang pagbabago 4. Ang mga sumusunod ay maaaring makapagdulot ng paglipat ng demand sa kanan maliban sa: a. paglaki ng kita b. nalalapit na okasyon c. makabagong teknolohiya* d. pagtaas ng presyo ng ibang produkto 5. Kung ang pagtaas ng supply ay katumbas ng pagtaas ng demand ang presyo ay: a. tataas c. di-magbabago* b. bababa d. depende sa sitwasyon 6. Kung ang porsyento ng pagbabago sa Qd ay mas malaki kaysa sa porsyento ng pagbabago sa P, ang demand sa produkto ay maaasahang: a. elastiko* c. unitary b. di-elastiko d. ganap na elastiko 7. Ang load at cellphone ay komplementaryo, ang pagtaas ng presyo ng load ay magdudulot sa demand ng cellphone na: a. tumaas c. di-magbabago b. bumaba* d. di-mawari 8. Ang ekilibriyo sa pamilihan ay magaganap kung sa iisang presyo ang: a. Qd > Qs c. Qd < Qs b. Qs > Qd d. Qs = Qd* 9. Inaasahan ni Maria na lalaki ang kanyang kita, ano ang mangyayari sa kanyang demand na choconut? a. kakaunti c. di-magbabago b. dadami* d. di-mawari 10. Ang softdrink at juice ay halimbawa ng: a. complimentary goods c. normal goods b. inferior goods d. substitute goods* C. Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Isulat ang sagot sa sariling papel. 1. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa galaw ng bawat negosyo at bawat konsyumer ay (maykroekonomiks). 2. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo ang (demand). 3. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang ipagbili sa iba’t ibang presyo ang (suplay). 4. Ang puntong nagpapakita na pantay ang dami ng demand at suplay sa napagkasunduang presyo ay (ekilibriyo). 30 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Bababa ang presyo ng kalakal o paglilingkod kung may labis na (suplay). 6. Kung mas marami ang demand kaysa suplay, ang presyo ng kalakal o paglilingkod ay (tataas). 7. Ang pamahalaang tanging kumukuha ng serbisyo ng hukbong sandatahan ay halimbawa ng pamilihang (monopsony). 8. Ang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagbebenta ay (palengke). 9. Kung walang sinuman ang kayang komontrol sa presyo at dami ng kalakal o serbisyo, ang anyo ng pamilihan ay may (ganap na kompetisyon). 10. Ang kasunduan ng mga oligopolist upang makontrol ang presyo sa pamilihan ay tinatawag na (collusion). D. Kompyutasyon. Kompyutin ang sumusunod. 1. Suriin ang graph at ibigay ang hinihinging mga datos. (10 puntos lahat) a. Ekilibriyong presyo = 550 b. Ekilibriyong dami = 30 c. Kulang na demand sa presyong 510 = 20 d. Labis na suplay sa presyong 5100 = 20 e. Ekilibriyong punto = punto E 2. Ano ang mangyayari kapag tumaas ang presyo mula A patungong B? Ipakita ang solusyon sa pamamagitan ng elastisidad ng suplay sa presyo. (5 puntos) Presyo Dami ng Suplay A 10 1 B 15 6 Sagot: Q1 = 1 Q2 = 6 6–1 x (15 – 10) Es = 5 x 25 = 5 7 Es = P1 = 10 P2 = 15 Suplay 100 E 50 25 Suplay Demand 5100 Presyo 10 + 15 (1 + 6) 125 35 Es = 3.57 price elastic Presyo (5) 5. 10 E 30 50 70 90 Dami 550 510 Demand 20 22 30 Dami 40 42 1. 2. 3. 4. 5. Ano ang ekilibriyong presyo = (550) Ano ang dami ng demand sa presyong 525 = (70) Ano ang dami ng suplay sa presyong 5100 = (90) Ano ang labis na demand sa presyong 525 = (40) Ano ang labis na suplay sa presyong 5100 = (80) 31 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. YUNIT III PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKS Kabuuang bilang ng araw: 45 ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa bahaging ginagampanan ng pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino Nakagagawa ng position paper na tumatalakay sa mga suliranin ng pambansang ekonomiya at mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito at mapanatili ang maayos na takbo ng pambansang ekonomiya Kakailanganing Pag-unawa Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino. B. Pagpapakahulugan Nabibigyang-puna ang pananagutan ng bawat mamamayan sa pagpupunyagi ng pamahalaan na malutas ang mga suliraning may kaugnayan sa pambansang ekonomiya C. Paglalapat Nakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan at naipahahayag ang paninindigan sa mga isyung may kaugnayan sa pambansang ekonomiya D. Perspektibo Nakapagbibigay-katwiran na para sa kabutihan ng bansa ang desisyong binubuo ng pamahalaan sa mga isyung may kaugnayan sa pambansang ekonomiya E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili sa katayuan ng mga nagpaplano ng ekonomiya upang mapanatili ang mataas na antas ng ekonomiya Mahalagang Tanong Paano nakaaapekto ang pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino? F. Pagkilala sa Sarili Namumulat hinggil sa kakulangan sa pagtupad sa tungkulin sa paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pambansang ekonomiya bunga ng maling paniniwala na ang mga gawaing ito ay responsibilidad lamang ng pamahalaan at hindi ng buong sambayanan ANTAS 2: PAGTATAYA Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan: A. Pagpapaliwanag Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap ☛ Awtentikong Pagtataya 1. Paggawa ng position paper na sumusuri sa mga suliranin ng pambansang ekonomiya at mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning nabanggit 2. Partisipasyon sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan na may kaugnayan sa pambansang ekonomiya 3. Partisipasyon sa mga pangkatang presentasyon sa klase 32 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ☛ Tradisyunal na Pagtataya A. Sabihin ang uri ng institusyong pinansyal na tinutukoy ng sumusunod na mga paglalarawan 1. Nagpapahiram ng salapi sa pangunahing panahon na may kalakip na prenda (bahay-sanglaan) 2. Layuning tulungan at pag-isahin ang mga kasapi nito para sa panlipunan at pangkabuhayang kaunlaran (kooperatiba) 3. Layuning makapaglingkod sa mga kawani ng pribadong sektor (Social Security System) 4. Naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng maliliit at mahihirap na tao sa kanayunan (bangkong rural) 5. May malaking kapital at tumatanggap ng deposito sa publiko (bangkong komersyal) B. Tama o Mali. Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod. (Tama) _________ (Mali) _________ (Tama) _________ (Mali) _________ (Tama) _________ (Mali) _________ (Tama) _________ 1. Kung ang pangkalahatang antas ng pasahod ay mababa, kadalasang ayaw magtrabaho ng mga manggagawa. 2. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya kung mataas ang antas ng kriminalidad sa bansa. 3. Sa wastong pagpili at pagpapairal ng mga patakarang pang-ekonomiya, nabibigyang-solusyon ang mga suliraning pangkabuhayan. 4. Sinasabing nakikita ng maykroekonomiks ang gubat; puno naman ang nakikita sa makroekonomiks. 5. Kapag halos lahat ng lakas-paggawa ay may trabaho at mataas ang kita, ang antas ng walang trabaho ay mababa. 6. Ang katatagan ng presyo ay nagpapahiwatig na ang pangkalahatang presyo ay biglang tumataas o bumababa. 7. Sambahayan ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon. (Tama) _________ 8. Walang ekonomiya ang hindi nakikipag-ugnayan sa iba pang ekonomiya. _________ 9. Kalimitang mataas ang nominal GNP dahil ang real (Tama) GNP ay hindi apektado ng pagtaas ng presyo. _________ (Tama) 10. Ang contractionary monetary policy ay naglalayong bawasan ang perang nasa sirkulasyon. C. Piliin ang tamang sagot. 1. Pag-aaral ng kabuuang antas ng ekonomiya a. ekonomiks b. makroekonomiks* c. patakarang piskal d. maykroekonomiks 2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa GNP? a. produktong tapos b. kita ng mga OFW c. produktong nagamit na* d. naprodyus sa loob ng isang taon 3. Alin sa sumusunod ang itinuturing na produktong tapos? a. aklat na balak ipagbili* b. sinulid na panahi sa pantalon c. kahoy na gamit sa konstruksyon d. harinang gamit sa paggawa ng tinapay 4. Alin sa sumusunod ang kabilang sa GDP? a. kita ng tindero ng fishball b. padalang pera ng mga OFW c. perang napanalunan sa lotto d. sahod ng Amerikano na nagtatrabaho sa Pilipinas* 5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi wasto? a. Kabilang sa pagtutuos ng GNP ng Pilipinas ang kabuuang kita ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas.* b. Ang produktong gawa ng mga Pilipino kahit nagtatrabaho sa ibang bansa ay kabilang sa GNP ng Pilipinas. 33 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. c. 6. 7. 8. 9. 10. Ang kita ng mga kompanyang pag-aari ng mga Pilipino sa ibang bansa ay kabilang sa GNP ng Pilipinas. d. Ang kita ng dayuhang kompanya sa Pilipinas ay hindi kabilang sa GNP ng Pilipinas. Aling aksyon ng Bangko Sentral ang magdudulot ng pagbawas ng suplay ng salapi? a. pagpapataas ng interest rate* b. pagpapababa ng interest rate c. pagbabawas sa paggasta ng pamahalaan d. pagbili ng Bangko Sentral ng government securities Alin sa sumusunod ang halimbawa ng expansionary fiscal policy? a. pagtataas ng sinisingil na buwis sa mga may kitang mataas sa 5200,000 b. pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan sa imprastruktura* c. pagbebenta ng Bangko Sentral ng government securities d. pagpapataas ng palitan ng dolyar laban sa piso Ang Royal Bank ay may 5600 milyong deposito. Ang required reserve ratio ay 10%. Magkano ang dapat ilaang reserba ng nasabing bangko? a. 56 milyon c. 5100 milyon b. 560 milyon* d. 5160 milyon Ang JEF Commercial Bank ay may 5100 milyong reserba. Kung ang required reserve ratio ay 20%, magkano ang kabuuang pera ng bangko? a. 5120 milyon c. 5500 milyon* b. 5200 milyon d. 5600 milyon Ano ang bunga ng demand-pull inflation? a. paglipat ng kurba ng demand pakanan na walang pagbabago sa kurba ng suplay* b. paglipat ng kurba ng demand pakaliwa na walang pagbabago sa kurba ng suplay c. paglipat ng kurba ng suplay pakanan na walang pagbabago sa kurba ng demand d. paglipat ng kurba ng suplay pakaliwa na walang pagbabago sa kurba ng demand ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN Aralin 18 Ang Pambansang Ekonomiya ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipalagay ang mga ginupit na akmang smiley sa bawat bilang upang masukat ang kahandaan ng mga mag-aaral sa paksa. Malawak ang kaalaman sa paksa Hindi gaanong malawak ang kaalaman sa paksa Hindi malawak ang kaalaman sa paksa ________ 1. Iba’t ibang modelo ng pambansang ekonomiya ________ 2. Mga sektor sa bawat modelo na nakaiimpluwensya sa takbo o galaw ng pambansang ekonomiya ________ 3. Ugnayan at epekto ng mga pangunahing tagapagganap o sektor ng pambansang ekonomiya 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 209 ng batayang aklat. Sagot: 1. financial market 4. foreign economy 2. open economy 5. kalakalang panlabas 3. commodity market B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay may takdang gawain at paksang tatalakayin tungkol sa iba’t ibang modelo ng pambansang ekonomiya. Tingnan ang mga pigura na nasa pp. 200-207 ng batayang aklat. Ganyakin ang bawat pangkat na gumamit ng karagdagang pantulong sa pag-uulat tulad ng tsart o graph ng mga kasalukuyan o bagong nasaliksik na datos upang lalong maging malinaw ang pag-uulat. 34 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Gamiting gabay sa pag-uulat ng bawat pangkat ang sumusunod na mga tanong: a. Sino ang mga mahalagang tagapagganap sa bawat modelo ng pambansang ekonomiya? Ano ang tuon o pokus ng bawat isa? b. Ano ang pangunahing katangian ng bawat aktor/sektor na ito? c. Ano ang ugnayang namagitan sa bawat sektor ng modelo ng pambansang ekonomiya? d. Paano naiimpluwensyahan ng ugnayang nabanggit ang takbo o galaw ng pambansang ekonomiya? e. Anong mga kondisyon ang nagpapahayag ng positibo o negatibong epekto sa ekonomiya bunga ng ugnayang ito? C. Pagpapalalim 1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng isang mock interview sa mga mahalagang taong may kaugnayan sa paksa. Gamiting gabay ang mga paksa na maaaring itanong sa mga kakapanayamin sa mock interview. a. Opisyal ng National Statistics Office – mga modelo ng pambansang ekonomiya; mga tauhan/sektor na bumubuo sa bawat modelo; mga katangian ng bawat modelo b. Kalihim ng Department of Finance – ugnayan ng bawat aktor/sektor sa isa’t isa; iba’t ibang kondisyon/sitwasyon na nagpapahayag ng positibo at negatibong epekto ng ugnayang nabanggit; paraan ng paglutas ng pamahalaan kapag may negatibong epekto sa pambansang ekonomiya c. Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas – kahulugan ng balanseng daloy ng kalakal at serbisyo; paraan upang ito ay makamit; hakbangin upang maitaguyod ang balanseng daloy ng kalakal at serbisyo sa bawat modelo ng pambansang ekonomiya 2. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na mga tanong: a. Bakit kailangang maging balanse ang daloy ng kalakal, paglilingkod at kita sa isang ekonomiya? b. Ano ang mangyayari kung may paglabas (outflow) ng kita sa ekonomiya? Paano ito maibabalik (inflow) sa paikot na daloy? 3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Ipabasa ang Pagbubuod sa pahina 208 ng batayang aklat. D. Paglalapat 1. Magpabuo ng collage na nagpapakita ng mga modelo ng daloy ng pambansang ekonomiya. Sabihing maaaring gumamit ng mga larawan sa magasin upang maipakita ang paikot na daloy. Ipapaliwanag at ipahambing ang mga larawan. 2. Markahan ang ginawang collage gamit ang rubric na nasa Apendiks. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano ka makatutulong upang ang positibong pagbabago sa kalagayan ng pambansang ekonomiya ay makamtam? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 209 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, pigura ng iba’t ibang modelo ng paikot na daloy, magasin, pandikit, gunting, cartolina, ginupit na larawan ng mga smiley Aralin 19 Produksyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipaskil ang mapa ng Pilipinas. Sa paligid nito ay magdikit ng mga larawan ng mga overseas Filipino worker at mga tapos na produkto tulad ng kotse, TV, kompyuter, sapatos, bag, at electric fan. 35 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 223 ng batayang aklat. Sagot: 1. real GDP 4. pamamaraang value added 2. benchmarking 5. NFIA 3. projected GNP B. Paglinang Gamitin ang network tree upang mailarawan at maipaliwanag ang mga mahalagang konseptong nakapaloob sa paksang tatalakayin. Pambansang Kita C. Pagpapalalim Ipabuo ang sumusunod na mga pangungusap: 1. Kapag may malaking dayuhang pamumuhunan sa bansa, ang epekto nito sa GNP ay (mataas na antas ng produksyon at mataas na bilang ng empleyo). 2. Ang pagdami ng mga turistang dayuhan ay may hudyat na (maraming inflow ng dolyar) sa ekonomiya ng bansa. 3. Ang matatag na ekonomiya ay nangangahulugang ang pambansang kita at produksyon ay (patuloy na lumalago). 4. Hindi dapat higpitan ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa sapagkat (sila ang pinagmumulan ng remittances) at ang epekto nito ay (katatagan ng ekonomiya). D. Paglalapat 1. Ipagpalagay na ang mga datos sa ibaba ay batay sa pambansang kita ng isang haypotetikal na bansa. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Paraan ng Pagsukat Income Approach Expenditure Approach Value-Added Approach Mga Nakapaloob na Aytem Mga Nakapaloob na Aytem Mga Nakapaloob na Aytem Pambansang Kita (sa milyong piso, presyo sa kasalukuyang panahon) Personal Consumption Expenditures (C) Government Consumption (G) Capital Formation (I) Exports 1. 2. 3. 4. 1. 2. 3. 4. 1. 2. 3. 4. Pormula sa Pagsukat Pormula sa Pagsukat Pormula sa Pagsukat Kahalagahan Kahalagahan Kahalagahan Imports Net Factor Income from abroad (NFIA) 3,500 560 800 2,100 1,950 480 a. Ano ang net exports batay sa mga datos? Ano ang ibig sabihin nito? b. Ano ang GDP at GNP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos? 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 223 ng batayang aklat. 36 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. E. Pagpapahalaga Itanong: Paano makapag-aambag ang inyong pamilya sa pambansang produksyon ng bansa? Bakit ito mahalaga tungo sa pagsulong ng pambansang ekonomiya? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mapa ng Pilipinas, larawan ng mga tapos na produkto at mga OFW, statistical data ng GNP at GDP ng Pilipinas Aralin 20 Pagbabago sa Kalagayan ng Ekonomiya ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga news clipping o headline tungkol sa isang malawakang kilos-protesta. Itanong sa mag-aaral ang posibleng dahilan ng protesta. Gabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga nilalaman ng mga placard. 2. Magsagawa ng oryentasyon sa mga inaasahan ng aralin ukol sa pagbabago sa kalagayan ng ekonomiya. 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 238-239 ng batayang aklat. Sagot: 1. produce price index 6. depression 2. expansion 7. recovery 3. boom period 8. economic fluctuations 4. bust period 9. downsizing 5. recession 10. inflation B. Paglinang 1. Mock Interview. Magsagawa ng mock interview sa sumusunod na mga tao batay sa paksang tatalakayin. a. Negosyanteng Tsino — mga business cycle at epekto nito sa presyo ng bilihin b. Retiradong kawani ng pamahalaan — kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 20 taon; halaga ng piso laban sa dolyar sa nakalipas na 20 taon at kadahilanan ng ganitong kalagayan; mga epekto nito sa pamilya at sa bansa c. Karaniwang maybahay — pagtaas ng presyo ng langis; tuwirang epekto nito sa kanyang binibiling produkto; solusyon sa kalagayan d. Propesor ng ekonomiks sa kilalang pamantasan — mga pormula sa pagtutuos ng inflation, CPI, at PPP; mga halimbawa ng mga indicator kung kailan may pagbabagong nagaganap sa business climate e. Mga kinatawan ng DTI at BOI — programa kapag may nararanasang paghina ng ekonomiya Ang nakalap na kasagutan mula sa mock interview ay iuulat ng mga mag-aaral at gagawing pokus para sa malayang talakayan. 2. Lecture-forum. Magsagawa ng isang lecture-forum sa klase. Lagyan ng angkop na tema ang forum. Ang lecture na tatalakayin ay ibabahagi ng mga pinili o naimbitang panauhin na kilalang dalubhasa sa iba’t ibang paksa na sakop ng araling ito. Magkakaroon ng open forum pagkatapos ng lecture. Magbibigay lamang ng paglilinaw ang guro kung may mga konseptong hindi gaanong naunawaan. C. Pagpapalalim Ipaskil sa pisara ang talahanayan at pasagutan sa mga mag-aaral. Ipakompyut ang antas ng pagbabago ng CPI. Taon CPI (2000=100) Antas ng Pagbabago ng CPI (%) 2002 250 _____ 2003 250 _____ 2004 6,000 _____ 2005 1,000 _____ 2006 1,200 _____ 37 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. D. Paglalapat Magpasaliksik sa Internet o Philippine Statistical Yearbook ukol sa antas ng implasyon sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon. Ilapat sa graph ang nasaliksik na datos. Ipasulat ito sa harap ng klase. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano mo mauugnay ang kasabihang “Habang maikli ang kumot ay matutong mamaluktot” sa suliranin ng ekonomiya tulad ng implasyon? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 238 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, news clipping o headline ukol sa malawakang kilos-protesta, antas ng implasyon sa Pilipinas Aralin 21 Patakarang Piskal ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Magpakita sa klase ng resibo ng produkto at bigyang-pansin ang 12% VAT. Magpakita rin ng larawan ng proyektong panlipunan tulad ng ginawang kalsada o tulay, hospital, daungan, at paaralan. 2. Itanong sa mag-aaral: Bakit kailangang mangalap ng karagdagang buwis ang pamahalaan? 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 256 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Debate. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang unang dalawang pangkat ang bubuo sa sang-ayon at hindi sang-ayon. Ang ikatlong pangkat ang magsusuri ng dalawang pangkat. Pumili ng alinman sa sumusunod na paksa bilang tuon ng pagtatalo. Pagtalunan na: a. Nakikinabang ang bansa sa mga patakarang piskal na ipinatutupad ng pamahalaan. b. Kapag may kakulangan sa pondo para sa pambansang badyet, ang Kongreso ay dapat magpasa ng panibagong pagbubuwis upang ito ay mapunan. c. Ang paghiram ng salapi ng Pilipinas sa ibang bansa ay nakatutulong sa pagpapatupad ng mga proyekto o programa nito. 2. Mock session sa Kongreso. Gawing batayan ang parliamentary procedure upang susugan ang panukalang karagdagang buwis na may layuning madagdagan ang pondo ng pamahalaan. 3. Malayang talakayan. Batay sa takdang aralin at mga pangkatang gawain ng mga mag-aaral, magsagawa ng malayang talakayan. Dapat malalim at malinaw ang katanungan upang lubos na masuri ng mga mag-aaral ang lahat ng nailahad na datos at impormasyon. C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Bakit tinaguriang lifeblood ng pamahalaan ang buwis? b. Masasabi ba nating laging masama ang epekto kung tataasan ang singil sa buwis? Pangatwiranan ang sagot. c. Paano ba dapat gastusin ang pondo ng bayan? 2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 3. Para sa karagdagang kaalaman, ipasaliksik ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9337. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa opinyon ng mga mag-aaral tungkol dito. D. Paglalapat Ibigay bilang takdang-aralin: Alamin ang kita ng inyong pamilya para sa isang buwan. Gumawa ng sariling badyet at ipakita ito sa pamamagitan ng pie graph. Iulat ito sa klase. 38 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. E. Pagpapahalaga Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 256 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, resibo, larawan ng proyektong panlipunan, Income Tax Return at W2, Internet Aralin 22 Ang Patakarang Pananalapi ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 269 ng batayang aklat. Sagot: a. discounting — proseso ng pagpapautang ng bangko sentral b. moral suasion — paghikayat ng bangko sentral sa mga bangko na ayusin ang paggamit ng reserves c. excess reserves — tumitiyak na matutugunan ng bangko ang demand sa salapi ng kanilang kliyente d. open market — tumutukoy sa pamilihan ng securities na bukas sa public auction B. Paglinang 1. Pagsasadula. Gagampanan ng mga mag-aaral ang mga katauhang nasa ibaba at magbabahagi sila ng kanilang kaalaman ayon sa paksang nakatakda para sa kanila at ayon sa katauhang kanilang kinakatawan. a. Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas — patakarang pananalapi sa Pilipinas; mga usapin ukol dito; pagkontrol sa money supply b. Kalihim ng DTI — kalagayan ng pamumuhunan o investment sa bansa c. Manager ng isang bangko — pagpapairal sa easy at tight money policy sa Bangko Sentral ng Pilipinas d. Kawani ng Philippine Stock Exchange — kalagayan, usapin, at katatagan ng stock market at pamumuhunan sa Pilipinas e. Kinatawan ng SEC — patakaran tungkol sa open market operations ng mga bahay-kalakal Magkakaroon ng malayang talakayan pagkatapos ng pagsasadula. Ang guro ay facilitator lamang upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masuri at mataya ang paglalahad na ibinahagi sa dula-dulaan. 2. Panel discussion. Mag-anyaya ang klase ng mga panauhing magsasalita tungkol sa mga paksang tulad ng nasa duladulaan. Magkakaroon ng open forum pagkatapos ng pananalita ng bawat panauhin. 3. Markahan ang isinagawang dula-dulaan at panel discussion gamit ang rubric para dito sa Apendiks. C. Pagpapalalim 1. Itanong: Bakit kailangang kontrolin ng Bangko Sentral ang money supply? Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. 3. Atasan ang mga mag-aaral na bumisita sa i-learn.vibalpublishing.com para sa link ng artikulo tungkol sa BSP. Pagtibayin ang kanilang kaalaman sa patakarang pananalapi sa pamamagitan ng muling pagkilala sa mahahalagang konsepto rito at sa paglalaro ng interactive simulation. Ipatala sa isang papel ang natutuhan ng mga mag-aaral mula sa mga gawaing ito. D. Paglalapat Magsaliksik sa Internet o Philippine Statistical Yearbook ukol sa money supply ng Pilipinas sa nakalipas na 10 taon. Ipalapat ito sa graph at pabigyan ng interpretasyon ang kanilang gawa. E. Pagpapahalaga Itanong: Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin nang maayos ang iyong salapi (tulad ng baon) upang makatulong sa pagpapabuti ng ekonomiya? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga pigura, Internet, Philippine Statistical Yearbook 39 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 23 Mga Institusyong Pinansiyal: Bangko, Bahay-sanglaan, at Kooperatiba ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 278-279 ng batayang aklat. Sagot: 1. c 4. b 2. a 5. d 3. e B. Paglinang Pangkatin ang klase sa apat. Iatas sa mag-aaral na mag-ulat tungkol sa paksa gamit ang concept map. Mga Institusyong Pinansyal Bangko Hindi Bangko C. Pagpapalalim 1. Itanong: Sa paanong paraan nakatutulong ang mga institusyong pinansyal sa pagsulong ng kaunlarang pang-ekonomiya? Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Maaaring gamiting gabay ang Pagbubuod sa pahina 278 ng batayang aklat. D. Paglalapat 1. Magpagawa ng survey sa pamayanan ng mga mag-aaral at alamin ang mga institusyong pinansyal na matatagpuan doon. Ipakategorya ang mga ito kung nabibilang sa bangko o hindi bangko. 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 279 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Alin sa mga institusyong pinansyal ang higit na nakatutulong sa kabuhayan ng mas nakararaming mamamayan? Bakit? 2. Bigyang-reaksyon ang kasabihang “kapag may isinuksok, may madudukot.” 3. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 278 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, graphic organizer, Internet Aralin 24 Ang Salapi at ang Bangko Sentral ng Pilipinas b. Ang paksang, “Kahalagahan ng mga Institusyon ng Pananalapi,” ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng skit. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong para sa pangkatang gawain: 1. Ano ang mga institusyong bumubuo sa sektor ng pananalapi? 2. Bakit mahalaga ang mga institusyong pinansiyal? 3. Paano nakikibahagi ang mga institusyong ito sa kabuuang ekonomiya ng bansa? ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Hanapin sa hanay B ang salapi ng mga bansang nakalista sa hanay A. B A (b) a. baht ______ 1. England (e) b. pound ______ 2. Japan (c) c. rial ______ 3. Saudi Arabia (a) d. rupee ______ 4. Thailand (d) ______ 5. India e. yen 40 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 292 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Magsasagawa ng skit ang bawat pangkat batay sa sumusunod: • Ang barter system • Ang pamimili sa kasalukuyang panahon Iproseso ang ginawang skit sa gabay ng guro. 2. Magsagawa ng isang panayam o talk show para sa paksang, “Kasaysayan ng Pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga Tungkulin Nito.” Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong para sa pangkatang gawain. a. Ano ang salapi? b. Ano ang mga salik na nagpapabago sa halaga ng salapi at money demand? Ipaliwanag ang bawat isa. c. Paano nagsimula ang mga bangko sentral? d. Bakit mahalaga ang Bangko Sentral ng Pilipinas? C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Anong mga salik ang nagbunsod sa ebolusyon ng salapi? b. Paano mapananatili ang tiwala ng tao sa salapi? 2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Tingnan ang Pagbubuod sa pahina 292 ng batayang aklat. D. Paglalapat Magpadala sa klase ng salapi o larawan ng salapi (nasa aktwal na laki) ng iba’t ibang bansa. Kilalanin ang mga ito. Kung maaari ay ilagay sa isang illustration board. Ipahambing ang gawa ng bawat mag-aaral sa kanilang mga kamag-aral at ipakita ito sa harap ng klase. E. Pagpapahalaga 1. Maraming bagay ang hindi nabibili ng salapi tulad ng: a. pagmamahal c. tunay na kaibigan b. sapat na tulog d. kalusugan 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 292 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga salapi ng iba’t ibang bansa, illustration board, Internet Aralin 25 Pandaigdigan at Pambansang Pananalapi ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipaskil ang karikaturang ito sa pisara. 2. Itanong ang sumusunod sa klase: a. Anong konsepto ang ipinakikita ng karikatura? b. Anong salapi ang gagamitin sa kalakalang pandaigdig? 3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 301 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Maaaring gumamit ang guro ng film showing tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig o magsagawa ng skit ang mga mag-aaral tungkol dito. (Ipoproseso ito ng mga mag-aaral sa gabay ng guro. Bibigyang-tuon ang pinsalang dulot ng digmaan at ang pagtatatag ng World Bank at IMF). 2. Maaari ding magsagawa ng panayam sa pagtalakay ng paksang, “Mga Pamantayan sa Pandaigdigang Sistema ng Pananalapi.” 41 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Maaaring gamitin bilang gabay ang sumusunod na mga tanong para sa mga gawain. a. Ano ang mga pamantayan ng pandaigdigang sistema ng pananalapi? b. Ano ang mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi? Paano naitatag ang mga ito? c. Ano ang mga layunin ng IMF at WB? Ipaliwanag. d. Paano nagkaroon ng kaugnayan ang pambansang sistema ng pananalapi sa pandaigdigang sistema ng pananalapi? C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Alin sa mga pamantayan sa pandaigdigang sistema ng pananalapi ang pinakamainam? Bakit? b. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi sa ekonomiya ng bansa? 2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro. 3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. D. Paglalapat Tunghayan sa mga pahayagan ang antas ng palitan ng piso sa ibang dayuhang salapi. Ipahambing ito sa antas ng palitan sa nakalipas na limang araw. Suriin ang pagbabago sa palitan. (Maaari itong ilapat sa isang line graph.) Ipasulat sa klase ang mga posibleng dahilan ng pagbabago sa antas ng palitan. E. Pagpapahalaga Itanong: Nararapat ba ang patuloy na pangungutang ng bansa upang matustusan ang mga proyektong pangkabuhayan nito? Ipaliwanag ang sagot. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, karikatura, Internet PANGYUNIT NA PAGSUSULIT A. Kaalaman sa Pagsusuri. Isulat ang titik T kung tama ang mga sumusunod na pahayag. Kung mali, palitan ang mga salitang may salungguhit upang maging wasto ang pahayag. 1. Kung ang impok ay mas mataas kaysa sa pahunan, ang potensyal na GNP ay bababa. (T) 2. Maaaring magkaroon ng surplus sa badyet kapag mas marami ang gastos pampamahalaan kaysa inaasahang papasok na buwis. (deficit) 3. Sa modelong two sector economy ang sambahayan ang tuwirang tagapangasiwa sa paglikha ng produkto. (bahay-kalakal) 4. Ang palabas na kita mula sa daloy ng kalakal at serbisyo ay tinatawag na injection. (leakage) 5. Ang cedula ay isang halimbawa ng direct tax. (T) 6. Kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap pamproduksyon tinatawag natin itong demand pull inflation. (cost push inflation) 7. Kapag ibinababa ang buwis, ang kapasidad ng disposable income o kitang pwedeng gastusin ay tataas. (T) 8. Kapag may implasyon, ang mga nagpapautang ay nalulugi. (kumikita) 9. Kapag tumaas ang palitan ng halaga ng piso sa dolyar, lumalaki ang kita ng mga Pilipinong exporter. (lumiliit) 10. Sa two sector economy ang ekilibriyong GNP ay matatamo kapag ang produksyon = pagkonsumo. (T) B. Kaalaman sa Aplikasyon. Piliin ang pinakatamang sagot. Titik lamang ang isulat. 1. Kapag mababa ang interes ng salaping impok sa bangko ibig sabihin nito ay: a. hindi nag-iimpok* b. binabawasan ang impok c. dinadagdagan ang impok d. kukunin ang deposito sa bangko 42 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Sa three sector economy ang ekilibriyong GNP ay matatamo kapag ang pamumuhunan at pamahalaan ay katumbas ng: a. impok at buwis* b. angkat at buwis c. impok at subsidy d. pagkonsumo at produksyon 3. Ang malawakang kawalan ng trabaho ay maaaring malunasan kapag ang pamahalaan ay: a. magbababa ng buwis b. pabababain ang deficit c. magbabawas ng gastos d. magsasagawa ng maraming proyektong pang-imprastruktura* 4. Nais ni Mr. Tan na mapalago ang kanyang bakeshop sa Makati. Dinagdagan niya ng lahat ng salik ng produksyon upang maisakatuparan ito, maliban sa isa, ang espasyo ng kanyang bakeshop. Ang batas pang-ekonomiya na angkop sa kalayang ito ay: a. Batas ng papaunti/papaliit na kapakinabangan b. Batas ng ipinagpalibang halaga c. Batas ng papaunting balik* d. Batas ng kalikasan 5. Hindi totoong kita ang isinulat ni Mr. Ching sa kanyang taunang pagbabayad ng buwis. Ang epekto nito sa kalagayang pang-ekonomiya ay: a. mababawasan ang paglilingkod na maibibigay sa bayan* b. dadami ang paglilingkod sa bayan c. lalaki ang disposable income ni Mr. Ching d. liliit ang magiging kita ng mga tao 6. Layunin ng pamahalaan na ipatupad ang serbisyong pangkaunlaran tulad ng edukasyon, pabahay, at imprastruktura. Bilang isang mabuting mamamayan, ano ang isang pangunahing tungkulin upang ito ay maisakatuparan ng pamahalaan? a. gampanan ang responsibilidad upang hindi maging pabigat sa bayan b. magbayad ng tamang buwis sa takdang panahon* c. maging aktibong kasapi ng inyong barangay d. kumilos ayon sa dikta ng konsensya 7. Hindi lahat ng tao ay nalulungkot kapag may implasyon sa bansa at kapag mayroong kalagayang ganito, ang malimit na natutuwa ay ang mga: a. mamamayang may takdang kita o sahod b. nagpautang dalawang taon na ang nakalipas* c. nangutang dalawang taon na ang nakalipas d. may-ari ng mga insurance policy 8. Upang bumaba ang presyo sa pamilihan, kailangan ay: a. bawasan ang pera sa sirkulasyon* b. dagdagan ang salapi sa sirkulasyon c. dagdagan ang sahod ng mga manggagawa d. a at b 9. Umabot ang antas ng implasyon sa 99%. Ang epekto nito sa iyong personal na pamumuhay ay: a. tataas ang uri ng iyong mabibiling serbisyo b. mababawasan ang dami ng iyong mabibili* c. lalaki ang iyong deposito sa bangko d. sasapat ang iyong baon 10. Kung mabilis ang paglaki ng populasyon, samantalang ang GNP ay walang pagbabago, ang per capita income ay: a. lalaki c. mananatili b. liliit* d. walang sagot C. Punan ang patlang ng tamang sagot. 1. Ang kabuuang produksyon o kitang nanggaling sa loob ng bansa ay tinatawag na ___________. (Gross Domestic Product) 43 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Ang inflation ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng ___________ sa halos buong pamilihan sa buong ekonomiya. (presyo) 3. Tinaguriang bangko ng mga __________ ang Bangko Sentral. (bangko) 4. Ang pagkontrol sa suplay ng ___________ ay ginagampanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamumuno ng Monetary Board. (salapi) 5. Ang halaga ng metal na ginagamit sa paglikha ng salapi ay tinatawag na ___________. (intrinsic value) D. Iugnay ang hanay A sa hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. ______ 1. (c) ______ 2. (a) ______ 3. (b) 6. Ang siklo kung saan malaki ang produksyon ng pambansang ekonomiya ay tinatawag na ____________. (boom period) 7. Ang patuloy na pagliit o pagbaba ng produksyon ng pambansang ekonomiya ay tinatawag na ____________ (bust period) ______ 4. (e) 8. Tumutukoy sa proporsyon ng dami ng walang trabaho sa kabuuang lakas-paggawa ang ____________. (unemployment rate) 9. Ang listahan o talaan ng mga nagbabagong presyo ng kalakal o serbisyong karaniwang binibili o tinatangkilik ng konsyumer ay ang ____________. (Consumer Price Index) 10. Ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng piso ay ang ____________. (inflation) 11. Ito ang tinaguriang lifeblood ng pamahalaan, sapilitang kontribusyon ng mamamayan sa pamahalaan. (Buwis) 12. Ang mga ____________ ay mga salik ng produksyon na iniluluwas sa mga dayuhang ekonomiya at kita naman para sa pambansang ekonomiya. (inflow) ______ 5. (d) A Nangangasiwa sa lahat ng bangko upang maging maayos ang sistema ng pananalapi sa Pilipinas Humihikayat sa mga tao na mag-impok at magtipid Layuning tulungan ang mga kooperatiba at maliliit na negosyante sa lalawigan Nagkakaloob ng mas mabilis na paraan ng pagpapautang o pagpapahiram sa mga taong nangangailangan ng salapi kapalit ang collateral Layuning tulungan ang mga small and medium scale na industriya B a. bangko sa pagtitipid b. bangkong rural c. Bangko Sen tral ng Pilipinas d. D e v e l o p m e n t Bank of the Philippines e. bahay-sanglaan E. Kompyutin ang Price Index kung ang batayang taon ay 2000. Taon Halaga ng Produkto 13. Ang siklo ng paglaki at pagliit ng produksyon ng panloob na ekonomiya ay tinatwag sa ekonomiks na ____________. (business cycle) 2000 5100 100 2001 5200 200 14. Ang pagtaas ng average na presyo ng higit sa 50% bawat buwan ay kilala bilang ____________. (hyperinflation) 2002 5300 300 2003 5400 400 2004 5500 500 15. Kapag binabaan ng pamahalaan ang paggastos at magpapataw ito ng mataas na antas ng buwis, ito ay nagpapatupad ng ____________. (contractionary fiscal policy) Consumer Price Index 44 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. F. Punan ng tamang sagot ang mga kahon upang mabuo ang modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya. Piliin ang sagot sa hanay ng mga salita sa ibaba. Panlabas na Sektor Bahay-kalakal Sambahayan Kita Pamahalaan Agrikultura Pamilihang Pinansyal Paggasta Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod (Bahay-kalakal) 1. _____________ G. Semantic Scale: Pagpasyahan kung ang mga pangyayari ay makabubuti, balanse, o di-makabubuti sa ekonomiya Indicator: Makabubuti +2 = lubhang kapaki-pakinabang +1 = may kaunting kapakinabangan 0 = balanse ang pakinabang Hindi makabubuti -1 = walang kapakinabangan -2 = lubos na walang kapakinabangan Pangyayari: ______ 1. Pag-imprenta ng maraming salapi (+1) (Sambahayan) 2. _____________ ______ 2. Pagtaas ng interes sa pangungutang (+1) ______ 3. Paghikayat sa dayuhang mamumuhunan (+2) Input para sa produksyon Sahod, upa, at tubo Salik ng produksyon Pamilihan ng Salik at Produksyon ______ 4. Pagbebenta ng securities ng pamahalaan (+2) ______ 5. Pagpapairal ng tight money policy (+1) ______ 6. Pagtaas ng antas ng implasyon (+1) Kita ______ 7. Paghikayat sa small and medium-scale industries (+2) ______ 8. Paglakas ng piso kontra dolyar (+2) Pamumuhunan Pinansyal) 3. (Pamilihang __________________ Pag-iimpok ______ 9. Pagtaas ng reserve requirement sa mga bangko (–1) ______ (+2) 10. Pagbibigay ng mga seminar at training sa mga manggagawa Pagbili ng kalakal at paglilingkod (Pamahalaan) 4. __________________ Buwis Buwis Pagluluwas Sweldo, tubo, transfer payments (panlabas na sektor) 5. __________________ Pag-aangkat 45 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. YUNIT IV C. Paglalapat Nakalalahok sa mga gawaing pampaaralan o pampamayanan kung saan kailangan ang matibay na paninindigan at saloobin upang maisulong ang angkop at maayos na operasyon ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya na magdudulot ng pambansang kaunlaran MGA SEKTOR NG EKONOMIYA Kabuuang bilang ng araw: 43 ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya tungo sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng bawat Pilipino Nakagagawa ng feasibility study na tumatalakay sa kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya, mga suliraning kinakaharap nito at solusyong ipinaiiral upang matamo ang pambansang kaunlaran. Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng bawat sektor pang-ekonomiya ng Pilipinas sa pagtamo ng isang matatag at maunlad na pambansang ekonomiya na may tuwirang epekto sa mga mamamayan nito. Paano naaapektuhan ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa ang layunin nito na pambansang katatagan at kaunlaran? ANTAS 2: PAGTATAYA Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan: A. Pagpapaliwanag Naipapaliwanag ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng bawat sektor ng pang-ekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran B. Pagpapakahulugan Nabibigyang-puna na ang matatag at maunlad na pambansang ekonomiya ay epekto ng matibay at maayos na operasyon ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa D. Perspektibo Nabibigyang-katwiran na ang adhikain o layunin ng isang matatag at maunlad na pambansang ekonomiya ay makakamit sa pamamagitan ng pagsasaayos ng operasyon at gawain ng lahat ng sektor pang-ekonomiya ng bansa E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili sa katayuan ng bawat kasapi ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya at natutukoy ang naging kontribusyon ng bawat isa upang matamo ang hinahangad na pambansang kaunlaran F. Pagkilala sa Sarili Nakikilala ang mahalagang papel ng bawat kasapi o kalahok sa sektor pang-ekonomiya, na ang pagpapalakas o pagiging matatag nito ay hindi lamang dapat iatang sa pamahalaan, bagkus may mahalagang bahagi rin ang mamamayan Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap ☛ Awtentikong Pagtataya 1. Paggawa ng feasibility study na tumatalakay at sumusuri sa operasyon at gawain ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa, bahaging ginampanan nito sa pambansang kaunlaran at pagpapatatag ng ekonomiya 2. Partisipasyon sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan ukol sa pagpapabuti at pagsasaayos sa kalagayan at gawain ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya 3. Pakikilahok sa pangkatang gawain o presentasyon ng klase 46 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ☛ Tradisyunal na Pagtataya A. Tama o Mali. Sabihin kung tama o mali ang isinasaad ng sumusunod. (Tama) _________ (Tama) _________ (Tama) _________ 1. Kadalasan, ang mga hilaw na materyal na ginagamit sa industriya ay nagmumula sa agrikultura. 2. Isang dahilan ng mabagal na pagsulong ng agri kultura ay ang pinsalang dulot ng mga kalamidad tulad ng El Niño, red tide, baha, at bagyo. 3. Ang mga gawain sa impormal na sektor ay hindi nabibilang sa pagsukat ng Gross National Product. B. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Magkaugnay ang sektor ng agrikultura at industriya dahil ________. a. tagatustos ng salapi ang industriya sa agrikultura b. hindi magagawa ng agrikultura ang gawaing industriyal c. ipinauubaya ng agrikultura ang lahat ng gawain sa industriya d. sa agrikultura nagmumula ang sangkap na binubuo sa mga industriya* 2. Ang balanse ng kalakalan ay mabuti kapag ________. a. ang iniluluwas ay higit na malaki sa inaangkat* b. ang inaangkat ay higit na malaki sa iniluluwas c. pantay ang dami ng iniluluwas sa inaangkat (Mali) _________ 4. Ipinatupad ang Republic Act 6657 sa administrasyon ni Pangulong Ramon Magsaysay. (Mali) _________ 5. Kapag may tatak PS ang isang produkto, galing ito sa ibang bansa. (Tama) _________ 6. Ang liberalisasyon ay tumutukoy sa malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kapital. a. pagpapaunlad ng mga pamantayan* (Tama) _________ 7. Ang Johnson and Johnson ay isang halimbawa ng korporasyong transnasyonal o transnational corporation (TNC) na nagmula sa Japan. d. pagpapautang ng puhunan sa industriya at pangangalakal (Tama) _________ 8. Ang Nokia Corporation ay isang kompanya sa bansang Finland. (Mali) _________ 9. Ang pagbibigay pahintulot ng pamahalaan sa ibang bansa ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng kanilang negosyo ay tinatawag na globalisasyon. (Mali) 10. Transnational corporations ang katawagan _________ sa malalaking negosyo na may malawak na operasyon na kalimitan ay dayuhan ang may-ari. d. wala sa mga nabanggit 3. Layunin ng Bureau of Product Standards ang sumusunod maliban sa ________. b. pagpapalaganap ng impormasyong teknikal c. pagsusuri at pagpapatibay ng isang produkto 4. Ang doktrinang nagsasabing hindi dapat makialam ang pamahalaan sa gawaing pang-ekonomiya ay ang ________. a. merkantilismo c. pasismo b. laissez faire* d. monopoly 5. Ipagpalagay na turista ka sa Thailand. Bumili ka ng pagkaing nagkakahalaga ng 1,000 baht. Ang kasalukuyang antas ng palitan ay 200 baht bawat 1 dolyar. Magkano ang halaga sa dolyar ng pagkaing binili mo? a. $0.5 c. $5* b. $2 d. $20 47 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 6. Ang buwis na ipinapataw sa produktong inaangkat ay tinatawag na ______. a. taripa* c. subsidy b. quota d. dumping 7. Ang tulong na ipinagkaloob ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na produkto ay ang ______. a. quota* c. duty b. taripa d. infant-industry 8. Batay sa prinsipyo ng comparative advantage sa dalawa o higit pang produkto, dapat mag-espesyalista sa produktong napoprodyus nang ______. a. pinakamarami c. pinakamabilis b. pinakamaayos d. pinakaepisyente* 9. Ang restriksyon na ipinatutupad ng isang bansa upang makontrol ang dami ng pumapasok na produkto mula sa iba ay tinatawag na ______. a. quota* c. buwis b. dumping d. subsidy 10. Ang halaga ng isinusuko sa bawat pagpili ng produkto o serbisyo dahil sa kakapusan ay ang ______. a. opportunity cost* c. absolute advantage b. comparative advantage d. balance of trade C. Markahan ng (✓) kung kanais-nais at (✗) kung di-kanais-nais ang sumusunod na mga gawain. (✓) 1. Pagdalo ng mga magsasaka sa mga pagpupulong para ______ sa pagpaparami ng ani (✓) 2. Pagsali sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng ______ tree-planting at iba pa (✓) 3. Pagpapatayo ng mga bangko sa kanayunan ______ (✗) 4. Pagpapautang sa mga magsasaka ng may mataas na ______ interes (✗) 5. Paggamit ng pestisidyo upang masupil ang mapamuk______ sang insekto sa pananim Aralin 26 Sektor ng Agrikultura ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipabasa ng guro ang sipi ng tulang “The Man with the Hoe” ni Edwin Markham, anong ideyang pang-agrikultura ang posibleng maiugnay rito? Itanong ang sumusunod: a. Anong mga gawain at produkto ang makikita sa sektor ng agrikultura? b. Bakit dapat pangalagaan ang sektor na ito? Batay sa mga sagot, ipabigay ang kahulugan ng sektor ng agrikultura. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 314-315 ng batayang aklat. Sagot: 1. agrikultura 2. high-yielding variety 3. loan shark 4. repormang agraryo 5. pagmamanukan 6. Comprehensive Agrarian Reform Program 7. ari-ariang nabawi 8. Presidential Decree No. 2 9. Ferdinand Marcos 10. reporma sa lupa B. Paglinang 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang iba’t ibang larawan ng mga gawain o produktong galing sa sektor ng agrikultura. Gawing pangganyak ang mga larawang ito upang simulan ang paksang tatalakayin. 48 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Gamitin ang concept cluster upang ilarawan ang mga bumubuo sa mga subsektor ng agrikultura. Paghahayupan Pagsasaka Agrikultura Pangingisda Pagmamanukan 3. Panel Discussion. Paksa ng talakayan: Ang Kasalukuyang Kalagayan ng Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas. Gabayan ang talakayan sa pamamagitan ng mataas na antas ng pagtatanong. Markahan ang isinagawang panel discussion gamit ang rubric para dito na nasa Apendiks. 4. Panayam. Bumuo ng tatlo hanggang apat na pangkat sa klase. Gawing pokus ng panayam ang sumusunod: a. Kalagayan ng sektor ng agrikultura sa kasalukuyan b. Mga suliranin sa sektor ng agrikultura c. Programa ng pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura d. Mga pakinabang na dulot ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong: Ano ang papel o bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa? Hayaang magbigay ng sariling pananaw o opinyon ang mga mag-aaral. 2. Itanong din sa klase ang kaugnay na mga tanong. a. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang sektor ng agrikultura ng bansa? b. Paano nilulutas ng pamahalaan ang suliraning kaugnay sa sektor na ito? c. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang lalong umunlad ang sektor na ito? d. Paano nakatutulong ang sektor na ito sa inyo bilang mamamayan at sa ekonomiyang pambansa? 3. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga isyu sa kalagayan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas, ipa-access ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com. Hingan ng opinyon ang mga mag-aaral hinggil sa nabasang artikulo. D. Paglalapat 1. Itanong sa klase kung mas makabubuti ba sa ekonomiya ng Pilipinas na lalong paigtingin ang sektor ng industriya nito kaysa sektor ng agrikultura. Hayaang ipaliwanag nila ang kanilang sagot. 2. Talakayin sa klase ang magiging implikasyon sa ekonomiya at sa kalagayan ng sektor ng agrikultura sakaling paigtingin ng pamahalaan ang gawain sa sektor ng industriya ng bansa. 3. Sa huli, itimo sa isipan ng mag-aaral na ang Pilipinas ay kilala bilang bansang agrikultural, kung kaya nararapat ang maayos at masidhing pag-aaral sa angkop na programang tunay na lilinang sa yamang-likas nito na makikita lamang sa sektor ng agrikultura. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano natin matutulungan at tuluyang maiaangat ang kalagayan ng sektor ng agrikultura sa bansa? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 314 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, statistical data tungkol sa sektor ng agrikultura, Internet, Philippine Statistical Yearbook 49 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. Aralin 27 Pangisdaan at Paggugubat ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipabasa ng guro sa mag-aaral ang sipi ng tulang “TREE” ni Joyce Kilmer. Ibigay din bilang takdang-gawain ang panonood sa video documentary na “An Inconvenient Truth” ni dating US Vice-President Al Gore. Itanong: Ano ang mga ipinakikita at ipinahahayag na kasalukuyang kalagayan ng kagubatan at karagatan o anyong-tubig sa Pilipinas at sa mundo? a. Anong mga gawaing pang-ekonomiya ang makikita sa subsektor na pangisdaan at paggugubat? b. Sa paanong paraan dapat tugunan ng pamahalaan ang matinding hamon o suliranin sa subsektor na ito? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 326-327 ng batayang aklat. 1. a 5. c 2. f 6. d 3. b 7. e 4. h B. Paglinang 1. Pagsasadula. Pangkatin ang klase sa apat. Pagtanghalin ang bawat pangkat ng dula-dulaan na nagpapakita ng sumusunod: a. Ang kasalukuyang kalagayan ng pangisdaan at paggugubat sa Pilipinas b. Mga suliranin sa pangisdaan at paggugubat c. Epekto ng mga suliraning ito sa mga nagtatrabaho rito at sa dami ng produktong nagmula rito d. Proyekto o programa ng pamahalaan na nagtataguyod sa kaayusan at kaunlaran ng pangisdaan at paggugubat 2. Debate. Bumuo ng dalawang pangkat sa klase: pangkat na “sang-ayon” at pangkat na “hindi sang-ayon.” Ipapahayag ng alinman sa dalawang pangkat ang kanilang saloobin, paniniwala, pananaw, at kaalaman tungkol sa sumusunod na mga isyu: a. Pagpasyahan na matatamo lamang ang tunay na kaunlaran sa pangisdaan at paggugubat kung gagamit ng makabagong teknolohiya para dito b. Pagpasyahan na isang masusing pag-aaral sa tunay na kalagayan ng pangisdaan at paggugubat ang kailangan upang matamo ang kaunlaran nito 3. Panel discussion. Viewpoint: Ano ang Katotohanan sa Subsektor ng Pangingisda at Paggugubat? Gawing malalim ang talakayan sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga piling panelista tulad ng kinatawan ng agrikultura, mga forest ranger, mangingisda, negosyante, at pinuno ng lungsod o lalawigan. C. Pagpapalalim 1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong: Ano ang papel o bahaging ginagampanan ng subsektor na pangisdaan at paggugubat sa ekonomiya ng bansa? Hayaang magbahagi ng sariling pananaw o opinyon ang mga mag-aaral. 2. Itanong din sa klase ang mga kaugnay na tanong. a. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang subsektor ng pangisdaan at paggugubat ng bansa? b. Sa mga suliranin at hamon na kinakaharap ng subsektor na ito, paano ito binibigyang-solusyon ng pamahalaan? c. Paano dapat pangalagaan at paunlarin ng pamahalaan ang subsektor na ito? d. Bakit sama-samang pagkilos ang nararapat na hakbang tungo sa tamang pangangalaga sa subsektor na nabanggit? Pangatwiranan. 3. Ipabasa ang artikulo tungkol sa Forest Management Bureau. Tingnan ang link para dito sa i-learn.vibalpublishing.com. D. Paglalapat 1. Itanong sa klase: a. Paano maisasakatuparan ang programang sustainable development sa bansa? b. Ano ang magiging implikasyon sa ekonomiya at kalikasan kapag hindi balanseng ekolohikal ang mga programang pangkaunlaran na ipatutupad sa bansa? 50 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Itimo sa kaisipan ng mag-aaral na ang wastong paggamit ng mga likas na yamang biyaya ng Maykapal ay magandang pamana para sa susunod na henerasyon. 3. Ipagawa ang unang bilang sa Gawain sa pahina 327 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano natin matutulungan at tuluyang maiaangat ang kalagayan ng pangisdaan at paggugubat sa bansa? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 327 ng batayang aklat. C. Jollibee Foods Corporation D. Mitsubishi Motors ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, DVD documentary na “An Inconvenient Truth”, Internet, Philippine Statistical Yearbook Aralin 28 Papel ng Sektor ng Industriya sa Kaunlaran E. Toyota Motor Manufacturing ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Piliin at itugma ang angkop na simbolo o logo sa bawat kompanya o korporasyong kinabibilangan nito. Kompanya A. Manila Electric Company B. Petron Corporation Logo Gamitin ang mga gabay na tanong: a. Anong mga ideya o konsepto ang maiuugnay sa bawat simbolo o logo? b. Anong mga uri ng gawain ang makikita sa sektor ng industriya? c. Paano nakikinabang ang bansa mula sa sektor ng industriya? d. Bakit dapat palakasin at paunlarin ang sektor ng industriya ng bansa? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 337 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Pangkatang Ulat. Gamit ang estadistika sa presentasyon ng pie graph, ipahahayag ng pangkat ang mga subsektor ng industriya, mga gawain sa sektor ng industriya, kontribusyon sa ekonomiya, tunay na kalagayan, at iba pang kaugnay na konsepto. 51 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Pagsasadula. Ang mga mag-aaral ay gaganap ng takdang katauhan sa dula. Isadula ang kasaysayan ng pag-usbong ng industriya, kalagayan, suliranin, katangian, pakinabang, at epekto. Narito ang mga mungkahing katauhang isasadula: a. May-ari ng industriya b. Kalihim ng DTI c. Manggagawa ng industriya d. Kinatawan ng DENR e. Labor leader f. Alkalde o gobernador C. Pagpapalalim 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang nangungunang industriya sa bansa. Sa pamamagitan ng talahanayan o matrix, pupunan ng datos ng mga mag-aaral ang sumusunod: a. pangalan ng industriya b. may-ari c. kita d. uri ng operasyon e. uri ng produktong napoprodyus f. logo o simbolo 2. Itanong sa klase ang mga kaugnay na tanong: a. Paano nakatutulong ang sektor ng industriya sa kaunlaran ng bansa? b. Bakit dapat na mapangalagaan o maproteksyunan ng pamahalaan ang sektor na ito? D. Paglalapat 1. Lakbay-aral. Bago payagang lumabas ang mga mag-aaral para sa isang educational tour (paglilibot sa iba’t ibang pabrika o planta), ihanda ang kanilang mga kaisipan sa pamamagitan ng mga gabay na tanong kaugnay ng paksa. a. Ano ang iyong nakikita o napapansin sa uri ng industriya na pinasyalan? b. Anong uri ng gawain ang pokus ng industriyang ito? c. Sino ang may-ari ng industriya? d. Matindi ba sa lakas-paggawa o sa kapital ang operasyon ng industriyang nabanggit? e. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya sa lugar ninyo at sa bansa? f. Ano ang pakinabang ng industriya sa ekonomiya? g. Ano ang hindi mabuting epekto ng industriya sa kalagayan ng tao, sa ekonomiya, at sa kapaligiran? h. Sa inyong palagay, batay sa inyong nasaksihan, paano lalong mapauunlad ang sektor ng industriya sa bansa? 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 337 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano dapat pangalagaan at pahahalagahan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga nasa sektor ng industriya? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 337 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, logo o simbolo ng mga pangunahing industriya, larawan ng mga uri ng industriya, Internet, Philippine Statistical Yearbook Aralin 29 Ugnayan ng Sektor ng Agrikultra at Industriya ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Mabuting Balita, Masamang Balita. Ipahanda sa mga magaaral ang bulletin board na may dalawang parte o bahagi. Ididikit sa kaliwang bahagi nito ang lahat ng mabuting balita tungkol sa sektor ng agrikultura at industriya, samantalang sa kanang bahagi naman ididikit ang lahat ng masamang balita. Gawin itong lunsaran para sa paksang tatalakayin sa pama- 52 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. magitan ng pagtatanong nito: Anong kaisipan o konsepto ang inyong nabuo sa pagsasanay? Bakit may mabuti/masamang balita tungkol sa dalawang sektor? Saan ito nag-ugat? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 348 ng batayang aklat. B. Paglinang 1. Concept Diagnosis. Mga Hakbang: Gumupit ng maraming larawang tungkol sa mga sektor ng agrikultura at industriya ng bansa. Hikayatin ang mga mag-aaral na banggitin ang lahat ng naiisip nilang may kaugnayan sa mga larawan. Halimbawa: pagmamanukan, pabrika, o paggugubat Pangkatin ang mga binanggit na ideya o kaisipan ayon sa sumusunod. • saklaw ng sektor • ahensya • programa • ugnayan at pakinabang 2. Inside Story: To Be or Not to Be. Sa isang malayang talakayan ng mga panelista, pag-ugnayin kung ano ang tunay na kalagayan ng dalawang sektor, kahalagahan nito, kontribusyon sa ekonomiya, at ugnayan sa isa’t isa. Ang pag-uulat na ito ay dapat lakipan ng estadistika upang maging makatotohanan ang paglalahad. C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Bakit dapat nating maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng agrikultura at industriya? b. Paano natin mapatatatag at mapalalakas ang ugnayang ito? c. Ano ang dapat na gampanin ng pamahalaan upang lubusang matiyak ang positibong pakinabang mula sa ugnayan na nabanggit? 2. Ibigay ang synopsis ng United Fruit Company ni Pablo Neruda. Ipasagot ang tanong sa Gawain sa pahina 349 ng batayang aklat. D. Paglalapat 1. Ipabuo ang sumusunod na mga pangungusap: a. Mahalaga ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng bansa sapagkat (malaki ang naiambag nito sa kabuuang pambansang kita). b. Ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng industriya at sektor ng agrikultura ay nagpapatunay lamang na (may pakinabang na dulot ang bawat isa). c. Dapat ang isang bansang maunlad ay maglunsad ng programang (industriyalisasyon) upang (lubos na maproseso ang ating mga hilaw na sangkap). d. Ang kagalingan ng kasanayan ng mga Pilipino ay (nasa larangan ng pagmamanupaktura). e. Ang pagkakaroon ng mga SMI sa bansa ay hudyat ng (paglago ng ekonomiya at karagdagang hanapbuhay). 2. Magpagawa ng maikling sanaysay batay sa cycle graph. Hilaw na sangkap Agrikultura Industriya Yaring produkto E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa sektor ng industriya tungo sa kaunlaran? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 348 ng batayang aklat. 53 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mga ginupit na larawang nagpapakita ng ideya tungkol sa sektor ng agrikultura at industriya, Philippine Statistical Yearbook, Internet Aralin 30 Pampublikong Korporasyon ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga news clipping tungkol sa operasyon ng GSIS, NAPOCOR, LRTA, NFA, NHA, LBP, at iba pa. Itanong ang sumusunod na katanungan. a. Anong mga magkakatulad na katangian ang taglay ng bawat isa? b. Paano nakikinabang ang pamahalaan sa operasyon ng mga ito? 2. Pasagutan ang Talasalitaan sa pp. 356-357 ng batayang aklat. Mga sagot: 1. nasyonalisasyon 2. korporasyong pampubliko 3. kapital 4. National Food Authority 5. pagsasapribado 6. Government Service Insurance System 7. katipiran 8. buwis 9. kompetisyon 10. pondo B. Paglinang 1. Mock Interview. Gumawa ng panayam sa sumusunod. Mga kakapanayamin: a. May-ari ng Philippine Airlines b. Pangulo ng Government Service Insurance System c. Pangulo ng MERALCO d. Kinatawan ng Philippine National Bank e. Pangulo ng Land Bank of the Philippines Mga Gabay na Tanong: a. Kailan nagsimula ang operasyon ng korporasyon? b. Bakit ito ang napiling uri ng negosyo? c. Anong katangian mayroon ang gawain o korporas yong ito? d. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng korporasyon? e. Ano ang mga problemang hinarap at paano ito nalutas? f. Ano ang pakinabang na dulot ng mga korporasyong ito sa tao, sa ekonomiya, at sa lipunan? 2. Iulat sa klase ang ginawang panayam. 3. Pangkatin ang klase sa anim. Bawat pangkat ay pipili ng paksang kanilang iuulat: a. Mga halimbawa ng pampublikong korporasyon b. Kasalukuyang kalagayan ng mga pampublikong korporasyon c. Mga suliranin at paraan ng paglutas dito d. Nasyonalisasyon at pagsasapribado ng mga korporasyon e. Multinasyonal na korporasyon f. Mga pakinabang o benepisyo ng operasyon ng mga MNC at korporasyong pampubliko 4. Gawing batayan upang magkaroon ng malalim na talakayan ang datos o impormasyong nanggaling sa pag-uulat ng mga mag-aaral. C. Pagpapalalim Itanong ang sumusunod: 1. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang mga pampublikong korporasyon? 2. Paano nakaaapekto ang operasyon ng mga pampublikong korporasyon sa ekonomiya ng bansa? 54 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. D. Paglalapat 1. Magpagawa ng islogan o poster na nagpapakita ng kontribusyon ng pampublikong korporasyon sa ekonomiya ng bansa. 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 357 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Ano ang bahaging ginampanan ng pampublikong korporasyon sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 356 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, news clipping tungkol sa pampublikong korporasyon, Internet, oslo paper, pentel pen Aralin 31 Sektor ng Paglilingkod ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga headline news tungkol sa sektor ng paglilingkod at itanong ang sumusunod: a. Paano pinaghandaan ng bansa ang sektor ng paglilingkod? b. Bakit nararapat na pangalagaan ng pamahalaan ang sektor ng paglilingkod? c. Ano ang mga kahalagahan ng sektor na ito sa katatagang pang-ekonomiya ng bansa? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 364-365 ng batayang aklat. Sagot: 1. business process outsourcing 5. brain drain 2. tiger economy 6. cub economy 3. skilled labor 7. sekundarya 4. sektor ng paglilingkod 8. Asya B. Paglinang 1. Panel Discussion: Strictly Politics Tema: Ang Sektor ng Paglilingkod • kalagayan, kontribusyon, suliranin, ahensyang nagpapatupad ng programa, kahalagahan, programa para sa hinaharap, at ekonomikong pangkaunlaran 2. Pagsasadula. Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang sumusunod: a. Kawani o empleyado ng hotel, restawran, bangko, call center at beauty parlor, mga nars at guro Ipakita ang uri ng paglilingkod na kanilang ibinibigay, kasalukuyang kalagayan ng kanilang trabaho, problema o suliranin sa kanilang hanay, at kahalagahan o pakinabang na dulot ng kanilang mga trabaho. b. Pinuno ng NEDA, National Statistics Office at Department of Tourism Talakayin ang estadistika tungkol sa bilang ng mga manggagawa sa sektor ng paglilingkod, bilang ng mga manggagawa sa bawat subsektor na nagtatrabaho o nasa ibang bansa, uri ng trabaho na pinapasukan sa ibang bansa, mga suliraning kinakaharap ng ahensya at ng mga manggagawa, at mga programang pangkaunlaran ng ahensya. c. Epekto ng mga natukoy na suliranin sa mga manggagawa dito, at sa dami ng mga produktong nagmula rito Mga pagsasanay o programa sa information technology na inilunsad ng pampubliko at pampribadong kompanya, mga pagtataya tungkol sa kahandaan ng mga Pilipinong sumabak sa makabago at maunlad na kalakalang pang-ekonomiya at prospect o inaasahang magandang hinaharap para sa sektor ng paglilingkod. Pagkatapos ng pagsasadula, magkakaroon ng malayang talakayan at malalim na pagsusuri tungkol sa mga naibahagi ng mga mag-aaral. Gawing gabay sa malayang talakayan ang sumusunod na mga tanong: a. Ano ang mga katangian ng mga Pilipinong manggagawa sa sektor ng paglilingkod? b. Anong mga suliranin ang hinarap ng mga manggagawa sa naturang sektor? Paano nila ito nilutas? c. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga nagtatrabaho rito? d. Paano magiging matatag at kompetitibo ang mga manggagawa sa sektor ng paglilingkod? Pangatwiranan ang sagot. 55 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. C. Pagpapalalim Itanong ang sumusunod: 1. Paano nakaaapekto sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa ang sektor ng paglilingkod? 2. Bakit dapat pangalagaan ang sektor na ito? 3. Sa paanong paraan maitataguyod ang mahusay at malakas na sektor ng paglilingkod? D. Paglalapat 1. Magpagawa ng poster na nagpapakita ng temang “Katangian at Kahandaan ng mga Kabilang sa Sektor ng Paglilingkod.” 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 365 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Bilang isang mag-aaral, anong paghahanda ang iyong isasakatuparan upang maging isang mahusay na kasapi ng sektor ng paglilingkod? 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 364 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, news headline tungkol sa sektor ng paglilingkod, OFW, oslo paper, pentel pen Aralin 32 Impormal na Sektor ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng eksena sa pamilihang tulad ng Divisoria, Baclaran, Quiapo, at Pasig at pagkatapos ay itanong ang sumusunod: a. Anong mga magkakatulad na katangian ang taglay ng bawat isa? b. Ano ang katuturan at kabuluhan ng impormal na sektor sa inyong pamumuhay? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 374-375 ng batayang aklat. Sagot: 1. fixer 4. kahirapan 2. globalisasyon 5. underground economy 3. sachet phenomenon B. Paglinang 1. Pag-uulat. Gamit ang cluster map, tukuyin ang mga salitang maaaring iugnay o may kaugnayan sa konsepto ng impormal na sektor. Gamitin sa pag-uulat ang pinakabagong estadistika tungkol sa sumusunod: • Bahagdan ng taong kabilang dito • Uri ng trabaho o gawaing nakapaloob dito • Kadahilanan at palaganap ng operasyon nito • Kontribusyon sa ekonomiya ng bansa • Epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya • Ahensya at mga programang inilunsad upang mabawasan ang mga gawaing ito. 2. Panayam. Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang pangkat ay mangangalap ng impormasyon o datos sa pamamagitan ng panayam sa mga taong kabilang sa impormal na sektor. Ang pangalawang pangkat ay aatasang kapanayamin ang mga pulis o ahente ng NBI na naatasang humuli ng mga ilegal na nagtitinda. Gamiting pamantayan ang sumusunod sa pagsasagawa ng panayam. a. Pangkat 1 • Uri ng gawain sa impormal na sektor • Kadahilanan kung bakit napasok o napabilang sa sektor na ito • Mga panganib na hinaharap o sinusuong • Epekto ng gawain sa pamilya at sa lipunan • Mga plano upang maiangat ang kalagayan sa buhay 56 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. b. Pangkat 2 • Mga programa ng mga ahensyang may kinalaman sa pagsugpo o pagbabawal sa ibang mga gawain ng impormal na sektor • Paraan ng pagsasagawa ng kanilang operasyon sa pagsugpo o pagbabawal ng mga gawaing ito • Mga parusang ipinapataw • Epekto ng kanilang operasyon sa kanilang pamu muhay at sa lipunan 3. Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa aralin, ipa-access sa mga mag-aaral ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay sa survey, ano ang mahihinuha ng mga mag-aaral? Pag-usapan ito sa klase. C. Pagpapalalim Itanong ang sumusunod: Aralin 33 Kalakalang Panlabas ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang iba’t ibang larawan ng produktong nagmula sa ibang bansa at produktong likha o galing mismo sa Pilipinas. Itanong ang sumusunod na mga katanungan. a. Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat produkto? b. Bakit nakalalahok sa ng kalakalang panlabas ang Pilipinas? c. Batay sa mga sagot, halawin ang kahulugan ng kalakalang panlabas. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 386 ng batayang aklat. Sagot: 1. pag-aangkat 4. opportunity cost 2. ginto 5. pakikipagkalakalan 3. Balance of Payments 1. Bakit may impormal na sektor? 2. Paano nakaaapekto sa mamamayan ang operasyon ng impormal na sektor? D. Paglalapat Ipagawa ang Gawain sa pahina 375 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Pangatwiranan na ang malawakang operasyon ng impormal na sektor ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng bansa. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 374 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, larawan ng iba’t ibang pamilihan, Internet B. Paglinang 1. Malayang talakayan. Maglunsad ng isang malayang talakayan tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas gamit ang sumusunod na mga gabay na tanong: a. Aling produkto ang iniluluwas at inaangkat ng Pilipinas? b. Bakit may mga produktong iniluluwas at inaangkat ang bansa? c. Kailan masasabing mas praktikal at efficient sa isang bansa ang mag-angkat na lamang kaysa iprodyus ang isang produkto? d. Ano ang prinsipyo ng comparative advantage at ng absolute advantage? Kailan ito nagaganap? Magbigay ng ilustrasyon tungkol dito. e. Bakit may pabor at tutol sa kalakalang panlabas? f. Paano pinangangalagaan ng ating pamahalaan ang kalakal at pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa? 57 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Debate. Paksa: Pagpasyahan na upang umunlad ang Pilipinas, nararapat itong makipagkalakalan sa ibang bansa. 3. Bilang pagpapayaman ng aralin, ipa-access sa mga mag-aaral ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com tungkol sa pakinabang ng espesyalisasyon at kalakalang panlabas. Ipasulat sa isang papel ang natutuhan ng mga mag-aaral mula rito. C. Pagpapalalim Itanong sa klase ang sumusunod: a. Sang-ayon ka ba sa kasabihang, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang?” Bakit o bakit hindi? b. Apektado nga ba ang mga mamamayan at ekonomiya sa kalakalang panlabas ng bansa? Patunayan ang sagot. c. Anong uri ng programang pangkalakalan ang dapat na itaguyod at ilunsad ng bansa upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya? d. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kalakalang panlabas? D. Paglalapat Semantic Scale. Pagpasyahan kung ang sumusunod na mga pangyayari ay makabubuti, balanse ang pakinabang, o hindi makabubuti sa tao at lipunan. 1. Pagdagsa ng produktong luwas 2. Kompetitibo ang bansa 3. Maraming dayuhan mamumuhunan 4. Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga angkat na produkto 5. Pagpapababa sa quota 6. Pagtangkilik sa sariling produkto Indicator: Makabubuti +2 = lubhang kapaki-pakinabang +1 = may kaunting kapakinabangan 0 = balanse ang pakinabang Hindi Makabubuti –1 = walang kapakinabangan –2 = lubos na walang kapakinabangan E. Pagpapahalaga Dapat bang bawasan ang pag-aangkat ng bansa upang hindi mabawasan ang dolyar? ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, larawan ng iba’t ibang produkto o kalakal, Internet Aralin 34 Mga OFW at ang Kontribusyon Nila sa Ekonomiya ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ituro sa mapang pandaigdig ang mga bansa kung saan maaaring matagpuan ang mga Pilipino. Itanong ang sumusunod: a. Bakit maraming Pilipino sa mga bansang nabanggit? b. Ano ang kadahilanan ng pag-alis sa sariling bansa ng mga Pilipino? c. Anong isyu ang kaakibat ng pagdagsa ng mga Pilipino sa ibang bansa? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 394 ng batayang aklat. Sagot: 1. remittance 5. sea-based 2. Bagong Bayani 6. land-based 3. domestic helper 7. India 4. Iraq B. Paglinang 1. Pangkatin sa apat ang klase. Ang unang dalawang pangkat ay atasang gumawa ng paanunsyo kung bakit ang Pilipino ay katangi-tanging manggagawa para sa ibang bansa. a. Gawing batayan ang sumusunod sa paggawa ng paanunsyo. • Kasanayan ng mga Pilipino 58 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. • • • Edukasyong natamo Karanasan sa gawain Katauhan ng mga Pilipino b. Ang huling dalawang pangkat ay atasang gumawa ng panayam bilang kinatawan ng ahensyang kukuha ng mga OFW. Gawing batayan sa panayam ang sumusunod: • Angking talino at kakayahan sa paggawa • Kasanayan o training na nakuha • Kasarian • Pasahod o benepisyo na gustong makamit • Mga mabuti at hindi mabuting karanasan ng mga OFW • Pakinabang sa kanila ng bayan • Tulong na nakakamit mula sa mga ahensya ng pamahalaan • Epekto sa kanila ng paiba-ibang palitan ng piso at dayuhang salapi Magkakaroon ng malayang talakayan pagkatapos mailahad o maiulat ng mga pangkat ang kanilang gawain. Markahan ang isinagawang panayam sa pamamagitan ng rubric na nasa Apendiks. 2. Pagsasadula. Isasadula ng mga mag-aaral ang sumusunod na katauhan gamit ang mga batayang nasa ibaba. a. TV host — Mag-uulat ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Bibigyang-tuon ng kanyang balita ang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa. b. Field reporter — Gagawa ng panayam sa isa sa mga OFW na kilala at magtatanong tungkol sa tagumpay at problemang nakaharap habang nagtatrabaho sa bansang napuntahan. c. Panauhing panelista mula sa DOLE, POEA, DFA — Hihingan ng pananaw tungkol sa kalagayan ng mga OFW, programa ng pamahalaan para sa kanila, epekto o pakinabang na natatamasa ng bansa mula sa kanila. C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Sa inyong palagay, bakit dapat pag-aralan ang usapin tungkol sa mga OFW? b. Paano nakaaapekto ang usapin tungkol sa mga OFW at ang bahaging ginagampanan nila sa kalakaran ng ekonomiya sa bansa? c. Sa paanong paraan maitataguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng mga OFW? 2. Pangatwiranan na ang patuloy na pagdami ng mga OFW sa ibang bansa ay manipestasyon ng tunay na kalagayang panlipunan at ekonomiya ng bansa. D. Paglalapat 1. My Diary. Ganyakin ang mga mag-aaral na punan ng mga entry o tala ang diary ng isang OFW. Ipagpalagay na sa unang pagkakataon pa lamang sila makapagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang mga pangarap at agam-agam nila sa pag-alis? 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 395 ng batayang aklat. E. Pagpapahalaga 1. Pabigyang-reaksyon ang turing sa mga OFW bilang bagong bayani. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 394 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, mapang pandaigdig, diary o notebook, Internet Aralin 35 Globalisasyon: Kalakaran, Katangian, at Bahaging Ginagampanan sa Kaunlaran ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga flashcard na may nakaguhit na simbolo o logong pangkalakalan. Itanong ang sumusunod na mga katanungan: a. Anong produkto o kompanya ang kinakatawan ng simbolong ito? 59 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. b. Sino kalimitan ang nagmamay-ari ng operasyon ng mga produktong ito? c. Saan matatagpuan ang mga produktong nabanggit? d. Anong katangian mayroon ang mga produkto? Hayaang magpahayag ang mga mag-aaral ng kanilang mabubuong saloobin batay sa mga tanong. Gagabayan ng guro ang pagbuo ng konsepto sa isyung nabanggit. 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 406-407 ng batayang aklat. Mga sagot: 1. liberalisasyon 2. deregulasyon 3. pagsasapribado 4. white elephant 5. korporasyon transnasyonal 6. World Trade Organization 7. globalisasyon 8. tubo 9. repatriation of profit 10. kartel B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa tatlo at isagawa ang sumusunod: a. Pangkat Ulat — magsasaliksik at mag-uulat ng sumusunod tungkol sa globalisasyon: • iba’t ibang pananaw ukol dito • manipestasyon nito • katangian • kalakaran • epekto sa tao at ekonomiya • kaugnay na konsepto tulad ng pagsasapribado, liberalisasyon, at operasyon ng mga korporasyong transnasyunal o transnational corporation (TNC) b. Pangkat Suri — magbibigay ng mga puna at masusing pagsusuri sa mga datos, estadistika, at pag-uulat na inilahad ng unang pangkat. c. Pangkat Ebalwasyon — magbibigay ng rekomendasyon upang lalong mapaunlad ang talakayan. Babanggitin din ng pangkat ang ilang bahagi ng pag-uulat na kailangan pa ng mas malalim na talakayan at iba pang dapat gawin upang mas malinaw na masagot ang susunod pang mga katanungan. 2. Kung may sapat na kagamitan, gawin ang isang documentary video o investigative report na sumasagot sa sumusunod na mga tanong: a. Batay sa kalakaran ng globalisasyon, saan patungo ang bansang Pilipinas? b. Anong pagsubok ang kinakaharap ng mga bansang tulad ng Pilipinas na sumusunod sa globalisasyon? C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Bakit mahalagang pag-aralan ang globalisasyon at ang bahaging ginampanan nito sa ekonomiya ng bansa? b. Paano nakaaapekto ang globalisasyon sa bansa at sa pamumuhay ng tao? c. Paano dapat proteksyonan ng pamahalaan ang sariling industriya at manggagawa nito sa ilalim ng banta ng globalisasyon? 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 407 ng batayang aklat. D. Paglalapat Magpasulat ng maikling sanaysay gamit ang temang “Think globally but act locally.” Ipaliwanag ang sagot. E. Pagpapahalaga Itanong: Anong programang pang-industriya ang nararapat na itaguyod ng pamahalaan na magbibigay hindi lamang ng trabaho, bagkus ay mangangalaga sa kapakanan ng manggagawa at ng kapaligiran? Pangatwiranan ang sagot. 60 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, flashcard ng logo/simbolong pangkalakalan, papel para sa sanaysay Aralin 36 Mga Samahang Pandaigdig: WTO at APEC ✏ Mga Gawain at Estratehiya A. Pagtuklas 1. Ipakita sa mga mag-aaral ang news item o headline tungkol sa iba’t ibang ginanap na APEC at WTO Summit. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Bakit may ginaganap na mga economic summit sa mundo? b. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga samahang pandaigdig tulad ng APEC at WTO? 2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 416 ng batayang aklat. Sagot: 1. member economies 2. samahang internasyunal 3. Kyrgyzstan 4. trade sanction 5. liberalisasyon 6. Singapore 7. Switzerland 8. Asia-Pacific B. Paglinang 1. Mag-anyaya ng panauhin na magsasalita tungkol sa mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiya. Pagkatapos ng kanyang salita, isagawa ang malayang talakayan at open forum. 2. Panel Discussion. Magpupulong-pulong ang iba’t ibang kinatawan ng bansa upang mapag-usapan at talakayin ang pang-ekonomiyang kaunlaran ng mga bansang kasapi sa samahan; proyekto at programang ilulunsad; estratehiya at mekanismong ipatutupad upang matamo ang mga layunin; at iba pa. C. Pagpapalalim 1. Itanong ang sumusunod: a. Bakit naitatag ang mga pandaigdigang samahan pangekonomiya? b. Paano nakaaapekto ang samahang pandaigdigang tulad ng WTO at APEC sa ekonomiya ng kasaping bansa? c. Sa paanong paraan natutulungan ng mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiya ang mga bansang kasapi nito? 2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 417 ng batayang aklat. D. Paglalapat Papunan ng angkop na katanungan ang bawat hati o bahagi ng larawan ng tao kaugnay sa araling ito. Hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang alinman sa nabuong katanungan. Bakit? Ano? Paano? Sino? Saan? Kailan? E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Dapat ba o hindi dapat na aktibong kasapi ng WTO at APEC ang bansang Pilipinas? Pangatwiranan. 2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 417 ng batayang aklat. ✏ Mga Kagamitan Batayang aklat, news item o headline tungkol sa pandaigdigang samahang pang-ekonomiya, Internet 61 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. PANGYUNIT NA PAGSUSULIT A. Kaalaman sa terminolohiya. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang tinaguriang lifeblood ng pamahalaan, sapilitang kontribusyon ng mamamayan sa pamahalaan a. badyet c. serbisyo b. buwis* d. taripa 2. Ang kabuuang halaga ng lahat ng nabuong produkto o serbisyo sa loob ng isang taon a. GDP c. Consumer’s Price Index b. GNP* d. Pambansang Kita 3. Ang pagtatabi sa kita na hindi gagamitin sa kasalukuyang pangangailangan. a. negosyo c. pamumuhunan b. pag-impok* d. kalakalan 4. Mga materyal na bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng ibang produkto a. kapital* c. b. salapi d. pinagkukunang-yaman produksyon 5. Pamilihang iisa lamang ang nagbibili a. barter c. monopsonyo b. monopolyo* d. oligopolyo 6. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo a. deplasyon c. depresyon b. implasyon* d. resesyon 7. Tumutukoy sa katumbas na halaga ng bawat produkto o serbisyo a. pagkonsumo c. presyo* b. fixed-cost d. average-cost 8. Ang katangiang wear and tear ng capital a. debalwasyon c. pagkalugi b. depresasyon* d. deregulasyon 9. Isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo ng bilihin at ang dami ng demand a. kurba ng demand* c. elastisidad ng demand b. kurba ng suplay d. presyong ekwilibriyo 10. Samahan ng mga mangangalakal na nagmamanipula ng dami, distribusyon at presyo ng kalakal o produkto a. kartel* c. monopolyo b. kooperatiba d. union 11. Ang pagtanggal sa kapangyarihan ng pamahalaan na kontrolin ang iba’t-ibang gawaing pang-ekonomiya a. debalwasyon c. pagsasapribado b. deregulasyon* d. korporasyon 12. Ito ang halaga ng piso laban sa iba pang currency o salapi ng ibang bansa a. foreign exchange rate* c. securities and bonds b. inflation rate d. stock exchange 13. Ang paggawa o paglikha ng mga produkto upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao a. pagkonsumo c. produksyon* b. pamumuhunan d. pagbubuwis 14. Pamilihang may iilan lamang ang nagpoprodyus ng parehong produkto a. monopolyo c. oligopolyo* b. monopsonyo d. malayang kalakalan 15. Dami ng produktong handa at kayang bilhin ng mamimili sa takdang lugar, panahon, at presyo a. demand* c. suplay b. floor price d. presyong ekwilibriyo B. Kaalaman sa Tiyak na mga Bagay. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ang chairman ng monetary board ay ang ____________. a. BSP Governor* c. Pangulo ng Senado b. Pangulo ng Pilipinas d. Speaker of the House 62 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. 2. Ang kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kontrolin ang suplay ng salapi at kredito sa bansa ay ang ___________. a. banking policy c. monetary policy* b. fiscal policy d. exchange rate 3. Ang pinagmumulan ng hilaw na sangkap na gagamitin sa produksyon ay ang sektor ng ___________. a. agrikultura* c. pananalapi b. industriya d. pamahalaan 4. Ang tinatawag na bangko ng mga bangko ay ang ___________. a. Banco de Oro c. Bangko Sentral* b. Bank of the Philippine Islands d. Philippine National Bank 5. Ang tinaguriang biblia ng kapitalismo ay ang ___________. a. Das Kapital c. The Wealth of Nations* b. Laissez Faire d. The Republic 6. Ang nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap upang gawin itong yaring produkto ay ang sektor ng ___________. a. agrikultura c. sambahan b. industriya* d. panlabas 7. Ang tinaguriang utak ng negosyo ay ang ___________. a. kapitalista c. manggagawa b. entreprenyur* d. unyunista 8. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkakaroon ng ganap na monopolyo maliban sa ___________. a. hadlang na legal b. walang kompetisyon c. kontrol sa pinagkukunang-yaman d. kalayaang pumasok at lumabas sa industriya* 9. Hindi kabilang sa istruktura ng kapitalismo ang ___________. a. kompetisyon c. profit motive b. sentralisadong pagpaplano* d. price system 10. Hindi kabilang sa sektor ng agrikultura ang ___________. a. paghahayupan c. pagmimina b. pangingisda d. pagluluwas* C. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. A B (b) _______ 1. Programang naglalayong a. tahanan maipamahagi ang mga b. repormang panlupaing agri kultural sa lupa mga magsasakang walang c. balance of paylupa ments (a) _______ 2. Lugar kung saan kalid. David Ricardo m i t a n g g u m a g awa n g e. Bureau of Internal produktong gawang kamay Revenue ang mga indus triyang f. devaluation pantahanan (d) g. foreign exchange _______ 3. Bumalangkas ng teor ya ukol sa comparative h. regresibo advantage i. progresibo (g) _______ 4. Tawag sa kumakatawan sa lahat ng salaping dayuhan maliban sa salaping pinaiiral sa isang bansa (f) _______ 5. Tawag sa pagbaba ng halaga ng piso katumbas ng dolyar batay sa opisyal na pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (c) _______ 6. Talaan ng transaksyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo (h) _______ 7. Isang uri ng pagbubuwis kung saan ang bahagdan ng pagbubuwis ay bumababa habang tumataas ang halaga ng bagay na binubuwisan (e) _______ 8. Isa sa mga ahensyang nangunguna sa pangongolekta ng buwis 63 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. APENDIKS AWTENTIKONG PAGTATAYA PARA SA COLLAGE Markahan ang ginawang collage sa iskalang 1-5 kung saan ang 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa. SCORING RUBRIC PARA SA DULA Indicator Iskor 1. Malinaw na nailahad ang paksa. 10-9 2. Napili ang mga karapat-dapat na magsiganap. 8-7 3. Nasunod ang pamantayan sa pagganap. 6-5 4. Naisasadula ang mensahe ng ulat. 5. Magaling ang pagtatanghal ng dula. Natamong Puntos Katumbas na Interpretasyon 16-20 = Magaling 11-15 = Kasiya-siya 6-10 = Di gaanong kasiya-siya 1-5 = Dapat pang linangin Indicator Iskor 1. Kaangkupan ng konsepto 16-20 4-3 2. Kabuuang presentasyon ng gawa 11-15 2-1 3. Pagkamalikhain 6-10 4. Kalinisan ng gawa 1-5 Kabuuang Iskor Inihanda nina: Ruby R. Denofra at Alex P. Mateo Master Teacher – Esteban Abada High School Natamong Puntos Kabuuang Iskor 64 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. HALIMBAWANG RUBRIC SA PAGTATAYA NG PROYEKTO/OUTPUT (Journal) Dimensyon Napakahusay 4 puntos Mahusay 3 puntos Katamtaman 2 puntos Nangangailangan ng Pagpapabuti 1 puntos Buod ng aralin, paksa, o gawain Maliwanag at kumpleto ang pagbuod ng aralin. Maliwanag subalit may kulang sa detalye sa paksa o araling tinalakay Hindi gaanong maliwanag at kulang sa ilang detalye sa paksa o araling tinalakay Hindi maliwanag at marami ang kulang sa mga detalye sa paksa o araling tinalakay Mga pagpapahalagang natalakay sa aralin Natukoy ang lahat ng mga pagpapahalagang natalakay sa aralin. Kulang ng isa o dalawa ang mga pagpapahalagang natukoy sa araling tinalakay. Marami ang kulang sa mga pagpapahalagang tinalakay sa aralin. Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay walang kinalaman sa araling tinalakay. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin Makatotohanan ang binanggit na paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin. Makatotohanan subalit kulang sa impormasyon ang paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin. Hindi gaanong makatotohanan at kulang sa impormasyon ang paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin. Hindi makatotohanan at hindi binanggit ang mga impormasyon ukol sa paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin. Presentasyon at kabuuan ng pagsulat — Nakatuon at hindi paliguyligoy ang mga pangungusap. — Maayos na pagkakasunodsunod ng mga pangungusap. — Angkop ang mga salitang ginamit. — Malinis at maayos ang pagsulat. Lahat ng pamantayang binanggit sa presentasyon ay matatagpuan sa kabuuan ng journal. Tatlo sa mga pamantayan sa presentasyon ay matatagpuan sa kabuuan ng journal. Dalawa sa mga pamantayan sa presentasyon ay matatagpuan sa kabuuan ng journal. Isa sa mga pamantayan ay matatagpuan sa kabuuan ng journal. 65 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. SCORING RUBRIC SA PAGSASAGAWA PANEL DISCUSSION Pinakamahusay 4 Mahusay 3 Hindi Mahusay 2 Kailangan pa ang Pag-unlad 1 1. P a n d a l u b h a s a n g Presentasyon Nagpakita ng kahusayan at kaayusan sa paksang tatalakayin Limitado ang paksa sa kabila ng pagiging aktibo ng bawat kasapi. Bahagyang naiakma subalit natuon lang sa isyu Malayo ang paksa at di-gaanong malawak ang isyu. 2. Paraan ng Pakiki tungo sa Tagapakinig Mainit na pagtanggap sa paglahok sa talakayan Magaling subalit di kinakitaan ng agresibong sagot sa mga kasapi Iilan lamang ang nagsalita at di naging makatotohanan Kulang sa pokus ang mga panauhin; kailangan pa ang paglawak. 3. P a m a m a r a a n s a Paggamit ng salita Naging malikhain at malinaw ang mga salitang ginamit May kalinawan ang kaisipan subalit may katagalan sa pagpapaliwanag Di-gaanong naiakma sa katotohanan ng mga isyu Walang kaugnayan ang mga ginamit na kaisipan. Nagpakita ng kahandaan at lawak ng kaalaman Gumamit ng limitadong puntos at gamit na akma sa paksa Limitado ang pokus sa isang aspeto ng paksa Mababaw lamang ang mga naihayag na opinyon. Mabisang naiugnay at nagpakita ng kahusayan at kahandaan sa paksa Magaling subalit di-gaanong nakatawag ng pansin sa mga tagapakinig Mabagal ang mga kasapi sa pagsasalita at tila naghahanap ng salita. Di-gaanong mahusay at di-angkop ang mga ginamit sa paksa Kriterya 4. Kaalaman sa Paksa 5. Kahandaan ng mga Kasapi Inihanda ni: Eva O. Arceo Master Teacher – Tondo High School 66 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. HALIMBAWA NG SCORING RUBRIC PARA SA PANGKATANG GAWAIN Kriterya 4 3 2 1 Kaalaman sa Paksa Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto, at magkakaugnay ang mga impormasyon sa kabuuan. Naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang ilan: may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad. Hindi gaanong nauunawaan ang paksa.Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad. May mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa paksa Hindi naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay. Walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang gawain. Pinaghalawan ng Datos Binatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clip, interview, radyo at iba pa. Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang. Ibinatay ang impormasyon sa batayang aklat lamang. Walang batayang pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang. Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng gawain. Ang pinagsama-sama ideya ay malinaw na naipahayag at natalakay gamit ang mga makabuluhang graphic organizer. Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos ang presentasyon ngunit hindi gaanong nagamit nang maayos ang mga graphic organizer. Walang interaksyon at ugnayan ang mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng paksa. May mga graphic o r g a n i z e r ng u n i t h i nd i nagamit, nagsilbing palamuti lamang sa pisara. Di-organisado ang paksa. Malinaw na walang preparasyon ang pangkat. Presentasyon Maayos ang paglalahad. Namumukod tangi ang pamamaraan. Malakas at malinaw ang pagsasalita sapat para marinig at maintindihan ng lahat. Maayos ang paglalahad. May ilang kinakabahan at may kahinaan ang tinig. Simple at maikli ang presentasyon. Ang paglalahad ay hindi malinaw. Walang gaanong preparasyon. Inihanda nina: Adoracion N. Basig at Grace P. Gilo Master Teacher – Mariano Marcos High School 67 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI. RUBRIC PARA SA PAGGAWA NG PANAYAM Pamantayan 1 2 3 4 Kaanyuan (Appearance) 20% Ang kabuuang kaanyuan ay hindi kaaya-aya. Ang kabuuang kaanyuan ay hindi gaanong kaaya-aya. Ang kabuuang kaanyuan ay malinis at kaaya-aya. Ang kabuuang kaanyuan ay lubhang malinis at kaaya-aya. Panimulang pagbati 10% Ang pambungad na pagbati ay walang kinalaman sa paksa at gawi ng gagawing panayam. Ang pambungad na pagbati ay ginamitan ng gawing hindi kaaya-aya at taliwas sa paksa ng panayam. Ang pambungad na pagbati ay katanggap-tanggap, maayos, at naaayon sa paksa ng talakayan na gagamitin sa panayam. Ang pambungad na pagbati ay lubhang katanggaptanggap, maayos, at naaayon sa paksa. Paraan ng pakikipanayam 20% Ang paraan ng pakikipanayam ay walang kaugnayan sa paksang tinatalakay. Ang paraan ng pakikipanayam ay hindi sapat na tumutugon sa paksang pinag-uusapan. Ang paraan ng pakikipanayam ay maayos, sapat, at tumutugon sa paksang pinag-uusapan. Ang paraan ng pakikipanayam ay lubhang maayos, sapat, at tumutugon sa paksang pinag-uusapan. Kilos at galaw ng katawan 5% Kakikitaan ng manerismo (magalaw) ang pangangatawan. Magalaw ang pangangatawan. Kakikitaan paminsanminsan ng manerismo. Kakikitaan ng maayos at kampanteng galaw. Paraan ng pagsagot sa tanong 20% Walang kaayusan ang naging kasagutan sa mga inilahad na tanong. Di gaanong malinaw ang naging kasagutan sa mga inilahad na tanong. Malinaw ang naging kasagutan sa mga nailahad na tanong. Lubhang malinaw, maayos, at kumpleto ang kasagutan. Paraan ng pagtatanong 20% Walang katanungang nailahad. Ang mga tanong ay hindi naaayon sa paksa. Nakapagtatanong ng naaangkop sa paksa. Higit na nakapagtatanong ng mahahalagang tanong sa paksa. Inihanda ni: Betty L. Andrada Master Teacher – Quirino High School 68 Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.