Patnubay ng Guro
Transcription
Patnubay ng Guro
3 Edukasyon sa Pagpapakatao Patnubay ng Guro Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro Consultant: Dr. Fe A. Hidalgo Tagasuri at Editor: Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene C. De Robles, Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. Santos Manunulat: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang, Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise, Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Dr. Erico M. Habijan, Irene C. de Robles Tagapag-ambag: Rosalinda T. Serrano, Erik U. Labre, Juel C. Calabio, Randy G. Mendoza Tagaguhit: Randy G. Mendoza, Eric S. De Guia Tagapagtala: Gabriel Paolo C. Ramos, Enrique T. Ureta Taga-anyo: Ferdinand S. Bergado Pangalawang Tagapangasiwa: Joselita B. Gulapa Punong Tagapangasiwa: Marilou D. Pandiño Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com 2 Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyong pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikatlong Baitang. Layunin ng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilala ang kaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya, pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, at pagmamahal. Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod: A. Batayan Patnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsP Kagamitan ng Mag-aaral EsP Baitang 3 Balangkas ng DepEd sa Pagpapahalaga Napapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahon ng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad, paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalaga na makatutulong sa mabuting pagkatao Ang 30 minutong oras at araw-araw na pagtuturo ng EsP B. Prosesong Ginamit Bahagi ng magiging pag-aaral ng mga bata sa ikatlong baitang ang mga proseso ng pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya, at pagkilos upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksyon, maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na may tamang pagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin: Alamin o Isipin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumang dating kaalaman na may kinalaman sa leksyon. Dito rin maaaring malaman o matandaan ng mga bata at maiproseso sa sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubay ng guro. Isagawa. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing batay sa anumang layunin upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang bawat aralin. May mga gawaing pang-indibiwal at pampangkatan. Isapuso. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigay ng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa anumang natutuhan ay dapat ding isaalang-alang. 3 Isabuhay. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay. Subukin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya ng mga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide. Naglaan ng tatlumpung minuto (30 minutes) kada araw upang malinang ang mga pagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang bawat aralin ay maaaring umabot ng limang araw. Nilalayon nito na tumimo sa isipan ng mga bata ang mga kasanayan at pagpapahalaga. C. Mga Teorya at Istratehiyang Ginamit 1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory ) ni Albert Bandura Ayon sa paliwanag ng Inateraktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni Albert Bandura na isang Canadian Psychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang kapaligirang kinamulatan o kinalakhan ng isang bata ang siyang humuhubog sa pagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din silang natututo sa pagbibigay ng direksyon at mga paulit-ulit na mga gawain. Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang anumang marahas o malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan ng bata ayon sa kaniyang nakita at hindi likas sa kanya. Ang mga gagawin ng mga bata sa pag-aaral ng EsP ay dapat magmula sa guro. 2. Teorya ng Constructivism Layunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan o magbalik-tanaw ang mga bata sa kanilang mga naging karanasan. Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya, kasagutan, tamang kilos, at pag-uugali ang mga bata. Sa ganitong pagkakataon din maaaring maituwid ang anumang maling kaalaman, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamatnubay ng guro. 3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential Learning) ni David Kolb Ayon sa Teorya ng Pagkatuto mula Karanasan, ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto kung saan ito ay sinusuportahan ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo, 4 ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na makabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silidaralan. Ito rin ay isang paraan kung saan mahuhubog ang kanilang kakayahang mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga bata ay maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay bilang bata. Mga tatlong hakbang sa modelong ito: a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga bata sa pagbibigay ng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang pinagusapan. Magpasya kung ano ang dapat pang pag-aralan, gawin, at tandaan. b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyang paggabay ang kakayahan ng bata upang maunawaan ang pakikialam kung hindi kailangan. c. Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga proseso at karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang sa sila ay matapos. Sa ganito, matutulungan ang mga bata na makabuo ng mas malinaw na mensahe, kaisipan o ideya, at katotohanan na may kinalaman sa kanilang buhay. 4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapananagutang pagpasya, pakikipagugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng magaaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang limang batayang panlipunan–pandamdaming pagkatutuo (SEL) ay binubuo ng sumusunod: Kamalayang Pansarili (Self-awareness). Sa kakayahang ito ay nakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin, interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayang magawa o maipakita. Pamamahala ng Sarili (Self-management). Naipakikita ng mga magaaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda ng tunguhin o hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pamaraang maaaring makatulong gayundin ang paghanap ng magagamit (resources) upang mapamahalaan ang anumang problema o pangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at ang masigasig na mapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga mag-aaral ay nakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang sariling pag-unlad 5 bilang bata at makamtam ang pang-akademikong mithiin. Ang mga mag-aaral ay nagpakikita rin ng tamang damdamin o emosyon sa iba’t ibang pagkakataon. Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng ibang tao o grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatig o senyas na maaaring pasalita o nakikita sa akyon o sitwasyon. Nahihinuha rin ang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayan kaya madali siyang makiramay. Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (Relationship Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatili ng katatagan, malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa nang may pagtutulungan. Madali silang maging kabahagi ng isang team o grupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipit at naiiwasan, napapamahalaan, at kayang lutasin ang anumang kasalungat na saloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kung kinakailangan. Mapananagutang Pagpapasya (Responsible Decision Making). Dito ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon na naaayon sa etikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sa kaligtasan. Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunang kaugalian, na may paggalang sa kapwa, at inaasahan ang anumang kahihinatnan ng iba’t ibang pagkilos. 6 Talaan ng Nilalaman Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4 Aralin 5 Aralin 6 Aralin 7 Aralin 8 Aralin 9 Yunit II Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4 Aralin 5 Aralin 6 Aralin 7 Aralin 8 Aralin 9 Yunit III Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4 Aralin 5 Aralin 6 Aralin 7 Aralin 8 Aralin 9 Yunit IV Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4 Aralin 5 Aralin 6 Aralin 7 Aralin 8 Aralin 9 Kaya Ko, Sasali Ako! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin . . . . . . . . . . Hawak Ko: Tatag ng Loob . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! . . . . . . . . . . . . . . . Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! . . . . . . . . Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa . . . . . . . . . Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya . . . . . . . Ako, Ang Simula! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Mahal Ko, Kapwa Ko Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! . . . . Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! . . . . . . . . Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang . . . . . . Kakayahan Mo, Pangangalagaan Ko! . . . . . . . . . . . . Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! . . . . . . . . . . . . . Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Magkaiba Man Tayo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa . . . . . . . Halina! Tayo’y Magkaisa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin . . . . . . . . . Kalugod-lugod ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Sumunod Tayo sa Tuntunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ugaling Pilipino ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Kalinisan Nagsisimula sa Tahanan . . . . . . . . . . . . . . . . . Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran . . . . . . . . . . . . . . Kaya Nating Sumunod! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Laging Handa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Pananalig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Paniniwala Mo, Iginagalang Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap . . . . . . . Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko sa Kapwa Ko Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin. . . . . . . Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Manindigan Tayo Para sa Kabutihan . . . . . . . . . . . . . . . . Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking Kapwa Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko . . . . . . 7 Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Kapayapaan! Ang Yunit I ng Edukasyong sa Pagpapakatao para sa inyong mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay masusing isinulat sa pamamagitan ng pagbibigay pansin at pagsasa-alang-alang sa mga gawaing makapagbibigay ng kaganapan sa inyong buhay bilang matapat, at masipag na mga mag-aaral. Kasabay nito ang paglinang sa mga pagpapahalaga na magbibigay ng kasiyahan at dedikasyon ng mga guro na siyang magiging tagapamagitan sa inyong pagkatuto sa mga aralin na inyong matutunghayan. Ang tagumpay ng Yunit na ito ay ang inyong tagumpay na kung saan ang bawat bahagi ng inyong buhay ay makakikilala ng tunay na ibig sabihin ng PAGPAPAKATAO. Tandaan ninyo palagi ang kasabihang “Madaling maging tao, Mahirap magpakatao.” Kung kaya’t pagsumikapan ninyong mailagay sa puso ang mga araling tatalakay sa pananagutang pansarili at pagiging mabuting kasapi ng inyong pamilya. Pagpalain kayo ng Diyos sa inyong pagtahak sa tamang landasin sa mga araling nakapaloob para sa pagsasa-isip, pagsasapuso, at pagsasagawa ng kabutihan sa bawat sandali ng inyong buhay. Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! 8 Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakatutukoy at nakapagpakikita ng mga natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili Positibong Pagkilala sa Sarilli (self-esteem) Pagtitiwala sa Sarili (confidence) Sulatang papel, bond paper, pangkulay, lapis, at pambura Pamamaraan: Alamin Natin 1. Itanong: Ano-ano ang kakayahan ng mga batang tulad ninyo? Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga naisin sa buhay na kaya nilang gawin sa kanilang edad. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga magaaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang iyong tanong. 2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 at 2 at talakayin ang kanilang mga kasagutan. Maaaring maghanda ng iba pang larawang nagpapakita ng natatanging kakayahan. Sino sa mga bata sa Gawain 2 ang nais mong tularan? Bakit? Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo sa kanilang mga kakayahan na di nakita o nabanggit sa kahong iyong ipinasuri o ipinakita. Kailangan mong malinang ang kanilang pagkamalikhaing kakayahan para lumabas ang tamang pagproseso sa aralin. Pagsumikapan mong gamitin ang iyong kaalaman sa Creative Thinking na istilo. 3. Bigyang pokus ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat bata. Sikaping mapag-isipan ng mga bata ang sariling kakayahan. Talakayin ang kasagutan ng mga bata sa mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala sa sariling kakayahan ang mga gawain sa Isagawa. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa unang araw. Talakayin ang mga kasagutan. 2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa susunod na araw na maisagawa ang Gawain 2 Pagbabalak. Gabayan sila sa mga balakin o iniisip na gagawin. 3. Maglaan ng isang araw para sa Gawain 3, Araw ng Pagtatanghal. Matapos ang pagtatanghal ay alamin ang mga kasagutan sa mga katanungang nakapaloob sa Gawain 3 sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito, kailangang mong magamit ang teoryang social-interactive learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay 9 matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapwa mag-aaral. Hayaan silang magkaroon ng ingay habang nagtatalakayan. Huwag kalimutang bigyan sila ng mga alituntunin kung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi makaiistorbo sa ibang pangkat. Isapuso Natin Sa pagkilala sa mga kayang magawa, mapapansin ninyo na madaling maisusulat ng mga mag-aaral ang kaya nilang gawin. 1. Ipagawa ang Isapuso Natin. 2. Ipaskil ang inyong gawain sa isang bahagi ng dinding bilang lunsaran, pamantayan, o paalaalang kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa mga ipinaskil na gawain sa pader ng silid-paaralan. Nilalayon nito na magkaroon ng pagbibigay papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksyon sa mga bagay na sinusuri. 3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral. Isabuhay Natin Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng iyong tinalakay na paksa. Huwag itong hayaang matapos sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga natapos na gawain ng mga mag-aaral. Isakatuparan ang proseso upang maintindihan at maikintal sa kanilang kaisipan ang paksang tinalakay sa aralin. Palabasin ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili at kakayahan. Magdagdag ng mga likhang-kuwento tungkol dito kung kinakailangan. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagkatapos masagutan ng bata ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot. Bigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na: Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot? Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot? Muli mo itong pagnilayan. 10 Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para magsilbi itong motibasyon sa susunod na pagaaralan. Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin Layunin: Napahahalagahan ang kakayahan sa paggawa Paksa/Pagpapahalaga: Positibong Pagkilala sa Sarilli (self-esteem) Pagtitiwala sa Sarili (confidence) Tsart ng pinalaking Talahanayan, 1 kahon ng ginupit na pulang bituin, 1 kahon ng ginupit na asul na bituin, masking tape o scotch tape Mga Kagamitan: Para sa bawat pangkat: Gunting, pandikit, manila lumang magasin, at lapis paper, pambura, Pamamaraan Alamin Natin Makabubuti na umpisahan ang talakayan sa ibig sabihin ng Talahanayan. Bagong salita ito sa kanila kung kaya dapat ay malinaw mong maipaliwanag ang depenisyon nito sa simpleng pahayag. Pagkatapos ay umpisahang ipakita ang iba’t ibang uri ng talahanayan. (Manaliksik kung kinakailangan). 1. Itanong: Ano-ano ang gawain ninyo sa bahay? Ginagawa ba ninyo ito? Bakit? Sa bahaging ito, ipapaskil ang talahanayan. Itala rito ang mga gawaing sasabihin ng mga mag-aaral. 2. Matapos itala ang mga gawain, isa-isang pakukuhanin ng hugis sa kahon ang mga mag-aaral at ipadidikit ito sa tapat ng gawain sa bahay na ginagawa nila. Ang kahong kulay dilaw ay para sa mga babae at ang asul ay para sa mga lalaki. 3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa Talahanayan. Pagkatapos ay tatalakayin ang Talahanayan. Mga halimbawang tanong: Ilang bata ang naghuhugas ng pinggan? Ilan ang lalaki? Babae? Ano ang ipinakikita ng Talahanayan? Mahalaga bang malaman ninyo ang inyong gawain? Bakit? 11 Isagawa Natin Sa araw na ito, muling buksan ang talakayan sa mga tanong na kanilang sinagot nang nakaraang araw. Pagsumikapan itong maiugnay sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa nakaraang araw. Gawain 1 1. Ipabasa nang sabayan ang tula sa Gawain 1 sa Kagamitan ng Magaaral. 2. Pasagutan ang mga katanungan tungkol dito. 3. Ipabasa ang mga kasagutan. 4. Ipagawa ang Gawain 2. Ipaskil ang ginawang poster sa pisara upang makita ng lahat. 5. Pasagutan ang mga katanungan. Isapuso Natin 1. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipunin sa kanilang portfolio ang mga natapos na gawain. 2. Bigyang-diin ang bahaging Tandaan Natin. Muli, sa talakayang mangyayari, hayaang magsalita ang mga magaaral. Huwag putulin sa kanilang mga sinasabi. Pagsumikapang makuha ang kanilang mga iniulat para ito ang iyong basehan kung papaano mo bubuuin at itatama ang mga maling impormasyon (kung mayroon man). Isabuhay Natin Pagsumikapang ang gawaing pangkatan ay dapat na nakasusunod sa mga patakaran. Halimbawa, lahat ng mga kasapi ng pangkat ay dapat na nakikibahagi. Wala sa kanila ang umaasa lamang sa lider. Mahalaga na maipaliwanag sa kanila ang brainstorming na proseso bago sila makapagpalabas ng maikling dula. 1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. (Kung malaki ang klase maaaring dagdagan ang bilang ng kasapi sa bawat pangkat). 2. Paghandain ang mga mag-aaral ng maikling dula-dulaan. 3. Ipatanghal sa bawat pangkat. 4. Isapuso ang natutuhang aral. 5. Pasagutan ang tanong sa Kagamitan ng Mag-aaral. Subukin Natin 1. Hayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang tsart na katulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral sa kanilang kuwaderno. 2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang bawat isa ay magtatala sa tsart ng mga pangalan ng kanilang kaklase at mga kilos nito na may 12 pagkukusa. Pagkalipas ng isang linggo, ang tsart na may iba’t ibang pangalan ng kaklase at ang kanilang kusang ginagawa ay dapat pag-usapan at iproseso upang higit nilang maunawaan. Muli, ang pagsagot ng bata ay dapat na nakaangkop sa iyong tinalakay na paksa at pagpapahalaga. Kung natapos na ang kanilang pagsagot, pumili ng ilang output at iproseso sa pagbibigay ng papuri. Kung mayroon kang mungkahi, gawin ito sa pamamagitan ng mga salitang hindi makasasakit sa damdamin ng mag-aaral. Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng kalooban Katatagan ng Loob (Fortitude) Manila paper, pentel pen, 4 na malalaking metacard na may nakasulat na mga pamagat ng nakalarawan sa Aralin 1, manila paper na may ilustrasyon tulad ng nasa Isapuso Natin (Isa sa bawat pangkat), tig-iisang graphic organizer kagaya ng nasa Isapuso Natin Gawain 2 at Subukin Natin Pamamaraan Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang panimulang salita. Magsisilbi itong motibasyon upang maihanda ang kanilang damdamin sa pag-aaralang leksyon. Magbigay ng mga tanong na hahamon sa kanilang kakayahan para makapag-isip para sa talakayang mangyayari. Alamin Natin Inaasahan na nakagawa ka na ng mga metacard o mga drawing na gagamitin mo sa klase. Ito ang ipapaskil mo sa pisara o sa bulletin board. Pagsumikapang magawa ito bago pa pumasok ang mga bata sa loob ng silid-aralan upang sa kanilang pagdating ay magkaroon sila ng “Aha!” na pag-uugali at kaisipan. 1. Gumawa ng malalaking metacards ng sumusunod. Batang Sumasali sa Talakayan Batang Umaawit Batang Nakikipag-usap sa may katungkulan Batang umaakyat sa palo-sebo 2. Ipaskil sa dingding ang mga larawan. 3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Aralin 1. 4. Pumili ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag ang kasagutan. 13 Isagawa Natin Bago ang gawain, ihanda ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa mga talakayang ginawa nang nakaraang araw. Ipaliwanag ang mahahalagang pangyayari at tanungin kung ito ay tumimo sa kanilang mga puso at isipan. Gawain 1 Ipaliwanag ang ibig sabihin ng Gawain 1. Ito ay pagsusuring pansarili sa kanilang mga magagawa nang may matatag na kalooban: sa pag-iwas sa mga bagay na di-maganda, paggawa sa mga bagay na kaya nilang isakatuparan, at iba pa. Huwag kalimutang sila ay magkaroon ng pagsusuring pansarili – maaaring ito ay kanila nang naranasan o hindi pa. 1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Magaaral. Sundin ang nasa ibaba bilang pagbibigay halaga sa sagot ng mga mag-aaral 0 -12 13 -25 26-38 39-50 - wala pang katatagan ng loob may kaunting katatagan ng loob may katatagan ng loob subalit maaari pang paunlarin matatag ang loob (Tagubilin sa guro. Isa-isa ang pagpapakita ng kinalabasan ng pagtataya upang hindi mapahiya ang mga bata.) Gawain 2 Sa Pangkatang Gawain, ihanda sila sa mga alituntunin na iyong nais na mangyari. Makabubuting maintindihan nila ang normal na ingay subalit hindi ito dapat nakaiistorbo sa ibang pangkat. Pagsumikapan din na muling magamit ang sosyo-etikal na teorya para sa pagkatuto. 1. Pangkatin ang mga mag-aaral. Papiliin ng lider at tagatala ng usapan. 2. Ipagawa ang Gawain 2 sa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Ipaulat sa lider ang ginawa ng bawat pangkat. Sa talakayang mangyayari, hayaang magsalita ang mga mag-aaral. Huwag silang putulin sa kanilang mga sinasabi. Pagsumikapang makuha ang kanilang mga iniulat para ito ang iyong basehan kung papaano mo bubuuin o itatama ang mga maling impormasyon, at bibigyan ng pagsuporta ang mga iniulat ng bawat lider ng grupo. Isapuso Natin 14 1. 2. 3. 4. 5. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at pentel pen. Ipagawa ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipapaskil ang gawain sa pisara at talakayin ito Ipagawa sa sagutang papel ang Gawain 2. Ipabasa ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito ng iyong pagtuturo, huwag mong hayaang mayroon kang makaligtaang sagot ng mga mag-aaral. Isa-isahin ang mga nakapaskil na output ng mga mag-aaral. Pagkatapos nito, bigyangpansin ang Tandaan Natin na siyang magsisilbing paglalahat sa mga isinakatuparang gawain. Pagsumikapang kunin ito sa kaisipan ng bata. Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain sa Kagamitan ng Magaaral. 2. Ipabasa ang sagot ng ilang mag-aaral bilang lunsaran sa iyong pagpoproseso. Ang pagpapalalim sa bahaging ito ay huwag mong kalimutan. Nilalayon ng bahaging ito kung papaano maisasagawa ng magaaral ang gawain na ginagamit ang puso upang makapagdesisyon sa kaniyang mga paninindigang kaisipan mula sa mga gawaing isinakatuparan. Subukin Natin Bigyan ang bawat mag-aaral ng sagutang papel na may ilustrasyon katulad ng sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang pagsusulat ng mag-aaral sa lobo ay dapat na nakaangkop sa iyong tinalakay na paksa at pagpapahalaga. Kung natapos na ang kanilang pagsagot, pumili ng mga ilang output at ito ay iproseso mo sa pagbibigay ng papuri. Kung mayroon kang mungkahi, gawin mo ito sa pamamagitan ng mga salitang hindi makasasakit sa damdamin ng bata. Aralin 4 Layunin: Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mag-aaral na sumusukat sa kaniyang katatagan ng loob tulad ng: - pagtanggap sa puna ng ibang tao sa mga hindi magandang gawa, kilos, at gawi - pagbabago ayon sa nararapat na resulta Paksa/Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob (fortitude) Mga Kagamitan: sagutang papel, Kagamitan ng Mag-aaral Pamamaraan 15 Pagsumikapang magkaroon ng pagbabalik-aral. magagamit ito para sa talakayang mangyayari sa araling ito. Isaisip na 1. Pagbalik-aralan ang naunang aralin tungkol sa katatagan ng loob. 2. Ibigay sa mga mag-aaral ang Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Pasagutan ang mga tanong na ito. Magbigay ng mga damdamin na nagpapakita ng katatagan ng loob. Ano-ano naman ang kaya mo nang gawin nang walang pangamba o takot? Alamin Natin Sa mga hakbanging isasakatuparan sa Gawain 1, kailangang maging malinaw na ang pagsagot ng mga bata ay dapat na magkakaroon ka paunang salita. Kilitiin o pukawin mo ang kanilang imahinasyon hinggil sa mga karanasan nila sa pagiging bata. Pagkatapos ay isa-isahin ang bawat bilang para masagutan ang Gawain 1. Gawain 1 1. Paghandain ang mga mag-aaral ng kanilang sagutang papel. 2. Pasagutan ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Pag-usapan ang mga kasagutan ng mga mag-aaral. Ano-anong bilang ang napili ninyong nagpapakita ng katatagan ng loob? 4. Ipalagay sa kanilang portfolio ang papel ng mga sagot. Sa pagtalakay ng mga sagot ng bata, makabubuting maipaliwanag nila ang ibig sabihin ng katatagan ng loob. Sa mga simpleng paliwanag na magmumula sa kanila, mahalagang nakatuon ka sa mga praktikal at realistikong naganap o nagaganap sa tunay na buhay. Hanggat maaari, iwasan ang mga di-tunay na pangyayari. Isagawa Natin Gawain 1 1. Ihanda mo ang mga mag-aaral sa pagbasa nang tahimik. Gawing lunsaran ang mga panuntunan sa pagbasa nang tahimik. Ipaalaala na sa pagbabasa nang tahimik, mas madaling mauunawaan ang nilalaman ng binabasa. 2. Ipabasa ang diyalogo sa Gawain 1 sa Kagamitan ng Mag-aaral nang tahimik. Pasagutan ang mga katanungang kasunod nito. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral. Mahalaga na sa proseso mong gagawin ay masasagot ang lahat ng mga tanong at hindi bitin ang anumang paliwanag. 16 Tandaan na walang maling sagot na manggagaling sa mag-aaral lalo na kung ito ay isang opinyon. Gawain 2 1. Pangkatin ang mga mag-aaral ng may anim hanggang walong (6-8) kasapi ang bawat pangkat. 2. Papiliin ng lider ang bawat pangkat. 3. Bigyan ng pagkakataon na pag-aralan at talakayin ng bawat pangkat ang kalagayan sa Kagamitan ng Mag-aaral. 4. Pasagutan ang mga katanungan sa Kagamitan ng Mag-aaral at talakayin ang sagot ng mga mag-aaral. Iproseso ang mga tanong. Muli, sa talakayang mangyayari, hayaang magsalita ang mga mag-aaral. Huwag putulin sa kanilang mga sinasabi. Pagsumikapang makuha ang kanilang mga iniulat para ito ang iyong basehan kung papaano mo bubuuin o itatama ang mga maling impormasyon, at bibigyan ng pagsuporta ang mga iniulat ng bawat lider ng grupo. Isapuso Natin Sa parteng ito ng gawain, hayaang makapagdesisyon ang lahat sa pamamagitan ng bukas na talakayan. Ang mga tanong na maaari mong ipukol ay dapat na nakabatay sa kanilang nais na ipaliwanag. Pagsumikapan mo na “mahipo” ang kanilang mga puso sa isasakatuparang disisyon mula sa resulta ng kanilang ginawa. 1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa silid-aralan ni Gng. Magbuhat. 2. Muling pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang gawain sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang bawat pangkat. 3. Talakayin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral. Maaaring magdagdag ng mga tanong. 4. Ipabasa ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral upang mabigyang diin ang diwa ng aralin. Isabuhay Natin 1. Ngayong nalaman na ng mga mag-aaral kung paano puwedeng masukat ang katatagan ng loob ng isang tao, ipagawa ang gawain kung saan hahanap ang bawat bata ng kanilang kapareha para pag-usapan ang mga kalagayan. Maaari nilang isulat o iguhit ang anumang paraan ng pagtanggap sa mga sitwasyon. 2. Iproseso ang kasagutan ng mga mag-aaral tungkol sa mga kalagayan. Mga tanong: Alin sa mga nabanggit na kalagayan ang naranasan na ninyo? Ano naman ang sinabi mo sa iyong sarili nang napagsabihan ka? 17 Naging masaya ka ba nang tinanggap mo ang iyong pagkakamali? Bakit? Muli, huwag kalimutang maging maingat sa mga tanong hinggil sa pokus ng tatalakaying kasanayan. Pagsumikapan mong “itrapik” ang talakayan para hindi mawala sa pokus ng talakayan pati na ang iyong mga mag-aaral. Huwag mong kalimutang maging mahinahon para maging bukas ang talakayan. Subukin Natin 1. Bigyan ang mga mag-aaral ng tseklis. 2. Ipaalaala na dapat sagutin ito nang buong katapatan. Ipapasa ang mga papel ng mga mag-aaral. 3. Iproseso ang mga sagot nila. Ang pagsagot ng bata ay dapat na nakaangkop sa tinalakay na paksa at pagpapahalaga. Kung natapos na ang kanilang pagsagot, pumili ng ilang output at ito ay iproseso sa pagbibigay ng papuri. Kung mayroon kang mungkahi, gawin ito sa pamamagitan ng mga salitang hindi makasasakit sa damdamin ng mag-aaral. Aralin 5 Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan Layunin: Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan Paksa/Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellness) Mga Kagamitan: Malinis na papel Pamamaraan Sa pagbabalik-aral, subuking itanong ang nasa ibaba. Pulsuhan kung talagang naintindihan na ng mga mag-aaral ang konsepto ng kusang-loob. Itanong ang sumusunod: Bakit mahalaga ang paggawa ng kusang-loob? Ibig ba ninyong kayo ay laging malusog? Paano ninyo ito makakamit at mapananatili? Tuklasin natin ito sa araling ito. Game na ba kayo? Pansinin ang mga reaksyon ng bata. Sa kanilang pagsagot ng “Game Na!” makikita mo na kaagad ang ugnayan ninyo bilang guro at mag-aaral na siyang magandang simula ng pagkatuto dahil sa sila ay interesado. Alamin Natin 18 Bigyang-pansin ang kahalagahan ng mga kasabihan ng mga sikat na tao o nakatatanda. Ito ay mga karunungan (hindi lamang kaalaman) sapagkat hinango ito sa karanasan. Ang teorya ng etika sa pagkatuto ay mahalagang maisakatuparan mo bilang proseso sa iyong pagtuturo. 1. Ipabasa, ang kaisipang “Ang Kalusugan Ay Kayamanan.” 2. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral at bigyan sila ng pagkakataong maibahagi ito sa klase. Magdagdag pa ng impormasyon. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral na mag-uulat ng iba’t ibang paraang ginagawa nila upang manatiling malusog. 4. Purihin ang mga mag-aaral sa kanilang mga wastong gawaing ibinahagi. 5. Ipaawit ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit” matapos ang talakayan ay ipabasa naman ito ng pa-rap na may aksyon tulad ng isang popular na rapper. 6. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapasensya sa kapwa at pagiging mahinahon bago pasagutan ang katanungan sa Kagamitan ng Mag-aaral. 7. Talakayin ang ibabahagi ng mga mag-aaral na iba pang gawi nila sa kalusugan at gayahin sila na ipagpatuloy ang mga ito lalo na sa susunod na gawain. Isagawa Natin Gawain 1. Pangkatin sa lima (5) ang mga mag-aaral at gabayan sa gagawing activity. Maging isang facilitator at papurihan ang lahat ng host na mag-uulat. 2. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat grupo, maaaring magkaroon ng talakayan dito. Itanong ang sumusunod: Base sa panayam na inyong isinagawa, ano-anong kilos at gawi ang maaaring makatulong upang mapanatiling malusog at ligtas ang katawan mula sa anumang karamdaman? Alin sa mga nabanggit na kilos at gawi ang ginagawa mo na rin sa kasalukuyan? Sa iyong palagay, bakit may ibang bata na bihirang magkasakit at may ilan naman ang palaging nagkakasakit? Siguraduhin na maging malinaw sa mga mag-aaral ang anumang kasagutan sa mga tanong. Gamit ang teorya ng Constructivism, maaalala ng mga mag-aaral ang mga maling kilos o gawi na palagi nilang ginagawa na naging dahilan ng kanilang pagiging sakitin, pagiging matamlay o mahina sa oras ng klase, o di kaya ay palaging magagalitin. Gabayan sila upang anumang maling kilos ay masimulan na nilang itama sa 19 pamamagitan nang patuloy na pagpapaalala at pagmonitor nito katulong ang mga magulang o sinumang kasama sa bahay. Isapuso Natin 1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng pangako. Ipaliwanag ang nakasaad na panuto bago ito ipagawa. Itanong sa mga bata: Isasakatuparan ba ninyo ang mga isinulat ninyo? Sa paanong paraan? 2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang paggawa ng komitment ay hindi dapat bale-walain, dapat na isapuso at isagawa. 3. Ipabasa ang konsepto sa Tandaan Natin at bigyan ng maikling paliwanag. Itanong kung may kilala silang kamag-anak o kababayan na matulungin. Isabuhay Natin 1. Itanong kung may kilala silang taong tumutulong sa mahihirap na nasa ospital. Hingan sila ng opinyon tungkol dito. 2. Itanong din kung sa pagdating ng panahon ay may kakayahan na rin silang tumulong ano naman ang gagawin nila? 3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng isang liham pasasalamat sa taong iyon. Sa pagpasa ng natapos na liham, bigyang-pansin kung wasto ang pagkakasulat. 4. Sabihin sa mga mag-aaral na laging isaisip ang mga natutuhang gawi at patuloy na isagawa. Subukin Natin 1. Ipagawa ang gawain sa malinis na papel. Muli, ang pagsagot ng mag-aaral ay dapat na nakaangkop sa iyong tinalakay na paksa at pagpapahalaga. Iproseso mo ito sa paglalayong nakuha nila at naintindihan nila ang konsepto ng aralin. Kung natapos na ang kanilang pagsagot, pumili ng ilang output at ito ay muling iproseso sa paglilinaw at papuri. Kung mayroon kang mungkahi, gawin mo ito sa pamamagitan ng mga salitang hindi makasasakit sa damdamin ng bata. Aralin 6 Layunin: Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! Nakahihikayat ng kapwa na gawin ang dapat para sa sariling kalusugan at kaligtasan Hal. pagkain/inumin, kagamitan, lansangan, pakikipagkaibigan 20 Paksa/Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Sarili, Mabuting Kalusugan, at Pangangasiwa sa Sarili Mga Kagamitan: Sagutang-papel, sipi ng check list na nasa Isagawa Natin para sa manila paper na may nakasulat na “Kalusugan at Kaligtasan, Halina… Sali Na” Pamamaraan Magbalik-aral sa mga wastong kilos at gawi tungo sa kalusugan. Alamin Natin Pagkatapos itanong ang nasa itaas, ihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing makapagbibigay ng pagkakataon upang magamit ang kanilang mga natutuhan nang nakaraang mga araw. Pagsumikapang ipaisip ang kahalagahan ng aralin bago mula sa araling nakalipas. 1. Ipabasa ang Panimulang Salita ng aralin. 2. Ipaawit ang “Hawak Kamay” at pasagutan ang mga katanungan tungkol dito. 3. Sabihin sa mga mag-aaral na suriin ang larawan at ipasagot ang mga tanong. Talakayin ang mga sagot at bigyang-pansin ang plano nila sa pagsasagawa nito. Hayaang makapagdesisyon ang mga mag-aaral batay sa sarili nilang kaalaman at dahil din sa kanilang mga natutuhan sa iyo bilang guro. Isagawa Natin Pagsumikapang maengganyo ang mga mag-aaral sa kanilang taong kakausapin. Ipaintindi sa kanila ang kahalagahan ng pakikipag-usap lalo na sa mga kakilala nilang mga nakatatanda para mapaunlad ang kakayahang sosyo-etika ng bata. 1. Bigyan ng tig-iisang sipi ng tseklis ang mga mag-aaral. Pasagutan ito sa mga hihikayatin nila. 2. Pagkatapos mapasagutan ang tseklis, gabayan sila na bilangin kung ilan ang sumagot ng Palagi, Madalas, Bihira, at Hindi sa bawat aytem sa tseklis. Itanong: Ilan sa mga naitala ang may sagot na Bihira o Hindi? Sa inyong palagay, ano ang dapat gawin ng mga kaklase ninyo na sumagot ng Bihira at Hindi? Paano ninyo sila hihikayatin upang maisagawa nila nang palagian o madalas ang mga gawi at kilos na nasa tseklis? 3. Ipasulat sa sagutang-papel ang kanilang sari-sariling mungkahi. Talakayin ang kanilang kasagutan at iugnay sa magiging kalooban 21 kung ayaw ng ibang tanggapin ang mungkahi. Itanong sa kanila kung ano ang ideya nila tungkol sa networking. Gawin itong takdangaralin. Isapuso Natin 1. Ipaliwanag kung papaano isinasagawa ang networking. Ibig sabihin nito ang mga taong nahikayat nila ang siya namang manghihikayat ng iba na ipagpatuloy ang pagiging malusog dahil may mabuting dulot ito. Tulungan ang mga mag-aaral na makakuha ng resource speaker na tatalakay sa kahalagahan ng kalusugan bilang programa sa kanilang advocacy. 2. Ipabasa ang Tandaan Natin. Tanungin ang konsepto at ipaliwanag ito o hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral. Paghahandain sila ng manila paper at sabihin na gagamitin ito kinabukasan. Isabuhay Natin 1. Ipaskil sa mga dingding ng pasilyo sa bawat palapag ng paaralan ang manila paper na may slogan ng “Kampanya… Kalusugan… Halina Sali Na! 2. Tulungan ang mga mag-aaral upang makausap ang punongguro, mga guro, at mga student leaders para higit na maging kapakipakinabang ang proyektong isasagawa para sa paaralan at pamayanan. Kung kinakailangan, hingin ang partisipasyon ng mga lider ng komunidad (community leaders) upang maging matagumpay ang adhikaing ito. Subukin Natin 1. Ipagawa ang bahaging ito sa mga mag-aaral. Patnubayan sila sa paggawa, hanggang ito ay kanilang matapos. 2. Ipaintindi sa mga mag-aaral na sila ay handa na sa susunod na aralin sapagkat masusi nilang nagawa ang mga gawain sa nakaraang aralin. Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa Layunin: Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan - maayos at malusog na pangangatawan - kaangkupang pisikal - kaligtasan sa kapahamakan - masaya at maliksing katawan Paksa/Pagpapahalaga: Mabuting Kalusugan Mga Kagamitan: Sagutang papel, notebook, fish bowl na may 22 lamang hugis isdang papel Pamamaraan Alamin Natin Paglakbayin ang mga mag-aaral patungo sa kanilang matututuhang aralin. Hikayatin sila sa mga araling makapagpapaunlad ng karanasan para sa kanilang kalusugan. Gumawa ng mga laro na makapagbibigay ng inspirasyon para sa tatalakaying aralin. 1. Ipabasa nang tahimik ang panimulang salita. Ganyakin ang mga mag-aaral tungkol sa aralin. 2. Ipasuri ang dalawang larawan, paghambingin at pasagutan ang mga tanong. Talakayin ang magandang ibubunga ng palaging pangangalaga ng kalusugan. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang A1 Child ay batang mayroong malusog na pangangatawan at maayos na kaisipan at damdamin. Isagawa Natin Sa pagsasagawa nito, ihanda ang mga mag-aaral para sa tinatawag na friendly competition. 1. Ipagawa ang Gawain 1 – Pangkatang Gawain. 2. Isagawa ang Pagtatanghal at hingan ng reaksyon ang mga magaaral tungkol sa pagtatanghal. Bigyang-pansin ang mga batang may talento at hikayating linangin ito. 3. Bigyan ang bawat mag-aaral ng isang sipi ng Word Search. Ipadikit ito sa kanilang kuwaderno at ipagawa. Maaari ding gawin itong laro o pahulaan katulad ng Pinoy Henyo. 4. Pasagutan ang mga katanungan na nasa ilalim ng Word Search. Itanong kung may karanasan na sila sa pagsali sa mga takbuhan, jogging at ehersisyo. Iulat ito sa klase kinabukasan. Isapuso Natin Maaaring hikayatin ang mga mag-aaral sa isang proyekto tulad ng fun run na puwedeng gawin sa paligid ng kanilang lugar. Iutos ito sa mga batang kakikitaan ng potensyal ng pagiging lider. Kailangan lamang na magkaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral upang ito ay gawin. Ito ay manggagaling sa iyo bilang guro. 1. Pasagutan ang mga tanong sa Gawain sa Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang kabutihang dulot sa katawan ang pagsali sa fun run. 23 Bigyan ng takda ang mga bata tungkol sa mga patalastas na may kaugnayan sa kalusugan. 2. Bigyang-pansin ang Tandaan Natin na ipababasa sa mga mag-aaral. Tulungan sila upang higit nila itong maunawaan. Isabuhay Natin 1. 2. 3. 4. Pangkatin sa apat ang klase Ipagawa ang paglikha ng patalastas Ipatanghal sa mga mag-aaral ang nagawa. Talakayin ang mga naisagawa nila tungo sa mabuting bunga nito sa kanilang kalusugan. Ipagpapatuloy ang talakayan kinabukasan. Subuking bigyan ng pagsusuri ang mga gawa ng mga mag-aaral. Hayaang sila ang sumulat sa kanilang Barangay Chairman kung kinakailangan upang magamit ang kanilang patalastas. Maaaring ito ay sa kanilang kapitbahayan, maliit na pamayanan – depende sa magiging pokus ng kanilang panawagan o patalastas. Subukin Natin 1. Ilabas ang fish bowl. 2. Bigyan ng oras ang mga mag-aaral na isagawa ang gawain. Talakayin ang magkakaiba-ibang sagot ng mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng gawain, sikaping bigyang-papuri ang mga magaaral para sa natapos na aralin. Hikayatin sa pamamagitan ng positibong mga pananalita para sa susunod na gawain. Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya Layunin: Nakasusunod nang kusang-loob at kawilihan sa mga panuntunang itinakda ng tahanan Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Pagkakabuklod ng Pamilya / Kaayusan Mga metacard o post-it-card, graphic organizer na makikita sa Isapuso Natin para sa bawat bata, sulatang papel, lapis, larawan ni Tatay, Nanay, kapatid/mga kapatid, at Kagamitan ng Mag-aaral Pamamaraan: Pagbalik-aralan ang natapos na aralin noong isang linggo tungkol sa dapat gawin upang manatiling malusog at ligtas ang pangangatawan. Alamin Natin 24 Simulan ang pagbibigay pansin sa magagandang kasabihan hinggil sa pamilya. Buksan ang talakayan sa kahalagahan ng mga magulang at mga ibang kasapi ng pamilya. Pagsumikapang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pamilya (kahit na ang iba ay galing sa mga dimagandang pamilya). Kailangan ang iyong tulong para makita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kanilang pamilya lalo na sa kanilang paglaki. 1. Talakayin ang mga tanong sa panimulang salita. 2. Ipabasa ang tulang “Tuloy Po Kayo” at pasagutan ang mga tanong tungkol dito. 3. Sabihin sa mga mag-aaral na alalahanin ang ilang tuntunin sa tahanan at pag-uusapan kinabukasan. Isagawa Natin Pasagutan sa mga bata bilang balik-aral ang tanong na ito, “Nasusunod ba ninyo ang mga tagubilin ng inyong mga magulang”? Bakit? 1. Bigyan ng metacard o post-it-card ang mga mag-aaral. (Kung wala nito, maaaring gumamit ng ibang papel o karton). Ipagawa ang Gawain 1 ng Isagawa Natin. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral at papiliin ng lider ang bawat pangkat. 3. Ang mga lider ay kukuha ng isang metacard at pag-uusapan ng kanyang pangkat kung isasama ang napili ayon sa patakaran. 4. Ipauulat ito sa buong klase. Sabihing ipagpapatuloy ito kinabukasan sa lalo pang nakasisiyang gawain. Muli, ang konsepto ng sosyo-etika at konstruktibismo ay mahalaga sa gawing ito. Pagsumikapang ang desisyon ng mga mag-aaral ay nararapat sa kanilang mga karanasan na naramdaman at naikintal sa kanilang mga isipan nang sagutin ang gawaing isinakatuparan. Isapuso Natin 1. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin. 2. Bigyan ang mga mag-aaral ng graphic organizer na tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Isagawa ang pagkukulay. 4. Iproseso ang mga katanungan. 5. Ipabasa ang Tandaan Natin. Muli, ihanda ang mga mag-aaral sa graphic organizer na kanilang pagtutuunan ng pansin. Huwag pabayaang mawala sa pokus ang mga gagawin ng mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkalito. 25 Isabuhay Natin 1. Pasagutan: Ano ang natuklasan mo sa paggawa mo ng graphic organizer kahapon? 2. Ipagawa ang nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Isulat ito sa isang malinis na papel. 3. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral at ipaunawa ang mensahe sa Tandaan Natin. Subukin Natin 1. Ipagawa ang Puno ng Buhay. Ipasunod ang patakaran. 2. Ipalagay ang natapos na gawain sa portfolio. Sa sandaling matapos ang gawain, iparamdam sa mga mag-aaral ang iyong kasiyahan bilang guro dahil sa kanilang mga ginawa na iyong kinalulugdan. Ihanda sila sa pamamagitan ng paghamon para sa susunod na aralin. Aralin 9 Ako, Ang Simula! Layunin: Nakasusunod sa mga pamantayan / tuntunin ng mag-anak Paksa/Pagpapahalaga: Kapayapaan / Kaayusan Mga Kagamitan: 4 bond paper, karton para sa paggawa ng orasan at placard Pamamaraan Magbalik-aral tungkol sa pagpapanatili pagkakasundo-sundo ng bawat kasapi ng pamilya. ng pagkakaisa at Alamin Natin Talakayin ang mga tanong sa Alamin Natin at Panimulang Salita. Pasagutan ang mga tanong. Itanong sa mga mag-aaral kung lagi nilang naaalala ang kanilang gawain araw-araw. Ipaintindi sa kanila nang mabuti ang may talatakdaan ng gawain. Isagawa Natin Gawain 1 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Clock Time Organizer (CTO) kung saan nakasulat ang mga takdang gawain ayon sa oras nila. 26 2. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na gawin ang CTO at iuulat ito sa klase. 3. Itanong kung ano ang kanilang damdamin habang isinasagawa ang mga nakatakda nilang gawain. 4. Ipakikita ito sa pamamagitan ng pagguhit ng damdamin sa puting papel tulad ng halimbawa sa Kagamitan ng Mag-aaral. Paghandain ang mga mag-aaral sa paggawa ng pick up lines tungkol sa kalusugan at kaligtasan. Gawain 2 1. Ipasagot ang Malaking Tandang Pananong na Gawain. 2. Talakayin sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtitipid sa pagkain, gamit, tubig, at kuryente. Ipaalala na ugaliin ang pagkuha ng pagkain na kayang ubusin dahil ito ay isa ring paraan ng pagtitipid na lubhang mahalaga. Ipahinuha sa mga mag-aaral kung ano ang magiging epekto nito sa kalagayan nila at ng bansa. 3. Ipabasa ang Tandaan Natin at sabihin na maghanda ng mga pangako nila tungkol sa aralin. Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang isang pangako tungkol sa paksa ng aralin na maaaring tula, rap, awit, o kung anong ibig nila. 2. Ipasulat ang Para sa Iyong Magulang. Iuwi ito at ipasagot at papirmahan sa kanilang magulang. 3. Sabihin sa mga mag-aaral na umisip ng ilang kasabihan tungkol sa pagtupad ng tungkulin. Subukin Natin 1. Ipabasa ang kaugalian sa placard. Ipasagot ang tanong sa kanilang kuwaderno. 2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang kanilang sagot o reaksiyon. Pagkatapos ng araling ito, ipaunawa sa mga mag-aaral na ang kahalagahan ng natutuhan ay maipakikita o masusukat sa pamamagitan ng paggawa, pagsasalita at pagsusulit - ang Unang Markahang pagsusulit. Ihanda rin ang kanilang mga dapat gawin para sa pampinid na gawain. Pampinid na Gawain Para sa Unang Markahan 27 Inihanda ang mga mungkahing gawain bilang hudyat ng pagtatapos sa unang yunit sa panahon ng Unang Markahan. Sa pagkakataong ito, (1) mabubuo, mapagsasama-sama ang mga nalinang na pagpapahalaga; (2) masusubaybayan ng guro ang mga bagay na ipinangako ng bawat magaaral kung ito ba ay natupad na o sinisimulang isabuhay pa lamang; (3) magkakatulungan sa pamamagitan ng paglahok ng mga magulang o tagapag-alaga at iba pang taong may kinalaman sa pagpapakatao ng mag-aaral. Narito ang iba-ibang gawaing maaari mo pang pagyamanin: 1. Takbo para sa Pagkakaisa (Maaaring gawin ito sa tulong ng EsP coordinator.) Ang mga guro, mag-aaral, magulang, at opisyal ng barangay ay sasali sa pagtakbo sa napagkasunduang araw, lugar, at oras. Humingi ng tulong sa barangay upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga lalahok. 2. Palatuntunan Magkaroon ng isang maikling palatuntunan kung saan ang mga mag-aaral ang magiging guro ng palatuntunan. Lalahukan ito ng mga mag-aaral na mahusay sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte, rap, at iba pa. Pipiliin ng guro ang mga lalahok bago dumating ang palatuntunan. Hayaan ang mga mag-aaral na magplano sa gabay ng guro. Bahagi rin ng palatuntunan ang pagpapakita ng skit kung saan ang mga karakter ay magpapakita ng iba’t ibang pagpapahalaga tulad ng katatagan ng loob, pagtitiwala sa sarili at iba pa. Puwedeng himukin ang pakikiisa ng mga magulang o sino mang kasapi ng pamayanan. 3. Tapusin ang activity sa pamamagitan ng isang panalangin na gagampanan ng isang napiling mag-aaral. Yunit II 28 Mahal Ko, Kapwa Ko Ang pakikipagkapwa-tao ay isang pag-uugali na nagpapakita ng pananagutan at isang responsibilidad sa ating kapwa. Ito ay ang pakikitungo nang maayos sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto o paggalang, pakikinig at bukas ang loob sa opinyon at pananaw ng iba, pagtanggap ng puna at pagkakamali, at may paniniwala sa pagkakapantay-pantay na pagtingin sa kapwa. Tayong lahat ay nilikha ng Diyos na may kanya-kanyang kakayahan na dapat palakasin at mga kahinaan na dapat linangin at bigyang pansin. Nilalayon din ng pakikipagkapwa-tao ang pagsasalang-alang ng katayuan / kalalagyan / pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapwa at lalo’t higit ang pagpapakita nang may kasiyahan at pakikiisa sa mga gawain saan mang dako ng pamayanan. Sa yunit na ito, ang sumusunod na mahahalagang pag-uugali ang lilinangin sa mga bata tulad ng pagdama at pag-unawa sa damdamin, paggalang, kabutihan, pagkamatapat at pagkabukas-palad. Bibigyang-diin din sa yunit na ito ang iba’t ibang pamamaraan para maipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao sa pamamagitan ng palagiang pagsasabuhay ng mga gawain para sa kabutihan ng kapwa: pagmamalasakit, pagiging tapat at pagkakapantaypantay. Hinati sa siyam na aralin ang yunit na ito upang matugunan ang mga sumusunod na pananaw at kaisipan: Aralin 1: Aralin 2: Aralin 3: Aralin 4: Aralin 5: Aralin 6: Aralin 7: Aralin 8: Aralin 9: Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! Kakayahan Mo, Pahahalagahan Ko! Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! Magkaiban man Tayo Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! Halina! Tayo ay Magkaisa Pagkatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa. (Halimbawa: may karamdaman tulad ng pag-aalaga, pagdalaw, pagdadala ng pagkain o anumang bagay na kailangan at pag-aaliw sa pamamagitan ng pagkukwento); 29 2. Nakapagpapakita ng malasakit sa mga may kapansanan. (Halimbawa: pagtugon sa simpleng pangangailangan tulad ng upuan, pagbibigay halaga at pagsali sa mga gawaing kayang gawin tulad ng laro, programa sa paaralan, pagiging bahagi ng komite sa paligsahan, palaro o isports at iba pa); 3. Naisasaalang-alang ang katayuan / kalagayan / pangkat etnikong kinabibilangan ng kapwa bata. (Halimbawa: pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit, at iba pa); at 4. Nakakapagpakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata. (Halimbawa: pagsali sa programang pampaaralan / pampamayanan tulad ng palaro, paligsahan, at iba pa). Iminumungkahing talakayin ang mga araling ito sa Ikalawang Yunit sa loob ng siyam (9) na linggo o sa ikalawang yunit ng taong panuruan. Aralin 1 Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! Layunin: Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain - pagtulong at pag-aalaga Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (empathy) Mga Kagamitan: larawan ng taong maysakit na inaalalayan ng isang kaibigan o kapamilya Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Itanong sa mga bata: Ano ang iyong gagawin kung nalaman mong mayakit ang iyong kaibigan o kamag-aral o sino man sa iyong kakilala? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Sikaping makapagbahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang naging karanasan sa pagbisita sa may karamdaman. Gamitin ang konsepto ng Experiential Learning ni David Kolb upang masagot ang iyong katanungan. 30 3. Ipasuri ang mga larawan tungkol sa mga bagay na maaaring gawin bilang pagtulong at pag-aalaga sa may karamdaman sa Gawain 1. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanilang mga kasagutan. 4. Para sa karagdagang gawain, ipasuri ang Gawain 2 graphic organizer tungkol sa mga paraan ng pagtulong at pag-aalaga sa mga batang may karamdaman. Sa bahaging ito ng talakayan, maaaring may mga bagay na hindi nabanggit o naipakita sa larawan. Tulungan ang mga magaaral na gamitin ang kanilang imahinasyon upang isipin ang iba pang mga paraan kung paano sila tumutulong at nag-aalaga sa may karamdaman. Ipasulat ang mga ito sa graphic organizer. 5. Bigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng wastong paraan ng pangangalaga sa may karamdaman. Isagawa Natin 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang bawat sitwasyon. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno tungkol sa dapat gawin upang tulungan at alagaan ang mga may karamdaman. Suriin ang kinalabasan ng gawain. 2. Bilang karagdagang gawain, sagutan ang Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Hatiin sa apat na pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. 4. Pabunutin ang bawat pangkat ng nakabilot na papel na may nakasulat na sitwasyon. Hayaang pag-usapan muna ng grupo ang kanilang dapat gawin bago magsadula. Sa bahaging ito, gamitin ang teoryang social-interactive learning. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapwa kamagaaral. Bigyan sila ng pagkakataong magtalakayan. Muling ipaalaala ang nakalaang minuto para sa kanilang paghahanda at pagpapakita ng maikling dula-dulaan. 5. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata. Husay ng pagkaganap Tamang saloobin sa sitwasyon 3 Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos at may tiwala ang 31 2 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos ngunit may pag- 1 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa tamang saloobin sa sitwasyon. aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon. sitwasyon. Isapuso Natin 1. Magpasulat ng isang liham na humingi ng paumanhin maaaring sa magulang, kapatid, pinsan, kamag-aral, kaibigan, o kapwa sa iyong pagkukulang noong sila ay maysakit. Gumawa ng mga pangako kung ano ang pwede nilang gawin kung sakaling may magkasakit muli. Isulat ito sa isang papel. Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang simpleng liham. Maaaring tumawag ng ilan sa mga mag-aaral na gustong magbahagi ng kanilang ginawang pangako. 2. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga bata nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito sa mga mag-aaral upang lubos na maisapuso ito. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. Ipasulat ang mga kasagutan sa kanilang kuwaderno at pagusapan ito sa kanilang pangkat. Sa bahaging ito, magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga mag-aaral. Mahalagang maipaunawa sa kanila na maipakikita ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa pagtulong at pag-aalaga sa mga may karamdaman. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na gagamitin nila sa pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa nang may pang-unawa ang panuto. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang subukin natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. 32 Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunod na aralin. Aralin 2 Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! Layunin: Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain - pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng pagkain o anumang bagay na kailangan Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (empathy) Kabutihan (kindness) Pagkamatapat (sincerity) larawan ng taong maysakit na dinadalaw ng mga kaibigan o kapamilya Mga Kagamitan: Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Ipasuri ang ipinapakita ng bawat larawan sa paligid ng isang may karamdaman. Itanong sa mga bata: Ano sa iyong palagay ang dapat mong gawin kung nalaman mong maysakit ang iyong kaibigan o kamag-aral o kung sino man na iyong kakilala? Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilog. Ipasulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Sikaping makapagbahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang naging karanasan sa pagbisita sa may karamdaman. Gamitin ang konsepto ng Experiential Learning ni David Kolb upang masagot ang iyong katanungan. Pairalin ang kanilang imahinasyon upang malinang ang kanilang kaisipan upang maibahagi ang iba pang kaisipan kung saan nagpapakita ng paraan ng pagmamalasakit sa kilalang may karamdaman. 3. Bigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagbibigay ng panahon upang dalawin at aliwin ang mga may karamdaman. 33 Isagawa Natin 1. Gabayan ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain 1. Dito ay maipakikita nila ang kanilang kakayahang makagawa ng isang tula o awitin o kaya naman isang drawing kung saan matutuwa ang sinumang maysakit na kanyang dadalawin. Itanong: Ano ang nakalagay sa loob ng kard na iyong ginawa? Bakit ito ang iyong napiling gawin para sa iyong kaibigang maysakit? Sa iyong palagay, matutuwa ba ang iyong kaibigan kapag nakita niya ang ginawa mong kard? Bakit? 2. Gamit ang gabay sa pagsagot ng crossword puzzle, ipasulat sa kuwaderno ang mga kasagutan. Sa gawaing ito, maaaring gamitin ang teorya ng pagkatuto ng constructivism. Sa pagkakataong ito, pairalin ang kanilang imahinasyong malinang ang kanilang kaisipan upang magbaliktanaw sa kanilang naging karanasan. Maaaring makabuo ng konkretong ideya o kasagutan ang mga mag-aaral. Ipasulat sa kuwaderno ang kanilang mga kasagutan. 3. Bilang karagdagang gawain, sagutan ang Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Hatiin sa apat na pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. 4. Pabunutin ng tig-iisang sitwasyon ang bawat pangkat na kanilang gagawan ng dula-dulaan sa loob ng 10 minuto. Sa bahaging ito, gamitin ang teoryang social-interactive learning. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sila ay matuto sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapwa kamagaaral. Bigyan sila ng pagkakataong magtalakayan. Muling ipaalala ang nakalaang minuto para sa kanilang paghahanda at pagpapakita ng maikling dula-dulaan. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral. Mga Pamantayan Husay ng pagkaganap Tamang saloobin sa 3 2 1 Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos at may 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos ngunit 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. Hindi naipakita ang tamang 34 sitwasyon tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon. may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon. saloobin sa sitwasyon. Isapuso Natin 1. Magpasulat ng isang maikling dasal o “sambit” para sa mabilis na paggaling ng isang may karamdaman. Gawin ito sa isang malinis na papel. Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral upang maikling dasal o sambit para sa isang may karamdaman. Maaaring tumawag ng ilan sa mga mag-aaral na gustong magbahagi ng kanilang ginawang dasal o sambit. 2. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng tunay na pagmamalasakit sa may karamdaman kaakibat ang katapatan. Ipaliwanag ng mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mag-aaral. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. Ipasulat at pasagutan ang tseklis sa kanilang kuwaderno. Sa bahaging ito, magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga bata. Mahalagang maipaunawa sa mga bata na maipakikita ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa pagdalaw at pag-aliw sa mga may karamdaman. Magkaroon ng malayang talakayin tungkol sa kasagutan ng mga bata. Bilangin ang sumagot ng Palagi, Paminsan-minsan, at Hindi. 2. Sikaping manggagaling sa mga mag-aaral ang mga dapat nilang patuloy na isagawa at dapat iwasan upang maipakita ang pagmamalasakit sa may karamdaman. Subukin Natin 1. Mayroong tatlong gawain sa Subukin Natin. Gabayan ang mga magaaral upang higit nilang maisagawa ang mga ito sa itinakdang oras. 2. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto at ipaliwanag ito kung kinakailangan. Ipasulat sa papel ang mga kasagutan. 35 Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. Inaasahang sagot: (1) ; (2) ; (3) ; (4) ; at (5) Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunod na aralin. Aralin 3 Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! Layunin: Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng: - pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang pangangailangan Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang (Respect) Kabutihan (Kindness) larawan ng isang batang lalaki na nakikipag-usap sa may kapansanan Mga Kagamitan: Pamamaraan Alamin Natin 1. Pasimulan sa pagbabalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Itanong sa mga mag-aaral: May kilala ba kayong batang may kapansanan? Ano ang inyong gagawin kung sakaling makasabay mo siya sa iyong paglalakad? Pagsumikapang maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang maaaring gawin sa nabanggit na sitwasyon. Gamitin ang Teorya ng Pagkakatuto ng Constructivism kung saan ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang sariling kasanasan. 3. Ipabasa ang kuwentong “Ang Batang May Malasakit” sa Kagamitan ng Mag-aaral. 4. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong: a. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kanyang kapwa? b. Tama ba ang kanyang ginawang pagmamalasakit? 36 c. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni Rodel sa isang taong may kapansanan? Sa bahaging ito ng talakayan, bigyang-diin ang kahalagahan pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa simpleng pamamaraan na ipinakita sa kuwento. Isagawa Natin Linangin ang sariling kakayanan. 1. Ipabasa ang mga sitwasyong nagpapakita ng pagmamalasakit na may paggalang sa mga may kapansanan sa Gawain 1 pahina ______ ng Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan ito sa kuwaderno. Asahan ang iba’t ibang kasagutan. 2. Pangkatin sa apat ang mga bata upang pag-usapan at gawin ang Gawain 2 sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4 - Magsadula ng isang eksenang nagpapakita ng pagmamalasakit sa isang bulag. Iguhit sa loob ng isang papel ang mga bagay na nais ipakita at ipadama sa mga may kapansanan. Lumikha ng isang saknong ng tula na may apat na linya na tumutukoy sa pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Magbigay ng tatlong kilala ninyong tao na nagpakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Sabihin kung paano niya ito ginawa. Sa mga gawaing ito, maaaring gamitin ang PanlipunanPandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning). Sa teoryang ito, ipaalam sa mga mag-aaral na ang pagkakaroon ng kakayahang kailangan sa pagkakilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng may pananagutang pagpapasya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga hamon ng sitwasyon. Maaaring makabuo ng kongkretong ideya o kasagutan ang mga mag-aaral. Ipasulat sa kuwaderno ang kanilang mga kasagutan. 3. Bigyan sila ng 10 minuto upang maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipapakita sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto (23 minutes). 4. Ipaliwanag ang pamantayan o rubric sa ibaba na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral. 37 Pamantayan Husay ng pagkaganap ng bawat kasapi Tamang saloobin sa sitwasyon 3 Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon. 2 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. 1 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap. Naipakita nang maayos ngunit may pagaalinlangan. ang tamang saloobin sa sitwasyon. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon. 5. Hingan ng opinyon ang bawat pangkat tungkol sa ipinakitang gawain. Isapuso Natin 1. Ipaguhit sa mga mag-aaral ang tatlong puso sa kanilang kuwaderno. Ipasulat sa loob ng puso ang nararamdaman ng mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng bawat sitwasyon. Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral sa pagguhit ng puso at maisulat ng buong husay ang kanilang nararamdaman ayon sa hinihingi ng bawat sitwasyon. Maaaring tumawag ng ilan sa mga mag-aaral upang maibahagi ang kanilang ginawa. 2. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng tunay na pagmamalasakit sa may kapansanan ng may pagmamahal at paggalang. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mag-aaral. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. Ipasulat ang sagot sa kanilang kuwaderno. Sa bahaging ito, magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga mag-aaral. Mahalagang maipaunawa sa kanila na maipakikita ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagsulat ng limang pangungusap kung paano ipakikita ang pagtulong sa kapwa. Himukin ang mga mag-aaral na maibahagi ang kanilang kasagutan. 38 Subukin Natin 1. Ihanda ang mga mag-aaral para sa pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa sa kanila ang panuto at ipaliwanag ito kung kinakailangan. Ipasulat sa papel ang mga kasagutan. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang subukin natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. 2. Inaasahang sagot: (1) ; (2) ; (3) ; (4) ; at (5) Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunod na aralin. Aralin 4 Kakayahan Mo, Pahahalagahan Ko! Layunin: Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng: - pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang (respect) Kabutihan (Kindness) ginupit na larawan mula sa magazine, bond paper, paste, gunting Mga Kagamitan: Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga magaaral kung may kakilala silang batang may kapansanan ngunit may angking natatanging kakayahan. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataong mag-isip ang mga mag-aaral upang alalahanin nila ang kanilang mga kakilala, kaibigan, kapamilya, o kapitbahay na may kapansanan. Maaaring bigyan sila ng pagkakataon na makapagbahagi sa klase kung paano nila pinahalagahan ang mga may kapansanan. 39 3. Ipabasa ang tula “Tanging Yaman, Ating Kakayahan” sa Kagamitan ng Mag-aaral. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong: a. Ano-anong kakayahan ng may kapansanan ang nabanggit sa tula? b. Ano ang dapat gawin sa kakayahang ipinagkaloob ng Poong Maykapal? c. Anong katangian ng isang bata ang ipinahihiwatig sa tula? d. Paano ipinakita sa tula ang pagmamalasakit sa may kapansanan? e. Sa iyong palagay, dapat bang pagmalasakitan ang mga batang may kapansanan? Bakit? Sa bahaging ito ng talakayan, maaari mong gamitin ang pagpapasyang etikal (Ethical Decision-Making) upang makabuo ang mga mag-aaral ng pasya o maisaalang-alang ang moral na pagpapahalaga sa mga may kapansanan. Inaasahan din na magiging sensitibo ka sa pagpapaliwanag ng aspektong moral sa mga sitwasyon. Bigyang-diin sa talakayan ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may kapansanan. 4. Ibigay ang takdang-aralin. Sabihin sa mag-aaral na magdala ng mga lumang magasing gagamitin sa isagawa natin. Isagawa Natin 1. Ipasuri ang iba’t ibang sitwasyon tungkol sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may kapansanan. Isulat ang titik ng napiling sagot sa kuwaderno. 2. Suriin ang kinalabasan ng gawain. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Sa gawaing ito, maaari mong gamitin ang teorya ng pagkatuto ng constructivism. Sa teoryang ito, maisasaalang-alang ng mga bata ang kanilang naging karanasan sa wastong paraan ng pagtulong sa may mga kapansanan. Kailangan ding patnubayan ang mga magaaral sa pagkakataong mali ang kanilang kilos o pag-uugali sa mga nabanggit na sitwasyon. 3. Ipaliwanag ang pamantayan o rubric sa ibaba na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata para sa Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan sila ng 10 minuto upang maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipapakita sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto (2-3 minutes). Pamantayan 3 2 1 Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi pagkakadikit ng kasapi sa pangkat ay ng pangkat ay mga larawan pangkat ay hindi nagpakita hindi nagpakita ng ng husay sa nagpakita ng husay sa pagtulong sa husay sa 40 Tamang saloobin sa pagpapakita ng pagganap pagtulong sa pagbuo ng Gawain. Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa pagganap. pagbuo ng Gawain. pagbuo ng Gawain. Naipakita nang maayos ngunit may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa pagganap. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa pagganap. 4. Ipakuha na sa mga mag-aaral ang ipinadalang mga magasin at ipahanap ang mga larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan. 5. Ipadikit sa bond paper ang napiling larawang ginupit at magpagawa ng isang saknong ng tula, awit, o yell na may apat na linya tungkol sa larawang nakadikit sa bond paper. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipaskil ang kanilang output sa pisara habang binibigkas nang sabay-sabay ng bawat pangkat ang ginawang tula, awit, o yell tungkol sa larawang nakadikit sa bond paper. Isapuso Natin 1. Ipasulat sa kuwaderno ang Isapuso Natin. Upang lubos na maayos ang pagsasagot ng mga mag-aaral ay ipaliwanag ang panuto sa klase. 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot. Magkaroon nang malayang talakayan tungkol sa mga nabanggit na sitwasyon matapos sagutan nila ang nakalaang gawain. 3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa na ng may pang-unawa. Ipaliwanag ang mensahe upang lubos na maisapuso ito. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang gagawin sa Isabuhay Natin. 2. Ipaalala sa mga bata na maaaring humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid o sino mang kasapi ng kanilang pamilya upang lubos na maisagawa ang takdang-aralin. 3. Magkakaroon ng pagbabahaginan kinabukasan tungkol sa naging resulta ng pagbisita sa may kapansanan sa kanilang pamayanan. Lubos na mapapalalim ang pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral sa araling ito kung maisasakatuparan ang gawaing 41 nakatakda. Himukin na maglaan ng oras o panahon ang bawat isa sa inaasahang gawain. Subukin Natin 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa at ipaliwanag ang panuto. Ipasulat sa papel ang kanilang kasagutan. 2. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. Inaasahang sagot: (1) ; (2) ; (3) ; (4) ; at (5) Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunod na aralin. Aralin 5 Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng: - pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa pamayanan Paggalang (respect) larawan ng batang nagpapakita ng malasakit sa may kapansanan Pamamaraan Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Itanong sa mga bata: Naranasan mo na bang tumulong sa may kapansanan? Bakit mo ginawa ito? Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataong mag-isip ang mga mag-aaral upang alalahanin nila ang kanilang mga kakilala, kaibigan, kapamilya, o kapitbahay na may kapansanan. Maaaring bigyan sila ng pagkakataong makapagbahagi sa klase kung bakit dapat nilang igalang ang may kapansanan. 42 3. Ipabasa ang diyalogo ang “Natatanging Kaibigan” sa Kagamitan ng Mag-aaral. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong: a. Ano ang natatanging kakayahan ni Gina? b. Bakit pumunta si Bibo sa bahay ni Gina? c. Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo? d. Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit? e. Kung ikaw si Bibo / Gina, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o nagbibigay importansya sa iba? Patunayan.? Sa bahaging ito ng talakayan, maaari mong gamitin ang Teorya ng Experiential Learning ni David Kolb. Ang tunay karanasan kapag naibahagi ay siyang nagbibigay ng pagkakataon upang ang ibang bata ay makahimok na gawin din ito sa iba. Magiging masaya ang bawat isa kung naipapakita ang kabutihang-loob sa kapwa. Bigyang-diin sa talakayan ang paggalang sa kakayahan ng mga may kapansanan. Isagawa Natin 1. Ipasuri ang iba’t ibang sitwasyon tungkol sa pagpapakita ng paggalang sa mga kakayahan ng may kapansanan. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno. 2. Suriin ang kinalabasan ng gawain. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Sa gawaing ito, maaari mong gamitin ang teorya ng pagkatuto ng constructivism. Sa teoryang ito, maiisaalang-alang ng mga bata ang kanilang naging karanasan sa wastong paraan ng pagtulong sa may mga kapansanan. Kailangan ding patnubayan ang mga magaaral sa pagkakataong mali ang kanilang kilos o pag-uugali sa mga nabanggit na sitwasyon. 3. Ipaliwanag ang pamantayan o rubric sa ibaba na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral para sa Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan sila ng sampu hanggang labinlimang minuto (10-15 minutes) upang maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipakikita sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto (2-3 minutes). Pamantayan 3 2 1 Partisipasyon ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi mga kasapi sa kasapi sa pangkat ay ng pangkat ay pangkatang pangkat ay hindi nagpakita hindi 43 gawain Pagpapaliwanag ng bawat pangkat sa nabunot na sitwasyon / gawain nagpakita ng husay sa pagtulong sa pagbuo ng Gawain. Naipaliwanag nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon. ng husay sa pagtulong sa pagbuo ng Gawain. nagpakita ng husay sa pagbuo ng Gawain. Naipaliwanag nang maayos ngunit may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon. Hindi naipaliwanag ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon. 4. Tawagin ang lider ng bawat pangkat upang pabunutin ng activity card kung saan nakasulat ang sitwasyon na gagawin nila. 5. Matapos maisagawa ang mga gawain ng pangkat, pag-usapan kung paano maipakikita ng bawat isa ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Ipabahagi ito sa klase. 6. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na maipakita ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Isapuso Natin 1. Upang lubos na maayos ang pagsasagot ng mga bata sa Isapuso Natin, ipaliwanag ang panuto sa klase. Ipasulat sa kuwaderno ang ipinagagawang sariling pangako at ipabahagi ito sa klase. 2. Gabayan ang mga mag-aaral upang makabuo ng isang pangako para sa patuloy na pagbibigay ng paggalang sa mga may kapansanan. Bigyan ng pagkakataong makapagbagi ang mga mag-aaral sa klase. 3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa mga bata ng may pangunawa. Ipaliwanag ang mensahe upang lubos na ma-isapuso ito. Isabuhay Natin 1. Isa-isahing ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin sa Isabuhay Natin tungkol sa isasagawang outreach program. 2. Itanong sa mga bata kung sino ang gustong magdala ng malaking kahon, used gift wrappers. 3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang paghahanda sa outreach program ay tatagal ng isang buwan. Ipaalaala na maaaring humingi ng tulong sa mga kapatid na tulungan sila sa pagbibigay ng donasyon tulad ng mga damit at laruan na hindi na nila ginagamit. 44 4. Bigyang-diin sa mga mag-aaral na mas maraming madadalang damit at laruan, mas maraming batang may kapansanan ang kanilang mapapasaya. 5. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nararamdaman sa gagawing outreach program. Sa bahaging ito ng aralin ay maipapaunawa at mapapalalim natin sa mga mag-aaral na ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan ay pagpapakita ng lubos na paggalang. Ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay dapat nating ipagpatuloy sapagkat ito ay kalugod-lugod na gawain. Subukin Natin 1. Ibigay ang pagtataya na nakasulat sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto. Ipasulat sa papel ang kanilang kasagutan. 2. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. Inaasahang sagot: (1) ; (2) ; (3) ; (4) ; at (5) Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunod na aralin. Aralin 6 Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Naisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan kinabibilangan ng kapwa bata sa pamamagitan ng: - pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit, at iba pa Kabutihan (Kindness) Pagkabukas-palad (Generosity) tsart, mga larawan Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magpakita ng mga larawan ng mga batang may ibang katayuan o kalagayan sa buhay. Itanong: Ano ang nararamdaman mo kung makakita ka ng mga batang ganito? Sikaping mapalabas sa mga mag-aaral ang tunay na nararamdaman kung makikita nila ang mga batang ito. Magagamit 45 mo rito ang kaalaman sa teorya ng panlipunan-pandamdaming pagkatuto (social-emotional learning) 2. Ipasagot ang Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Talakayin ang mga kasagutan ng bata. Itanong ang sumusunod: a. Nakasalamuha mo na ba ang mga batang nasa larawan? b. Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita o nakakasama mo sila? c. Paano mo isinasaalang-alang ang kanilang katayuan o kalagayan sa buhay? Bakit? d. Sino-sino pa ang mga batang nakakasama o nakakasalamuha mo na nangangailangan ng tulong? Bakit? e. Naipakita mo ba sa kanila ang pagsasaalang-alang sa kanilang katayuan o kalagayan sa buhay? Sa bahaging ito, maging sensitibo sa sagot ng mga bata. Maaari silang magkaroon ng iba’t ibang kasagutan batay sa kanilang mga naranasan. Magagamit mo rito ang iyong kaalaman sa teorya ng experiential learning. Kinakailangang maiproseso mong mabuti ang bahaging ito upang maipaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa katayuan o kalagayan ng kapwa bata. Isagawa Natin Makatutulong ang gawain sa Isagawa Natin sa paglinang sa mga mag-aaral ng kasanayan upang maisaalang-alang ang katayuan o kalagayan ng kapwa bata. 1. Pangkatin ang mga bata sa lima. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga sitwasyon kung saan isasadula nila ang kanilang gagawin upang maipakita nila ang pagsasaalang-alang sa katayuan o kalagayan sa buhay ng bata sa sitwasyon. 2. Pagkatapos magsadula, iproseso ang ipinakita ng mga mag-aaral. Mahalagang mabigyang-diin ang dapat ipakitang pagsasaalangalang sa katayuan o kalagayan ng kapwa bata. Hingan ng iba pang opinyon ang mga mag-aaral kung paano pa nila maipapakita ito. Isapuso Natin Matapos maisagawa ang mga dapat gawin upang maisaalangalang ang katayuan/ kalalagyan ng kapwa bata, magkaroon ng pagninilay. 1. Itanong: Sino ang taong nakasalamuha mo na nangangailangan ng iyong tulong, pagkalinga, o malasakit? Ipasulat ito sa loob ng speech balloon. 46 2. Hikayatin ang mga mag-aaral na pag-isipan kung paano nila ito pinakitunguhan noon. Ipasulat ito sa kaliwang bilog na hawak ng batang nasa larawan. 3. Ipatuon naman ang pansin ng mga mag-aaral sa gagawin nila kung mangyayari uli ito. Ipasulat ito sa kanang bilog na nasa kamay ng bata sa larawan. 4. Matapos gawin, ipapaskil ang kanilang ginawa sa pisara. Tumawag ng ilang bata na magbabahagi ng kanilang ginawa. Mahalagang maiproseso nang maayos ang gawaing ito. Kailangang mapagnilayang mabuti ng mga bata ang tamang pakikisalamuha sa kapwa niya bata. Makakatulong dito ang iyong kaalaman sa teorya ng experiential learning at constructivism. Dapat mong bigyang-diin sa mga mag-aaral na anuman ang naging karanasan niya noon ay maaari pa ring itama ngayon. Lalo pa itong mabibigyang-diin sa tandaan na nasa Kagamitang ng Mag-aaral. Isabuhay Natin 1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang bahaging ito ng aralin ay naglalayon na makita sa mga mag-aaral kung kaya na nilang ipakita at maisagawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay ang pagsasaalang-alang sa katayuan o kalagayan ng kapwa nila bata. Huwag hayaang matapos ang bahaging ito ng aralin sa simpleng pagsagot ng gawain. Iproseso ito upang lalong tumimo sa mga bata ang aralin. Maaaring magdagdag pa ng ilang gawain. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos sagutan ang gawain, muli itong iproseso. Mahalagang maikintal sa kaisipan ng mga mag-aaral na dapat nilang isaalang-alang ang katayuan o kalagayan sa buhay ng kapwa bata. Bilang paglalagom, itanong ang sumusunod: Paano mo maipakikita na isinasaalang-alang mo ang katayuan o kalagayan sa buhay ng kapwa mo bata? Kaya mo ba itong panindigan? Paano? Muli mo itong pagnilayan. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan upang lalong mapatibay ang aralin. Maaari rin itong gamitin sa susunod na aralin. 47 Isagawa Natin 1. Magbigay ng pagtaktakda ng mga pamantayan sa paggawa ng mga mag-aaral sa mga gawain. 2. Ipakita ang tsart na may mga larawan ng mga bata ayon sa kanilang kalagayan at pakulayan ang metakard na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at ikabit ito sa bilog na tsart. Talakayin ang bawat isa. 3. Talakayin at suriin ang kinalabasan ng gawain. Ipasagot ang mga katanungan. 4. Sa karagdagang gawain, ipagawa ang Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 5. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Ipasulat ang simpleng skrip at ipasadula ang bawat sitwasyon. 6. Ipatanghal sa klase ang inihandang dula-dulaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto (2-3 minutes). 7. Talakayin ang palabas sa pamamagitan ng pagsusuri. Pagkatapos, suriin ito gamit ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga magaaral. 8. Ipasagot ang mga tanong na tumatalakay sa kahalagahan ng kanilang pangangailangan. Pamantayan 3 2 1 Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi pagkaganap kasapi sa pangkat ay ng pangkat ay pangkat ay hindi nagpakita hindi nagpakita nagpakita ng ng husay sa ng husay sa husay sa pagganap. pagganap. pagganap. Tamang Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita saloobin sa maayos at may maayos ngunit ang tamang sitwasyon tiwala ang may pagsaloobin sa tamang alinlangan ang sitwasyon. saloobin sa tamang sitwasyon. saloobin sa sitwasyon. 9. Itanong kung paano maipaliliwang ang pagmamahal sa kapwa tao sa susunod na gawain. Isapuso Natin 1. Ipakahon ang mga sitwasyong nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa tao at sumulat ng simpleng paliwanag. Gawin ito sa isang malinis na papel. 2. Ipatalakay sa klase ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapwa. 48 3. Pabigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa mga mag-aaral nang maisapuso nila ang pagpapahalaga sa mga pangunahing pangangailangan. 4. Itanong sa mga bata “Paano mo magagawa ang pagmamalasakit sa kapwa?” sa susunod na gawain. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. 2. Ipaliwanag ang pamantayan sa pagsagot ng pagsasanay. 3. Ipasagot ang Isabuhay Natin at gawin ang panuto. 4. Iproseso ang mga sagot gamit ang pagbibigay kahalagahan ng mga kasagutan ng mga mag-aaral. 5. Itanong kung sa anong sitwasyon maipakikita ang kayang gawin na may pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain. Subukin Natin 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ibigay at ipaliwanag ang panuto. 3. Pasagutan ito gamit ang malinis na papel. Aralin 7 Magkaiba Man Tayo Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Naisasaalang-alang ang pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapwa bata Kabutihan (Kindness) Pagkabukas-palad (Generosity) tsart, larawan ng mga bata, metacard, show me card Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral sa katayuan at kalagayang kinabibilangan ng mga mag-aaral sa kanilang pangunahing pangangailangan. 2. Itanong: Sino sa inyo ang matulungin sa kapwa? Ano ang nadarama mo kapag nakatulong ka sa kapwa? 3. Ipabasa ang kuwentong “Ang Matulunging Bata” na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 4. Ipasagot ang mga katanungan at magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa sagot ng mga mag-aaral. 49 Bigyang-pokus sa talakayan na ang bawat bata ay may pagkakaiba. Isa sa maaaring pagkakaiba ng mga bata ay ang pangkat-etnikong kanilang kinabibilangan. Dapat maging sensitibo ang guro sa pagtalakay ng pagkakaiba ng mga bata batay sa pangkat-etnikong kanilang kinabibilangan. Isagawa Natin 1. Upang lalong makilala ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas, ipagawa ang word hunt na nasa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Matapos pasagutan ang word hunt, ipatukoy sa mga mag-aaral ang iba pang pangkat-etniko na hindi kabilang sa word hunt. 3. Itanong: Sino sa kanila ang nakasalamuha o nakilala mo na? Anong katangian o kinagawian ang nakita mo sa kanila? Sa bahaging ito, ipakilala ang mga pangkat-etniko lalo na ang mga pangkat-etnikong kanilang nakakasalamuha. 4. Ipagawa ang Isagawa Natin, Gawain 2 sa Kagamitan ng Mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na pag-isipang mabuti ang kanilang isasagot sa gawaing ito. Magagamit mo rito ang iyong kaalaman sa teorya ng Constructivism. 5. Matapos itong gawin, ipapaskil ito sa pisara at tumawag ng ilang mag-aaral na magpapaliwanag ng kanilang ginawa. Muling iproseso ang ginawa nila. Isapuso Natin 1. Ipagawa ang Gawain A sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Magaaral. Sa bahaging ito, sikaping masabi ng mga mag-aaral kung paano nila maipakikita ang pagsasaalang-alang sa pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapwa bata. Maaari mong magamit dito ang kaalaman mo sa Interaktibong Teorya ng Pagkatuto. 2. Matapos ipagawa ang Gawain A, isunod namang ipagawa ang Gawain B sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa pagsasagawa ng gawaing ito, maaaring makipag-ugnayan sa mga pangkat-etniko upang mas lalong maging matagumpay ang gawain. Sikaping maging makatotohanan ang kanilang pakikipagkaibigan. Pagkatapos itong gawin, ipadala o ibigay ito sa taong kanilang sinulatan. Mas makabubuti kung masasagot ito. 3. Bigyang-diin ang pagpapaliwanag sa Tandaan Natin. Isabuhay Natin 1. Lalong mapapaigting ang pagkakaibigan kung magkakaroon ng pagkakataon na magsagawa ng isang Outreach Program kung saan pupunta ang iyong klase sa isang grupo ng pangkat-etniko na malapit sa inyong lugar. 50 2. Hayaang magplano ang buong klase at magbigay ng mga panukala kung paano nila maipakikita ang pagsasaalang-alang sa pangkatetnikong kinabibilangan ng kapwa nila bata. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang sagutang-papel at ipasagot ang Subukin Natin. 2. Pagkatapos sagutan ang Subukin Natin, iprosesong muli ang kanilang kasagutan. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kasagutan. Batiin ang mga bata sa natapos na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan upang magsilbing motibasyon sa susunod na aralin. Aralin 8 Ikaw at Ako Ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata Pagkamatapat (Honesty/ Sincerity) tseklis, panuntunan, mga larawan, graphic organizer, show-me-board, mga gamit sa pagpipinta Pamamaraan: Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maikling palatuntunan bilang pagdiriwang sa Children’s Month Celebration. Hikayatin ang mga bata na makilahok dito. Layunin sa gawaing ito na makita ang antas ng pakikiisa ng mga mag-aaral sa gawaing pampaaralan. Bilang guro, kailangang maging sensitibo ka sa nararamdaman ng mga mag-aaral. Ito ang magiging batayan mo sa saloobin nila sa pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. 2. Ipagawa ang Gawain B sa Alamin Natin. Ang bahaging ito ang magiging suporta sa iyong naobserbahan sa naunang gawain. Sa tseklis na ito, malalaman mo 51 ang nararamdaman ng mga mag-aaral sa pagsali o pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. Ang kaalaman mo sa teorya ng panlipunanpandamdaming pagkatuto ay makatutulong sa pagpoproseso ng kasagutan ng mga mag-aaral. Isagawa Natin 1. Ipagawa ang Gawain sa Isagawa Natin. Sa pagsasagawa nito, kailangang naintindihan ng mga magaaral ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain. Ihanda rin ang mga manonood kung paano sila magiging hurado sa palabas na ipakikita ng bawat pangkat. Sa paghuhurado, ipapataas ang show-me board ng mga mag-aaral na may guhit na bituin. Tumawag ng ilang mag-aaral para ipaliwanag kung bakit iyon ang kanilang ibinigay na bilang ng bituin. Ipamulat sa mga mag-aaral na dapat silang magsabi ng totoong nakita o naramdaman sa ipinakita ng grupo. Magagamit dito ang kaalaman mo sa teorya ng pagpapasyang etikal. Isapuso Natin Dapat malinang sa mga mag-aaral ang tunay nilang nararamdaman sa pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Himukin ang ilang mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga kasagutan sa klase. Ipamulat sa mga mag-aaral na lahat ng kanilang ibabahagi ay tama magkakaiba man ang kanilang kasagutan. Gamitin mo ang iyong kaalaman sa teorya ng Experiential Learning at PanlipunanPandamdaming Pagkatuto. 3. Bago ipagawa ang Gawain 2, ihanda ang nakabilot na papel na may nakasulat na iba’t ibang gawaing pambata. Ilagay ang mga ito sa loob ng isang kahon. Hal. Paglalaro sa loob ng paaralan pagkatapos ng klase. 4. Siguraduhin na ang mga nakabilot na papel ay sapat sa bilang ng mga mag-aaral. Muli itong iproseso. Sa pagpoproseso, makatutulong ang mga konseptong nakapaloob sa Tandaan Natin. 52 Isabuhay Natin 1. Papagnilayin ang mga mag-aaral sa nangyari sa kanila sa loob ng isang linggo. Ipagawa ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa gawaing ito, maipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang nararamdaman sa pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. Iproseso ang naging kasagutan nila. Gamitin ang teorya ng Pagkatuto ng Constructivism sa bahaging ito. 2. Bigyan ng takdang-aralin kaugnay ng isinagawang gawain. Muling papagnilayin ang mga mag-aaral. Sa kasunod ng ginawang diary, ipatala ang mga dapat niyang gawin upang maipakita nang may kasiyahan ang pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. Gawin itong tseklis. Ang bahaging ito ng aralin ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Sa tuwing magkakaroon ng mga gawaing pampaaralan, palagyan ng tsek ang tseklis ng bata kung nagawa na nila nang may kasiyahan ang pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin. 2. Iprosesong muli ang kanilang kasagutan. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kasagutan. Batiin ang mga bata sa natapos na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan upang magsilbing motibasyon sa susunod na aralin. Aralin 9 Halina! Tayo ay Magkaisa Layunin: Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata. Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Paggalang (Respect) Kabutihan (Kindness) Larawan ng banderitas, kuwaderno 53 Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Ipabasa ang maikling kuwentong “Ang Kaarawan ni Luis.” Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa. Iproseso ang kuwento sa pamamagitan ng mga tanong. 3. Ipasulat ang kanilang sagot sa kuwaderno o sulatang papel. 4. Bigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng paggalang at pagiging masayahin ng isang mag-aaral o bata. Isagawa Natin 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang scrambled letters. Bigyang-diin na ang mga salitang mabubuo ay tungkol sa pagdiriwang ng pista. Ito ay maaaring pagkain, laro, at iba. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno. Suriin ang kinalabasan ng gawain. (Sagot: banda, misa, binyagan, pagkain, palosebo, prusisyon) 2. Bilang karagdagang gawain, sagutan ang Gawain 2 sa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Hatiin sa apat na pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. 4. Pabunutin ng tig-iisang sitwasyon na nakasulat sa meta cards ang bawat pangkat na kanilang gagawan ng dula-dulaan sa loob ng 10 minuto. Pangkat 1 Habang naglalaro kayo ng taguan sa iyong bakuran ng iyong mga kaibigan, nakita mo na tahimik lang na nanonood sa labas si Margo. Napagkasunduan ninyo siyang yayaing makipaglaro sa inyo. Gumawa ng usapan o forum tungkol sa sitwasyon para maipakita ang pagkakaisa sa napagkasunduan. Pangkat 2 Hinding-hindi ninyo makalilimutan ang ganda ng isang pasyalan o parke sa inyong lugar. Ano ang dapat ninyong gawin para mapanatili ang kalinisan, kagandahan, at kaligtasan sa panganib? Gumawa ng poster para maipakita ang pagkakaisa sa gawain. Pangkat 3 Magkakaroon ng paligsahan sa Munting Ginoo at Binibini sa inyong lugar o barangay sa susunod na buwan. Gumawa ng anunsyo para maipakita ang pagsuporta sa paligsahan. 54 Pangkat 4 Magkakaroon ng Summer Basketball League sa inyong barangay sa susunod na buwan. Bumuo ng isang masiglang sayaw o cheer dance para maipakita ang pakikiisa sa gawaing ito. Sa bahaging ito, gamitin ang teoryang social-interactive learning. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sila ay matuto sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapwa kamagaaral. Bigyan sila ng pagkakataong magtalakayan. Muling ipaalala ang nakalaang minuto para sa kanilang paghahanda at pagpapakita ng dula-dulaan. 5. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata. 3 2 1 Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi pagkaganap kasapi sa pangkat ay ng pangkat ay pangkat ay hindi nagpakita hindi nagpakita nagpakita ng ng husay sa ng husay sa husay sa pagganap. pagganap. pagganap. Akma/Tamang Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita saloobin sa maayos at may maayos ngunit ang tamang sitwasyon tiwala ang may pagsaloobin sa tamang aalinlangan sitwasyon. saloobin sa ang tamang sitwasyon. saloobin sa sitwasyon. Isapuso Natin 1. Ipasagot ang Isapuso Natin. Ipaguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapwa bata at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno. Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang simpleng pangako. Maaaring tumawag ng ilan sa mga mag-aaral na gustong magbahagi g kanilang ginawang pangako. 2. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mag-aaral. Isabuhay Natin 55 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. Ipasulat ang mga kasagutan sa kanilang kuwaderno. Sa bahaging ito, magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga mag-aaral. Mahalagang maipaunawa sa kanila na maipakikita ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa pagtulong at pag-aalaga sa mga may karamdaman. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na gagamitin nila sa pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa nang may pang-unawa ang panuto. 2. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang kanilang mga kasagutan. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga kasagutan. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdangaralin kung kinakailangan para magsilbing motibasyon sa susunod na aralin. Mungkahing Pampinid na Gawain Para sa Ikalawang Markahan Gawain: Konsepto: Pamagat: United Nations Day cum Children’s Month Celebration TALENT EXPOSITION Pakikipagkapwa-tao Palatuntunan 7:30 ng umaga Pambansang Awit ng Pilipinas Awit Panalangin Pambungad na Pananalita Pangkalahatang Bilang (Production Number) Sa bahaging ito, isasagawa ang fashion show ng mga mag-aaral na may kasuotan ng iba’t ibang bansa bilang paggunita sa pagdiriwang ng United Nations Day. Makatwirang Paliwanag ng Pagpapakita ng Natatanging Kakayahan (Rationale) Pampasiglang Pananalita 8:00 – 10:00 ng umaga Pagpapakita ng Kakayanan o Natatanging Talento Pag-awit (Sing Bida) Pagsayaw (Dance Revo) 56 Pagbigkas ng Tula (Poem Recitation) Dula-dulaan (Role Playing) 10:00 – 11:30 ng umaga Talakayan Tungkol sa Karapatan ng mga Bata (Lecture on Children’s Rights) 12:OO ng tanghali – 1:00 ng hapon LUNCH BREAK 1:00 – 3:00 ng hapon Pagpapakita ng Kakayahan sa Larangan ng Sining at Laro Indoor Activities Pagguhit / Pagpinta (Painting / Poster Making) Paggawa ng Slogan Dama, Chess, Snakes & Ladder, Scrabble, Domino, etc. 3:00 – 3:30 ng hapon Pangwakas na Pananalita Pangwakas na Panalangin 57 Outdoor Activities Maria Went to Town Sack Race Egg Relay Balloon Volleyball Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Ako ay Pilipino... Pilipinong Totoo. Mga piling linya mula sa awiting makabayan na tumutukoy kung sino at ano ang pagkakakilanlan ng isang tunay na Pilipino: ang ating mithiin at adhikain para sa ating bansa. Tayo, bilang Pilipino ay may mga natatanging kaugalian at pagkakakilanlan. Ito ang mga kaugaliang maipagmamalaki natin maging sa ibang bansa at dapat pahalagahan at panatilihin. Sa yunit na ito, dalawang mahalagang pag-uugali ang lilinangin sa inyong mga mag-aaral. Ito ay ang pagmamahal sa bansa at likas-kayang pag-unlad (sustainable development). Sa yunit na ito, bibigyang-diin ang pagmamahal sa mga kaugaliang Pilipino-pagkamasunurin; kalinisan at kaayusan naman para sa likas-kayang pag-unlad (sustainable development). Inaasahan sa pagtatapos ng yunit na ito ay maisasabuhay ng bawat mag-aaral ang mga kaugaliang Pilipino sa iba’t ibang pagkakataon. Maipamamalas ng mga bata ang pagiging masunurin sa mga itinakdang alituntunin, patakaran, at batas para sa ligtas at maayos na pamayanan. Hinati sa siyam na aralin ang yunit upang matugunan ang mga pananaw na ito. Aralin 1: Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin Aralin 2: Kalugod-lugod ang Pagsunod Aralin 3: Sumunod Tayo sa Tuntunin Aralin 4: Ugaling Pilipino ang Pagsunod Aralin 5: Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan Aralin 6: Magtulungan para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan Aralin 7: Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran Aralin 8: Kaya Nating Sumunod Aralin 9: Laging Handa Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng: pagmamano paggamit ng “po” at “opo,” pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda atbp.; b. Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan; 58 c. Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng: paglilinis at pakikiisa sa gawaing pantahanan at pangkapaligiran wastong pagtatapon ng basura palagiang pakikilahok sa proyekto ng pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran; d. Nakasusunod sa mga tuntuning may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala at batas trapiko pagsakay/pagbaba sa takdang lugar e. Nakapagpapanatili ng ligtas ng pamayanan sa pamamagitan ng pagiging handa sa sakuna o kalamidad. Iminumungkahing talakayin ang mga araling ito sa Yunit III sa loob ng siyam (9) na linggo o sa ikatlong markahan ng taong panuruan. Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin Layunin: Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at paggamit ng “po” at “opo” Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bansa Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino Mga Kagamitan: tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan Pamamaraan Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bata ng mga katanungang na may sagot na po at opo. Hal. Kumain ka na ba? Nag-aral ka ba kagabi? Naligo ka ba bago pumasok sa paaralan? Sikaping makapagbigay ng maraming tanong na gumagamit ng “po” at “opo” sa kanilang sagot. Sa pamamagitan nito inisyal mong malalaman kung ang mga bata ay gumagamit ng salitang “po” at “opo.” 2. Magsagawa ng survey sa klase kung ilan sa kanila ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino. Maaari itong gawin sa malikhaing pamamaraan. Halimbawa, maglagay ng mga kahong may nakasulat na mga pangungusap na nagpapakita ng kaugaliang Pilipino. Bigyan 59 ng mga ginupit na bituin ang mga mag-aaral. Hikayatin silang maglagay ng bituin sa kahon na may pangungusap na nagsasaad ng ginagawa nila. 3. Magkaroon ng tally sheet batay sa sagot ng mga mag-aaral. Bilang ng mga Bilang ng mga batang gumagawa batang hindi nito gumagawa nito Maaari po bang magtanong? Gumagamit ng po at opo sa pakikipagusap. Magandang gabi po, G. ________. Ate, aalis na po ako. Nagmamano sa nakatatanda. Sa bahaging ito, ipabilang sa mga bata ang mga bituin na nasa kahon. 4. Iproseso ang kinalabasan ng tally sheet. Itanong: Bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na nakasulat sa kahon? Bakit hindi ninyo ito ginagawa? (sa mga hindi gumagawa ng kaugalian) Hayaang malayang magbigay ng kanilang kasagutan ang mga mag-aaral. Maging sensitibo sa mga kasagutan ng bata. Dapat maramdaman ng bata na lahat ng kanilang kasagutan ay tama sapagkat ito ang kanilang tunay na nararanasan. Sa pagpoproseso, bigyang-diin ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano, paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na salita. Itanong: Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon? Kailan natin ito madalas gamitin? Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit? 5. Sabihin sa mga mag-aaral: Napag-alaman natin na may mga kaugaliang Pilipino na nagagawa na ninyo at maaari pang gawin. Kaya nyo ba itong ipakita sa harap ng klase? Isagawa Natin Sa Isagawa Natin, maipakikita ng mga mag-aaral ang mga kaugaliang Pilipino kagaya ng pagmamano, paggamit ng “po” at “opo,” at ng iba pang magagalang na pananalita. 60 1. Pangkatin sa lima ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga sitwasyong kanilang pag-uusapan at isasadula sa harap ng klase. Sukatin ang kanilang gagawin gamit ang rubric na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito, hikayatin ang bawat kasapi ng pangkat na makapagbigay ng kanilang mga kuro-kuro. Gamitin dito ang teoryang social interactive learning. Ipaalala sa kanila ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng pangkatang gawain. 2. Matapos magsagawa ng munting dula-dulaan, talakayin ang ipinakita ng bawat pangkat. Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na magbigay ng kanilang puna. 3. Magkaroon ng follow-up na gawain sa tahanan ng mga mag-aaral kung saan maaaring marinig ang usapan sa bahay at pag-interbyu sa mga kasambahay. Isapuso Natin Ang gawain sa Isapuso Natin ay gagamit ng isang graphic organizer upang lalong tumimo sa puso ng mga bata ang aralin. 1. Bigyan ng metacards ang mga mag-aaral. Ipasulat dito ang dalawang kaugaliang Pilipino na kanilang sinusunod o ginagawa. Halimbawa: pagmamano, pagsasabi ng po at opo at iba pang magagalang na salita. 2. Ipalagay ito sa tsart na katulad ng matatagpuan sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa ilalim nito, ipasulat sa mga kahon kung saan at kanino nila ginagawa o sinasalita ang mga kaugalian. 3. Ilagom ang gawain. Bigyang-diin na ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na pananalita ay dapat nating panatilihin. Dapat natin itong ipagmalaki dahil ito ay sariling atin. Isabuhay Natin 1. Sa unang gawain, magpakita ng mga larawan ng magagandang pag-uugali. Itanong: Alin sa mga ito ang kaugaliang Pilipino? Bigyanglaya ang mga bata na magbigay ng opinyon kung bakit ito ang larawang kanilang pinili. 2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng ikalawang gawain. Magkaroon ng telesuri. Pumili ng isang pambatang programa sa telebisyon (Hal. Going Bulilit) na ipasusuri sa mga mag-aaral sa loob ng isang buwan. Sa pagsusuri, pabigyang-pansin ang sumusunod: a. Mga kaugaliang Pilipino na ipakikita sa programa b. Naipakita ba ng tama ang kaugaliang Pilipino? c. Kung hindi, paano ito ipakikita nang tama? 61 Maaaring gawin ito sa paraang tabular. Isang TeleSuri sa Programang _________________________ Petsa Kaugaliang Pilipino Paraan ng pagpapakita nito Tama ba ang paraan Kung hindi, paano ito dapat ipakita Sa bahaging ito, dapat maging maingat ang guro sa pagsasagawa ng gawain. Nangangailangan ito ng masusing paggabay sa mga mag-aaral upang hindi ito malihis sa konseptong dapat itimo sa kanila. Sa pagsasagawa ng telesuri dapat gamitin ng mga mag-aaral ang kanilang critical at reflective thinking, media literacy, kamalayang panlipunan gayundin ang social learning theory. 3. Pagkaraan ng isang buwan, tipunin ang mga ginawa ng bata. Talakayin ang mga nasuri. Bumuo ang klase ng isang paglalagom at feedback. Ipadala ito sa estasyon ng telebisyon na inyong sinuri. Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos masagutan ng bata ang gawain, muli itong iproseso. Mahalagang tapusin ang aralin na malinaw sa mga mag-aaral kung ano ang tama at maling pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino. Sa pagtatapos, batiin ang mga bata sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin. Aralin 2 Kalugod-lugod ang Pagsunod Layunin: Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bansa/Pagkamasunurin/ Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino Mga Kagamitan: caterpillar organizer, tsart, graphic organizer 62 Pamamaraan Alamin Natin 1. Itanong: Natatandaan mo pa ba ang mga tagubilin o paalaala sa iyo ng mga nakatatanda? Isa-isahin ang mga ito. Nasusunod mo ba ang mga ito? Bakit at bakit hindi? 2. Magpaguhit ng caterpillar organizer sa isang papel (Tingnan ang halimbawa sa Kagamitan ng Mag-aaral). Sa loob ng mga kurba ng caterpillar, ipasulat ang mga tagubilin o paalala mula sa ulo ng caterpillar ang pinakamadalas nilang sundin at sa may buntot naman ang hindi nila madalas sundin. Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang mga naaalala nilang paalaala o tagubilin. Gamit ang experiential learning theory ipadama sa mga mag-aaral na ang kanilang mga karanasan ay pagkukunan ng bagong kaalamang tatalakayin sa araling ito. 3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Tumawag ng ilang mag-aaral na magpapakita at magpapaliwanag ng kanilang ginawa. Bigyangpansin na dapat sundin ang mga tagubilin ng nakatatanda. Isagawa Natin 1. Batay sa mga tagubilin na ibinigay ng mga mag-aaral, ipasuri kung ang lahat ng mga tagubilin ay dapat sundin. Hayaan silang magbigay ng opinyon. 2. Turuan ang mga batang mag-analisa ng isang sitwasyon gamit ang tsart sa Kagamitan ng Mag-aaral. Magbigay muna ng halimbawa kung paano ito isasagawa. Ang bahaging ito ay napakahalagang matutuhan ng bata gamit ang teorya ng pagpapasyang etikal. Sikaping maipamulat sa mga mag-aaral na ang pagkakaroon ng magandang desisyon ay dumaraan sa mga proseso. Sa pamamagitan nito, dapat isaalangalang nila na ang mga desisyong gagawin ay nararapat na nasa kabutihan ng lahat. 3. Pangkatin sa anim ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyong susuriin gamit ang tsart na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Dalawang pangkat ang tatanggap ng magkatulad na sitwasyon. 4. Ipaulat sa klase ang ginawa ng bawat pangkat. Pagkumparahin ang prosesong ginawa ng mga pangkat na magkatulad ang sitwasyon. Bigyang-diin sa talakayan ang prosesong ginawa ng bawat pangkat hindi ang kanilang sagot. Layunin nito na matuklasan ng mga mag-aaral sa kanilang sariling paraan ang pinakamagandang proseso na dapat nilang gawin sa pagkakaroon ng mahusay na desisyon. 5. Bigyang-pansin din na ang mga tagubilin ay dapat suriin bago sundin sapagkat may mga pagkakataon na ang tagubilin ay hindi dapat sundin. 63 6. Maaari itong gawin sa loob ng dalawang araw. Magbigay pa ng mga halimbawa na madalas nangyayari sa inyong lugar. Isapuso Natin 1. Ayusin ang paligid ng iyong klase para higit na makapagnilay o makapag-isip (reflect) ang mga bata nang mapayapa. Sa pagninilay ipadama sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang pansinin ang iba nilang kaklase. Tanging ang kanya lang sarili ang kakausapin. 2. Sa pagsasagawa ng pagninilay, ipaalaala ang tagubilin na hindi nila nasunod. Sino ang sinuway niya? Sa pagsuway niya, ano ang naging epekto nito sa kanya at ano ang kanyang gagawin mula ngayon upang ito ay hindi na mangyari muli? 3. Magpagawa ng isang postcard para sa taong hindi niya sinunod ang tagubilin. Sa postcard, ipakita ang tagubiling hindi niya sinunod. Ano ang naging epekto nito sa kanya at ano ang gagawin niya mula ngayon? 4. Hikayatin ang mga mag-aaral na ibigay ito sa taong hindi niya sinunod ang tagubilin. 5. Hingan ng saloobin ang ilang mag-aaral sa kanilang ginawa. Bigyang-diin na ang mabuting kagalian ng mga Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itong isabuhay at pahalagahan. 6. Tapusin ang talakayan sa araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng takdang-aralin. Takdang aralin: Magtanong sa inyong mga magulang at kasambahay na nakatatanda kung ano-ano ang kanilang mga tagubilin. Ipatala ito sa mga mag-aaral upang magamit sa klase kinabukasan. Isabuhay Natin 1. Gamit ang talaan ng mga tagubiling ibinigay ng mga nakatatanda. Ipasuri kung nararapat bang sundin ang mga tagubiling nakatala. 2. Magpagawa ng talaan katulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Paobserbahan ang sarili sa loob ng isang buwan. Kulayan ng pula ang tapat ng tagubilin kung ito ay ginawa nila sa araw na iyon. Palagyan ng pirma ng magulang ang ilalim ng talaan. Ang gawaing ito ay nangangailangan ng regular na pagpapaalaala o pagmomonitor upang maisakatuparan nang lubos ang layunin. Iniiwasan natin na gawin ito nang madalian. Kung kakailanganin, mas makabubuti kung hingan ng tulong ang kanilang mga magulang sa pagmomonitor ng gawaing ito. 4. Bigyan ng pagtataya tungkol dito pagkatapos ng isang buwan. 64 Subukin Natin Ipasagot ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring ipakopya ito o bigyan ng nakahandang graphic organizer ang mga mag-aaral. Matapos itong masagutan, hikayatin ang mga mag-aaral na ipaskil sa pisara ang kanilang ginawa. Tumawag ng ilang mag-aaral na magpaliwanag ng kanilang kasagutan. Bakit ang paalalang ito ang isinulat mo? Paano mo mapatutunayang magagawa mo nang mahusay ang tagubilin o paalaala ng iyong magulang? Ano ang iyong naramdaman sa mga gawain sa araling ito? Bakit? Ang bahaging ito ay hindi nangangailangan ng iskor. Mas makabubuting tingnan ang natutuhan ng bata at paano niya isasabuhay ang natutuhan sa aralin. Batiin ang bata sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan. Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin Layunin: Nakapagpapakita Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bansa/Pagkamasunurin Mga Kagamitan: larawan, flash card, tsart, Pamamaraan Alamin Natin 1. Simulan ang gawain sa paglalaro ng pahulaan. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay hihirang ng mga mag-aaral na magsasagawa ng kilos. Ang ibang kasapi ng pangkat naman ang huhula. 2. Sa gawaing ito, bubunot ang batang magsasagawa ng kilos ng isang tuntunin na kanyang ipapakita sa paraang pantomime. 3. Huhulaan ng kabilang pangkat ang tuntunin sa loob ng 2 minuto. Bibigyan ng puntos ang pangkat na makahuhula. 4. Halinhinan ang bawat pangkat na magpahula ng tuntunin. 5. Pagkatapos ng gawain, ilagom ang kanilang natutuhan. Isa-isahing muli ang mga tuntunin. Pansinin din ang paraan ng pagkaganap ng pantomime. Tama ba ang pagkaganap nila? 65 6. Tapusin ang gawain sa paghikayat sa mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang naramdaman sa gawaing ito at kung paano nila maipahahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Isagawa Natin 1. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga paraan na maaari nilang gawin upang maipahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. 2. Ipagawa ang gawain sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Hatiin sa limang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay magsasagawa ng isang pagbabalita na tutukoy sa mga tuntunin ng pamayanan, paano ito sinusunod sa kanilang pamayanan, mga hakbang o programa na ginagawa ng kanilang pamayanan upang masunod ang mga tuntunin, at ano ang kanilang magagawa bilang bata upang masunod ang mga tuntunin. 3. Bawat pangkat ay bubunot ng tuntuning kanilang sinusunod. Ipapakita ito. Pangkat 1 – sa main gate ng paaralan Pangkat 2 – sa silid-aklatan Pangkat 3 – sa silid-aralan Pangkat 4 – sa kantina Pangkat 5 – sa palikuran Sa gawaing ito, kinakailangan mo ang teorya ng pagkatuto ng constuctivism kung saan maitutuwid ng mga mag-aaral ang anumang maling kaalaman, karanasan, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamamagitan ng patnubay ng guro. 4. Sa pagmamarka ng pangkatang gawain, gamitin ang panuntunan sa Kagamitan ng Mag-aaral. 5. Sa pagtatapos ng gawain, hingan ng saloobin ang mga mag-aaral sa isinagawang gawain. Ano ang tumimo sa kanilang puso nang isagawa ang gawain? Bakit. Isapuso Natin 1. Ipaalaala muli ang mga tuntunin ng pamayanan. 2. Itanong: Alin sa mga tuntuning ito ang hindi ninyo madalas sinusunod? Iproseso ang damdamin ng mga mag-aaral. Ipatimo sa kanila na ang pagsunod sa mga tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Magagamit mo ang teorya ng experiential learning upang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan upang makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay. 3. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 66 Isabuhay Natin 1. Simulan ang aralin sa pagbibigay ng mga popular na pick-up lines. Ipagawa ito sa mga mag-aaral. Gawin ito upang maging pamilyar sila sa pagsasagawa ng pick-up lines. 2. Kung pamilyar na sial, gawin ang gawain sa Isabuhay Natin. 3. Maaaring magbigay pa ng mas maraming pick-up lines tungkol sa pagsunod sa mga tuntunin. Gawing masaya at makabuluhan ang gawaing ito. Hayaang makapagbigay ng sariling pick-up lines ang mga mag-aaral. Lubos na magiging makabuluhan ang gawaing ito kung magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang creative thinking. Bilang guro, pagsumikapang malinang ito sa mga mag-aaral. Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel at ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang mga sagot. Mahalagang masiguro na maisasabuhay ng ating mga mag-aaral ang natutuhan. Itanong: Ano ang masasabi mo sa iyong mga kasagutan? Kayang-kaya mo ba itong gawin sa iyong pang-araw-araw na buhay? Bakit? Muli mo itong pagnilayan. Batiin ang mga bata sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan. Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod Layunin: Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bansa / Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino Mga Kagamitan: puzzle, larawan, tsart Pamamaraan Alamin Natin 1. Itanong: Natatandaan pa ba ninyo ang mga tuntunin / patakaran sa pamayanan, sa simbahan, sa parke, at sa pamahalaan? Sikaping maipaalala sa mga mag-aaral ang mga tuntunin / patakaran sa inyong lugar. Tulungan silang maalaala lahat ang mga 67 ito. Maaaring magbigay ng mga clue o halimbawa ng pangyayari upang madali nilang maalaala ang mga tuntuning ito. 2. Ipagawa ang gawain na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipahanap sa mga mag-aaral ang tuntunin na nasa loob ng puzzle. Ipaalala na kailangang magkakarugtong ang mga salitang bubuuin. Ang mga larawang nasa ibaba ang magsisilbing picture clue. 3. Talakayin ang gawain gamit ang sumusunod na tanong: Ano-ano ang mga tuntuning nakita mo sa gawain? Naisasagawa mo ba palagi ang mga ito? Ano ang nararamdaman mo kung may nakita kang lumalabag sa mga tuntunin ng pamayanan? Bakit? Maaari pang palawakin ang talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang tuntunin na wala sa puzzle. Hingan ng saloobin o hayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga karanasan sa pagsunod at di-pagsunod sa mga tuntunin sa kanilang lugar. Gamit ang teorya ng panlipunan-pandamdaming pagkatuto, sikaping maipalabas sa mga bata ang kanilang mga saloobin o nararamdaman kung may nakita silang lumalabag sa mga tuntunin / paalaala sa kanilang lugar. Isagawa Natin 1. Ipamulat sa mga mag-aaral na hindi lahat ng tao ay nakasusunod sa mga tuntunin ng pamayanan. Bilang bata makatutulong sila sa pagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino. 2. Magsagawa ang klase ng isang Advocacy Program na magpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng mga Pilipino lalo na ng batang tulad nila. 3. Pangkatin sa lima ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng paraan kung paano nila maipahahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Maaari itong gawing palabunutan. Pangkat 1: Paggawa ng tugma / tula Pangkat 2: Pag-awit Pangkat 3: Pagguhit/ Poster-Making Pangkat 4: Pagsasadula Pangkat 5: Pagsasayaw / Interpretative Dance Sa bahaging ito ng aralin, magagamit ng mga mag-aaral ang konsepto ng konstruktibismo upang makagawa ng isang malikhaing advocacy program. Ipaalaala sa mga mag-aaral na kinakailangang nakaaakit ang kanilang ipakikita upang mahikayat ang kanilang manonood o makikinig. 68 4. Sa pagmamarka ng gawain, gamitin ang panuntunan sa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring bawat bata ang magmarka o maaari rin namang ang guro. 5. Pagkatapos ng gawain, iproseso ang naramdaman ng mga bataAno ang tumimo sa kanila sa isinagawang gawain? Isapuso Natin 1. Muling alalahanin ang naramdaman ng mga bata sa isinagawang gawain sa Isabuhay Natin. 2. Magpasulat ng isang maikling talata na tumutukoy kung paano mo maipahahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino. Sa pagsasagawa ng gawaing ito, makatutulong ang konsepto ng panlipunan-pandamdaming pagkatuto na kung saan magagamit ng mga bata ang limang batayang panlipunan-pandamdaming pagkatuto; kamalayang pansarili, pamamahala ng sarili, kamalayang panlipunan, pamamahala ng pakikipag-ugnayan, at mapanagutang pagpapasya. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabasa ng kanilang ginawa. 4. Iproseso ang ipinahayag ng mga mag-aaral. Bigyang-diin na kahit sila ay bata pa lang, may magagawa silang paraan upang makapagpahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino. Isabuhay Natin 1. Ipaalala ang mga paraan ng pagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino. 2. Hingan ng iba pang paraan bukod pa sa mga nabanggit. Ipahayag sa kanila na ang simpleng pagsasabi sa taong hindi sumusunod sa tuntunin ay isa nang paraan ng pagpapahayag nito. 3. Ipagawa ang gawain sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa gawaing ito, isusulat o sasabihin ng bata kung siya ang nasa larawan. Itanong kung bakit ito ang sasabihin niya. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang mga kagamitang gagamitin sa paggawa ng islogan na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ipapaskil ang natapos na gawain sa bakanteng dingding ng silidaralan. Magkaroon ng munting gallery walk. Palagyan sa mga bata ng star ang slogan na nagustuhan nila. 69 Matapos mabasa at mamarkahan ang mga islogan, magkaroon ng pagpoproseso. Hingan ng paliwanang ang mga bata kung bakit nagustuhan ang islogan. Hingan din ng suhestiyon ang mga bata kung paano mapapaganda ang islogang hindi napili. Batiin ang mga bata sa pagtatapos ng aralin. Ihanda sila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan. Aralin 5 Kalinisan Nagsisimula Sa Tahanan Layunin: Nakapagpananatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng paglilinis at pakikiisa sa gawaing pantahanan at pangkapaligiran Paksa/Pagpapahalaga: Likas-kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness and Orderliness) Mga Kagamitan: larawan ng mga nagtutulungan at dinagtutulungang pamilya sa paglilinis ng tahanan, kuwaderno Pamamaraan Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Suriin ang dalawang larawan. Itanong sa mag-aaral ang sumusunod na tanong: Alin sa dalawang larawan ang gusto mo? Bakit mo ito nagustuhan? Nagpapakita ba ang napili mong larawan ng pakikisa at pagiging malinis na tahanan? Bilang miyembro ng paaralan ano ang magagawa mo upang mapanatiling malinis ang inyong tahanan?Isa-isahin ang mga ito? Anong ang iyong naramdaman kapag nakikita mong malinis o madumi ang inyong bahay?Pangatwiranan. 3. Bigyang-pokus ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat bata. Sikaping mapag-isp ang mga bata ang sariling kakayahan. Ipasulat sa kuwaderno ang hinihinging mga kasagutan. 70 4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala sa sariling kakayahan ang mga gawain sa Isagawa Natin. 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Magpaguhit ng isang larawang nagpapakita ng pakikiisa sa kalinisan at kaayusan ng inyong tahanan. Palagyan ito ng pamagat. 3. Ipaliwanag sa harap ng klase ang ginawa ng mag-aaral. 4. Bilang karagdagang gawain, Hatiin sa limang pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. Pumili ng parte ng bahay at isulat sa malinis na manila paper o papel kung paano mapapanatiling malinis ang mga bahaging ito. (salas, kuwarto, palikuran o toilet, kusina, bakuran) 5. Patnubayan ang mga bata sa pangkatang gawain. Pasagutan ang Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral sa loob ng 10 minuto. 6. Hikayating magbigay ng paliwanag ang bawat pangkat sa kanilang ginawa. Sa bahaging ito, kailangan mong magamit ang teoryang social awareness. Maipadarama sa mga bata na sila ay matututo sa paraan ng pakikipagtalakayan, pagbibigay ng suhestiyon at opinyon sa kanilang kapwa mag-aaral. Huwag kalimutang ipaalala na ang pagtutulungan ng bawat miyembro ay magpapaganda ng resulta ng kanilang gawain. 7. Maaaring gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral. Maaari ding gumamit ng iba pang rubric na aakma sa gawaing ito. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi pagkaganap kasapi sa pangkat ay ng pangkat ay pangkat ay hindi hindi nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng husay sa husay sa husay sa pagganap. pagganap. pagganap. Tamang saloobin Naipakita Naipakita Hindi naipakita sa sitwasyon at nang maayos nang maayos ang tamang paliwanag at may tiwala ngunit may saloobin sa ang tamang pagsitwasyon. saloobin sa aalinlangan sitwasyon. ang tamang saloobin sa sitwasyon. 71 Bigyan ng parangal ang bata sa pamamagitan ng palakpak o anumang gawain na marerecognize ang mga gawain ng bata. Isapuso Natin Sa pagkilala sa mga naunawaan ng mga mag-aaral: 1. Pasagutan sa kuwaderno o sagutang papel ang Isapuso Natin. 2. Magpagawa ng isang Talaan ng Gawain sa mga bata. Siguraduhin na naintindihan nila ang dapat gawin upang higit na maintindihan ng mga bata kung bakit nila ito gagawin. Hikayatin ang bawat isa na maging tapat sa paglalagay ng mga gawain na talagang ginagawa nila sa araw-araw. 3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito ay maisaisip nila. Isabuhay Natin 1. Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. Magpagawa ng isang talaan ng kanilang gawain upang maipakita nila ang kanilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan. 3. Kinaikailangan subaybayan ang gawa ng mga bata upang mabuo nila ang kanilang talaan. 4. Bigyan ng pagkakataon ang ilang bata na ibahagi ang kanilang ginawang talaan. Iproseso ang anumang paliwanag ng mga bata. 5. Ipaskil ang mga ito sa isang bahagi ng silid-aralan upang mabasa ng lahat. Subukin Natin Ipahanda sa mga bata ang kuwaderno at ipasagot ang Subukin Natin mula sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahusay na maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot. Batiin ang mga bata sa natapos na gawain at ihanda sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan para magsilbi itong gabay sa susunod na aralin. Aralin 6 Layunin: Magtutulungan para Sa Kalinisan Ng Ating Pamayanan Nakapagpananatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura. 72 Paksa/Pagpapahalaga: Likas-kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Kalinisan at Kaayusan(Cleanliness and Orderliness) Mga Kagamitan: larawan ng mga nagtutulungang mag-aaral at guro na nagtatapon ng basura sa tamang lagayan at kuwaderno Pamamaraan Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Awitin sa paraang rap ang “Ang Kalinisan sa Aming Paaralan.” Pagsumikapang maipalabas ng mga bata ang kanilang mga naisin talento sa paraang rap na akma sa kanilang edad. Maaaring maging malaya sa awitin sa paraang rap. Maaari ding gumamit ng mga patapong bagay gaya ng plastic na bote kasabay ang palakpak para mas mapaganda ang pagrarap. 3. Ipasulat sa kuwaderno ang hinihinging mga kasagutan. 4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. 5. Bigyang-diin ang gawain sa pamamagitan ng paglalaro ng crossword puzzle. (Sagot : 1. Disiplina 2. Basurahan 3. Alagaan 4. Barangay 5. Ligtas) Bigyang-pokus ang mga sagot ng mag-aaral sa paglalaro ng crossword puzzle. Gabayan ang mga bata sa pagsagot sa kuwaderno. Isagawa Natin Makakatulong sa pagkilala sa sariling kakayahan ang mga gawain sa Isagawa natin. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 mula sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Suriin ang kinalabasan ng gawain. 3. Bilang karagdagang gawain, hatiin sa limang pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. 4. Pasagutan ang Gawain 2 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral sa loob ng 10 minuto. 5. Hikayating magbigay ng paliwanag ang bawat pangkat sa kanilang ginawa. 73 6. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata. Maaari ding gumamit ng iba pang rubic kung kinakailangan na akma sa gawain. Pagsumikapan mong gamitin ang iyong kaalaman sa Relationship Management na nagpapakita nang matatag at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa na may pagtutulungan. Mga Pamantayan Husay ng pagkaganap Tamang saloobin sa sitwasyon at paliwanag 3 2 1 Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon. 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Naipakita nang maayos ang tamang saloobin ngunit may pagaalinlangan sa sitwasyon. 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon. Isapuso Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag nang mabuti ang dapat gawin ng mga magaaral sa gawain sa Isapuso Natin. Sabihin na dapat nilang pag-isipan ang kanilang sagot sa bawat bilang sa dalawang hanay ng mga pangungusap. Kailangang mabuo nila ang mga pangungusap ayon sa kanilang palaging ginagawa. 2. Pasagutan ito sa kuwaderno o sagutang papel. 3. Iproseso ang kasagutan ng mga bata upang higit nila itong maunawaan. 4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito ay tumatak sa isipan nila. Sa gawaing ito, bigyang-gabay ang mga bata kung gaano kadalas ginagawa ang mga gawain at dahilan kung bakit ito ginagawa. Nilalayon nito na magkaroon ng pagbibigay puri at bukas na talakayan. Isabuhay Natin Ipagawa ang Isabuhay Natin mula sa Kagamitan ng Mag-aaral. 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. 74 2. Hikayatin ang mga bata na lumabas at magmasid sa paligid ng paaralan upang makita nila kung paano itinatapon ang mga basura. 3. Siguraduhin na may report ang mga bata tungkol dito pagbalik sa silid-aralan. 4. Pag-usapan ang kanilang mga obserbasyon at himukin silang magbigay ng kanilang mungkahi o solusyon kung sa tingin nila ay hindi maganda ang kanilang nakita sa paligid. 5. Ipasagot ang mga tanong pagkatapos ng gawain. Ang bahaging ito ng gawain ay pagpapalalim ng iyong tinalakay na paksa. Huwag itong hayaang matapos sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng halimbawa. Dapat na maikintal sa isipan ng mga bata ang halaga ng kanilang boses sa lipunan at sa buong bansa sa pagkakaroon ng malinis at maayos na kapaligiran. Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang kuwaderno at ipasagot ang Subukin Natin. 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto at ipaliwanag ito kung kinakailangan. 3. Ipasulat sa papel ang mga kasagutan. 4. Upang higit na maisabuhay ang gawain, ipagawa sa mga bata ang waste management sa tahanan at paaralan. Ipaliwanag na maaari silang magpatulong sa kanilang mga magulang o nakatatandang kapatid para sa safety measure upang hindi sila magkasakit sa paghawak ng mga basura. Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng palakpak o awit sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na aralin.Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para magsilbing pangganyak sa susunod na pag-aaralan. Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran Layunin: Nakapagpananatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa proyekto ng pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran Paksa/Pagpapahalaga: Likas-kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness and Orderliness) 75 Mga Kagamitan: survey chart, larawan ng kapaligirang di-malinis at nasira, kuwaderno Pamamaraan: Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Simulan ang gawain sa isang survey. Sa bahaging ito ng gawain, itanong at itala mo sa survey chart ang mga bilang ng mga mag-aaral na sumang-ayon at di-sumangayon sa mga nakalistang tanong sa survey form. Pag-usapan ninyo ang mga detalye ng survey. Kailangan mong malinang ang kanilang pagkamalikhain sa paraan ng pagsagot sa ibinigay na tanong. 3. Ipasulat sa kuwaderno ang mga hinihinging kasagutan. 4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala ng sariling kakayahan ang mga gawain sa Isagawa Natin. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Magaaral. 2. Magpagawa ng islogan ukol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran. Kung may video clip tungkol sa pagkasira ng kapaligiran, ipapanood ito. 3. Suriin ang kinalabasan ng gawain. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng slogan. 4. Bilang karagdagang gawain, hatiin sa lima ang klase para sa pangkatang gawain. 5. Isakatuparan ang Gawain 2 . Magpagawa ng poster tungkol sa pangarap ng mga mag-aaral sa pakikiisa ng mamamayan sa ligtas ng kapaligiran. Gawin ito sa loob ng 10 minuto. Sa bahaging ito, kailangan mong magamit ang teorya ng constructivism. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bata na makabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silidaralan. 6. Hikayating magbigay ng paliwanag ang bawat pangkat sa kanilang ginawang islogan at poster. 7. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng ginawa ng mga bata. Maaari Ding gumamit ng iba pang rubric na gusto mo, na akma sa gawain. 76 Mga Pamantayan Husay sa Pagkakagawa Husay ng pagkaganap Tamang saloobin sa sitwasyon at paliwanag 3 Naipahayag nang husto ang tema ng poster. Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon. 2 Hindi lubos na naipahayag ang tema ng poster. 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Naipakita nang maayos ngunit may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon. 1 Walang naipahayag na tema ng poster. 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon. Isapuso Natin 1. Sa pagkilala sa mga nagawa ng mag-aaral sa islogan at poster, mapapansin mong madaling maisulat, maiguhit, at makulayan ang kanilang gawain. Kung may video clip na pinanood, magkaroon ng talakayan tungkol dito. Halimbawa: Ano ang maitutulong at magagawa mo upang hindi natin maranasan ang nakita sa video? Kung naranasan mo na ito, ano ang dapat mong gawin upang hindi na ito lumala pa? 2. Pasagutan sa kuwaderno o sagutang papel ang gawain sa Isapuso Natin. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na isipin ang mga gawain o proyekto sa paaralan. Piliin ang kaya nilang gawin ayon sa sumusunod na antas: Kayang-kaya kong gawin Kaya kong gawin Medyo kaya kong gawin Parang di ko kayang gawin 3. Iproseso ang kanilang mga sagot ayon sa pamantayan na nabanggit. 4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito ay tumatak sa isipan nila. Isabuhay Natin Sa bahaging ito ng talakayan ay dapat mapalalim ang iyong tinalakay sa paksa. Huwag hayaang matapos ang gawain sa pamamagitan 77 ng pagpasa ng ginawang pangako. Higit na dapat itong maiproseso upang lalong maintindihan ng mga mag-aaral. 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. May tatlong gawain ito na dapat maisagawa ng mga bata. 2. Sa unang gawain, ipasulat nang buong puso ang pangako sa pakikilahok sa proyekto ng pamayanan para sa malinis at ligtas na kapaligiran. 3. Sa ikalawang bahagi, gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng simpleng panalangin para sa pagkamulat ng kaisipan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Maaaring kumuha sila ng kanilang mga kasama sa pagbuo nito. Ipapaskil ang nagawang panalangin sa silid-aralan. Bigyan ang lahat ng pangkat na mabasa ang mga panalangin 4. Magkaroon nang malayang talakayan tungkol sa mga ginawa ng mga mag-aaral. Subukin Natin Ipahanda sa mga bata ang kuwaderno o sagutang papel at ipasagot ang Subukin Natin sa . 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin Gawain A at B sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto at ipaliwanag kung kinakailangan. 3. Ipasulat sa papel ang mga kasagutan. Para sa mas malinaw na pagkaunawa sa mga larawan sa Subukin Natin, Gawain A, narito ang mga gabay upang lalong matiyak ang tunay na layon ng larawan (1) landslide (2) Maruming estero at kanal (3) Pagbaha (4) Kakulangan ng Pagkain (5) Illegal logging. Pagkatapos masagutan ng mga bata ang pagsubok, muli itong iproseso. Mahalagang maipakita sa mag-aaral na ang kanilang sagot ay may halaga para sa pagkatuto. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin. Ngayon ay ihanda naman sila sa susunod na aralin. Maaaring ganyakin sila sa paraan ng pagkanta, pagpalakpak o paggawa ng yell sa susunod na aralin Aralin 8 Kaya Nating Sumunod! Layunin: Nakasusunod sa mga tuntuning may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala at batas trapiko Paksa/Pagpapahalaga: Kaayusan (Orderliness) Mga Kagamitan: larawan ng mga babala sa rural at urban, kuwaderno 78 Pamamaraan Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Ipasuri ang larawan tungkol sa alituntunin o patalastas. 3. Ipasulat sa kuwaderno ang hinihinging mga kasagutan. 4. Magkaroon nang malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala at pagsunod ng mga tuntunin na may kinalaman sa kaligtasan tungkol sa pagsunod sa mga babala at batas trapiko ang mag-aaral. 1. Ipagawa ang Gawain 1. 2. Hatiin sa limang pangkat ang klase para sa pangkatang gawain. 3. Magpagawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa napiling tuntunin o babala na karaniwang sinusunod sa inyong komunidad. Gawin ito sa loob ng 15 minuto. 4. Hikayating magbigay ng paliwanag ang bawat pangkat sa kanilang ginawa pagkatapos ng pagpapakita ng dula-dulaan. 5. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng Lahat ng kasapi 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi pagkaganap sa pangkat ay pangkat ay ng pangkat ay nagpakita ng hindi nagpakita hindi nagpakita kahusayan sa ng kahusayan ng kahusayan pagganap. sa pagganap. sa pagganap. Tamang saloobin Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita sa sitwasyon at maayos at may maayos ngunit ang tamang paliwanag tiwala ang may pagsaloobin sa tamang aalinlangan sitwasyon saloobin sa ang tamang sitwasyon. saloobin sa sitwasyon. Isapuso Natin Upang higit na maisakilos o maisagawa ng mga mag-aaral ang tamang pagsunod sa batas trapiko, tuntunin o babala na karaniwang sinusunod sa komunidad, ipagawa ang mga gawaing magsasapuso ng mga kasanayang ito. 1. Pasagutan sa kuwaderno o sagutang papel ang Isapuso Natin. 79 2. Ipabasa sa mga bata ang iba’t ibang paalala na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga bata upang higit nilang maipaliwanag ang pakahulugan ng mga ito. 3. Gawain 2. Ipatala at ipasulat sa loob ng kahon ang mabuting naidudulot ng pagsunod at maaaring mangyari sa hindi pagsunod sa mga babala o batas ng isang pamayanan o bansa. 4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito ay kanilang maunawaan. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga sagot. Bilang mga batang may reflective thinking, maaring makabuo ang mga mag-aaral ng isang pasya na may kabutihan at malinang ang pagkatao kahit sila ay nasa Ikatlong baitang pa lamang. Ito ay nagbibigay halaga sa desisyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagsunod sa alituntunin, babala, o panawagan. Isabuhay Natin Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng natutuhan sa tinalakay na paksa. 1. Ipasuri ang larawan sa kahong may pamagat na Magdesisyon Ka, Ngayon! 2. Tapusin ang desisyon sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga salita at pangungusap upang makabuo ng diwa. Palagyan ito ng lagda sa mag-aaral. Palabasin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas ng ating komunidad o pamayanan. Ang tamang pagdedesisyon sa mga naipakitang babala ay makatutulong para tayo ay mabigyan ng impormasyon upang hindi tayo mapahamak. 3. Magkaroon nang malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga bata. Subukin Natin Ipahanda ang kuwaderno o sagutang papel sa mga mag-aaral at ipasagot ang Subukin Natin. 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto at ipaliwanag ito kung kinakailangan. Magbigay ng iba pang karagdagang gawain upang lalong tumimo sa mag-aaral ang paksa at para bigyang halaga ang pagsunod sa batas,babala at panawagan. 2. Gawain 2. Magpagawa ng isang journal tungkol sa mga pang-arawaraw na gawaing may kaugnayan sa babala at tuntunin sa loob at labas ng paaralan, parke, simbahan, at pamayanan. Ipagawa ito sa loob ng isang buwan 80 Ang journal ng bawat mag-aaral na ginawa sa kuwaderno o malinis na papel ay dapat na nakatago. Maliban sa journal, maaari ring magkaroon ng talakayan, debate, forum o anumang uri ng gawaing may kinalaman sa aralin. Aralin 9 Laging Handa Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakapagpananatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng paggiging handa sa sakuna o kalamidad Pakikiangkop sa Oras ng Pangangailangan (Resiliency) Pagiging Handa sa Kaligtasan (Disaster Risk Prevention) larawan ng landslide, baha, epekto ng lindol, basura, kuwaderno Pamamaraan Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pagtuklas ng sagot sa paglalaro ng Halo Letra. 2. Ipasuri ang larawan. Ipaayos ang mga letra upang makabuo ng salita tungkol sa mga sakuna. Gamitin ang mga gabay sa ilalim ng larawan. 3. Ipasulat sa kuwaderno ang hinihinging mga kasagutan. (Sagot: lindol, baha, bagyo,sunog, tsunami, landslide) 4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata. Isagawa Natin Sa tulong ng Panlipunan-pandamdaming Pagkatuto (Social Emotional Learning) ito ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pagpapasya na makatutulong sa mag-aaral sa makabuluhang pagkatuto. 1. Simulan ang gawain sa pagsasabi ng isang maikling kuwentong inihanda para sa mga mag-aaral. Maaari ding magkuwento ng isang karanasang may kinalaman sa paghahanda sa oras ng sakuna o kalamidad sa inyong lugar. 81 Mungkahing Kuwento: Sa isang liblib bayan ng Luklukan ay nagkakagulo na ang mga tao. May balitang kumakalat na may darating na isang napakalakas na bagyo na may kasamang malakas na hangin at ulan. Maraming nagsasabi na ito ay isang storm surge o tinatawag nilang daluyong tulad ng nangyari sa mga lalawigan ng Samar at Leyte. Dahil sa balitang ito, agad na tinawag ng Punong Bayan ang kanyang Disaster Rangers upang pag-usapan ang tamang paghahanda upang maiwasan ang malaking pinsala na puwedeng idulot ng bagsik ng isang daluyong. Ngunit marami pang puwedeng mangyari maliban sa daluyong. Kaya muli silang nagplano ng mga dapat gawin bilang paghahanda sa anumang lindol, tsunami, sunog, landslide, at pagbaha. Inatasan ng Punong Bayan ang mga Disaster Rangers upang tulungang maghanda ang mga mamamayan sa posibleng pagdating ng ibat ibang sakuna. Disaster Rangers Red – tagapagbalita upang makaligtas sa baha Disaster Rangers Blue – tagapagbalita upang makaligtas sa landslide Disaster Rangers Yellow – tagapagbalita upang makaligtas sa tsunami Disaster Rangers Green – tagapagbalita upang makaligtas sa lindol Disaster Rangers Black – tagapagbalita upang makaligtas sa dulot ng bagyo Disaster Rangers White – tagapagbalita upang makaligtas sa sunog Disaster Rangers – mga tagapagtanggol o tagapagligtas na tumutulong upang maging handa ang mga tao sa sakuna, kalamidad, o di-inaasahang pangyayari. 2. Pangkatin sa anim ang klase.Atasan ang bawat pangkat na maging kasapi ng Disaster Rangers: Red, Blue, Yellow, Green, Black, at White 3. Ipagawa ang Gawaing 1. Magpagawa ng isang Disaster Presentation na kung saan ay darating ang mga Rangers na tutulong para maging handa sa panahon ng kalamidad at sakuna. Magbigay ng 10 hanggang 15 minuto paghahanda para sa presentasyon ng bawat pangkat. 4. Ilagom ang mahahalagang pangyayari sa ipinakita. 5. Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita nang maayos na pagkaganap at kinakitaan ng pagpapahalaga sa pagtulong sa oras ng sakuna, kalamidad, o pangyayaring hindi inaasahan. 82 Isapuso Natin Bilang pagpapatibay at pagsasapuso ng natutunang gawain, ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kuwento sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral. Gawain 2 1. Pagnilayan ang mga kabutihang magagawa ng pagiging laging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad. 2. Ipasulat sa loob ng bawat puso ang kanilang kabutihang nagawa sa pagiging laging handa bilang isang bata, bilang bahagi ng pamayanan o bansa. Sa ilalim naman ng mga puso na nasa loob ng kahon, ipasulat ang Mithiin para sa kaligtasan. 3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito ay maunawaan nila. Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto ng Isabuhay Natin. 2. Ipasulat ang sanaysay para maging handa sa sakuna. 3. Gabayan ang mag-aaral upang lubos na maunawaan ang gagawing pangako sa pagiging handa. 4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga mag-aaral. 5. Maghanda ng isang tseklis anumang magagamit na instrumento sa pagsunod sa pangako na isinulat sa sanaysay. Isang paraan ito para sa likas-kayang pag-unlad. Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel o kuwaderno at ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa sa magaaral ang panuto at ipaliwanag ito kung kinakailangan. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong talakayin at iproseso para maipakita ang tunay na layunin ng pagtataya. Bigyang repleksyon ito sa buhay ng mag-aaral. Magbigay ng pagbati sa mag-aaral dahil natapos nila nang maayos ang gawain. Maaaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan para magsilbing gabay sa susunod na leksyon o aralin. Mungkahing Pampinid na Gawain Para sa Ikatlong Markahan Sa pagtatapos ng Ikatlong markahan, ang pampinid na gawaing ito ay iminumungkahi upang masukat ang antas ng natutuhan ng mga mag- 83 aaral tungkol sa mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan. Layunin din nito na makita kung naisasabuhay na ng mga mag-aaral ang mga kaugaliang Pilipino at naipamamalas nila ang pagiging masunurin sa mga itinakdang alituntunin. Mahahati sa apat na bahagi ang palatuntunan Talk Show, Living Gallery, Value Trail, at Reflection. Sampol na Palatuntunan Gawain: Tema: I. Araw ng Pamilya (Family Day) Mabuting Pamilya para sa Pagmamahal sa Bansa at sa Pandaigdigang Pagkakaisa A. Opening Program B. Talk Show 8:00-9:30 Bilang bahagi ng Bukas-Palatuntunan, isang talk show ang magaganap. Pipili ang guro ng mga batang magsisiganap bilang host / anchor at field reporters. Gayundin ang mga taong magsisilbing bisita na kakapanayamin nila. (Halimbawa: Pangulo, Punumbayan, Kapitan ng Barangay, Magulang, Punungguro, mag-aaral, at miyembro ng SGC.) Tatalakayin sa talk show ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino kaalinsabay sa pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan. Mungkahing Daloy ng Talk Show Host: (sabay magsasalita ang hosts) Mikey: Arnold: Mikey: Magandang Umaga, Pilipinas. Ako po si Mikey Sanchez at ako naman si Arnold Drilon. Ito po ang Ugaling Tapat, Serbisyong Angat! DZWXX103.7 Patrol ng Kabataan para Pandaigdigang Pagkakaisa Ngayong araw na ito ay pupulsuhan natin ang ating mga mamamayan hinggil sa Pagmamahal sa Bansa, mga Kaugaliang Pilipino at Likas-kayang Pag-unlad na nagaganap sa ating kapaligiran. Masuwerte tayo sapagkat kasama natin ang Pangulo ng ating bansa, si (mag-imbento ng pangalan ng Pangulo). Magandang Umaga, Kgg. na Pangulo, salamat po sa pagpapaunlak sa aming talakayan. Mahahalagang isyu po ang ating pag-uusapan. Dumeretso na po tayo sa talakayan. Bilang Pangulo ng Pilipinas, napapanatili ba natin ang mga 84 natatanging kaugalian ng Pilipino tulad ng pagmamano, pagsasabi ng “po at opo” o anumang magagalang na salita, at iba pa? Pangulo ng (sasagot ng tanong ang mag-aaral sa katauhan ng Pilipinas: Pangulo) Arnold: Ano naman po ang masasabi ninyo sa mga alituntunin o patakaran hinggil sa mga batas na ipinatutupad ninyo sa ating bansa. Isa pong simpleng halimbawa ay ang ating Batas Trapiko? Pangulo ng (sasagot ng tanong ang mag-aaral sa katauhan ng Pilipinas: Pangulo) Mikey: Ngayon naman po ay medyo lawakan natin ang ating talakayan. Paano po natin maipakikita at maisasabuhay ang ating pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa? Pangulo ng (sasagot ng tanong ang mag-aaral sa katauhan ng Pilipinas: Pangulo) Arnold: Maraming salamat po Kgg. na Pangulo. Ngayon po naman ay tumungo tayo sa ating “field reporter” na si Ted David para magtanong sa ating mga manunuod na Punung Bayan, Kapitan ng Barangay, mga Magulang, Punungguro, mag-aaral at miyembro ng SGC. Ano-ano po ang iyong mga isinasakatuparang proyekto hinggil sa mga sumusunod: Kaugaliang Pilipino, Alituntunin at Patakaran ng inyong mga nasasakupang lugar? (Magsasagawa ng field report ang mag-aaral na napiling field reporter) Sa pagtagtapos, magpapasalamat ang mga Hosts. II. Community Experience/Living Gallery 9:30 – 11:30 Pagkatapos ng Bukas-Palatuntunan ang mga dumalo ay dadalhin sa isang munting komunidad/bayan na ang mga napiling bata ang gaganap bilang mga taong kasapi ng komunidad. 85 Ang mga dumalo ay maaaring pumunta sa mga bahagi ng komunidad. Ang mga batang nasa bawat lugar ay magsasagawa ng isang re-enactment kung ano ang nangyayari sa tunay na komunidad. Magbibigay sila ng pananalita na nagpapahayag tungkol sa tema. Magbibigay ng munting katanungan ang mga host ng bawat bahagi ng komunidad. Kung masasagot o magagawa ng tama ng kinatawan, sila ay bibigyan ng pass card upang makapunta sa iba pang lugar. Mungkahing sasabihin ng mga mag-aaral 1. School – (Script – give a pass card) Punungguro – Magandang umaga po. Sa ating paaralan ay pinahahalagahan ang paggalang. Gayundin po may mga tuntuning ipinatutupad sa ating paaralan gaya ng ___________, ____________, ______________. Bilang mag-aaral/ magulang/ miyembro ng SGC etc., paano kayo makatutulong sa pagtataguyod nito? Ipaliwanag 2. Canteen – Magandang umaga po. Ano po ang inyong gustong bilhin. Ang pagkain pong inihahain namin ay malinis at masustansiya. Naniniwala kaming ang kumain ng masustansyang pagkain ay nakatutulong upang tayo ay lumakas. Dapat tayong sumunod sa Kagawaran ng Kalusugan upang magabayan ang ating sarili. Ano ang gagawin mo upang maging maayos ang ating kantina? 3. Traffic enforcer – Ang pagsunod sa mga batas trapiko at alituntunnin o tuntunin ng ating lipunan ay mahalaga upang mailigtas tayo sa kapahamakan. Ang mga babala ay makatutulong din upang mabigyan tayo ng maliwanag na Pag-iingat sa ating buhay. Magbigay ng isang batas trapiko at ipaliwanag kung bakit at paano mo ito sinusunod. 4. Garbage Disposal – Ang wastong pagtatapon ng basura ay makakatulong upang malayo tayo sa sakit at maduming kapaligiran. (Ipagawa ang alinman dito) Bigyan ng sampol na basura. Ipatapon sa mga basurahan at tingnan kung tama ang pinaglagyan ng basura. (proper waste disposal) Bigyan ng sampol na basura para maipakita ang reuse, recycle, at reduce. 5. Municipal Hall – Ang pagsunod sa batas ng bayan ay mahalagang tungkulin ng mamamayan. Ang pakikiisa sa mga proyekto ng bayan sa kalikasan ay makatutulong upang iligtas ang ating kapaligiran para sa malinis at ligtas na pamayanan. Magbigay ng katanungan na tutukoy sa pag-aalaga ng kalikasan. 86 6. Parke – Ang pagsunod sa mga alituntunin gaya nang hindi pagpitas ng bulaklak, pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan ay nagtuturo sa atin ng kabutihang loob para sa ating pamayanan at sarili. Paano mo maisasakatuparan ang mga babala na makikita sa ating pamayanan? 7. Palengke – Ligtas na pagkain, pagsunod sa tamang timbang at presyo ay nakakatuwang gawi. Ang pagiging totoo ay makakatulong upang maging maayos ang ating pakikisama sa ating kapwa. Nakita mong kulang ng ilang guhit ang prutas na binili ng nanay mo. Ano ang gagawin mo? Bakit? 8. Sambahan – Pagrespeto sa alituntunin ng bawat relihiyon ay isang paraan ng pagpapahalaga sa Diyos.Ang paggalang sa relihiyon ng bawat nilalang ay pagrespeto sa ating sarili at sa Poong Lumikha. Nagtakbuhan ang iyong mga kaibigan sa loob ng sambahan habang isinasagawa ang pagsamba? Ano ang iyong gagawin? Bakit? 9. Tahanan – Dito unang nalilinang ang natatanging kaugaliang Pilipino. May mga tuntunin tayo sa ating tahanan na nararapat nating sundin bilang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Ano ang tuntunin sa inyong tahanan na nagpapakita ng natatanging kaugaliang Pilipino? Paano mo ito sinusunod? LUNCH BREAK 11:30 – 1:00 III. Value Trail 1:00-3:00 Sa bahaging ito ng palatuntunan, ang mga bata at magulang ay magkakasamang magsasagawa ng gawain (parents and child tandem). Bawat kalahok ay may tatahaking daan (station) kung saan ay may ipapagawa sa kanila na magpapakita ng mga pag-uugaling kanilang isinasagawa at isinasabuhay. Station 1: Pagmamahal sa Kaugaliang Pilipino Ang mag-anak ay magsasagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng magandang kaugalian ng Pilipino. Ang ipapakita nila ay batay sa mabubunot nilang sitwasyon. Station 2: Pagkamasunurin Tandem ng Anak at Magulang – Direction Game Ang larong ito ay nangangailangan ng pagiging masunurin at pagtitiwala ng isa’t isa. Layunin ng larong ito na makuha ng bata ang isang “flaglet” ng may piring sa mata sa pamamagitan ng pagsunod sa direksyon naibinibigay ng kanyang magulang. Station 3: Likas-Kayang Pag-unlad Ang mag-anak ay gagawa ng isang babala batay sa sitwasyon na kanilang mabubunot. 87 Station 4: Kalinisan at kaayusan Ang bata at magulang ay bibigyan ng dalawang lalagyan na magsisilbing basurahan. Ang isa ay para sa nabubulok at ang isa ay para sa di nabubulok. Maghahanap ng basura ang mag-anak at ilalagay ito sa tamang basurahan. IV. Reflection 3:00-3:30 Pagninilayan ng mga magulang at bata ang kanilang ginawa maghapon. Tatlong pagninilay ang gagawin ng mga dumalo. sa Reflection 1: Gumawa ng isang pagninilay para sa Gawain 1 sa pamamagitan ng pagpipinta ng kanilang naramdaman. Reflection 2: Gumawa ng isang pagninilay para sa Gawain 2 sa pamamagitan ng song or yell. Reflection 3: Gumawa ng isang pagninilay para sa Gawain 3 sa pamamagitan ng paggawa ng card na ibibigay sa isa’t isa. V. Closing Program Hands of Unity Prayer 3:30-4:00 88 Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Sino nga ang katulad Ninyo O aming Panginoon? Inaruga at minahal Ninyo kami nang lubos. Dahil sa pag-ibig na ipinadama Ninyo sa amin, Buhay ko ay pagbubutihin, Kapwa ko ay mamahalin. -prsAng Yunit na ito ay naglalayong ipadama sa mga mag-aaral ang pag-ibig ng Diyos sa Kaniyang mga nilalang at ipakita sa kanila na magagawa nating pagsilbihan ang ating Panginoon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malalim na pananampalataya at pagmamahal sa Kaniya at pagtataglay ng mga katangiang kalugod-lugod tulad ng pagkakaroon ng pusong matulungin at mapagkalinga, ang maging bukal ng pag-asa para sa iba, ang maging huwaran ng kabutihang asal at tagapagtaguyod ng katuwiran at kabutihan. Ang mga aralin ay masusing dinisenyo nang may napapanahon at interaktibong pagdulog upang higit na maiugnay ng mag-aaral ang kanyang sarili sa bawat aralin. Ang mga ginamit na lunsaran sa talakayan ay batay sa mga aktwal na kaganapan upang maging makatotohanan at napapanahon ang bawat aralin. Ilan sa mga aralin ay kakikitaan din ng interdisiplinaryong pagdulog. Isinaalang-alang ang pagkakaiba-iba sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral sa mga gawaing inihanda upang maging kawili-wili at mapanghamon ang bawat yugto ng mga aralin. Binibigyang-diin ng yunit na ito ang mabubuting pag-uugali tulad ng pagkakawanggawa, pagkakaroon at pagbibigay ng pag-asa, paggalang sa pananampalataya ng iba, pagtataguyod ng kabutihan at katuwiran, paninidigan, at higit sa lahat ang pagmamahal sa mga nilalang ng ating Panginoon. Nais ipaunawa ng yunit na ito na kaya ng mga batang taglayin at linangin ang mga katangiang ito sapagkat kinikilala nila ang kapangyarihan ng Diyos at nararanasan nila ang Kaniyang pagmamahal. Dinadala ng mga aralin ang mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa mga gawaing magpapakita ng mga katangiang kalugod-lugod sa Diyos, kapwa at bansa. Ang yunit na ito ay hinati sa 9 na aralin at ito ang sumusunod: Aralin Aralin Aralin Aralin 1 2 3 4 Aralin 5 Aralin 6 Aralin 7 Pananalig sa Diyos Paniniwala Mo, Iginagalang Ko Pag-asa: Susi para Sa Minimithing Pangarap Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko Sa Kapwa Ko Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin Tagumpay Mo Kasiyahan Ko Manindigan Tayo Para sa Kabutihan 89 Aralin 8 Aralin 9 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko sa Aking Kapwa Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko Inaasahang ang mga aralin ay magsisilbing makabuluhang kaagapay ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkakaroon ng“self-mastery” o matapat na pagkilala sa sarili at sa kanilang ispiritwal na pag-unlad at makabuluhang pakikibahagi sa pagbabagong panlipunan ng lipunan bilang mga mapanagutan at produktibong mamamayang may pag-ibig sa Diyos, kapwa, at bansa. Aralin 1 Pananalig sa Diyos Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Nakapagpapakita ng pananalig sa Diyos - Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang may pananalig sa Diyos - Nakapagbibigay ng mga halimbawa na nagpapakita ng pananalig sa Diyos Pananalig sa Diyos (Faith) Pagmamahal (Charity) mga kaukulang larawan, manila paper, pentel pen at tape para sa ipapaskil na mga panalangin, at lumang folder na maaaring sulatan Pamamaraan: Alamin Natin 1. Gamit ang dulog na constructivism, hayaan ang mga batang balikan ang kanilang mga karanasan bilang bata na may kinalaman sa kapaligiran at sa nakikita nila sa kalangitan sa hatinggabi. 2. Ganyakin ang mga mag-aaral na pagmasdan ang larawan sa unang pahina ng Aralin 1. Ipabasa nang tahimik ang maikling pahayag ukol dito. Itanong: Ano ang pinagmamasdan ng bata sa larawan? Bakit niya pinagmamasdan ang kalangitan? Suriin natin ang kaniyang maikling pahayag. Sa iyong palagay, ano-ano ang nararamdaman ng bata sa oras na iyon? Sa inyong palagay, mahal ba ng Diyos ang bata na nasa larawan? Maaaring magbigay ng kaunting paliwanag tungkol dito. Ano pa ang naiisip ninyong patunay na may Diyos na makapangyarihang nagmamahal sa atin? 90 3. Ganyakin sila sa pagbasa ng maikling salaysay gamit ang pagdulog na meditative reading. Sa pagdulog na ito, ginaganyak ang mag-aaral na gumawa ng visualization ng kanilang binabasa. Sa bawat pahayag, sila ay hihinto, pipikit at magbi-visualize ng kanilang pakahulugan sa binasa batay sa kanilang sariling karanasan. Ang pagdulog na ito ay mula sa teorya ng whole brain learning na sumusuporta sa prinsipyo ng pagkatuto na nagsasabing mas makabuluhan ang pagkatuto kung mas maraming pandami ang nagagamit. Gayun din, kung ang parehong hemispheres ng ating utak ay nagagamit, mas mataas na antas ng pagkatuto ang nakakamit. 4. Matapos ang pagbabasa, itanong sa mga bata kung anong mga larawan ang nabuo sa kanilang isipan. Itanong din sa kanila kung paano nila nararamdaman ang pagmamahal sa kanila ng kanilang magulang, kapatid, kaibigan o ibang tao. Ipaliwanag sa mga bata na ang pagmamahal ng Diyos ay higit sa lahat ng pagmamahal na nararanasan natin at ng mga taong malapit sa atin. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagbabago kailanman at ito ay walang katapusan. Hindi tayo iniiwan ng Diyos Mula nang tayo ay isinilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay at maging sa panahon ng kalungkutan o mga suliranin. 5. Batay sa salaysay na binasa, itanong ang mga sumusunod: Paano ipinadarama ng Diyos ang pag-ibig Niya sa Kaniyang mga nilalang? Ano-anong bagay ang nais mong ipagpasalamat sa Diyos. Bigyang-diin na ang pagpapatuloy ng ating buhay sa kabila ng mga suliraning dumarating sa atin ay isang patunay na tayo ay minamahal ng Diyos at lagi Niyang ginagabayan. Sikaping maipalabas sa mga bata na kahit ang mga simpleng bagay na tinatamasa natin na biyaya ng kalikasan (Hal.: sariwang hangin, ang araw at buwan, mga bituin, magagandang tanawin) ay galing din sa Diyos at tanda rin ng Kaniyang pagmamahal sa atin. 6. Ganyakin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga pangyayari sa kanilang buhay kung saan ay naranasan nila ang pagmamahal ng Diyos. Maaaring may mga batang magtanong kung bakit hindi nila nararanasan ang pag-ibig ng Diyos. Mahirap na kalagayan ito para sa guro ngunit hindi dapat ipilit na ipaunawa ang konsepto. Bagkus, isang pagkakataon ito upang makita ng guro ang 91 pangangailangang tumulong. Maaaring ikaw mismo ay maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos. Ito ang ikinaiba ng pagtuturo sa iba pang mga propesyon. Ang mga guro ay tinawag sa isang misyon ito ay ang tulungan ang mga mag-aaral na maging mabuting tao. Ipadama na sila ay minamahal at may kabuluhan. Kaya walang ibang opsyon ang mga guro kundi ang maging mabuting tao at maging liwanag para sa kanilang mga mag-aaral. Upang matugunan ang suliranin (dilemma), maaaring sabihing nararanasan din natin ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong nagpapasaya sa atin o nagmamahal sa atin. Tawagin ang batang iyon at siya ay kamayan o lapitan at ngitian. Sabihin na “Ikaw ay mahal ng Diyos at nais Niyang ipadama ang pagmamahal Niya sa iyo.” Ganyakin din siyang mas kilalanin pa ang Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikipag-usap sa Kanya. Kung may pagkakataon, kausapin nang sarilinan ang bata at alamin ang ugat ng ganoong paniniwala. Gamitin mo ang pagkakataong ito upang higit na mapalapit ang mag-aaral sa Diyos. Sabihin na kung minsan, may mga pagkakataong ang akala natin ay hindi tayo mahal ng Diyos. Maaaring sabihin na ang mga pagsubok ay maaaring tumulong sa atin na maging matatag. Maaring magbanggit ng kuwento ng mga matagumpay na taong kilala mo na nagdaranas din ng mga pagsubok sa buhay ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa sa halip ginamit nila ito upang lalong manalig sa Diyos. Isagawa Natin Itanong: Narinig mo na ba ang kasabihang Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa? Ano kaya ang kahulugan nito? 1. Bigyan ng kaunting oras ang mga bata na magbigay ng paliwanag tungkol dito. Kung hindi masagot ng mga bata ang kahulugan nito, maaaring balikan ito pagkatapos isagawa ang iba’t ibang gawain. Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1-A, itanong kung anong mga larawan ang nabuo sa kanilang isipan habang binabasa nila ang salaysay ng isang guro. 2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I-A. Bigyan sila ng 1 minuto upang ibahagi sa katabi ang kanilang sagot. 92 3. Ipabasa sa mga bata ang maikling talata sa ibaba ng Gawain 1 at ipagawa ang Gawain 1-B. Bigyan ng pagkakataon ang ilang bata na ibahagi ang nakumpleto nilang mga panalangin. Maari nila itong ilagay sa kanilang portfolio ng mga panalangin. Gawain 2 ( Pangkatang Gawain) 1. Para sa gawaing ito, itanong muna sa mga bata kung may alam silang awit na nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Maari nilang awitin ang ilang linya o koro nito. 2. Hatiin sila sa apat na pangkat para sa Gawain 2. Bigyan sila ng sampung minuto para makapaghanda at dalawang minuto bawat pangkat para sa pagtatanghal. 3. Parangalan ang lahat para sa kanilang mabuting pagganap. Itanong sa mga bata kung paano ipinahayag ng mga panalangin ang pagmamahal ng Diyos. 4. Tulungan at gabayan ang mga bata sa pagsulat ng binuong panalangin sa manila paper o cartolina na ipapaskil sa isang bahagi ng paaralan. Lagyan ito ng isang mensahe o pamagat na magsisilbing imbitasyon sa mga makakakita. Isapuso Natin 1. Bago tumungo sa gawain, itanong ang sumusunod sa mga bata: Ano kaya ang panalangin? Bakit tayo nananalangin? Paano kayo nananalangin? Kailan kayo nananalangin? Ano ang inyong idinadalangin? Ipaliwanag sa mga bata na ang pananalangin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing kalugodlugod sa Diyos sapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa ating buhay at nais nating makipag-ugnayan sa Kaniya. Hindi lamang tayo nananalangin kung may nais tayong hilingin o hingin sa Diyos. Bagamat ang Diyos ay laging handang sagutin ang ating mga kahilingan na alam Niyang makabubuti sa atin. Nananalangin din tayo upang siya ay papurihan sa Kanyang kabutihan. Kung tayo ay nagagalak kapag pinasalamatan tayo o pinuri tayo ng iba sa ginawa nating mabuti sa kanila, gayundin ang nararamdaman ng Diyos kapag pinupuri natin Siya sa Kaniyang kabutihan o pinasasalamatan sa Kaniyang pag-ibig sa atin. Gayundin, bagamat nalulugod ang Diyos na ipinararating natin sa Kanya ang ating mga pangangailangan dahil nangangahulugan ito na inaamin nating kailangan natin ang Diyos sa ating buhay, dapat din nating isama sa ating panalangin ang kalagayan ng ibang tao o ng ating bansa. Bigyang-diin na maraming nagagawa ang 93 panalangin at isa ito sa mga maaari nating magawa upang tulungan ang iba sa paraan ng isang taimtim na panalangin. 2. Ipagawa ang Isapuso Natin. Pagkatapos ng gawain, ganyakin ang lahat na ihanda ang sarili sa panananalangin. Bumuo ng isang bilog at ipabasa sa mga bata ang kanilang mga panalangin. Kung hindi kakayanin ng oras, pumili lamang ng limang bata na magbabasa ng kanilang panalangin. Maaring pumili din ng isang mag-aaral para sa pangwakas na panalangin. Ipabasa ang Tandaan Natin. Sikapin na maliwanagan ang mga bata tungkol dito. Isabuhay Natin Bilang panimula, hayaang sagutin ng mga bata ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang gustong mangyari kapag nakatapos sila ng Grade 3 at Grade 6. 1. Gabayan ang mga bata na mailista ang kanilang mga mithiin o gustong makamit pagkalipas ng tatlong taon mula ngayon. 2. Ipaalala sa mga mag-aaral na anumang mithiin na gustong marating ay puwedeng matupad kung sasamahan ng sipag at tiyaga, pagasa, at pananalig sa Diyos. Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin. Iproseso ang sagot ng mga bata upang mapagnilayan nilang muli ang paksa/ pagpapahalagang natutuhan. 2. Para sa unang bahagi, tumawag ng mga mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang naging sagot. 3. Para sa ikalawa at ikatlong bahagi, maaring tumawag ng ilang magaaral upang ibahagi ang kanilang nabuong sariling pahayag at tanungin sila kung bakit ito ang nabuo nila. Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos - Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal (Charity) Mga Kagamitan: modyul, mga kaukulang larawan, manila paper, art paper o colored paper para sa mga dahon ng puno, karton para sa katawan ng puno at mga 94 sanga, coloring pen/ pangkulay / pentel pen, pandikit tulad ng glue o scotch tape Pamamaraan: Alamin Natin 1. Ganyakin ang mga mag-aaral na pagmasdan ang larawan sa unang pahina ng Kagamitan ng Mag-aaral. Itanong sa mga bata kung tungkol saan ang larawan at kung ano-ano ang mga damdaming ipinahahayag ng larawan. Itanong din sa mga bata kung ano ang magandang maidudulot kung ang mga tao ay magkakasundo at magkakaisa kahit magkakaiba sila ng lahi o paniniwala. 2. Pumili ng mga gaganap sa usapan sa diyalogo at ipabasa ito. 3. Iproseso ang binasang dayalogo at pag-usapan ang kanilang mga sagot. 4. Tanungin sa mga mag-aaral kung anong relihiyon/sekta ang kanilang kinabibilangan.Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang mga paniniwala tungkol sa Diyos. 5. Gabayan ang mga mag-aaral na pag-aralan ang mensahe ng bawat bata sa larawan na naghahayag ng paggalang sa kapwa bata na may iba’t ibang paniniwala. 5. Talakayin ang kahalagahan ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba-iba ng mga paniniwala? Bakit? 6. Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang paggalang sa pananampalataya o paniniwala ng iba ay isang gawaing mabuti dahil sa pamamagitan nito, naiiwasan natin ang mga sigalot o di pagkakaunawaan. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na Gawain) 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I. 2. Bigyan sila ng isang minuto upang ibahagi sa katabi ang kanilang gawa. Tatawag din ang guro ng ilang mag-aaral para ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot. 95 Gawain 2 (Pangkatang Gawain) 1. Para sa gawaing ito, hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang karanasan sa pangkat na kinabibilangan batay sa kanilang mga sagot sa tsart. 2. Bigyan sila ng tig-isang minuto upang ibahagi ang sagot ng bawat pangkat sa klase. 3. Habang nag-uulat ang bawat pangkat, itala ang mga mahahalagang sagot na maaring gamitin para sa paglalagom. Isapuso Natin 1. Bago tumungo sa gawaing ito, pasagutan ang mg tanong na makikita sa pahina ng Isapuso Natin. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata na sagutin ang mga ito. 2. Kung meron pang panahon, maaaring bumuo ng tatlong pangkat kung saan ang bawat pangkat ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng mga taong nagkakaisa at nagkakasundo sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa paniniwala o relihiyon. Maaaring gumamit ng mga lumang magasin, at mga scrap na bagay na maaaring magamit sa paggawa ng collage. Lagyan ito ng kaukulang pamagat. 3. Gabayan ang bawat grupo hanggang sa sila ay makagawa ng isang collage. 4. Kapag natapos na ang lahat, bigyan sila ng 1 minuto upang ipakita sa klase ang nagawang collage at ipaliwanag ang mensahe nito. 5. Ganyakin ang mga mag-aaral na gawin ang isapuso natin. Upang makapagbigay ng ideyang panimula maaring tumawag ng isang bata na magbigay ng halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala o pananampalataya ng iba. 6. Bilang paghahanda sa susunod na gawain sa Isabuhay Natin, maaaring magkaroon ng paghahanda ang klase para sa gawaing ito. Bigyan ang mga mag-aaral ng mga dapat nilang gawin tulad ng: paggawa ng liham sa punong-guro ukol sa gawain at para sa pag-anyaya sa mga guro, magulang, mga kawani ng paaralan. pag-anyaya sa mga mag-aaral sa paaralan na magiging panauhing tagapagsalita na magbabahagi ng kanilang paniniwala, awit ng pagsamba at iba pang kaugnay na kaugalian patungkol sa paniniwala sa Diyos. paggawa ng isang maikling programa para sa palatuntunan. Tiyakin na ito ay maikli lamang para hindi maabala ang mga klase. paggawa ng papel na may hugis dahon na ipamimigay pagkatapos ng palatuntunan at isang katawan ng puno na yari sa karton o papel na malaki. Ihanda rin ang glue o pandikit na gagamitin dito. Bilang pagtatapos sa Isapuso Natin, sabihin na kalugod-lugod sa Diyos ang isang batang marunong gumalang sa damdamin, paniniwala o pagkakaiba ng ibang tao. Isipin mo na lamang na 96 kung ang lahat ng tao ay magpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba, maiiwasan ang mga gulo o di pagkakaintindihan sa loob ng inyong paaralan o sa pamayanang iyong kinabibilangan. Isabuhay Natin 1. Para sa gawain sa Isabuhay Natin, tingnan kung nakaayos na ang lahat bago magsimula ang palatuntunan. 2. Bagamat ang mga mag-aaral ang siyang magpapatakbo ng palatuntunan, kinakailangang gabayan ang mga bata sa pagtatanghal na ito. 3. Bilang bahagi ng gawaing ito, maaaring magbigay ng mensaheng pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa. Subukin Natin Iproseso ang mga sagot sa iba’t ibang pagsusulit. Bigyang-diin ang mga maling halimbawa na hindi dapat gayahin. Tanong o Gawain Bilang Paghahanda sa Susunod na Aralin: Ano ang ibig sabihin ng “ Ang bawat tao ay hindi dapat nawawalan ng pag-asa”? Aralin 3 Pag-asa: Susi para sa Minimithing Pangarap Layunin: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng: - pagpapakita ng kahalagahan ng pagasa para makamit ang tagumpay Paksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Pag-asa (Hope) Pagmamahal (Charity) Mga Kagamitan: larawan ng mga batang nagdarasal sa iba’tibang sitwasyon (sa tahanan, sa paaralan, sa simbahan, sa evacuation center), manila paper, pentel pen, at tape para sa ipapaskil na mga panalangin, glue, kagamitan sa paggawa ng badge, liham, kard, o caricature (maaaring maglagay ng isang tray kung saan mahihiram ang mga kagamitan ng mga mag-aaral na walang sapat na gamit), larawan ng isang bata na maaaring kumatawan kay “Pag-asa” o puppet na gaganap bilang si Pag-asa 97 Pamamaraan: Alamin Natin 1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatanong na may kinalaman sa kahalagahan ng pag-asa (hope). 2. Ipasuri ang larawan ng isang batang mananakbo. Tanungin ang kanilang mga nararamdaman tungkol dito at sa mga halimbawang sitwasyon na nasa ibaba nito. 3. Sabihin na ang pag-asa ay mahalaga sa pagkamit ng ating mga pangarap at sa pagpapatuloy sa pagkamit ng mithiin kahit may mga problema. 4. Ipabukas ang modyul sa bahagi ng Alamin Natin. Bigyan sila ng panahong pagmasdan ang iba’t ibang larawan at pagkatapos ay pasagutan sa mga bata ang mga kaugnay na tanong. 5. Gabayan ang mga mag-aaral na matalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa sa ganitong sitwasyon. 6. Upang matalakay pa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa sa iba pang pagkakataon, pangkatin ang mga mag-aaral. (Ipaalala ang tamang gawi sa pangkatang-gawain). Bigyan lamang sila ng limang minuto para sa kanilang talakayan. 7. Bigyan ang bawat pangkat ng pagkakataon na ibahagi sa klase ang kanilang natalakay. 8. Gabayan ang mga bata upang makagawa ng kanilang paglalahat. Inaasahang paglalahat: Ang pagkakaroon ng pag-asa ay mahalaga upang makamit ang tagumpay sa kabila ng mga suliranin o pagsubok sa ating buhay. Isagawa Natin Gawain 1 1. Bago ipagawa ang gawain 1, ipakilala sa kanila si Pag-asa, ang batang may positibong pananaw. Sabihin sa mga mag-aaral na makinig nang mabuti upang lubos nilang makilala si Pag-asa. (Ipaalala ang tamang gawi sa pakikinig.) Sa gawaing ito ay gagamitin ng guro ang interactive listening na kung saan sa bawat linyang sasabihin ng guro ay titigil muna siya at magtatanong. “Ako si Pag-asa. May kapansanan man ako ay hindi ito naging hadlang upang magawa ko ang nais kong makamit.” Tanong: Bakit hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang siya ay magtagumpay? “Dahil sa pagkakaroon ko ng pagasa, ako ay naging matagumpay.” 98 Ano-ano ang kanyang mga ginagawa kahit siya ay may kapansanan? “Kung minsan ay hindi nangyayari ang aking inaasahan.” Tanong: Paano kaya iyon tinatanggap ni Pag-asa? “Tinatanggap ko ito nang maluwag sa loob.” Tanong: Ano kaya ang kanyang ginagawa sa mga pagkakataong ito? “ Palagi pa rin akong mananalig sa Diyos. Kaya kung ikaw ay pinanghihinaan na ng loob, isipin mo ako. Ako si Pag-asa.” Tanong: Ano kaya ang ibig sabihin dito ni Pag-asa?) 2. Matapos ang kanilang pakikinig ay itanong ang sumusunod: Ano ang masasabi ninyo kay Pag-asa? Bakit? Nararapat bang Pag-asa ang itawag sa kanya? Bakit? Dapat bang tularan si Pag-asa ng isang batang tulad mo? Bakit? 3. Ipagawa sa mga bata ang Gawain 1 kung saan ay pupunan nila ang isang chart ng mga gagawin nila habang sila ay nasa ikatlong baitang at pagkatapos ng ikaanim na baitang. Sa gawaing ito ay binibigyan mo ng pagkakataon ang mga bata na magnilay at pag-isipang mabuti ang maaari nilang gawin kahit sila ay mga bata pa. Ito ay isang paraan upang higit nilang malaman ang kanilang kayang gawin at maikintal sa kanilang isipan na sa anumang bagay na kanilang puwedeng gawin ay dapat palaging may pag-asa. 4. Tumawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang mga sagot. Iproseso ang mga sagot. Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa lalo na sa mga pagkakataong nakararanas tayo ng suliranin. Gawain 2 1. Ipagawa ang mga gawain sa Isagawa Natin. 2. Bumuo ng limang pangkat. Maaaring ibahagi ng mga bata sa grupo ang kanilang kasagutan sa gawain A. 3. Pagkatapos ng maikling pagbabahagi, ipagawa naman ang gawain B. Bigyan sila ng limang minuto upang masuri ang mga larawan at sagutin ang mga mga katanungan. 99 4. Bigyan ng tigdalawang minuto ang bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang sagot. Maaring itanong sa mga bata ang naging proseso sa pagpili ng solusyon. 5. Iproseso ang sagot ng mga bata. Bigyang –diin na sa kabila ng mga suliraning kinakaharap natin sa buhay, hindi tayo dapat sumuko.Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Isapuso Natin 1. Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata upang magawa ang kanilang napiling gawain. Tumawag ng ilan sa kanila upang ibahagi ang kanilang ginawa. 2. Tanungin ang mga bata kung bakit iyon ang pinili nilang gawin. Maaring magbigay din ng konting humor tulad ng mga resipeng nabuo nila. Maari silang tanungin kung anong luto ang nais nila para dito( inihaw, sinigang, atbp). 3. Mahalagang banggitin din sa klase ang mga sangkap ng pag-asa tulad ng panalangin, tatag ng loob, at iba pa. 4. Ipabasa ang Tandaan Natin at ipaunawa sa mga bata ang mensahe nito. Isabuhay Natin 1. Ganyakin ang mga batang balikan ang mga pagkakataong nakaranas sila ng suliranin. Suriin nila ang mga pagkakataong ito upang maipakita rin nila kung paano nila pinanatili ang pag-asa sa kabila ng mga problemang nararanasan nila. Ipakumpleto ang TChart. 2. Iproseso ang sagot ng mga bata. Subukin Natin 1. Pasagutan ang una at ikalawang pagsusulit sa Kagamitan ng Magaaral. Iproseso ang sagot ng mga bata pagkatapos. 2. Bigyang diin muli ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa . Iugnay rin ang konsepto ng pag-asa sa paniniwala o pananampalataya sa Diyos. 100 Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko sa Kapwa Ko Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng: - pagpapakita at pagpapadama ng kahalagahan ng pagbibigay ng pagasa sa iba Pagmamahal (Charity) Pag-asa (Hope) modyul, mga kaukulang larawan, manila paper, comic strips ng iba’t ibang sitwasyon Pamamaraan: Alamin Natin 1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano kaya ang nararamdaman ng isang manlalaro kung may mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan. Kung ikaw ay kaibigan ng manlalarong ito, paano mo maipakikita ang iyong suporta sa kanya? 2. Gamit ang dulog na constructivism, hikayatin ang mga mag-aaral na isipin ang kanilang mga sariling karanasan kung saan sila ay nakapagbigay ng pag-asa sa iba. 3. Gabayan ang mga bata upang makagawa ng kanilang paglalahat mula sa mga tinalakay. Inaasahang paglalahat: Kahit ako ay bata pa puwede akong makapagbigay ng pag-asa sa iba. Ito ay makapagbibigay ng lakas ng loob sa isang tao. 4. Ipaunawa sa mga mag-aaral na maaari tayong makapagbigay ng pag-asa sa iba sa pamamagitan ng paghikayat na magpatuloy magsikap na matupad ang anumang pangarap sa buhay. 5. Itanong sa mga bata ang iba pang paraan kung paano makapagbibigay ng pag-asa sa iba. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1. Para sa istilo ng pagbabahaginan, sundin ang sumusunod na hakbang: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ayusin sila sa dalawang bilog. Isang bilog ay nasa loob at ang isa naman ay nasa labas. 101 Sabihan ang mga nasa bilog sa loob na kapag narinig nila ang tugtog sila ay lalakad ng pa-clock wise. Para naman sa nasa labas na bilog, sila ay lalakad ng pa-counter clockwise. Kapag tumigil ang tugtog, titigil din sila at ibabahagi sa kanilang katapat ang kanilang karanasan. 2. Iproseso ang gawain. Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang naramdaman sa ginawang pagbabahaginan. Itanong rin sa kanila kung ano-anong mga karanasan ang naibahagi sa kanila at kung ano ang natutuhan nila sa gawain. Gawain 2 (Pangkatang gawain) 1. Pangkatin ang mga mag-aaral. Batay sa mga karanasang kanilang ibinahagi, hayaan silang maghanda para sa isang maikling duladulaan o skit. Ipaalala sa kanila ang mga panuntunan sa pagtatanghal at panonood. 2. Maaaring parangalan ang may pinakamagandang pagganap ngunit tiyaking ang bawat pangkat ay napuri sa kanilang ginawang pagtatanghal. 3. Habang nagtatanghal ang bawat pangkat, itala ang mahahalagang konsepto na maaring gamitin para sa paglalagom. Isapuso Natin 1. Bago tumungo sa gawaing ito, itanong ang sumusunod sa mga bata: Sino ang paborito ninyong “superhero”? Ano ang taglay niyang kapangyarihan? Bakit mo siya naging paborito? 2. Ganyakin ang mga mag-aaral na gawin ang isapuso natin. Upang makapgbigay ng panimulang ideya maaring tumawag ng isang bata upang magbigay ng halimbawa ng katangian ni Pag-asa bilang isang superhero. 3. Ipabasa ang Tandaan Natin. Tulungan ang mga bata upang higit nilang maintindihan ang mensahe ng kanilang binasa. 4. Kapag natapos na ang lahat, maglaan ng espasyo sa silid-aralan para maipaskil ang gawa ng mga bata. Isabuhay Natin 1. Para sa Isabuhay natin, hayaan ang mga batang balikan ang kanilang mga karanasan kung saan sila ay nakapagbigay din ng pagasa sa iba. 2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot. 102 3. Bigyang-diin na kahit sila ay bata pa ay maaari na rin silang makapgbigay ng pag-asa sa iba. Subukin Natin 1. Ipagawa ang iba’t ibang pagsusulit para masukat kung higit na naunawaan ng mga bata ang pinag-aralan sa araling ito. 2. Iproseso ang mga sagot kung kinakailangan para maunawaan ng mga may maling kasagutan. Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin Layunin: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng: pagpapakita ng kabutihan at katuwiran pakikipag-ugnayan sa kapwa Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal (Charity) Ispiritwalidad (Spirituality) Mga Kagamitan: tula, krayola, larawan ng mga batang nagdarasal sa ibat-ibang lokasyon (sa tahanan, sa paaralan, sa simbahan, sa evacuation center), manila paper, pentel pen, tape, awit, malinis na papel, cardboard, larawan ni Arriza Ann Nocum Pamamaraan: Panimulang Gawain 1. Ipabukas ang Kagamitan ng Mag-aaral sa unang pahina ng aralin 5 at ganyakin silang pagmasdan ang larawan . Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Sabihing ito ay isang personal na paglalarawan ng pagmamahal ng Diyos ayon sa gumuhit ng larawan. 2. Ganyakin sila na makinig habang binabasa mo ang maikling tula sa ibaba ng larawan na nasa Kagamitan ng Mag-aaral gamit ang pagdulog na meditative reading. Sa dulog na ito, ginaganyak ang mag-aaral na gamitin ang visualization habang nakikinig sa tula. Sa bawat pahayag, ang mga bata ay hihinto at pipikit at mag-visualize ng kanilang pakahulugan batay sa kanilang sariling karanasan. Ang dulog na ito ay mula sa teorya ng whole brain learning na sumusuporta sa prinsipyo ng pagkatuto na nagsasabing mas makabuluhan ang pagkatuto kung mas maraming pandama ang 103 nagagamit. Gayondin, kung ang parehong hemispheres ng ating utak ay nagagamit, mas mataas na antas ng pagkatuto ang nakakamit. 3. Matapos ang pagbabasa, itanong sa mga bata kung anong mga larawan ang nabuo sa kanilang isipan. Alamin Natin Gawain 1 1. Ipabasa sa mga bata ang tanong. Kung mailalarawan mo ang pag-ibig ng Diyos, saan ninyo ito maihahambing? 2. Gabayan ang mga bata na maiguhit o maisulat ang kanilang sagot sa tanong. Ipapaskil ang kanilang ginawa sa pisara upang makita ng lahat. Tanungin ang ilang bata tungkol sa kanilang ginawa. Iparamdam sa mga bata na walang tama o mali sa kanilang sagot o ginawa. Anumang sagot ng mga bata ay may kinalaman sa kanilang mga karanasan. Ito ang pagkakataon na maimulat sa mga bata na may iba’t ibang paraan ang Diyos sa pagpapakita ng Kaniyang pagmamahal sa atin. Maaaring ito ang maging daan upang higit na mapalapit ang mga bata sa Diyos at patuloy na magpasalamat sa pagmamahal na kanilang tinatanggap sa arawaraw. Kung hindi nila gaanong maipaliwanag ang nais sabihin, tulungan silang maipahayag ito ayon sa konsepto ng scaffolding ni Lev Vygotsky sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong na aagabay sa kanila tungo sa malinaw na pagpapahayag ng saloobin o ideya. Halimbawa ng mga tanong: a. Ano ang mga simbolo o bagay na naiisip mo pag narinig mo ang salitang pagmamahal? b. Ano-anong mga simbolo ang puwedeng gamitin para maipakita na mahal tayo ng mga taong nag-aalaga sa atin? c. Ano-anong halimbawa ang puwedeng magsabi na mahal ka ng Diyos? 3. Ipaliwanag sa mga bata na ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi nagbabago kailanman at kanino man . Mula sa ating pagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay, hindi tayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan o mga suliranin. 4. Mula sa tulang napakinggan, itanong sa kanila kung paano ipinadarama ng Diyos ang pag-ibig Niya sa Kaniyang mga nilikha. 5. Itanong sa mga bata kung ano-anong mga bagay ang nais nilang ipagpasalamat sa Diyos. Bigyang-diin ng guro na ang pagpapatuloy 104 ng ating buhay sa kabila ng mga suliranin o problemang dumarating ay isang patunay na tayo ay minamahal ng Diyos. Sikaping maipalabas sa mga bata na kahit ang mga simpleng bagay na tinatamasa natin na biyaya ng kalikasan ay galing din sa Diyos at bunga din ng kanyang pagmamahal sa atin (Halimbawa: sariwang hangin, ang araw at buwan, mga bituin, magagandang tanawin, at iba pa) 6. Ganyakin ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan hinggil sapagmamahal ng Diyos sa kanila. Maaaring may magtanong na mga bata kung bakit hindi nila nararanasan ang pag-ibig ng Diyos. Mahirap na kalagayan ito para sa guro ngunit hindi dapat ipilit na ipaunawa ang konsepto. Bagkus, isa itong pagkakataon para makita ng guro ang pangangailangang tumulong. Halimbawa, ang mga guro ay tinawag sa isang misyon kaya ang mga guro ay dapat na maging mabuting tao at maging liwanag para sa kanilang mga mag-aaral. Maaari ding sagutin nang di-tuwiran ang tanong. Sabihin na kung minsan, may mga pagkakataong ang akala natin ay hindi tayo mahal ng Diyos ngunit hindi dapat maging batayan ang mga kahirapang nararanasan natin sa buhay upang masabing hindi tayo mahal ng Diyos. Maaring sabihin na ang mga pagsubok ay isang paraan upang lalong maging matatag. Maaring magbanggit ng kuwento ng mga matatagumpay na taong kilala mo na dumanas din ng mga pagsubok sa buhay ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at ginamit nila ito upang lalong kumapit sa Diyos. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1, itanong sa mga bata kung anong mga larawan ang nabuo sa kanilang isipan habang nakikinig sa tula. 2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I. 3. Bigyan sila ng isang minuto upang ibahagi sa katabi ang kanilang gawa. Tatawag din ang guro ng ilang mag-aaral para ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot. Gawain 2 ( Pangkatang gawain) 1. Para sa gawaing ito, itanong muna sa mga bata kung may alam silang awit na nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Maaari nilang awitin ang ilang linya o koro nito. 105 2. Bago ipaawit sa mga mag-aaral ang awit na nasa Kagamitan ng Mag-aaral, sabihin sa kanila na ang awit sa Kagamitan ng Mag-aaral ay karaniwang inaawit sa mga misa ng mga Katoliko ngunit may kanikaniyang awitin ang ibat ibang relihiyon upang ipahayag ang pagibig ng Diyos. 3. Hatiin sila sa apat na pangkat para sa Gawain 2. Bigyan sila ng sampung minuto para makapaghanda at dalawang minuto bawat pangkat para sa pagtatanghal. 4. Parangalan ang lahat para sa kanilang pagpapakita ng galing. 5. Itanong sa mga bata kung paano ipinahayag ng mga awitin ang pagmamahal ng Diyos. Isapuso Natin 1. Kung inyong natatandaan, sa mga naunang leksyon ay pinag-usapan natin ang pananalangin. 2. Ipaliwanag sa mga bata na ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing kalugod-lugod sa Diyos sapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa ating buhay at nais nating makipag-ugnayan sa Kaniya. Bigyang-diin na maraming nagagawa ang panalangin at isa ito sa mga maari nating magawa upang tulungan ang ating kapwa. 3. Ipagawa ang mga gawain sa Isapuso Natin. 4. Bigyan ng pagkakataon ang ilang bata na ihayag ang kanilang mga panalanging ginawa. 5. Ipabasa ang Tandaan Natin. Tulungan ang mga bata na higit na maunawaan ang mensahe nito. Isabuhay Natin 1. Bago ipagawa ang gawaing nakapaloob dito, sabihin sa mga bata na kung minsan ay nagpapadala din ang Diyos ng mga taong magiging daluyan ng kanilang pagmamahal. Itanong sa kanila kung sino-sino ang maituturing nilang naging daluyan ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang buhay. Pag-usapan ito. 2. Patingnan ang larawan ni Arriza Ann Nocum. Ipabasa ang dagdag na impormasyon tungkol kay Arriza Ann Nocum. Bigyang-diin na katulad ni Arriza Ann ay puwede rin silang maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos sa kanilang kapwa. 3. Pipili ang mga bata ng 2 taong nais nilang gawan ng badge. liham, kard o caricature bilang pasasalamt dahil naranasan nila ang pagmamahal ng Diyos sa kanila. Ganyakin silang piliin ang gawaing nais nila. Kung wala silang mapili, maari din silang gumawa ng tula o awit. Isinasalang-alang ng gawaing ito ang teorya ng multiple intelligences. Ibibigay nila ito sa kinauukulan. 106 Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga bata ang papel na sagutan at ipasagot ang pagtataya sa Subukin Natin. 2. Iproseso ang sagot ng mga bata upang mapagnilayan nilang muli ang paksa/ pagpapahalang natutuhan. 3. Maaring tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang nabuong sariling pahayag at tanungin sila kung bakit ito ang nabuo nila. 4. Para sa ikalawang bahagi naman, tumawag ng mga mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang naging sagot. Mga sagot sa Unang Bahagi: 1. Nagmumula 2. natin 3. mawalay 5. Ang Diyos ay palagi kong kasama. Aralin 6 4. Kabutihan Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko Layunin: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng: pagpapakita ng suporta sa mga kaibigan o pagiging mabuting kaibigan Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal Ispiritwalidad larawan ng mga batang nanalo sa paligsahan, tula, template ng regalo para sa Gawain 1. ( Maaring ireprodyus para sa mga mag-aaral), larawan ni Dr. Jose Rizal at Ferdinand Blumentritt, lapis, lumang folder o oslo paper, krayola, art paper, gunting, pandikit Mga Kagamitan: Pamamaraan: Alamin Natin 1. Sa pagsisimula ng aralin, ipakita ang larawan ng isang koponang nanalo sa isang paligsahan. 2. Itanong sa mga bata kung tungkol saan ang larawan. Itanong sa mga bata: Ano sa palagay ninyo ang nararamdaman ng mga batang ito sa panahong ito? Kung kaibigan mo ang isa sa kanila, at naroon ka habang sila ay lumalaban sa paligsahan, paano mo ipakikita ang iyong pagsuporta sa kanila? 107 Sino sa inyo ang nakasali na sa paligsahan? Paano kayo sinuportahan ng inyong kaibigan? Pagsumikapang maipalabas sa mga bata ang mga damdaming maiuugnay nila sa pangyayari mula sa mga tanong. Bigyang pokus ang sosyo-emosyonal na pagdulog sa pagtatalakay ng paksa (self-awareness competency). Ipaunawa sa mga bata na isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa ay ang pagmamalasakit at pagtulong sa mga taong malapit sa atin, halimbawa ay ang ating kapatid o kaibigan. 3. Ipabasa nang sabay-sabay ang tula na nasa Kagamitan ng Magaaral sa pangunguna ng guro. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod: Kung tatanungin ang iyong puso’t damdamin, ano ang nababagay na pamagat para sa tula? Bakit? Paano ipinakita ng kanyang kaibigan ang pagmamahal at pagmamalasakit ng tao sa tula? Ipaunawa sa mga bata na tulad ng sinasabi sa tula, ang isang mabuting kaibigan ay laging maaasahan. Kung ikaw ay nagwagi sa isang paligsahan, nariyan siya upang ikaw ay batiin at ipagmalaki. Masaya siya para sa iyo. Hindi siya naiinggit dahil ang tagumpay mo ay kasiyahan niya. Gayondin naman, kung ikaw ang nagtatamo ng tagumpay, ipinagdiriwang rin niya ito. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1, itanong sa kanila kung paano nila naipakikita ang pagmamamalasakit sa kaibigan. Ang mga naibigay nilang sagot ay makapagbibigay ng ideya sa iba pang mag-aaral para sa iguguhit nila. Sa ganitong paraan, nagagamit ang kanilang mga kaugnay na karanasan sa pagtuklas ng aralin. Ito ay isa sa mga prinsipyo ng Constructivism. Sa ganitong paraan mas napapataas ang antas ng kawilihan nila sa gawain. 2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I. Bigyan sila ng isang minuto upang ibahagi sa katabi ang kanilang gawa. Tatawag din ang guro ng ilang mag-aaral para ipakita sa klase ang kanilang gawa. Gawain 2 (Pangkatang Gawain) 1. Muling balikan ang tula na nasa Alamin Natin. 2. Ipakita muna sa mga bata kung paano binibigkas ang tula sa rap mode. Magpakita din ng kaukulang galaw o kilos. Maaring tumawag 108 ng isang mag-aaral upang magpakita ng halimbawa ng galaw o kilos. Ang dulog na ito ay batay sa Observational Learning theory ni Albert Bandura na kung saan ipinakikita muna ng guro ang inaasahang kilos o performans. Isinasaad din nito na dapat ay mapukaw muna ang atensyon ng mga mag-aaral sa gagawin (attention phase) at matandaan nila ang standards na inaasahan mula sa ipinakitang gawain (retention). 3. Hatiin sila sa apat na pangkat at italaga sa bawat pangkat ang saknong na bibigkasin nila. Bigyan sila ng isang minuto para makapaghanda. 4. Kailangang tumayo ang pangkat habang binabasa ang naitalagang bahagi sa kanila at ipakita ang aksyon para dito. Maaring parangalan ang may pinakamagaling na pagganap. 5. Itanong sa mga bata kung ano-ano ang mga katangian ng isang mapagmahal na kaibigan ayon sa tula. Ipabuod sa mga mag-aaral ang mensahe ng tula. Isapuso Natin 1. Bago tumungo sa gawaing ito, itanong sa mga mag-aaral kung paano nila nakilala ang kanilang kaibigan at kung ano ang mga bagay na kanilang ikinasisiyang gawin. Kung sila naman ay nagkakatampuhan, ano ang ginagawa nila upang sila ay muling magkasundo. 2. Sabihin na tulad natin, ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ay nagkaroon din ng matalik na kaibigan, si Ferdinand Blumentritt. Bagamat isang beses lamang sila nagkita ay napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan sa loob ng 10 taon sa pamamagitan ng pagsusulatan. Kung hindi pa alam ng mga mag-aaral ang pick up line, ipaliwanag kung ano ito. Isa itong makabagong paraan ng pagpapakita ng paghanga o pagpuri sa isang tao sa pabirong paraan sa pamamagitan ng paghahambing sa kanya sa isang bagay. Halimbawa: Bata 1: Papel ka ba? Bata 2: Bakit? Bata 1: Kasi gusto kitang sulatan. 3. Gabayan sila sa paggawa ng kani-kanilang pick up line. 4. Iproseso ang gawaing ito pagkatapos. Maaring mula sa mga ibinigay na sagot ay itanong sa mga bata kung ano ang mga katangian ng isang mabuting kaibigan. 5. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto. Bigyang-diin ang Tandaan Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 109 Ang isang mapagmahal na kaibigan ay laging maaasahan. Sa panahon ng kalungkutan, nariyan siya para damayan ka. Lagi siyang handang tumulong sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi siya nananaghili o naiinggit sa iyong mga natamo. Kasiyahan niya ang makita kang masaya at matagumpay. Ang tunay na kaibigan ay marunong magmalasakit, matulungin, marunong umamin ng kanyang pagkukulang at humingi ng tawad. Isabuhay Natin 1. Bago ipagawa ang gawaing nakapaloob dito, itanong kung ano ang nararamdaman nila kapag nakatatanggap sila ng kard ng pagbati o pasasalamat. 2. Sabihin sa mga bata na gagawa sila ng sariling kard para sa itinuturing nilang matalik na kaibigan – maaring siya ay isang kaklase, kalaro, kapatid, alaga o magulang. 3. Ilalagay ito sa sobre at isusulat nila ang pangalan ng pagbibigyan sa labas ng sobre. 4. Maaring ilagay nila ito sa isang malaking kahon at ang guro na lamang ang personal na magbibigay ng kard sa mga mag-aaral. 5. Kung ang kard ay para sa kapatid o magulang, hayaan ang magaaral na ibigay ito sa kanila. Kung para sa alaga naman tulad ng aso, hayaang basahin niya ito sa harap ng klase. Subukin Natin 1. Ipasagot sa mga bata ang pagtataya. Mga Posibleng sagot sa. Mga Katangian ng Isang Mabuting Kaibigan 1. maalalahanin 2. mapagmalasakit 3. mabait 4. mapagpatawad 5. mapagmahal Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamalasakit o Pagmamahal sa Isang Kaibigan 1. Magiging masaya kapag ang kaibigan ko ay napuri ng guro o nanalo sa paligsahan 2. Hinihintay ko siya para sabay kami sa pag-uwi. 3. Iniiwasan kong magbiro ng makasasakit sa kaibigan ko o sa ibang tao. 4. Ipinagdarasal niya ko. 5. Tinutulungan ako ng aking pinsan kapag nahihirapan ako sa aking pag-aaral. 110 Aralin 7 Manindigan Tayo Para sa Kabutihan Layunin: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan at katuwiran - Naipakikita ang pagkakaroon ng paninindigan na gawin ang mabuti at tutulan ang mali Paksa/Pagpapahalaga: Paninindigan sa Kabutihan Pagmamahal Ispiritwalidad Mga Kagamitan: larawan ng mga batang pinagtatawanan o biktima ng bullying, lumang folder o cardboard, manila paper, Pamamaraan: Alamin Natin 1. Sa pagsisimula ng aralin, magpakita ng larawan ng mga batang pinarangalan at mga batang pinagtatawanan . Sabihin: Masdan ang bawat larawan. Ano ang ipinakikita ng mga ito? 2. Itanong sa mga bata: Ano ang nararamdaman ninyo kapag nakakakita kayo ng mga batang pinupuri o pinaparangalan? Papaano naman kaya kung ang bata ay tinutukso, pinagtatawanan o sinasaktan? Sikaping maipaunawa sa mga mag-aaral na ang anumang anyo ng pananakit sa kapwa, pisikal man o pasalita ay mali at hindi kalugod-lugod sa Diyos dahil lahat tayo ay nilika nang may pantaypantay na kaparapatang mabuhay nang ligtas at payapa. 3. Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng paninidigan. Sabihin na ang paggawa ng mabuti at tama ay isang paraan ng pagkakaroon ng paninidigan. Gayundin, ang pagtutol o hindi pagpayag sa mga gawaing masama ay pagpapakita din ng paninindigan. Itanong sa mga bata kung may ginawa ba silang desisyon na ayaw sundin o paniwalaan ng kanilang mga kaibigan o kamag-aral ipinagpatuloy nila dahil alam na alam nila na ito ang tama at matuwid? 4. Ipasuri ang mga larawan na nasa pahina ng Alamin Natin. Itanong sa kanila kung bakit hindi mabuting gawin ang ipinakikita ng mga larawan. Kung may makita tayong mga batang inaapi, ano ang maaari nating gawin upang matulungan sila? 111 5. Ipaunawa sa mga bata na ang pangungutya/panunukso, masakit na pananalita o pananakit sa kapwa ay mga gawaing di-mabuti at hindi natin dapat hayaang mangyari. Ang bawat isa ay dapat magkaroon ng paninindigang pigilan ito. Hindi dahil lahat o karamihan ay natutuwa kapag may isang batang tinutukso ay makikisali na rin tayo. Dapat ay manindigan tayo para sa kabutihan o tama. 6. Maaaring isulat sa flashcards ang mga salitang nais bigyang-diin tulad ng paninidigan, kabutihan, panunukso, pangungutya, pagsasawalang halaga at ipaskil sa pisara habang nagleleksyon. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, itanong sa mga bata kung ano ba ang dapat na maging paninidigan nila kapag may pagsusulit. Sikaping maipalabas sa mga bata na hindi tama o matuwid ang pangongopya. 2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I. Iproseso ang kanilang mga sagot. Para sa mga maling gawain, bigyang-diin na ang mga ito ay hindi dapat gawin. Dapat na sila ay manindigan sa paggawa ng tama. Hindi din nila dapat payagan ang iba na gumawa ng mali. 3. Bigyang-diin na ang masasakit na pananalita sa kapwa ay hindi kaaya-ayang gawin at hindi nakalulugod sa Diyos. 4. Palawigin ang talakayan at magpabigay ng halimbawa ng pagpapakita ng paninidigan. Gawain 2 ( Pangkatang Gawain) 1. Ipagawa sa mga bata ang Gawain 2. Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Papiliin sila ng larawan (nasa Kagamitan ng Mag-aaral) na tatalakayin. Ipalista ang mga magagawa nila upang masugpo o maiwasan ang napiling suliranin. 2. Bigyan sila ng limang minuto para sa brainstorming at tig 2 minuto bawat pangkat para sa pag-uulat. Iproseso ang paglalahad ng bawat pangkat. Ipaunawa sa mga bata na ang pananakit ng kapwa ay isang anyo ng bullying. Gamit ang teoryang communities of practice nina Lave at Wenger, sikaping maipalabas ang mga obserbasyon at karanasan ng mga bata ukol sa konsepto ng bullying. Palawigin ang diskusyon sa bagay na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman ukol dito. Bigyang-diin din na mayroon nang batas laban sa bullying at ang sinumang mahuli o mapatunayang lumabag dito ay tiyak na maparurusahan. 112 Sa puntong ito, sikaping maipalabas sa mga bata ang mga mungkahing solusyon upang wakasan ang gawaing ito. Bukod sa pagkaunawa na ang gawaing ito ay hindi kalugod –lugod sa Diyos , mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga bata kung ano ang dapat gawin kung sila ay makasaksi ng ganitong pangyayari o kung sila mismo ay makakaranas ng ganito. Isapuso Natin 1. Para sa gawaing nakapaloob dito, maaaring gamitin ng guro ang mga hakbang na ito. Isulat ang pangalan ng bawat mag-aaral sa isang maliit na papel. Irolyo ang papel at ilagay sa isang kahon. Pabunutin ang mga bata ng tig-iisa. Ang pangalang nabunot nila ang siya nilang susulatan. Kung may oras pa, maaaring gumawa ng bilog ang mga bata. Habang sila ay umaawit ay ibibigay nila ang kanilang listahan sa kamag-aral na nabunot. 2. Maaari din namang maglaan ang guro ng isang malaking kahon sa gitna kung saan ihuhulog ng bawat mag-aaral ang kaniyang ginawa. Ilalagay nila kung kanino nakalaan ang listahang nagawa at kung sino ang gumawa. 3. Itanong sa mga bata kung ano ang naramdaman nila matapos mabasa ang mga katangiang isinulat ng iba. 4. Tulungan ang mga bata na makapaglagom ng kanilang natutuhan. Ipabasa sa mga bata ang Tandaan natin sa Kagamitan ng Magaaral. 5. Bigyang-diin na: Ang paninidigan ay paggawa at pagtataguyod ng mabuti at matuwid. Paninindigan din ang tawag sa pagtutol o hindi pagpayag sa mga maling gawain. Ang paninidigan para sa kabutihan ay isang gawing kalugodlugod sa Diyos. Anumang anyo ng pananakit sa kapwa ay hindi natin dapat gawin at payagan. Ang masasakit na birong ang layunin ay saktan ang damdamin ng iba o pagtawanan sila, pananakit na pisikal, pamimintas, paninira o pagbabalewala sa kanila ay masasamang gawaing hindi nakalulugod sa Diyos. Ang pananakit ng kapwa bata pisikal man o verbal ay isang anyo ng bullying. Dapat na isumbong agad sa kinauukulan ang sinumang makitang gumagawa nito. May kaukulang kaparusahan ang mga mapatunayang lalabag sa batas na anti-bullying (Republic Act 10627 o Anti Bullying Act of 2013). 113 Karagdagang Kaalaman Ang bullying ay isang anyo ng paulit-ulit na pananakit o pang-aapi sa isang bata o tao. Hindi ito dapat payagan o tularan. Ang mga batang nagsasagawa nito ay tinatawag na bully. May ibat ibang anyo ng bullying. Ilan sa mga ito ang sumusunod: 1. Pagbabansag ng mga katawagang nakasasakit na ang layunin ay mapagtawanan ang isang bata. 2. Pananakot at pagbabanta o pagpapakalat ng mga maling impormasyon ukol sa isang bata na ang layunin ay sirain ang kanyang pagkatao. Kasama rito ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa pamamagitan ng text messaging o gamit ang anumang social media. 3. Pangungutya sa isang bata dahil sa kanyang kasarian, relihiyon, pangkat etnikong kinabibilangan, pisikal na anyo o katayuan sa buhay. 4. Exclusion o ang pag-iwas o hindi pagsama o pagsasali sa kaniya sa mga laro o mga gawain na ang layunin ay saktan ang kanyang damdamin. 5. Pakikialam ng kaniyang mga personal na gamit nang walang pahintulot o paninira ng kanyang mga gamit. Ang paaralan ay dapat na maging isang kawili-wiling lugar para sa lahat ng mag-aaral. Mahalagang may malinaw na programa ang bawat pararalan laban sa bullying. Ilan sa mga maaari ninyong gawin ay ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga kapwa guro at kawani ng paaralan upang makatulong sa pagsugpo nito. Maaari ding magtalaga ng mga taong maaring lapitan ng mga nakararanas ng bullying. Mahalagang maipakita ng pamunuan na seryoso ito sa pagtataguyod ng anti-bullying program sa paaralan. Ang mga bata ay dapat ding magkaroon ng sapat na kaalaman kung ano ang dapat nilang gawin kung sila ay makasaksi o makaranans ng bullying. Ilan sa mga ito ay: 1. Pagpapaalam ng nakita o nasaksihan sa kinauukulan. 2. Pagsaway sa gumagawa nito kung sa palagay nila ay kaya itong pagsabihan. 3. Pagtulong sa batang nakararanas nito. 4. Paghingi agad ng tulong sa sinumang nakatatanda na nasa paligid. 5. Upang maiwasang mabiktima ng bullying, mas makabubuting lagi silang may mga kasabay sa kanilang pagpasok o pag-uwi. 6. Dapat ding ipagbigay-alam agad ng mga bata anumang insidenteng naranasan nila sa kanilang mga magulang o guro upang masugpo agad ito at hindi na lumala pa. 114 7. Dapat ding iwasan ng mga bata ang pagdaan sa mga lugar na digaanong matao o mga lugar na posibleng paglagian ng mga bully. Ang mga bully naman ay mga batang karaniwang naghahanap ng atensyon o pansin sa maling paraan. Maaring sila rin mismo ay may mga matinding karanasan ng pang-aapi o karahasan. Karaniwan, sila ang mga batang may mababang self-esteem (Quinlan, 2002). Sa kanilang palagay, kapag sila ay nanakot o nang-api at kinatakutan ng iba, nagiging sikat sila. Hindi ito totoo. Maaari silang mapahamak sa maling gawaing ito, mapatalsik sa paaralan o makulong. Hindi totoong sila ay nagiging sikat sapagkat sa kabilang banda, dahil sila ay nagiging dahilan ng kaguluhan, lalayuan sila ng ibang bata. Sa huli, wala silang magiging tunay na kaibigan. Kung minsan naman, may mga batang naging bully dahil hindi sila itinama sa kanilang mga maling gawi o kilos noong sila ay mga bata pa. Hindi sa lahat ng panahon ay tama at makatuwiran ang paniniwalang ang maling gawain ng mga bata ay bunga lang ng kanilang pagiging bata at lilipas din sa kanilang paglaki. Anumang gawaing nakapananakit ng kapwa ay masama at hindi dapat balewalain. Malaki ang magagawa ng paaralan upang maiwasan ang bullying sa paaralan. Bagamat nararapat lamang na papanagutin ang mga bully sa kanilang maling gawain, kailangang maglaan din ng interbensyon upang sila ay matulungang magbago. Ang isang batang may paggalang sa karapatan ng iba ay isang mabuting bata. Siya ay lubos na kahanga-hanga at nakatitiyak akong gagantimpalaan ng Diyos ang kanyang kabutihan. -prs Sanggunian: Arbor, A. Why do some kids become bullies. University of Michigan Health System Michigan. Kinuha sa http://www.med.umich.edu/opm/newspage/bullies.htm noong Oktubre 23, 2013. Anti Bullying Network. http://www.antibullying.net/adultsinschools.htm Isabuhay Natin 1. Bago ipagawa ang gawain, tiyaking may dalang gamit ang mga mag-aaral o may nakalaang gamit na maari nilang hiramin. Ipaliwanang na mabuti ang panuto. 2. Habang isinasagawa ang gawain, umikot sa klase upang magabayan ang mga mag-aaral. 3. Pagkatapos nilang magawa ang kanilang bahagi sa pader ng paninidigan, hayaan silang idikit ang sariling gawa sa pinagdugtongdugtong na manila paper. Ang larawan sa ibaba ang gawing gabay 115 sa pag-aayos ng nagawa ng mga bata. Lagyan ito ng pamagat na Pader ng Paninidigan. Maaaring magbigay ng ibang pamagat ang mga bata. Subukin Natin 1. Ipasuri ang bawat sitwasyon na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Iminumungkahi ang pagproseso sa sagot ng mga bata upang maitama at higit na maunawaan ang anumang sagot sa bawat sitwasyon. Mga Tamang Sagot: 1. B 2. C 3. A 4. D 5. B Paunang Tanong Para sa Susunod na Aralin Magsaliksik kayo tungkol kay Cris “ Kesz” Valdez. Ano ang nakuha niyang parangal? Ano ang magagawa mo upang matulungan ang iyong kapwa? Aralin 8 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking Kapwa Layunin: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng: - pagpapakita ng kabutihan - pagtulong sa mga nangangailangan Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal, Ispiritwalidad, Pagkakawanggawa larawan ni Kesz Valdez, larawan ng mga batang nagkakahon ng mga de lata, tula, tseklis, Mga Kagamitan: 116 Pamamaraan: Alamin Natin 1. Sa pagsisimula ng aralin, magpakita ng larawan ng mga batang lansangan at hayaan nilang sagutin ang mga tanong na nasa unang pahina ng Kagamitan ng Mag-aaral Aralin 8. 2. Ngayon ay ipakita sa kanila ang larawan ni Kesz Valdez. Itanong kung kilala nila ang batang ito. Maaaring magbigay ng mga hinuha ang mga bata. 3. Masdan ang larawan ng isang batang lalaki na nasa Alamin Natin. Kilalanin natin ang batang si Kesz. Tumawag ng isang mag-aaral na babasa ng pagpapakilala ni Kesz sa kaniyang sarili. Gamit ang whole brain literacy na dulog, magturo ng karaniwang routine sa mga bata. Halimbawa, kapag sinabi ng guro ang salitang “ mga bata”, sasagot naman ang mga bata ng salitang “po” sa tonong katulad na ginamit ng guro. Sa pagbabasa ng salaysay ni Kesz bigyan sila ng mga salitang isisigaw bilang tugon kapag nabanggit ang sumususnod na salita: Kesz – wow galing! Kuya Bonn – yan ang kuya namin! Kuya Efren – champion ka! Batang lansangan – may pag-asa! 4. Maaari ding tumawag ng isang mag-aaral na magsasagawa ng pantominang kilos habang binabasa ng guro ang salaysay ni Kesz. Option: Maaari ding ipapanood sa mga bata ang kanyang maikling kuwento sa site na ito: http://feedthehungryphil.org/cris-kesz-valdez/ 5. Pasagutan ang mga tanong tungkol kay Kesz. Iproseso ang sagot ng mga bata para higit nila itong maunawaan. Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa ang gawain 1, ipaunawa sa mga mag-aaral na likas sa atin ang magmalasakit at magmahal ng ating kapwa dahil ang siyang lumalang sa atin, ang ating Diyos ay Diyos ng pag-ibig. 2. Maaari silang tanungin ng mga bagay na nais nilang ipanalangin upang makapgbigay ng ideya sa iba kung paano gagawin ang kanilang panalangin. 3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I. Patayuin ang mga magaaral upang manalangin. Tumawag ng ilang mag-aaral upang bigkasin ang kanilang panalangin. 117 4. Bigyang-diin na ang pagmamahal sa kapwa ay katangiang taglay na nating lahat dahil tayo ay nilikha ng isang mapagmahal na Diyos. Gawain 2 ( Pangkatang gawain) 1. Ipabasa nang tahimik ang tula sa mga mag-aaral. Itanong sa kanila kung ano ang nais nilang ibigay na pamagat sa tula at tanungin sila kung bakit ito ang nais nila. 2. Gabayan ang mga mag-aaral para sa pangkatang gawain. Itanong sa mga bata kung alam nila ang ibig sabihin ng rap. Basahin mo muna ang tula nang pa-rap. Maari rin siyang magbigay ng akmang kilos o galaw habang binibigkas ang tula. Kung kinakailangan, puwedeng tumawag ng isang mag-aaral na magpapakita ng halimbawa ng pagbigkas at pagkilos. 3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na kailangang sabay-sabay ang kanilang kilos. Tatayo rin sila kung sila na ang nakatakdang bumigkas ng tula. Isapuso Natin 1. Itanong sa mga mag-aaral: Paano natin ipinakikita ang ating pagmamahal sa ating kapwa? Inaasahang sagot: sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila, pananalangin sa kanila. Paano natin masasabing minamahal natin ang Diyos kung minamahal natin ang ating kapwa? Inaasahang sagot: Dahil ang ating kapwa ay nilalang ng Diyos at mahal din ng Diyos, ang pagmamalasakit o pagtulong sa kanila ay pagpapakita na rin ng pagmamahal sa Diyos. 2. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin. Gabayan ang mga bata sa pagbilang ng kanilang iskor. Bilangin kung ilan ang check sa kolum ng 1, 2 at 3. Kung 1 lamang, i-multiply ito sa 1. Ganon din ang gawin sa iba pang bilang. 3 – Palagi kong ginagawa 2 – Ginagawa ko minsan 1 – Hindi ko ginagawa Halimbawa: Bilang ng sinagutan ng 1 ay 2 kaya 2 X 1 = 2 Bilang ng sinagutan ng 2 ay 2 kaya 2 X 2 = 4 Bilang ng sinagutan ng 3 ay 2 kaya 3 X 2 = 6 Sumahin ang kabuuang puntos ( 1+4+6 =11) at alamin ang kahulugan nito 118 3. Maaaring itanong sa mga bata ang kanilang iskor. 4. Ipabasa ang mensahe na nasa Tandaan Natin pagkatapos ng gawain. Mga Karagdagang Tanong: Paano natin ipinakikita ang ating pagmamahal sa ating kapwa? Inaasahang sagot: sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila, pananalangin sa kanila. Paano natin masasabing minamahal natin ang Diyos kung minamahal natin ang ating kapwa? Inaasahang sagot: Dahil ang ating kapwa ay nilalang ng Diyos at mahal din ng Diyos, ang pagmamalasakit o pagtulong sa kanila ay pagpapakita na rin ng pagmamahal sa Diyos. Isabuhay Natin 1. Sabihin sa mga mag-aaral na kaya rin nilang maging katulad ni Kesz. Ganyakin ang mga batang makibahagi sa proyektong kaugnay ng aralin. 2. Mga paghahandang gagawin mo bilang guro katulong ang mga bata: Gumawa ng liham kahilingan (letter of request)para sa punongguro upang maisagawa ang proyekto. Gumawa rin ng liham para sa ahensyang makikinabang sa proyekto. Maaaring gumawa rin ng liham para sa mga magulang upang maganyak din silang makiisa sa proyekto. Subukin Natin Pasagutan ang pagtataya sa Subukin Natin. Ipagawa ito sa kanilang kuwaderno. Mga Tamang Sagot: 1. Sasawayin o pagsasabihan ko siya na huwag pagtawanan ang batang nadapa. Tutulungan ko ang batang nadapa o kaya ay sasabihan ko ang aking kalaro na tulungan namin ang batang nadapa. 2. Ipagdarasal ko sila. Sasabihin ko sa aking mga magulang na tulungan namin ang mga nasalanta. 3. Pahihiramin ko na lang siya ng aking aklat. Sasabihin ko na huwag siyang umiyak. Tutulungan ko siya na lumapit kay Ma’am/ Sir. 4. Palalakasin ko ang kanilang loob. Sasabihin kong kaya nila ‘iyon. 5. Sasalubungin ko ang aking guro at tutulungan sa kanyang mga dala. 119 Paunang Tanong Para sa Susunod na Aralin: Ano-ano ang mga biyayang nakukuha o natatanggap natin mula sa kalikasan? Bakit natin sinasabing ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa atin? Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko Layunin: Paksa/Pagpapahalaga: Mga Kagamitan: Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kaniyang mga biyaya sa pamamagitan ng: - pagmamalasakit at pangangalaga sa kalikasan Pagmamahal Ispiritwalidad larawan ng magagandang tanawin sa Pilipinas, mga larawan ng mga kalunos-lunos na tanawing bunga ng maling paggamit o pag-abuso sa kalikasan Pamamaraan: Alamin Natin 1. Bago pormal na magsimula sa aralin, maaaring gamitin bilang pambukas na panalangin ang panalanging matatagpuan sa Learner’s Material. 2. Sa pagsisimula ng aralin, itanong sa mga mag-aaral kung aling lugar ang nais nilang puntahan sa darating na panahon. Pagkatapos ay magpakita ng magagandang tanawin o pook-pasyalan sa Pilipinas. Maaaring ipatukoy sa kanila ang mga lugar na ito. (Magpakita lamang ng dalawang larawan). 3. Sabihin sa mga bata na napakapalad o napakaswerte ng Pilipinas dahil napakaraming magagandang tanawin ang makikita dito. Maaring itanong sa mga bata kung ano ang kasiya-siya sa kanilang lugar o probinsya. 4. Ipaunawa sa kanila na dahil sa tropikal na klima nito, maraming halaman ang nabubuhay rito na siyang dahilan kung bakit maraming gulay at prutas ang maari nating pagpilian. 5. Bigyang-diin na ang kalikasan ay biyayang regalo ng Diyos sa atin. Opsyon 1: Lakbay Kalikasan sa Iyong Isipan Mga Panuto: Sabihin sa klase na pupunta sila sa isang kaaya-ayang lugar. 120 Paupuin ang lahat at tiyaking lahat ay tahimik. Habang nakapikit ang kanilang mga mata, sabihin sa kanila na ilarawan sa kanilang isipan ang lugar na binabanggit habang binabasa ng guro ang talata sa Kagamitan ng Mag-aaral, sa saliw ng mahinang awiting instrumental. Sa huling bahagi ng talata, sabihin sa mga bata na ilarawan sa kanilang isipan na ipinakikita ng Diyos sa kaniya ang kagandahan ng kalikasan. Ginawa ito para sa kanya dahil ganoon siya kamahal ng Diyos. Maaaring ipapanood sa mga bata ang video clip tungkol sa kagandahan ng mundo sa site na ito: https://www.youtube.com/watch?v=gdsO-KV0tr8 (Earth – My name is Lincoln Jablonsky) Bigyang-diin na ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa atin. Itanong: Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang kaloob ng ating Diyos? Opsyon 2: Nature Walk Ihanda ang klase para sa isang nature trip. Lalabas sila at isusulat ang anumang mapapansin nila. Maaari silang lumibot sa paligid ng paaralan. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nakita, napansin at naramdaman. Gamit ang teorya ni Kolb na Experiential Learning, hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga karanasan at suriin ang kanilang sarili bilang mga katiwala o tagapangalaga ng kalikasan. Hayaan din ang mga-aaral na magbigay ng kanilang pagsususri ukol sa mga nagagaganap na pang-aabuso o maling pagggamit ng kalikasan upang sa pagtatapos ng aralin ay makabuo sila ng mga hakbang na maaaring gawin upang makatulong o makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan. Bigyang-diin na ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa atin. Bilang Kaniyang mga nilalang, tungkulin nating pangalagaan an gating kalikasan. Itanong: Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang kaloob ng ating Diyos? Isagawa Natin Gawain 1 (Indibidwal na gawain) 1. Bago ipagawa ang gawain 1, itanong sa mga bata kung ano ang kalagayan ng kalikasan ngayon. Maaaring magpakita ng larawan o magpanood ng video ukol sa mga suliraning pangkalikasang naranasan ng bansa. Sa araling ito, maaaring gamitin ang pagdulog 121 na cognitive multimedia learning. Sa pagdulog na ito, hinahayaan ang mga batang bumuo ng mga konsepto mula sa kaniyang napanood. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1. 2. Talakayin ang kanilang mga sagot sa mga kaugnay na tanong. Iproseso ang kanilang mga sagot upang maikintal sa kanilang isipan na ang simpleng pagapapabaya tulad ng pagkakalat ay maaaring magdulot ng panganib sa kalikasan at sakuna sa sangkatauhan. 3. Bigyang-diin na sa paglipas ng panahon,unti-unting nagbago ang dating kaaya-ayang kapaligiran bunga ng maling paggamit at pagabuso sa ating kalikasan na nagdulot ng matinding suliranin sa ating kapaligiran. Gawain 2 (Pangkatang gawain) 1. Gabayan ang mga mag-aaral para sa pangkatang gawain. Tiyaking walang magkapareho sa piniling suliranin. Maaaring itakda na ng guro ang paksa o suliraning tatalakayin ng bawat pangkat o maaaring magsagawa ng palabunutan. 2. Ipaalala din ang mga panuntunan sa pag-uulat. Sabihin na ang kanilang ulat ay ang mga sagot sa mga kaugnay na tanong sa kanilang Kagamitan ng Mag-aaral. Bibigyan lamang sila ng tig-isang minuto para sa pag-uulat at dalawang minuto para sa pangkatang talakayan. Isapuso Natin 1. Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang naramdaman ninyo para sa albatross na nasa larawan? Bakit? Ano ang magagawa natin upang mailigtas ang ating kalikasan mula sa kalagayan nito ngayon? 2. Ipagawa ang Isapuso natin. Maaaring itanong sa mga bata ang kanilang iskor at ano ang gagwin nila pagkatapos na malaman ang kanilang antas ng pagmamalasakit para sa kalikasan? Paglalagom/Tandaan Natin Itanong sa mga mag-aaral: Paano natin maipakikita ang pasasalamat at pagpapahalaga natin sa kalikasang biyaya ng Diyos sa atin? Ano ang maaari mong magawa upang maingatan at mapangalagaan ang ating kalikasan? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng Diyos o sasabihin niya sa iyo kung makita niyang tumutulong ka sa pangangalaga ng biyayang kaloob Niya? 122 Isabuhay Natin: Pangkatang Komitment 1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na kahit sa mga simpleng bagay ay maaari nilang ipakita ang kanilang pag-iingat at pangangalaga sa kalikasan. 2. Maaari silang pangkatin sa lima para sa gawaing nakapaloob dito. Magtakda ng lugar kung saan maaari nilang idikit ang komitment ng bawat pangkat. 3. Sa pagtatapos ng taon, maaaring bigyan ng guro ng parangal ang pangkat na nakatupad nang mabuti sa kanilang komitment. Karagdagang gawain. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. Ano ang magagawa mo upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan? Paano mo hihikayatin ang iba na tumulad sa iyong gawain? Ang magagawa ko ay _____________________________________________ _____________________________________________ Larawan ng magaaral _____________________________________________ Hihikayatin ko ang kapwa ko bata at ibang tao sa pamamagitan ng ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Subukin Natin 1. Pasagutan ang mga sitwasyon sa Subukin Natin. Mga Posibleng Sagot: Hindi na ako magkakalat. Magtatanim pa ako para lalong maging luntian ang kapaligiran. Hindi ko sisirain ang mga halaman. Hihikayatin ko ang iba na tumulong sa pangangalaga ng kapaligiran. 123 Magpapakita ako ng mabuting halimbawa. 2. Muling iproseso ang mga sagot ng bata kung may oras pa o kaya ay sa susunod na araw o sa kahit anong pagkakataon. Pampinid na mga Gawain (Culminating Activities) sa Ikaapat na Markahan Sa mga gawaing ito ay binibigyang diin ang mga konseptong tinalakay sa Ikaapat na Markahan at mga pagpapahalaga tulad ng Pananalig sa Diyos, Pag-asa, Pagmamahal at Ispiritwalidad na dapat malinang sa mga bata na nasa Ikatlong Baitang. I. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang kanilang magawa ang card gamit ang mga recycled materials na makikita nila sa kanilang paligid. Ito ay maaari nilang ibigay sa mga taong nais nilang palakasin ang loob dahil sa suliranin o pagsubok na kanilang hinaharap. Hikayatin silang gumawa ng kanilang sariling disenyo at mensahe para sa mga taong ito. (Maaari ding hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng cards para sa mga batang nakararanas ng paghihirap bunga ng sigalot sa gitna ng pamahalaan at mga pangkat na di sang-ayon dito o bunga ng mga kalamidad.) (Hikayatin ang mga mag-aaral na marunong gumamit ng computer sa paggawa ng cards. Maari rin itong ipost sa mga social networks.) II. Maaaring hikayatin ang mga batang mag-isip at magplano ng isang proyekto na makapagpapadama ng kanilang pagmamahal sa kanilang kapwa. 1. Pagbibigay ng mga bagay na di na nila kailangan ngunit maaaring mapakinabangan pa ng iba 2. Pagbabasa ng mga kuwento sa mga mag-aaral sa unang o ikalawang baitang (tungkol sa pagmamahal sa kapwa / kapaligiran at pagkakaroon / pagbibigay ng pag-asa sa iba 3. Gumawa ng freedom wall gamit ang manila paper na maaari nilang ipaskil sa isang lugar sa loob ng paaralan. Mahihikayat ang mga kapwa nila mag-aaral na ipahayag nila ang kanilang damdamin ukol sa pagmamahal sa kapwa at pagkakaroon ng pagasa sa pamamagitan ng pagsusulat sa freedom wall. (Lagyan ng heading ang bawat manila paper.) Halimbawa: Paano mo maipakikita sa iba ang iyong pagmamahal? 124 Kaya ko bang magbigay ng pag-asa sa iba?