Untitled - Urban Poor Resource Center of the Philippines, Inc.

Transcription

Untitled - Urban Poor Resource Center of the Philippines, Inc.
Unit 202, 137 Matatag Street,
Brgy. Central, Quezon City
Email: uprcp.inc@gmail.com
Contact: (02) 2455013
February 13, 14, 20, 21, 27, 28, 2015 3pm,7pm
Dr.Paz Adriano Hall (Little Theater)
Miriam College, Quezon City
May suporta mula sa
Council for Health and Development (CHD), Confederation for Unity, Recognition and Advancement of
Government Employees (COURAGE), Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH), United
Church of Christ in the Philippines (UCCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Nanay Mameng, isang dula: Muling pagsisikap
Isa muling pagsisikap ang pagsasaentablado ng buhay at pakikibaka ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida, sa pangalawang pagkakataon, na magbigay- pugay sa minamahal na lider, at sa kanyang mga kontribusyon sa pakikibaka ng mga maralitang lungsod. Gaya n’ung naunang “Nanay Mameng, isang dula”
noong 2014, pagsisikap ito na mabigyang-diin ang kalagayan ng mga maralitang lungsod at ang kanilang
pakikibaka para sa karapatan nating lahat- nakabubuhay na sahod, trabahong may nakabubuhay na sahod, serbisyong panlipunan at paninirahan.
Matapos ang mga pag-uusap at paghihimay-himay sa mga nakalap naming mga pagtingin sa naunang
dula, napagpasyahan naming marapat na muling maitanghal ang buhay at pakikibaka ni Nanay Mameng
at ng “maralitang lungsod” sa kabuoan. Napapanahon pa rin ito sapagkat patuloy na humaharap ang
sektor sa iba’t ibang isyu at pakikibakang sinasalamin ng dula. Pinapanatiling mababa ang sahod ng mga
manggagawa, lalong lumalaki ang bilang ng walang trabahong may nakabubuhay na sahod, kawalan ng
access sa serbisyong panlipunan dahil sa pribatisasyon, kaliwa’t kanan ang demolisyon, lalong lumalala
ang kahirapan.
Sa isa muling pagkakataon- sinikap ng UPRCP at KADAMAY sa pakikipagtulungan sa Art Action Network,
na binubuo ng parehong mga taong nasa likod ng creative team ng unang dula, na tanganan ang sandatang sining at gawaing pangkultura para ipalaganap ang kalagayan at paglaban ng maralitang lungsod
at makaabot ng isang antas ng pagkakaisa sa mga mag-aaral at mga propesyunal, mga taong simbahan
at iba pang sektor ng lipunan.
Bagong konsepto at materyal ang “Nanay Mameng, isang dula” na aming inihahandog sa taong ito. Ibang
iba ito sa naunang dula sa usapin ng porma pero sa esensya ito pa rin ang kwento ng mahal nating si
Nanay Mameng at ng sektor na kanyang kinabibilangan at pinaglilingkuran.
Gaya ng naunang dula, pagsisikap ito sa gitna ng maraming pagsubok. Subalit gaya noong nakaraang
taon - inulan kami ng pagtulong, napakaraming mga kamay ang umakay at umalalay kung kaya’t narito
kaming muli. Nais naming pasalamatan ang mga kaibigang organisasyon, mga kaibigang artista at maging
ang mga ahensya at linkod-bayan na nag-abot ng suporta sa produksyong ito. Ipinagmamalaki ng KADAMAY at UPRCP, na maging mga prodyuser ng dulang ito.
Maraming salamat sa lahat ng mga artistang patuloy na nakilangoy. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo sa creative at production team. Maraming salamat sa komunidad ng Miriam College- na kinakatawan ng Saggunian ng mga Mag-aaral ng Miriam at ng Institutional Network for Social Action (INSA) na
mga partners namin sa produksyong ito. Maraming salamat sa Council for Health and Development (CHD)
at sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) para
sa pagtitiwala sa pamamagitan ng pagiging showbuyers. Maraming salamat sa United Church of Christ
in the Philippines (UCCP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at sa Philippine Health
Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa pagbibigay ng suporta sa palabas.
Maraming salamat kay Nanay Mameng at sa mamamayang nakikibaka, lumalaban at nagsusumikap magtagumpay- kayo po ang inspirasyon ng produksyong ito.
Nakilala si Carmen “Nanay Mameng” Deunida, 87 taong gulang, dahil sa kanyang katangi-tanging paraan
ng pagtatalumpati at sa kanyang pagiging matapag,
matalas, payak, taos-puso at walang kakupas-kupas.
Sa loob ng apat na dekada, tila household name na
nga si “Nanay Mameng” pagdating sa pagtatanggol sa
karapatan ng maralita at ng kababaihan. Sa kabila ng
kanyang edad, nananatili s’yang simbolo ng patuloy
na paglaban ng mga aping uri sa lipunan.
Nagsimulang kumilos si Nanay Mameng bilang aktibista noong s’ya ay halos singkwenta anyos na bilang
myembro ng organisasyon ng mga kabataan na Kabataan para sa Demokrasya at Nasyunalismo (KADENA). Kalaunan ay naging kasapi s’ya ng Samahan ng
Maralitang Kababaihang Nagkakaisa (SAMAKANA)
kung sa’n s’ya ay naging Tagapangulo sa loob ng
labing-isang taon.
Simula 1998 hanggang 2008, si Nanay Mameng ang
Pambansang Tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang
Mahihirap (KADAMAY).
Naging aktibo si Nanay Mameng sa EDSA 1 at EDSA
2. Sa EDSA 2 s’ya “sumikat” dahil sa kanyang mga maaapoy na pagtatalumpati sa harap ng milyun-milyong Pilipino. Naiguhit n’ya sa kanyang mga maalab na pananalita ang pambansa-demokratikong linya ng
pagsusuri sa kalagayang panlipunan.
Noong 2003, isa si Nanay Mameng sa mga nagtatag ng Anakpawis Partylist at pagdating ng 2004, s’ya
ang naging ikatlong kinatawan kasama ng yumaong lider-manggagawa na si Crispin “Ka Bel” Beltran.
Hindi man s’ya naging kinatawan sa loob ng Kongreso, patuloy n’yang kinakatawan ang mga maralita at
iba pang marginalisadong sektor sa parlyamento ng lansangan at sa mga komunidad kung saan s’ya nagmula, nahubog at tuluy-tuloy na umunlad bilang aktibista.
Sa kabila ng mga iniindang sakit at mga karamdamang dulot ng katandaan, sa kabila ng karalitaan, hindi
kailanman napagod ang diwang palaban ni Nanay Mameng.
Sa huli n’yang talumpati sa Quezon City noong Nobyembre 2014, sa isang gabi ng pagkilala sa kanyang
kadakilaan, sa harap ng mga humahangang kabataan, muli n’yang sinambit ang kanyang ngayo’y sikat
nang mga katagang, “Hindi ako susuko. Hinding-hindi ako susuko. Patuloy akong lalaban. Hangga’t ang
aking mga paa ay nagagamit ko pa at hangga’t ako ay wala pa sa loob ng isang kahon, patuloy akong
lalaban!”
Mabuhay si Nanay Mameng!
Mula sa Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Miriam
Labis na ikinagagalak ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Miriam na maging kabahagi ng isang makabuluhang produksyon, ang Nanay Mameng, Isang Dula. Si Nanay Mameng, na isang simbolo ng demokrasya
at nasyunalismo dahil sa kanyang mga ginawang pagkilos ay ehemplo rin ng katapangan sa mga kababaihan. Kasama ng buhay ni Nanay Mameng na bibigyang pugay sa dulang ito ay ang buhay ng iba pang
mga maralitang nagnanais din ng pagbabago. Ang dinaranas na iba’t ibang uri ng hirap ng ating marginalisadong sektor ay lingid sa kaalaman ng marami
sa ating kabataan. Alam man ito ng iba ay kibit-balikat na lamang sila pagdating sa mga isyung ito. Kaya
naman, sa unang pagkakataon, dadalhin ito ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Miriam kaakibat ang
Institutional Network for Social Action at Urban Resource Center of the Philippines sa Miriam College.
Sa kwento ni Nanay Mameng at ng kanyang komunidad, nawa’y maihatid hindi lamang sa mga kabataan
ngunit sa lahat ng mga manonood ang tunay na buhay ng ating maralitang Pilipino. Sa kabila ng kahirapan,
anu-ano nga ba ang kanilang mga ipinaglalaban? Nawa’y ang dulang ito ang magudyok sa bawat isa na
makiisa sa laban tungo sa pagbabago. Sa Miriam College, magbunga sana ito ng marami pang Nanay Mameng na handang bigyan ng boses ang mga naaapi. Brenda Pureza
Tagapangulo
Mensahe mula sa INSA
Ikinalulugod kong maging bahagi ang INSA sa pagsasaentablado ng Nanay Mameng, isang dula. Makabuluhan at napapanahon ang pagsasadula ng buhay ni Ka Mameng Deunida lalo’t ipinapakita nito ang
mapanlabang diwa ng isang babae at lider maralita sa harap ng mga pagsubok sa buhay at sa lipunang
Pilipino. Tayo ay katulad din ni Nanay Mameng, nadarapa, tumatayo mula dito, sumusulong hindi lamang
mag-isa, kundi kasama pa ang iba para sa makabuluhang pagbabago.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang buhay at pakikibaka ni Nanay Mameng sa ating lahat. Mapaghahalawan ng aral ang mayamang karanasan ni Nanay Mameng. Gayundin, magsilbi itong oportunidad upang
mamulat tayo sa realidad ng buhay at makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Maraming salamat!
Malou Turalde
Executive Director
INSA
Tala mula sa mga Direktor
Edwin Quinsayas
Hindi lang basta “iba” si Nanay Mameng. Isa s’yang ekstraordinaryong babae sa edad 87. Lipos ng sigla
at kahulugan ang buhay at pakikibaka. Mula sa dinanas na paghihirap noong World War II sa edad na katorse, hanggang sa kanyang pagkamulat sa lipunang puno ng karalitaan, maging sa kanyang buhay mayasawang puno naman ng dahas. Hanggang sa mamulat s’ya sa kilusang mapagpalaya at naging kilalang
lider-aktibistang tagapagtanggol ng karapatan ng maralita at kababaihan.
Alaala ko nu’ng unang pagsasaentablado ng Nanay Mameng, Isang Dula, akay ko s’ya pababa ng stage
matapos kaming samahan sa curtain call. “Ayoko talaga ng binibigyan ako ng ganitong pagkilala,” reklamo
n’ya sa amin na puno ng pagpapakumbaba. Dapat daw ‘yung mga masang maralita ang paakyatin sa
entablado. Ganoon s’ya. Kapakanan ng iba, higit sa sarili. Kahit noong matapos n’yang maospital noong
2013, nang magkamalay, taas-kamao agad na nanawagang ‘wag mapagod sa mga hamon ng pagkilos.
Matigas din ang ulo namin. Inihahandog naming muli ang pagkilala sa buhay ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida. Sa panibagong paglalahad na ito, layunin naming higit pang makilala ng mas maraming
manonood ang buhay n’yang puno ng inspirasyon. Sa dula, nagtatagisan ang dilim at liwanag, ang buktot
na panaginip at mapagpalayang katotohanan, ang panghuhusgang inanak ng kawalang-muwang at pagunawang iluluwal ng pagkaalam. Binubuhay ang alaala upang paslangin ang sakit ng paglimot, pagtanggi
at panlalansi.
Sinunod din namin si Nanay Mameng. Hindi lang s’ya ang bida rito. Dahil ang kanyang kwento ay salaysay ng iba pang maralita na pilit ibinabaon sa guho ng mga dampang sinalaula sa demolisyon. Dahil ang
kanyang salaysay ay tinig ng mga busabos na pilit pinipipi ng karahasan – ng mga proyektong “pangkaunlaran” ng gubyerno, ng mga negosyo ng among dayuhan, ng militarisasyon.
Lubos kong pinasasalamatan ang mga kasamat’t kaibigang artista at manggagawang pangkultura na
nakadaupan sa dulang ito. Ipinagmamalaki kong lalo ang pagsisikap at pag-aalay ng talento ng mga
kasamahang mula sa maralitang komunidad na gumanap ng papel sa harap at likod ng tanghalan. Isang
mariing sampal sa mukha ng sistema na humahatol sa maralita bilang mga “patapong iskwater”. Balon
sila ng pagkamapanlikha’t sigasig – sa pakikibaka para sa tunay na makabuluhang pagbabago – tulad ng
minamahal naming si Nanay Mameng.
Noel C. Taylo
“Ano yan? Kawang gawa na naman, paano na mga
anak mo?” Ang Bungad ng nagmamalasakit kong
kaibigan.
nararapat ibahagi sa mga manonood upang lubos
maunawaan ang laban at pakikibaka ni Nanay Mameng gayundin ang sektor ng maralitang lunsod.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko ng
marinig ang mga katagang iyon. Parang napadpad
akong muli sa sanggangdaan. Alin ang pipiliin ko?
ang magdildil kami sa asin ng aking mga anak o ituloy ang kagustuhan ng aking puso’t isipan na tanggapin ang isang imbitasyon na mahirap tanggihan.
Mahabang diskurso upang maunawaan ng aking
kaibigan kung bakit kailangan ko gawin ang Nanay
Mameng, isang dula.
Pagkatapos maisalang ang script sa pagbusisi,
maraming hamon ang kinaharap ng produksyon.
Bukod sa limitadong rekurso nito tulad ng usaping
pinansyal, sa pagtatagpo ng iskedyul ng mga tao sa
rehearsal, sa disenyo ng entablado, sa ilaw at iba
pang pangangailangan ng produksyon, kalakhan
ng mga magsisiganap sa dula ay hindi naman mga
“practicing stage actor” ito ay kinabibilangan ng
mga indibidwal na nagmula sa iba’t ibang organisayong masa at isa sa mga tungkulin nila bilang mga
aktibista, ang gawaing kultural sa kinapapalooban
nilang sektor. At ito ang hamon sa amin ni Edwin bilang mga direktor ng dula. Kaya’t kasabay ng aming
rehearsal, panaka-naka kaming naglulunsad ng acting exercises, baliktaktakan ng mga puntos sa pagarte atbp. Bukod doon, sa pagitan naman namin
ni Edwin bilang direktor maaring may mga artistic
differences o magakaibang pananaw kami sa kung
anong epektibong treatment at magandang atake
sa dula. Ngunit ang mga pagkakaiba namig ‘yon
ay hindi naging malaking hadlang sa amin. Nanatiling buo sa amin ang pundasyon ng produksyon
na epektibong mailahad ang buhay pakikibaka ni
Nanay Mameng at ng maralitang lungsod para sa
iba’t ibang sektor ng lipunan.
Bagama’t dati naman akong cultural worker/activist
sa mahabang panahon “Food for the soul” (maaring burgis na maituturing sa konsepto ng mga nakikibaka ang salitang ito) ang makagawa ng isang
bagay para sa iyong kapwa, gaano man ito kalaki
o kaliit. Isang gawaing makakapaghubog sa esensya ng pagiging tao at makakapagpalaya ng isang
damdaming alam mong di kayang tapatan anumang
materyal na bagay.
Kaya naman ng alukin ako ni Tey (ang tagapamahala ng aming produksyon) sa ikalawang pagkakataon na gawin ang Nanay Mameng, isang dula hindi
na ako nagdalawang isip tangapin itong muli bilang
isa sa mga Direktor. Dahil buo sa aking layon kung
bakit kailangan ko itong tanggapin at isakatuparan.
Mula sa orihinal na script ng unang Nanay Mameng
isang dula, naging mas maingat ngayon sa bagong
script, ang creative pool sa pag-buo ng istorya na
kinabibilangan namin nina Amanda (ang pangunahing manunulat ng dula), Edwin at Tey. Mas sumentro
kami sa pinagdaanang sakrispisyo at pakikipaglaban ni Nanay Mameng bago siya naging Ka Mameng sa lahat, sa loob at labas ng kilusang mapagpalaya. Sa aming paghihimay ng kwento marami
bagay akong natuklasan sa buhay ni Nanay Mameng, wala sa kalingkingan ang pagdidildil ko ng
asin kung ihahambing ko ang mga pinagdaanang
buhay ni Nanay Mameng. Ang buhay niya ay isang
inspirasyon, Ngunit kailangan lang mamili kung alin
Kaya’t ako ay natutuwang mabigyan ng pagkakataon na muling makagawa ng isang produksyong
may makabulahang layunin at makatrabaho ang
mga taong matagal ko nang hindi nakakasama at
mga taong ngayon ko lang nakasama. Taos- puso
akong nagpapasalamat sa bumubuo ng UPRCP
na nagtiwala sa akin para maging isa mga direktor,
sa pasensya at pag-unawa ng aking co-director na
si Edwin Quinsayas at ipaabot ang taas kamaong
pagpugay sa lahat ng sumuporta at naging bahagi
ng produksyon na naglaan ng kanilang, oras at talento nang walang hinihinging kapalit.
Higit sa lahat, naraming salamat sa ipinamalas na
diwa ng kolektibismo sa loob ng produksyon upang
maging matagumpay ang Nanay Mameng, isang
dula.
Tala mula sa Manunulat
Amanda Socorro Lacaba Echanis
Nanay Mameng, isang inspirasyon
“Hangga’t ako ay may lakas, hangga’t naigagalaw ko ang aking mga paa, hangga’t magagawa kong kumilos,
kikilos at kikilos ako… ang lakas ay nasa ating pagkakaisa!” – Nanay Mameng
Ngayong taon, ipinagdiriwang ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida para ipagdiwang ang kanyang ikawalumpu’t pitong taong kapanganakan. Nananatiling matatag ang kanyang tinig na pinanday ng mahabang
panahon ng pagkilos at paninindigan.
Walang kakupas-kupas, larawan si Nanay Mameng ng masikhay at walang pag-iimbot na paglilingkod sa
sambayanang Pilipino. Patuloy na tumatagos ang kanyang tapang at talas sa kabila nang madalas na panginginig ng mga kamay, pananakit ng likuran, panlalambot ng mga tuhod at pamamanhid ng mga paa. Hindi
siya natitinag sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng kapwa at talaga namang makikita ito sa tuwing nagbibigay siya ng pananalita o kahit maging sa mga simpleng kuwentuhan.
Gintong binhi na maituturing si Nanay Mameng na kung saan man itinanim ay tiyak na magpupunla at aani ng
palay ng pagkakaisa at paglaban. Sinisikap niyang manatiling malakas ang mga bisig para patuloy na maabot
ang malawak na bilang ng mamamayan.
Ang ganitong diwang mapanlaban ni Nanay Mameng ang nagbugsod ng paglulunsad ng isang pangkulturang
parangal at dula para sa kanya noong Marso 2014. Maraming inaning aral at tagumpay ang unang palabas
at tangan ang mga ito, nagpasya ang produksyon na muling dalhin sa entablado ang “Nanay Mameng, Isang
Dula” sa Pebrero 2015.
Katuwang ang mga kasama at kaibigan sa produksyon, bumuo kami ng bagong konsepto at nagsulat ng
bagong iskrip sa kagustuhang higit na pagyamanin at palawakin ang pagsasalaysay sa kuwento ng buhay at
pakikibaka ni Nanay Mameng, dakilang lider-maralita at lider-kababaihan.
Kung magkaroon lamang ng pagkakataon, malawak at malalim na baul ng lakas at talento ang hanay ng mga
maralitang-lungsod. Mga manggagawa sa industriya at serbisyo, mga mala-manggagawa at walang trabaho
ang kalakhan sa mga maralita. Sapagkat hindi sapat ang sahod at trabaho, kinakailangan nilang maghanap ng
anumang mga mapagkakakitaan kagaya ng pagtitinda, paglalaba, pagkakargador, pamamasada at iba pa.
Gayundin, dahil sa kawalan ng mga serbisyo mula sa gobyerno kagaya ng pabahay, napipilitan silang manirahan sa mga pampublikong lupain at sa mga mapapanganib na lugar tulad ng estero, sa ilalim ng tulay, tabi ng
riles at malapit sa tambakan ng basura.
Mahalaga na mabigyan ng puwang ang tinig ng mga maralita at maipakita ang kanilang pagkakaisa at paninindigan kasama ang mga manggagawa, magsasaka at iba pang inaapi at pinagsasamantalahang uri at sektor
sa lipunan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Nasa diwa ng pagkakaisa, ng pagbubuo ng isang komunidad, ng paglahok sa isang kilusan ang iskrip ng
“Nanay Mameng, Isang Dula” dahil ang kuwento ni Carmen, ni Mameng, ni Nanay Mameng ay kuwento rin
ng bawat karaniwang tao, bawat karaniwang maralita.
Halaw sa mga tunay na pangyayari ang kalakhan sa dula na kagaya ng paglaban ni Nanay Mameng sa nakaambang demolisyon sa kanyang komunidad noong Dekada Sisenta, pero may mga bahagi ring buhat sa
imahinasyon katulad ng ibang tauhan sa dula. May lalim at sari-saring representasyon sa buhay ni Mameng
ang bawat isang tauhan—lahat upang epektibong makatulong na mabigyang-diin at maitulak pasulong ang
kuwento ni Nanay Mameng.
Kolektibo, bukas sa pag-unlad at pagbabago at positibo ang disposisyong pinagmumulan ng proseso ng pagbuo ng iskrip, kagaya ng buong produksyon. Kolaborasyon ang iskrip mula konseptwalisasyon hanggang
pagsusulat at pagpipinal dito sa tulong ng mga direktor, creative team, mga artista, kasama at kaibigan sa
produksyon.
Sa totoo lang, naisip kong tumigil na muna sa pagsusulat pagkatapos ng ikalawang “Nanay Mameng, Isang
Dula” dahil kagaya ng lahat ng bagay, may mga punto rin ng pagkaramdam ng labis na pagod at hirap sa proseso ng pagsusulat at pagkikinis sa iskrip. Ang daming naglaro sa isip at kinailangang ikonsidera—tumatagos
ba ang kuwento, epektibo ba ang karakterisasyon o nabubulid na ba ang mga tauhan sa istereotayp, nangingibabaw pa rin ba o lumulubog na ang karakter ni Nanay Mameng, malinaw ba ang mensahe, epektibo/tumatama
ba ang mga linya o kaya, tama pa ba ang linya? Pero sa lahat ng mga tanong, dalawa lang ang pinagsikapan
kong mangibabaw—para saan, para kanino? Malinaw na sinasagot ng buhay at landas na tinahak ni Nanay
Mameng, at ng marami pang kagaya niya, ang mga huling tanong.
Ang diwa ni Nanay Mameng ay pagiging simple at totoong tao, ang paglilingkod sa sambayanan, at ang
pag-aalay ng buhay para sa bayan—ang mga ito ang nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon na patuloy na
humakbang pasulong.
Buod ng palabas
Magsisimula ang dula sa isang prologong magpapakita sa taumbayan at sa dalawang Mameng mula sa
magkaibang panahon na pagtatagpuin, pag-uugnayin ng isang nilalang na magiging kaaway nila sa buong
dula.
Ang buong dula ay magaganap isang umaga paggising ni Mameng sa ospital. Makikilala n’ya si Sakit na
pilit s’yang gagapiin at ang kanyang mga paninindigan. Dadalhin s’ya ni Sakit sa iba’t ibang yugto ng buhay n’ya at lilikha ng realidad para s’ya ay manghina hanggang sa s’ya ay mamatay. Pero lalaban si Mameng. Ipapakita n’ya kay Sakit ang realidad mula sa kanya. Buhay n’ya ito. S’ya ang magpapasya. Alaala
n’ya ito, bakit iba ang magdidikta?
Kasama ni Mameng si Carmen. Ang batang s’ya. Pagtatagumpayan ni Carmen ang mga pagsubok na
kakaharapin n’ya- mula sa kanyang pagkabata, sa kanyang pag-aasawa, hanggang sa s’ya ay tumanda.
Kasama n’ya ang komunidad- sina Minda, Dario, Benny, Tonyo at si Mang Gani. Lalaban sila para sa
kanilang karapatan. Ipagtatanggol nila ang komunidad na kanilang pinaunlad.
Pero hindi magpapatalo si Sakit. Mahirap pa rin si Mameng hanggang ngayon. Sabi n’ya, nagdudupangan
ang mga maralita. Pugad ang looban ng mga kriminal. Marami na sa kanilang mga aktibista ang pinatay.
May napala ka ba, Mameng?
Magkakaisa sina Mameng, Carmen at ang mga taga looban. Kailangan nilang magapi si Sakit at ang mga
sakit ng lipunang kanyang kinakatawan.
Saan tayo papanig? Kanino tayo kakampi? Sa wakas, pagbaba ng telon, tayong mga manonood ay hihikayatin ng dula upang magpasya.
Awit Kay Virgilio
Musika Antonio Marceliano Lorenzo B. Palis at Karl Ramirez
Titik Tey Lopez at Edwin Quinayas
Humimlay ka bunsong mahal
Tahan na, bunso kong liyag
Payapain ang isip at damdamin
Tatlong tala ngayong gabi
Kukumutan ka ng awit ng puso
Ang sa ‘ti’y magniningning
Ngayong gabi
Bukas paggising
Munting kislap ang ating daigdig
Yayakapin ng silahis
At tayo ay uuwi sa isang malayang lupain
Sa taas, ang langit nagbabaga sa poot
Sumusuka ng apoy ng digmaan
O bumangon na at ngumiti
Dito sa ligtas na kublian
Ang kawalan ng tinig ating tatapusin
Sariwain mga araw ng galak kay itay
Papag-alabin ang liyab ng katarungan
Payapang ugoy sa himig ni inay
Malayang umaga
Sa labas, nilulunod ng putok ang palahaw
Malayang umaga
Pighati ang ipinanglalamang-tiyan
Malayang umaga
Sa ‘king palad bumubukal ang tatag
Ang sa ati’y naghihintay
Bubusugin ka ng pag-ibig at tapang
Ang mga gumanap
Tess Dioquino..........................Mameng
Tao Aves..................................Carmen
Eshei Mesina...........................Sakit
Jennifer Dabu..........................Sakit
Sheryll Villamor Ceasico.........Minda/ Mameng understudy
Jane Balleta.............................Minda
Ryan Murillo.............................Dario
Alexis Ritual Betito..................Tonyo
Joel Zerrudo II.........................Benny
Nel Estuya................................Mang Gani/ Mariano
Mga Kawani
sa likod ng entablado
Direksyon
Edwin Quinsayas and Noel Taylo
Panulat
Amanda Socorro Lacaba Echanis
Disenyo ng ilaw at teknikal na
direksyon
Katsch Catoy
Katuwang sa ilaw
Kristine Razo Malagueno
Disenyo ng produksyon
Rowena Bayon
Disenyo ng tunog at musika
Toni Muñoz
Disenyo ng Kostyum at
Tagapagasiwa ng props
Francis Icay
Tagapangasiwa
ng produksyon
Mga katuwang na
tagapangasiwa ng entablado
Stephanie Andaya at Rae Red
Mga katuwang sa kostyum
Lei Calvo at Alexx Yuaga
Mga kawani
Jobel Agustin
Hiyas Baldemor Bagabaldo
Tori Fortuno
Tina Ponce
Kevin Evangelista
Erwin Villareal
Harly
Gerone Centeno
Kirk Sanchez
Kervin Doctorr
Dianne De Mesa
BIDYO
Sinag De Jesus
HIyas Baldemor Bagabaldo
Brandon Relucio
Photos
Matinik Hirol
Hiyas Baldemor Bagabaldo
Terence Krishna V. Lopez
Katuwang na tagapangasiwa
ng produksyon
Dana Magcuro
Tagapangasiwa ng entablado
Bonnie Ruiz
Disenyo at Layout
Emil Mercado
Ang mga gumanap
Tess Dioquino
MAMENG
Si Tess ay isang cultural activist at union organizer. S’ya ang kaalukuyang
National Coordinator ng Metal Workers Alliance of the Philippines.
Kasapi rin s’ya ng Tambisan sa Sining,ang grupong kultural ng Kilusang
Mayo Uno. Isa rin s’ya sa mga pioneer members ng grupong Sinagbayan.
Ilan sa mga nasalihan n’yang produksyong teatro ayag Piketlayn ng Bayan
(2000), Hanas (2003), Pilak ang kulay ng pakikibaka (2005), Kalibre 45 at
Nanay Mameng, isang dula noong 2014.
Tao Aves
CARMEN
Si Tao ay isang mang-aawit at kumpositor ng kanta, na paminsan-minsa’y
umaarte sa entablado at pelikula. Kasalukuyan niyang winawakasan ang
hidwaan nila ng kanyang undergraduate tisis sa ilalim ng Public Administration program ng Kalayaan College.
Siya ay miyembro ng Task Force Pride, tutok sa komite para sa komunikasyon.
Eshei Mesina
SAKIT
Nakapagtapos si Eshei sa UP College of Fine Arts sa kursong Visual Communication. Isa s’yang alumnus ng The UP Repertory Company.
Naging bahagi s’ya ng Short & Sweet Manila para sa Death in Ten Minutes
bilang Bill at sa Dulaang UP sa mga dulang Measure for Measure/Hakbang
sa Hakbang ng Dulaang UP bilang Pompey at So Sanggibo A Ranon Na
Piyatay O Satiman A Tadman bilang Ama, kung saan s’ya huling napanood.
Sa kasalukuya’y abala s’ya sa iba’t ibang design projects para sa pelikula,
digital media at print.
Jennifer Dabu
SAKIT
Si Jenny ay nagsimulang umarte noong nasa Kolehiyo pa sa Polytechnic
University of the Philippines bilang myembro ng Dulaang Katig kung saan
s’ya naging bahagi ng mga prduksyong “Nukleyar” at “May isang sundalo”.
Isa s’ya sa mga muling nagtaguyod ng grupong “KAMANYANG” sa PUP at
“Budyong Sining” sa Arellano University. Naging bahagi rin s’ya ng Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan o KARATULA.
Sa maikling panahon ay naging tambay at naki kanta-kanta sa TAMBISAN
SA SINING. Nakikulit sa “WOW MALI” ng ABC5 bilang contributing writer
at talent na nang gu-good time sa mga biktima. Kamakailan lang ay nagemote-emote sa indie film na “Ang Sugarol” at ngayon ay nakikigulo sa
Nanay Mameng, isang dula.
Sheryll Villamor Ceasico
MINDA/MAMENG UNDERSTUDY
Si She o Mommy She o Ma’am She ay isang guro at artista sa telebisyon,
pelikula at entablado.
Sa pelikula, naging bahagi s’ya ng #Y (Cinemalaya 2014), I Do Bidoo Bidoo,
Documentary film on mining, RH Bill advocacy documentary film directed
by Gil Portes, In Absentia (DLSU thesis film, 2014), Looking for Joy (DLSU
thesis film, 2014). Sa telebisyon, naging bahagi s’ya ng Karinderya wars
(segment host, TV5), Byaheng Bulilit (Alaska side trip, segment host, studio 23) at REEL TIME’s episode, “BIRADOR” (QTV 11) at ilan sa mg TV
commercials na naging bahagi s’ya ay ang ALASKA (BENTABOLS bilang
Mommy B), ALASKA (40TH CELEBRATION bilang Mommy B), ALASKA
(BUENAS FAMILIA bilang Mommy B), COKE (100 YEARS CELEBRATION),
ABS-CBN CABLE bilang lead, support at dancer. Naging bahagi rin s’ya ng Alska radio commercial na
BENTABOLS.
Sa entablado, naging bahagi s’ya ng FnL ng PETA bilang Norencia/Flerida/Koro, ADARNA ng Dulaang UP
bilang Reyna Valeriana, Teatro Porvenir ng Dulaang UP bilang Babaylan/Koro, LABAW DONGGON ng
Etablado Ateneo bilang Matan-ayon/Koro, ANG BANOG NG SANLIBUTAN, ERMITA QUARTET: ISANG
SIGLONG SELEBRASYON NI WILFRIDO MA. GUERRERO Dulaang UP Laboratoryo, KALAHATING ORAS
SA ISANG KUMBENTO Mother Superior, SALARIN Tiyang Chedeng, KAILANGAN ISANG TSAPERON
Donya Petra, NANAY MAMENG, ISANG DULA ng KADAMAY at UPRCP bilang Fuschia/Koro, PITONG
SUNDANG: MGA SAYAW sa LUPA at PAKIKIBAKA ng Sinagbayan bilang Dancer, POLDET: PANATA SA
KALAYAAN NG MGA DETENIDONG POLITIKAL ng Free Ericson Acosta Campaign at Alay Sining bilang
Dancer, TO HEAT YOU UP AND COOL YOU DOWN ng Sipat Lawin Ensemble bilang Onie, HIGIT PA DITO,
Directorial Finals under Jose Estrella bilang Bing, OUR LADY OF ARLEGUI, Directorial Finals under Jose
Estrella bilang Anisah, MAPAGBIRONG HAPLOS Stage Manager CCP’s Virgin Lab fest 10 MALAPIT MAN,
MALAYO RIN ng PETA lab bilang Stage Manager.
Jane Balleta
MINDA
Si Jane ay kasalukuyang myembro ng Sining-Lila GABRIELA;
Isa s’ya sa Morong 43, ang mga manggagawang pangkalusugan na iligal na
dinakip, tinortyur at kinulong ng sampung buwan noong 2010;
Ilan sa mga produksyong nasalihan n’ya ay ang PolDet, Pitong Sundang,
Maghimagsik at ang Nanay Mameng: Isang Dula noong 2014.
Ryan Murillo
DARIO
Si Ryan ay isang aktibista. Artista. Manggagawang Pangkultura. S’ya ang
road manager ng bandang Talahib. Kasapi rin s’ya ng grupong Sining Bugkos.
Freelance actor din s’ya sa pelikula, telebisyon at teatro. Minsan ay stage
manager, minsan ay sa art department naman.
Nagsimula s’yang mag-teatro noong taong 2000. Naging Artista ng Taon
2001 sa Teatro Pilipino sa Fort Bonifacio High School.
Alexis Ritual Betito
TONYO
Estudyante mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagsimulang
malulong sa Teatro simula nung High school pa lamang. Artistang guro mula
sa PETA at nakasama na sa iba’t ibang pagtatanghal na makabayan. (Edi
wow) Nakapagpadaloy na rin ng iba’t ibang palihan. Masayang umaapak sa
entablado at balot ng ilaw para linlangin at kalimutan ang realidad mula sa
entablado ng totoong buhay.
Joel Zerrudo II
BENNY
Si Joel o Jojo ay kasapi ng KADAMAY at ng grupong kultural nitong Sining
Kadamay.
S’ya ay naging bahagi rin ng Nanay Mameg, isang dula noong 2014.
Nel Estuya
MANG GANI
Bilang isang mandudula, si Nel Estuya ay nagsimula at nahasa sa entablado ng UP Dulaang Laboratoryo kung saan naging bahagi siya ng mga
produksyon tulad ng Ang Reyna at Ang Mga Rebelde, Trabaho Soliloquies,
at Tagsibol. Naging parte siya ng Tatlong Maikling Dula ni Severino Montano
ng UP Playwrights Theatre at Teatro Porvenir ng Dulaang UP. Aktibo rin
ang kanyang partisipasyon sa ibang media tulad ng telebisyon (Honesto ng
ABS-CBN, Demolition Job ng TV5), pelikula (Pedro Calungsod, Foreigners,
Heneral Luna), short films at commercials bilang isang voice talent. Kamakailan lang, napili siya ng National Historical Commission of the Philippines
na gumanap bilang Apolinario Mabini sa mga educational AVPs na nilikha
para sa pagdiriwang ng sesquicentennial anniversary ng dakilang bayani. Si
Nel ay isa ring guro, mananayaw at creative director ng kanyang production
team Blue Mirage.
Ang mga kawani
sa likod ng entablado
Mga Direktor
Edwin Quinsayas
Si Edwin ay kasalukuyang myembro Art Action Network, isang organisasyon
ng mga artista na nakikiisa at naglalayong paglingkurin ang kanilang sining
sa mga adbokasiya ng iba’t ibang aping sektor. Kasapi rin s’ya sa Chameleon Dance Theater.
Nakapagsanay s’ya ng directing sa Sipat Lawin Ensemble Directing Laboratory 1 and 2; Acting in musical theater sa Tanghalang Pilipino; Playwriting,
stage acting, creative movement, stage directing at production management
sa Philippine Educational Theater Association (PETA), Concerned Artists of
the Philippines (CAP) at Tag-Ani Theater Collective; Contemporary dance
sa Dancing wounded dance commune at E-dance company; Voice kay Dr.
Felipe de Leon Jr. at acting kay Ishmael Bernal, National Artist for Cinema.
Ilan sa mga produksyong kanyang kinabilangan ay ang unang Nanay Mameng, isang dula
(2014; Direksyon at Koreograpiya), Pitong Sundang ng Sinagbayan (2012-2013 sa UP Diliman, PUP-Sta.
Mesa, Ateneo De Manila University; Direksyon at Koreograpiya), Sinturon, Manika at Rosaryo ng Association for the Rights of Children in Southeast Asia (2011 sa Italy; Direksyon), Leksyon sa Eleksyon ng Miriam
College (2010; Panulat at Direksyon) at Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata (2009 sa UP Theater;
Aktor at Koreograpiya).
Jose Maria Emmanuel “NOEL” C. Taylo
Si Noel ay isang freelance theater artist, playwright, indie filmmaker, band
member, facilitator, production & stage manager, event & stage director. Isa
s’yang cultural worker, stage actor, founder ng TALAHIB world music band at
founding chairman ng TUBAO Dance Theater Collective.
Pormal s’yang nagsanay sa UE Drama Repertory Company. Nakapagtrabaho na rin s’ya sa PETA, Tanghalan ng Maralitang Tagalunsod, Asian Council
for People’s Culture, BUGKOS (national center for people’s art and culture)
and SINING-BUGKOS NCR. Naging aktor, stage manager and production
manager s’ya sa iba’t ibang produksyon ng TANGHALANG PILIPINO. Lumabas na rin s’ya sa ilang mga palabas sa TV bilang aktor at sa mga pelikulang
tulad ng Tukso (2008), Requime at Pasahero, isang 2012 cinemalaya finalist,
at ilang mga maiikling pelikula.
Ang maikling pelikula n’yang KWARTO ay nanalo ng special jury prize sa cinemalaya noong 2006. S’ya ang direktor ng DUTDUTAN (isang taunang tattoo
expo sa Pilipinas) mula 2005 hanggang 2013 at sa PILIPINAS INKED 2014 kung saan s’ya ang event
direktor sa tatlong magkakasunod na taon.
Manunulat
Amanda Socorro Lacaba Echanis
Si Amanda ang kasalukuyang Executive Director of the Urban Poor Resource Center of the Philippines at Project Coordinator ng Cinemaralita: A
Film Festival About the Philippine Urban Poor.
Nagtapos s’ya sa Philippine High School for the Arts, major in Creative Writing at nag-aral ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa University of the
Philippines-Diliman.
Disenyo ng Ilaw at Teknikal na Direksyon
Katsch Catoy
Si Katsch Catoy ay deputy director ng Theater Operations Department ng
Cultural Center of the Philippines (CCP) sa loob ng 17 taon hanggang 1994.
Kabilang sa kanyang “designology” ay ang mga produksyon sa ilalim ng
mga mayor na dance companies sa Pilipinas na nagdala sa kanya sa mga
bansa sa Asya, Europa, at North at South America. S’ya ang nag-ilaw sa
2008-2009 season ng Ballet Philippines (BP), habang sina Maxie Luna III at
Alan Hineline ang mga artistic directors. Naging resident lighting designer
din s’ya ng BP mula 1979 hanggang 1998. S’ya ang nag-ilaw sa Sayaw,
Sabel ni Agnes Locsin pagkatapos n’yang manalo noong 2009 sa Gawad
Buhay para sa Outstanding Lighting Design para sa Neo-Filipino ng Ballet
Philippines.
Disenyo ng Produksyon
Rowena Bayon
Si Wena ay myembro ng UP Multisectoral Alliance. S’ya ay cultural activist at kasapi ng Alay Sining. Ilan sa mga nasalihan n’yang produksyon ay
Monumento, Samar, U.Ave, PolDet, Pitong Sundang at Nanay Mameng:
Isang Dula.
Kabilang rin s’ya sa Art Action Network, isang organisasyon ng mga artista
na nakikiisa at naglalayong paglingkurin ang kanilang sining sa mga adbokasiya ng iba’t ibang aping sektor.
Disenyo ng Tunog at Musika
Toni Muñoz
Si Toni S. Muñoz ay nakatanggap ng training sa musika mula sa Philippine
High School for the Arts at sa University of the Philippines, College of Music.
S’ya ang gumawa ng musika para sa Prinsipe Munti ng Tanghalang Pilipino
at Time Stands Still ng Red Turnip. Nakagawa na rin s’ya rin ng musical
scoring sa ilang mga pelikula tulad ng Amor Y Muerte at Bahay Bata, kapwa
mga full-length na pelikula at mga kalahok sa Cinemalaya Film Festival.
Nakapag-compose na rin s’ya ng musika para sa mga dance recitals at
festivals gaya ng Sa Kamalig ng UP Dance Company. Tumutugtog rin s’ya at
nag-a-arrange para sa Brigada, isang percussion ensemble. Mahilig kumuha
ng mga larawan si Toni.
Disenyo ng Kostyum at Tagapangasiwa ng Props
Jose Francis “Icx” Icay
Si Jose Francis “icx” Icay ay isang production designer, art director at prosthetics artist sa local indie film scene. Ilan sa mga pelikulang naging production designer s’ya ay ang EDSA XXX: Nothing ever changes in the ever
changing republic of ek-ek-ek at “Ang mga Kidnapper ni Ronnie LAzaro.”
Naging bahagi rin s’ya ng multi-awarded na pelikulang “Norte: Hangganan
ng Kasaysayan” bilang prosthetics artist at myembro rin s’ya ng TRANSIENT ART COLLECTIVE na isang installation artists group.
Hairstyling at Makeup
Elvira Baldomero-Bueta
Si Elvie ay theater artist/director, facilitator, commercial and tv actor at
makeup artist.
Naging kasapi s’ya sa PETA (Philippine Educational Theater Association)
noong 1990 at Tubao Dance Theater Collective noong 1993. Naging Entertainment Officer din s’ya sa Friday’s Resort Boracay at Entertainment consultant ng El Nido Resorts Palawan. Ngayon ay nakapokus s’ya sa makeup
at styling.
Tagapangasiwa ng Produksyon
Terence Krishna V. Lopez
Si Tey ay kasalukuyang staff ng Urban Poor Resource Center of the Philippines at kasapi ng Art Action Network na binubuo ng mga artistang nais
ibahagi ang kanilang sining para sa sa adbokasiya ng mga aping sektor.
Nagsimula ang pag-ibig n’ya sa teatro at pagtatanghal mula pa nang s’ya’y
nasa elementarya.
Ilan sa mga produksyong naging bahagi s’ya ay ang unang Nanay Mameng,
isang dula (2014; Tagapangasiwa ng Produksyon), Pitong Sundang (20122013; aktor at mananayaw), Sinturon, Manika at Rosaryo para sa Association for the Rights of Children in SouthEast Asia (2011; Konsepto at Katuwang na Direktor) at Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata (2009;
Mananayaw). Madalas ding magtanghal para sa iba’t ibang aktibidad at
adbokasiya si Tey, minsan mag-isa, madalas ay kasama ang kanyang kabiyak na si Edwin. Nakapagtapos
s’ya ng GYM FOR THE HEART: Performance Workshop 1 at 2 sa Theater-In-A-Backpack ng Sipat Lawin
Ensemble nitong 2014 sa tulong ng mga kaibigan n’ya mula sa Luzon Visayas at Mindanao na “nagpatakpatak” para sa kanyang registration. Malaki ang naibigay sa kanya ng workshop para lalo pang tuklasin
ang “hangganan” bilang artista.
S’ya ay manunulat, manlalakbay, mangigibig, anak ng Sierra Madre, dating merman, third world boheme.
S’ya rin ay organizer at curator ng free film screening and conversations program na Cinema Is Incomplete
at ng Bohol Cineastes.
Katuwang na Tagapangasiwa ng Produksyon
Dana Magcuro
Si Dana ay nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman at ngayon ay nagnanais na muling mabalikan ang saglit na naiwang kursong Masters in Community Development kapag nabigyan ng mas
maraming oras (dahil tumatanda na siya at bumibilis ang oras. Mehganon)
Sa kasalukuyan ay abala siya sa pagtatrabaho at sa pagpupumilit na
matuloy ang pagmamahal niya sa ~Arte at Literatura~ o sa madaling sabi
umaAhrt. Naging kabilang siya sa ilang maiiksing pelikula gaya ng Bitiw (na
gawa ng bespren niya. HI NIN),Dung-aw, Paghilom, at Cache Memory. Napasali rin siya sa mga produksyon gaya ng Pitong Sundang, unang Nanay
Mameng, isang dula at sa kasalukuyan ay sa muling pagsasaentablado nito.
Mataas din ang pag-asa niyang magtuloy-tuloy at mas mapalakas pa ang
bagong grupong kinabibilangan niya na Art Action para naman more AHRTZZ.
Stepahnie Andaya
Kontraktwal. Na-endo. Unemployed.
Tagapangasiwa ng Entablado
Bonnie Ruiz
Si Bonnie ay isang part-time quality assurance staff at kasalukuyang kumukuha ng Education units para sa LET. Myembro s’ya ng Sinagbayan UP
noong 2010-2013, naging Tagapangulo s’ya noong 2012-2013 at kasalukuyang myembro ng SInagbayan National. Naging myembro rin s’ya ng Center
for Nationalist Studies sa UP mula 2003-2005 kung saan ay naging Propaganda Committee Head s’ya. Naging fellow rin s’ya ng Langit Writers and
Publishing Group mula 2013-2014. Bahagi rin s’ya ng Art Action Network.
Ilan sa mga produksyong nasalihan n’ya ay ang Pitong Sundang na
itinanghal ng Sinagbayan sa University of the Philippines, Polytechnic University of the Philippines at Ateneo De Manila Univesity (2012-203; Stage
Manager at mananayaw) at Nanay Mameng, isang dula noong 2014 bilang
SM.
Katuwang na Tagapangasiwa ng Entablado
Rae Red
Si Rae Red ay nagtapos ng kursong BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino.
Naging fellow siya sa Palihang Rogelio Sicat noong 2009, Pandayan Sa Dula
o Pasadula noong 2010, at MANDUDULA noong 2012. Ang kanyang dulang
pinamagatang “Kawala” ay tinanghal sa Virgin Labfest 7 noong 2011 at 2012
sa Virgin Labfest 8
Mga Katuwang sa Kostyum
Lei Calvo
Si lei ay Nanay ng dalawang bata. Naging Miyembro ng Rizal District Chorus, Isang Acapella Theater Group sa Rizal noong High School. Myembro
s’ya ng Siling Lila at Salinlahi cultural group.
Naging Bahagi na rin sya ng Produksyong “Maghimagsik: Bonifacio@150”,
at Gumanap bilang Kunsensya sa Nanay Mameng Isang Dula. Bahagi rin
sya ng Produksyong, “Kabataang Makabayan: Paglingkuran ang Sambayanan!” bilang Costume Designer.
Alexandra Pauline S. Yuaga
Si Alexandra Pauline S. Yuaga o mas kilala sa mga katawagang Alexx,
Pau, Yugs, Yuags, Pauline at Ayesha ay kasalukuyang isang mag-aaral ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Bachelor of Science in
Accountancy.
Unang pumasok sa mundo ng teatro noong siya ay nasa hayskul sa ilalim
ng grupong Hiblang Sinag na nagsilbing kanyang pangalawang pamilya.
Dito nahasa ang kahiligan nya sa pagsayaw at pagtuklas sa iba pang porma
ng sining. Natutong kumanta, maging makapal ang mukha, umarte, magdesign, maging creative at iba pang kaalaman sa sining. Madalas siyang
nagiging bida sa mga liturgical dances na ginagawa ng kanilang grupo at
madalas ding choreographer ng grupong ito.
Ilan sa mga produksyong kanyang nasalihan at napagbidahan sa ilalim ng grupong ito ay ang “Bodong”,
“High School Musical”, “Upuan”, at FMM@100. Pagkatapos ng hayskul ay sumali si Alexx sa Philippine
Educational Theater Association-Metropolitan Teen Theater League (PETA-MTTL) at sa ngayon ay isang
artist-teacher. Bilang isang artist-teacher, siya’y hindi lamang nagpapalabas ngunit nagbabahagi din ng
mga kaalaman at adbokasiya sa pamamagitan ng teatro. Ilan sa mga produksyon nya ay ang “Boto-Boto
Pick”sa ilalim ng PETA-MTTL, “Maryosep”, “Nasaan si Jonibeth”, “Padayon” sa ilalim ng PETA at “Pitong
Sundang” sa ilalim ng Sinagbayan. Siya din ay gumanap na “Konsensiya” sa unang palabas ng “Nanay
Mameng, isang dula”.
COUNCIL FOR HEALTH AND DEVELOPMENT
Art Action Network
S
E
R
V
I
C
E
S
report
report
lSannual
l annual
l book
l book
lEbrochure
l brochure
card card
l business
l business
lRcalendar
l calendar
l catalogue
l catalogue
V
printing
printing
l digital
l digital
material
material
l election
l election
I
l envelop
l envelop
lCflyers
l flyers
l forms
l forms
lEinvitation
l invitation
l label
l label
lSletterhead
l letterhead
l magazine
l magazine
l newsletter
l newsletter
O
O
F
F
F
F
l receipts
l receipts
E
certificate
certificate
l stock
l stock
E
l notebook
l notebook
l poster
l poster
l publication
l publication
pvc id
l pvclid
l sticker
l sticker
R
souvenir
program
souvenir
program
l
l
R
E
E
D
D
l tarpaulin
l tarpaulin
l tabloid
l tabloid
book book
l year
l year
1
1/25/2015 1
Band rehearsals and Recording studio ;
Unit 101, #137 Matatag St., Brgy. Central, Diliman QC;
CONTACT 09088198010)
Donors
Sarah Salazar
Iggy Rodriguez
Sen. Cynthia Villar
Sen. Grace Poe
Rep.Carlos Padilla
Danica Castillo
Raya Mallari Ambion
Mixkaela Villalon
Kian Vicera
Janine Dimaranan
Mariel Flores
Daena De Guzman
Kim Garcia
Lori Navida
Margaret Yarcia
Joel Garduce
Ed Arguelles
Klea Cunanan
Nica Castillo
Jennifer Dabu
Mavi Deocampo
KARAPATAN
England Hidalgo
Iggy Rodriguez
Renz Baluyot
Ina Alleco Silverio
Pasasalamat
Boho Sarapsody
Me Love You Long Time
Tomato Kick
Taas Café
RedVerb
Risa Jopson
Adjani Arumpac
Brandon Relucio
Tom Estrera III
Angge Santos
Lomel Buena
Koyang Jess Santiago
Ericson Acosta
BLKD
SIKLAB
Gold Villar
Sining Bugkos
Meila Romero-Payawal
JK Anicoche
Clyde Enriquez
Pink Cow
Pol Belisario
Apauls and Sophia Tejada
Ania Sabine
Toni ni Jenny
Marnie Giron
Julie Pacanas
Dr.Juan A. Perez III
Adraneda Family
AnakPawis Partylist office of Rep Fernando Hicap
Onin Tagaro
Ferdinand Candelaria